Share

Chapter Two

Author: Shanelaurice
last update Last Updated: 2023-11-05 21:07:10

"Dumating ka rin sa wakas. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nga, may nakita ka ng chikababes sa bayan kaya inindiyan mo na ako. Bakit ba ang tagal mong bumalik?"

Tanong ng lalakeng napagtanungan niya sa lalakeng tumulong sa kanya.

Hindi ito sumagot. Nanatili lang ang mga mata sa kanya. At napansin iyon ng kaharap.

"Ah, papunta sana sa Isla. Kaso naiwan ng bangka. Na-lobat rin ang cellphone. Inaalok kong gamitin niya ang cellphone ko para tawagan yung kaibigan niya, pero sa malas hindi niya memoryado ang numero."

"Sa Isla Paraiso pala ang punta mo?"

Inignora nito ang sinabi ng lalakeng kaharap at itinuon ang pansin sa kanya.

"Taga roon ba ang sinabi mong kaibigan mo?"

Nakagat niya ang labi saka kiming ngumiti.

"Ahm, Oo. Pero gaya ng nakita mo, naiwan na ako ng bangka. Kaya bukas na siguro akong--"

"Teka, magkakilala kayo?"

Kapwa sila bumaling sa lalakeng nagsalita. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa lalakeng katabi niya. Hindi siya sigurado, pero parang may multo ng ngisi sa gilid ng labi nito.

"Siya ba ang dahilan kaya matagal bago ka nakabalik?" Tanong ulit nito. Mas lalong nadepina ang ngisi.

Nagtaas siya ng kilay. Sa uri ng ngisi nito, parang alam na niya kung ano ang nasa isip nito.

"Siya nga..." Sagot ng lalakeng katabi, pagkunwa'y nilagpasan sila. "Pero hindi gaya ng kung ano mang pumapasok diyan sa kukote mo. Naisakay mo na ba ang lahat ng mga dala natin?" Tanong nito habang papunta sa isang bangkang nasa pangpang.

Saglit pa siyang minasdan ng lalakeng kausap nito, bago sumunod rito.

"Oo, kumpleto na ang lahat ng iyan. Ikaw na lang talaga ang hinihintay."

Tumalikod na siya. Hindi na siya dapat tumunganga pa doon. Obvious namang balewala siya sa lalakeng tumulong sa kanya.

Nilubos na nito ang tulong sa kanya kanina, at hanggang doon na lang talaga iyon.

Binitbit niya ang kanyang bag at nagsimulang humakbang. Kailangan pa niyang mag-charge at maghanap ng matutulugan sa bayan.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil siya sa paghakbang. Siya ba ang tinatanong nito?

She turn her head. Nakita niyang nakasampa na ito sa bangka, but he is looking at her, kaya napagtanto niyang siya nga ang tinanong nito.

"Gaya ng narinig mo sa kasama mo, naiwan ako ng bangka. Hindi na ako makakapunta ng Isla Paraiso ngayon. Kaya babalik nalang ako sa Bayan para doon maghanap ng matutulugan ngayong gabi."

Minasdan siya nito pagkunwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Sumabay ka na sa amin."

Ikiniling niya ang ulo. Did she heard it right? Ibig sabihin...

"Papunta kayo ng Isla Paraiso?" Tanong niya. Biglang-bigla parang umawit ang mga anghel sa langit.

Nagkibit ito ng balikat. "Oo. Kaya kung gusto mong sumabay, halika na. Nagsisimula ng tumaas at lumakas ang mga alon."

Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi.

Nang makita niyang kinakalas na ng kasama nito ang tali ng bangka ay mabilis niyang tinakbuhan ang pagitan nila. Kung magpabagal-bagal siya, baka iwan siya ng mga ito.

Humihingal siyang nakarating sa pangpang kung saan ang mga ito.

"Hindi mo naman kailangan tumakbo."

Sabi nito, pero inabot naman ang kamay sa kanya para siya alalayan.

"Baka kasi iwan ninyo ako kapag hindi ako nagmadali." Nakanguso niyang sagot na nagpataas ng kilay nito.

Isang ngiti ang nakita niyang sumilay sa gilid ng labi nito. Unti-unti, ang ngiting iyon ay naging bahaw na tawa.

Nagtatakang tiningnan niya ito, para lamang matulala sa nasilayan. He has perfect set of teeth. God, wala na bang kapintasan ang lalakeng ito pagdating sa panlabas na anyo?

At ang paraan ng pagtawa nito, bakit tila iyon nang-aakit? And she can't help but to slowly fall for it.

Hindi pa man siya nakakasampa ng tuluyan sa bangka ng hampasin iyon ng alon. Hindi niya iyon napaghandaan. Nawalan siya ng balanse.

"Hey, be careful!"

Isang sigaw ang kumawala sa kanyang lalamunan bago niya mariin ipinikit ang kanyang mga mata ng maramdamang unti-unting bumabagsak ang kanyang katawan. Waiting for her to fall on the cold water.

Pero lumipas nalang ang ilang saglit, hindi niya naramdaman ang lamig ng tubig, bagkus isang mainit na bagay ang naramdaman niyang nasa ilalim ng kanyang katawan. Or is it really a thing?

Mukhang sa katawan siya ng lalake bumagsak!

"Ayos lang kayo?" Narinig niyang tanong.

Unti-unti niyang iminulat ang mga mata at napagtanto niyang nakapatong siya sa ibabaw ng katawan ng lalake. But not in equal position. Nasa bandang sikmura nito ang ulo niya at ang kanyang dib-dib ay nasa pagitan ng... ng hita nito!

Her eyes widened in shocked. Ramdam na ramdam niya rin ang biglang pagsalakay ng init sa kanyang pisngi. Lalo na ng maramdaman niya ang kaumbukan niyon.

Did she felt him pulsating?

Her eyes widened more. Natataranta siyang umalis mula sa ibabaw nito. Ganoon din naman ang lalake natataranta nitong iniwas ang katawan sa kanya at bumangon din.

Malamig na ang simoy ng panghapong hangin, pero ramdam niya ang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Ang kanyang dib-dib ay taas-baba sa dagundong ng tibok ng kanyang puso. Mas lalo iyon nadepina sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa ere.

Naglapat siya ng labi. Pilit na kinakalma ang sarili. Nakatalikod siya sa direksyon ng lalake, sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niyang nakatalikod din ito sa kanya. Kung ano ang reaksyon nito o iniisip ay hindi niya mahulaan.

"Ayos lang ba kayong dalawa? Hindi ba na ano iyang mga ano ninyo?"

Tanong ng kasama nilang lalake na pigil na pigil ang mapatawa.

Her face heated more. Ang lalake naman sa likod niya ay napaungol.

"Paandarin mo na ang makina nang makaalis na tayo." Sabi nito pagkunwa'y naramdaman niyang gumalaw ang bangka, indikasyon na nahimasmasan na ito at tumayo. "Bilisan mo na.." dugtong pa nito ng makitang hindi pa gumagalaw ang kaharap at pilyo lang nakatingin sa kanilang dalawa.

Pinilit na rin niyang umayos. Hilaw ang ngiting dahan-dahan siyang tumayo at tinungo ang upuan sa gilid at tahimik na umupo doon.

"Bilisan mo na.."

"Oo na boss..." Natatawang sabi nito.

Inihakbang nito ang mga paa papunta sa unahang parte ng bangka, pero hindi pa man ay tumigil ito at bumaling muli sa lalake.

"Pero sigurado ka bang okay ka lang? Mula rito, halata ko pa ring--" Inilapit nito ang mukha sa katabi at bumulong pagkatapos ay malakas na tumawa.

Binigyan nito ng headlock ang lalake, na noo'y natatawa namang nagpumiglas.

"Lumalakas na ang alon, bahala ka..." Babala nito.

He let him go. Iiling-iling at natatawa pa rin ito ng dumako sa makina ng bangka.

The man then darted his eyes on her. Nagkunwari naman siyang abala sa pagmashid sa dagat.

<<<<<--->>>>>

Halos isang oras din ang ibiniyahe nila bago sila nakarating sa Isla Paraiso. At kasalukuyan ng nagkukulay kahel ang kalangitan.

"Serene!"

Napa-angat ang kanyang tingin sa pamilyar ngunit nag-aalalang boses na iyon. Sa di kalayuan, kita niya si Emily na tumatakbo papunta sa daungan ng mga bangka.

Malayo man ay halata niya sa mukha ng kaibigan ang pag-aalala.

Halos gusto niya na rin takbuhan ang kanilang pagitan. Ngunit hindi pa tuluyang nakadaong ang sinasakyan nilang bangka.

She saw how Emily halted her step as she darted her eyes on the two men with her. Agad ring kumunot ang noo nito. Pero saglit lang iyon, dahil mas nanaig ang pag-aalala nito at ang galak na nakarating siya ng ligtas.

Sinalubong siya nito ng makababa siya sa bangka at mahigpit na niyakap.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ng makita kong wala ka sa huling biyahe ng bangka? Tapos hindi pa kita makontak. Ayos ka lang ba?"

Tumango siya.

"Pasensiya na hah.. na-lobatt kasi ang cellphone ko kaya hindi kita natawagan."

Binitiwan siya nito at sinipat. And then she saw the wound on her arm na may band-aid ng nakalagay.

"Napaano yang braso mo?"

"Natumba ako nong hablutin ng snatcher yung bag ko. Nagalusan ng konti. Pero huwag kang mag-alala, maliit na galos lang ito. Nalinisan na rin at nalagyan ng ointment."

Tumiim ang bagang nito.

"Put*ang inang magnanakaw na iyon, Kung naroroon ako, pagsasapak-sapakin ko iyon hanggang sa malumpo!" She hissed gritting her teeth hardly. "Mabuti nalang talaga may tumulong sayo at sinamahan ka pa hanggang sa presinto."

'Nilinis niya rin itong sugat ko at pinasakay sa bangka niya papunta rito. And he's right here with me.'

Magugulat kaya ito kapag idinugtong niya iyon?

And thinking about it now, ang laki na pala ng utang na loob niya sa lalake.

Lumingon siya kung saan naroroon ang mga ito. Abala ang lalake sa pag-aayos ng mga dala ng mga ito, habang yung kasama nito ay itinatali ang bangka sa poste ng pangpang.

"Sabihin mo nga, paano mo sila nakilala?"

Hindi niya namalayang sinundan pala ng kaibigan ang kanyang tingin.

Bahagya siyang bumaling. "Kilala mo ba sila?" Bagkus tanong rin niya.

Sa tono kasi nito, parang ganoon na nga.

Nagtaas ito ng kilay. "Ang tinutukoy mo ba si Dylan? Yung pogi?"

Dylan...

Pumak-it agad iyon sa kanyang isipan.

"Walang taga rito ang hindi nakakakilala sa kanya. Kinababaliwan kaya iyan ng mga babae rito at pinagpapantasyahan. Ang pogi kasi, matangkad at macho.."

Bahagya siyang lumapit sa bandang taynga nito.

"Kasali ka ba sa mga babaeng iyon?"

Pilya itong tumitig sa kanya. "Sinabi ko na. Lahat." Kumindat ito. "Ngunit hanggang pantasya lang kaming lahat. Medyo may pagkasuplado kasi iyan si Dylan at tingin namin dito, may girlfriend na iyan."

Ikiniling niya ang ulo.

"Girlfriend?" hilaw niyang tanong.

Ewan niya pero parang may kung ano siyang naramdaman sa dib-dib sa nalamang iyon.

Lungkot? Panghihinayang? Hindi niya alam.

She doesn't even know why she is feeling that in the first place gayong kanina lang sila nagkita at nagkaharap.

Naramdaman niyang siniko siya ng kaibigan. Nang tingnan niya ito, lihim siya nitong sinesenyasan sa harap.

Nang ibaling niya ang kanyang mga mata, nakita niyang papunta na sa kanilang direksyon ang lalake. Sa kamay nito ay ang kanyang duffle bag.

"Your bag." Sabi nito saka inabot iyon sa kanya.

She immediately reach for it. "Ahm, salamat." Sabi niya. "I mean... Sa lahat ng ginawa mong tulong."

Bahagya itong ngumiti bago tumango. "Wala iyon. And since your friend is here," tumingin ito kay Emily. "Mauuna na kami."

Naglapat siya ng labi saka tumango. "Salamat ulit."

Muling bumahid ang ngiti sa gilid ng labi nito bago sila nilagpasan.

Ah, mali yata ang sinabi ng kaibigan na suplado ito. Dahil tingin niya, hindi naman.

"Ahm, sandali!"

Hilaw siyang nakagat ang labi. Huli na para marealized ang ginawa. Kahit si Emily ay napa-angat ng tingin sa kanya.

Tumigil ito at bumaling. Nagtatanong ang mga mata.

Ano nga ba ang dahilan, bakit niya ito pinigilan?

Hell, mag-isip ka Serene...

"Ahm.." she licked her lips. "Ako nga pala si Serene.." Iyon ang lumabas sa bibig niya.

And he smile.

"I know," Paos nitong sabi. "See you around Serene." He gently added before turning his back again.

She was speechless. Kung hindi pa siya kinurot ni Emily, hindi pa siya mahimasmasan.

"Ano iyon? Aminin mo nga.. Type mo rin siya noh?" Hagikhik nito.

"Nagpasalamat lang ako. Kung alam mo lang ang--"

"Anong nagpasalamat? Kanina pa iyon. Ang ginawa mo ngayon lang, nagpakilala ka. 'Ako nga pala si Serene' iyon ang sabi mo noh..

Sus! Palusot ka pa."

She smirked. And then, a naughty smile crossed her lips.

Ini-ankla niya ang braso niya rito habang ang isa ay binitbit ang dalang bag.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung paano mo nakilala si Dylan?"

Naglapat siya ng labi saka ngumiti. Tinahak nila ang pinong bungahin ng Isla.

"Mamaya.. ikwe-kwento ko."

Related chapters

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Three

    "So, sinasabi mong si Dylan ang lalakeng tumulong sayo ng manakawan ka, tapos sinamahan ka sa presinto at ginamot yang sugat mo?" Manghang tanong ni Emily matapos niyang i-kwento kung paano sila nagkita ni Dylan.Marahan siyang tumango. "Inalok niya rin akong sumabay sa kanilang bangka papunta dito. Mukhang mali yung sinabi mo kanina na suplado siya."Nagtaas ang kilay nito."Ang sabi ko, suplado lang siya pagdating sa mga babae. Hindi ko sinabing suplado siyang tao.""Matanong ko lang, dito ba nakatira sa Isla ang pamilya niya?" Makahulugan siya nitong tiningnan. "Hmm... Mukhang interesado ang best friend ko kay Dylan ah. Nagpakilala at ngayon gustong malaman ang background."Ngumuso siya. "Interesado na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?""Ganoon din iyon. Curious ka, kasi interesado ka." Natatawa nitong sabi. "Pero sasagutin ko iyang tanong mo. Hinde. Hindi dito nakatira ang pamilya niya. Ang alam ko, kaya siya naririto dahil nagtatrabaho siya diyan sa Amore Hotel and Resort."

    Last Updated : 2023-11-08
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Four

    "Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka dumaan sa mga batuhang iyan?" Kunot-noong tanong nito na saglit pang idinako ang mga mata sa batuhan sa likuran niya. Mariin siyang naglapat ng kanyang mga labi. Nag-iinit ang kanyang pisngi sa kahihiyan. "Ahm..." Shit! Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya.She bit her lip hardly. "K-Kasi--""By chance, are you trying to get inside the resort by climbing on that rock?" Nananantiya at taas kilay nitong tanong. In his lips was a ghost of smile.Ah, Sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya. She bit her lip again. Ini-angat at ibinaling niya ang mga mata sa batuhan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroon ang hiling na sana magpakita si Emily para tulungan siyang magpaliwanag sa kaharap.Mas madali, at mas hindi kahiya-hiya kung makita nitong hindi siya nag-iisa.But there's no sound from Emily. Mukhang iniwan nga talaga siya nito doon. Ah, she will going to skinned her alive later on."Are you with someone?"Napabaling siyang muli

    Last Updated : 2023-11-15
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Five

    Malayo pa lang ay kita na niya si Emily na palakad-lakad sa labas ng bahay ng mga ito na tila hindi mapakali. Nagtaas siya ng kilay. Kung hindi lang dahil sa katabi ay tinakbuhan na niya ng pagitan nila para sabunutan ito. Iniwan ba naman siya!"S-Serene!" Agad itong inihakbang ang mga paa papunta sa kanya. Ngunit napatigil rin ng makita kung sino ang kanyang kasama."Ahm, may kasama ka pala."Matalim niya itong inirapan.'Humanda ka sa akin mamaya!Hilaw itong ngumiti saka pilit na ibinaling ang atensyon kay Dylan."Magandang gabi, Dylan. Salamat at inihatid mo rito si Serene." Sabi nito. Dylan smile "It's my pleasure to walk her home. You're Emily, right?"Sunod-sunod na tumango ang kaibigan. "Oo. Ikinagagalak kitang makilala." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng maglahad ito ng palad at tanggapin iyon ng lalake."Me too, Emily." Sagot nito saka idinako ang mga mata sa kanya. "It's already late, babalik na ako ng resort."She licked her lips and nodded. "Hmm, salamat sa pagha

    Last Updated : 2023-11-17
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Six

    Kailan ba ang huling pagkakataon na payapa niyang minasdan ang paglubog ng araw na tulad nito? Ah, hindi na niya matandaan. Maybe it was then when she was still in highschool. Kung saan hindi niya pa pasan ang lahat, kung saan malaya pa niyang nagagawa ang lahat.Dahil matapos maatas sa balikat niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin pa ang magliwaliw na tulad nito. Buong oras niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Nakalimutan na niya na may ganitong tanawin sa dakong ito ng mundo."I..It's beautiful." Anas niya. Hindi lamang ang paglubog ng araw ang tinutukoy niya, kundi pati na rin ang kapayapaan na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. And honestly, masaya rin siya na ito ang kasama niya."Yeah, it's really beautiful..." Paos nitong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtantong hindi naman ito nakatanaw sa tanawin sa harap. Nasa kanyang mukha ang tiim nitong mga titig. Realizing that made her swallowed

    Last Updated : 2023-11-20
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Seven

    Wala man kasiguruhan kung saan patutungo itong namamagitan sa kanila ni Dylan ay pikit mata niya pa rin sinuong. She will just savour the moment. She will just grab the opportunity to be with him while she's at the Island. Hindi na niya iyon magagawa kapag nakaalis na siya ng bansa dahil alam niyang magiging abala na siya sa kanyang trabaho kung sakali. Iyon na lamang marahil ang huling pagkakataon na mapagbibigyan niya ang kanyang sarili. Kaya hanggang naririto siya, lulubus-lubusin na niya ang panahon na makasama niya si Dylan. Ah, this intense feeling, this kind of attraction, hindi na niya alam kung mararamdaman niya pa ang ganoon sa ibang lalake. Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang minamasdan ito mula sa mesang kanilang kinauupuan. Wearing a long sleeve white polo with bow tie on his neck, he is gorgeously serving the customers in that bar counter. Sa galaw nito, parang sanay na sanay na talaga ito sa trabahong iyon.Tama nga si Emily, waiter nga talaga ito sa reso

    Last Updated : 2023-11-26
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Eight

    If there's one thing she want to wish now, yun ay ang bigyan pa siya ng maraming oras para makasama si Dylan. Ngunit alam niyang imposibleng matupad ang hiling niyang iyon. Dalawang linggo nalang ay aalis na siya. At dalawang araw nalang ang natitira niya para manatili sa Islang iyon. After two days, kailangan na niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang iba pa niyang kailangan asikasuhin sa kanyang pag-alis.Gaano man katindi ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito, hindi niya iyon pwedeng gawin, dahil sa kanya nakasalalay at umaasa ang magulang niya at mga kapatid. Isa pa, everything is ready and settled. Kaya hindi na siya pwedeng umatras. Hindi niya pwedeng pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso.She already chose her fate. At hindi kasama doon si Dylan.Marahan niyang isinandal ang ulo sa dib-dib nito pagkunwa'y ipinikit ang mga mata. Ang init na hatid niyon ay lalong nagbibigay kurot sa kanyang puso. "Can you hear the fast beating of my heart?" Paos nitong tanong hab

    Last Updated : 2023-11-27
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Nine

    Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay muli nitong kinumyos ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Hindi na ito nag-abalang dalhin pa siya sa kuwarto o kaya kahit doon man lang sa sofa. Basta na lamang siya nitong isinandal sa likod ng pinto saka sinibasib ng halik.He kissed her hard. Forcing her mouth to open. At ng buksan niya iyon ay walang pakundangan nitong ipinasok ang dila nito sa loob. He licked and trace every corner inside. And she can't stop but to moan loudly."Hmm..." Ungol niya saka mahigpit na nangunyapit sa leeg nito.She's been kissed by her boyfriend, her first and last boyfriend from two years ago, but never this intense. Hindi sila dumating sa puntong humantong sila ng higit pa sa hawak at halik.They broke up before they reach that point. And the reason was.. her lack of affection. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ng ex niya dati. She's stiff and cold. They only lasted for five months, he broke up with her.Hindi na siya muling nag entertain ng manlil

    Last Updated : 2023-11-28
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ten

    "Sleep here.." Anas ni Dylan sa kanya habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang pisngi. Sinikop rin nito ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at inilagay iyon sa likod ng kanyang taynga.They are lying on the bed now. Nakatagilid ang posisyon nito at buong lamlam ang mga matang nakatitig sa kanya. After their heated moment on the sofa earlier, sinikop siya nito at binuhat papunta sa kwarto sa ikalawang palapag.Inikot niya ang mga mata sa loob. Malapad iyon. The inside was painted with the combination of Gray and white. There were terrace with glass wall facing the sea. In total, it was definitely a luxury villa. "B-Bakit dito mo ako dinala?" Instead she asked. She is already wondering. Trabahante lang ba talaga ito doon? Nagdududa na talaga siya. But then she saw him being a waiter with her own two eyes."Mukhang mamahalin ang villa'ng ito. Don't tell me, isa rin ito sa pribiliheyo ng resort sa mga empleyado?" Hinaluan niya iyon ng biro. Iyon naman palagi a

    Last Updated : 2023-11-29

Latest chapter

  • Fated to Love You, My Prince   Final Chapter

    Mag-ingat na po kayo sa susunod Papa. Please don't get hurt. Saan pa po masakit? I will blow it for you."Sa bahagyang nakabukas na pinto ay kita niya si Esie na nakatambungaw sa ama partikular sa sugat nito sa noo na noo'y hinihipan na nito. "Masakit pa po?""Hmm.. dito pa sweetheart." Dylan show his bruised right arm. Bahagyang bumaba si Esie sa kama at itinuon naman ang atensyon sa kaliwang braso ng ama. "Here's your medicine Papa." Bitbit ang baso na may lamang tubig at mahihinuha niyang gamot ay patungo ngayon sa kinaroroonan ng ama si Eisier."Oh, thank you Eisier." Umurong si Esie ng bumangon si Dylan para umupo. "Careful Papa.." Napatawa siya ng makitang sinubukan pa itong alalayan ni Esie as if naman kaya nito ang bigat ng katawan ng ama. Even Eisier. Hindi nito binitiwan ang baso ng tubig at ito na mismo ang nagpainom sa ama as if hindi nito kayang hawakan at iangat ang baso."Hmm.. feel na feel ah.." pigil na pigil ang tawa na pumasok siya. They all darted their eyes

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Nine

    Ihahatid na kita sa labas." Nakangiting salubong niya kay Jervis ng makitang palabas na ito sa pinto ng study room.After seeing Eisier and Esie, Dylan requested to talk to him in the study room. Kung ano ang pinag-usapan ng dalawa ay wala siyang ideya."Are you sure?" taas kilay nitong tanong. "Baka ipabugbog ako ni Prin- I mean ni Dylan sa mga bodyguard ninyo kapag nakitang inihahatid mo ako."Ikiniling niya ang ulo."He's a possessive and jealous man. I have this feeling that he'll tear every men he'll see talking to you. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal mo siya. That attitude of him is really awful." Iiling-iling nitong sabi. But then a plaster of amusement was written at the corner of his lips.Alam niyang hindi ito seryoso sa mga sinasabi. Dahil nang magsimula itong bumaba sa hagdan at sumunod siya, hindi naman siya nito pinigilan.Nagkibit siya ng balikat kapagkuwan at sinagot ito. "Well, may kasabihan na bulag ang pag-ibig." She chuckled. "I guess that a

  • Fated to Love You, My Prince   chapter Ninety Eight

    News of what happened spread like wildfire after what happened. Nagulat nalang sila na puno na ng media ang buong hospital. Cameras are everywhere as they step outside. Kanya-kanyang kuha ng mga litrato, kanya-kanyang kuha ng video. Magulo, maingay at maraming ibinabatong tanong. Nagkakagulo hindi lang dahil sa nangyaring insidente, kundi higit dahil sa nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkatao ni Dylan.Kung noon nagawa pa nilang patahimikin ang media sa nangyaring muntikan ng pagkidnap kay Eisier, ngayon, alam nilang malabo ng mangyari iyon. Hindi niya pa man nabubuksan ang kanyang social media accounts, alam na niyang pinagpipyestahan na ng buong bansa-- no-- marahil ng buong mundo ang nangyari. At sa mga sandaling iyon ay kinakalkal na ng lahat pati ang kani-kanilang mga personal na buhay at mga pagkatao.Dylan heave a sigh and look at her with those tired eyes. Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit."Let's go home." Anas niya. They need to get out of here. Kailangan nitong

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Seven

    Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang sa pinto ng kwartong iyon ay tinakbuhan na niya agad ang pagitan nila ng taong nakaupo sa kama. Nang makalapit ay agad niya itong niyakap ng mahigpit."Wo..wo.." sabi nito habang nasa ere ang magkabilang kamay. Mababakas sa boses ang mahinang pagtawa.Suminghot-singhot siya. She didn't say a word. Basta niyakap niya lang ito ng mahigpit.He chuckled. "I didn't die in that crash, pero mukhang mamatay naman ako sa sakal. Hindi na ako m-makahinga sweetheart. And my arms is hurting already."Hindi pa rin siya nagsalita. Niluwagan niya man ang pagkakayakap rito, ngunit hindi niya pa rin ito binitiwan. Instead she burried her face on his neck to suppress her cries. She was so scared. Katunayan hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.Naramdaman niya ang paglapat ng mga braso nito sa kanyang likod. Sa pagkakataong iyon ay ito na ang yumakap sa kanya. He caress her back gently."Shh... Stop crying. I'm fine. And its ov

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Six

    "Call me after you're done with their orders. Susunduin kita rito, okay?" Sabi sa kanya ni Dylan ng makababa siya sa sasakyan nito. Hawak nito ang pinto ng SUV na binuksan nito para sa kanya sa harap ng flower shop.Matapos ang dalawang araw na pagliban, pumasok na siya sa araw na iyon dahil may mga order na bulaklak silang dapat asikasuhin para sa isang gaganaping event."You don't have to, sa kanila nalang ako sasabay mamaya." sagot niyang sabay dako ng tingin sa paparating na isa pang SUV. Ang sinasakyan ng itinalaga nitong mga bodyguard niya. Alam niyang marami rin itong aasikasuhin sa trabaho nito dahil tulad niya ay lumiban din ito ng ilang araw.She heave a sigh as she watch the bodyguard's car coming. Sa totoo lang, hindi talaga siya kumportable na may nagbabantay sa kanya. Kahit na sabihing sa labas lang naman ang mga ito at malayo sa kanya, still, it was really uncomfortable. Pero wala siyang magawa. Dylan insisted. "No, sweetheart. I'll fetch you. Kung hindi nga lang imp

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Five

    "God, I miss you.. I miss this so much Serie.." Hinihingal at paos na bulong ni Dylan habang pababa ang labi sa kanyang katawan. Mula sa kanyang taynga ay tinahak niyon ang kanyang leeg, ang kanyang balikat pababa sa puno ng kanyang dibdib.He planted small kisses around her breasts. He did that with all the gentleness in his eyes. Ganoon din ang hawak nito. Napakarahan na tila isa siyang babasaging kristal na sobra nitong iniingatan."I love you. I love only you.." Kasabay ng mga mumunti nitong mga halik ay patuloy nitong bulong. Mariin siyang napakagat-labi kasabay ng pagdako ng tingin rito. Dim ang ilaw sa bahaging iyon ng living room, magkagayon man ay malinaw niyang nakikita ang ginagawa nito sa kanyang katawan. Ang pagdampi-dampi ng labi nito sa paligid ng kanyang dibdib, ang ngayo'y unti-unting paggapang ng kamay nito pababa sa kanyang puson, at higit sa lahat kitang-kita niya ang hubad na sarili na malaya nitong pinagpipyestahan ng tingin sa sandaling iyon.She knew it's no

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Four

    As she is sitting on that cold lonely living room waiting for him to come home, she can't help but to reminisce everything that happened in the past. Napakarami nilang pinagdaanan ni Dylan. Mga masasaya at mga masasakit. Their love story ever since was a roller coaster ride. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, hindi na siya umasa na magkakaroon pa ng pangalawang pagkakataon para sa kanila. But fate always bring them together. It always has its ways when she thought that it was really imposible for them. Ang tadhana ang naghahanap ng paraan para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-ibig.Tulad nalang ngayon, ginamit nito si Ali para maliwanagan ang kanyang isip. She always has this phobia when it comes of opening her heart again to Dylan, takot siya at puno ng pangamba. But after talking to Ali, after hearing everything from him, nawala parang bula ang lahat ng takot niya at alinlangan. Hindi na niya lalabanan ang itinakda ng tadhana para sa kanila. Ali was right, it's her turn to

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Three

    Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan matapos na makita ang oras sa screen ng kanyang cellphone.Mag-aalas diyes na ng gabi. And she was there lying with her eyes wide open. Habang himbing ng natutulog ang kambal sa kanyang tabi, siya ay kanina pang hindi makatulog ano mang pikit ang gawin niya. How can she sleep if her mind was not at ease? Kanina pa iyon hindi mapakali. She keeps looking at the empty space of the bed beside Esie. At mula doon ay muli na naman niyang titingnan ang kanyang cellphone. Dalawang bagay ang tinitingnan niya doon, ang oras o kung may message na ipinadala si Dylan.But there's none. The last message she received from him was before seven, telling her that he'll be late at mauna na silang mag hapunan ng mga bata.Magtatakip-silim ng umalis ito. Umalis matapos makatanggap ng isang tawag. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung sino o kung tungkol saan ang tawag dahil nagmamadali na itong umalis. Alam niyang may hi

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Two

    Dahil sa nangyari kay Eisier, napilitan silang doon na muna tumira sa bahay ni Dylan. Hindi na siya tumutol ng imungkahi iyon ng binata sa kanila dahil kahit ang kanyang Inay at Itay ay iyon din ang iminungkahi.She agreed too because she knew that it was the safest place for the twins. Dylan hired more security. Triple sa nauna na nitong mga kinuha. Magkagayon man, hindi pa rin panatag ang loob niya. Kahit nahuli na at ngayon ay nakakulong ang suspect, naroroon pa rin ang matinding takot sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil alam niyang hindi ito ang tunay na salarin. The real suspect is still at large at alam niyang naghihintay lamang ito ng pagkakataon. "Are you sure that it was her?"Napahinto siya sa pagpasok sana sa study room ni Dylan ng mula sa labas ay marinig ang boses nito. Kung sino ang kausap nito sa loob ay wala siyang ideya. "We are very sure Dymitri. Her name is on the list of the arrived passenger dated August 6 2024. That was one week ago. Dumating siya rito ng alas o

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status