Share

Chapter Three

Author: Shanelaurice
last update Huling Na-update: 2023-11-08 20:46:35

"So, sinasabi mong si Dylan ang lalakeng tumulong sayo ng manakawan ka, tapos sinamahan ka sa presinto at ginamot yang sugat mo?"

Manghang tanong ni Emily matapos niyang i-kwento kung paano sila nagkita ni Dylan.

Marahan siyang tumango. "Inalok niya rin akong sumabay sa kanilang bangka papunta dito. Mukhang mali yung sinabi mo kanina na suplado siya."

Nagtaas ang kilay nito.

"Ang sabi ko, suplado lang siya pagdating sa mga babae. Hindi ko sinabing suplado siyang tao."

"Matanong ko lang, dito ba nakatira sa Isla ang pamilya niya?"

Makahulugan siya nitong tiningnan. "Hmm... Mukhang interesado ang best friend ko kay Dylan ah. Nagpakilala at ngayon gustong malaman ang background."

Ngumuso siya. "Interesado na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?"

"Ganoon din iyon. Curious ka, kasi interesado ka." Natatawa nitong sabi. "Pero sasagutin ko iyang tanong mo. Hinde. Hindi dito nakatira ang pamilya niya. Ang alam ko, kaya siya naririto dahil nagtatrabaho siya diyan sa Amore Hotel and Resort."

She ceased her brows.

"Yung resort na inaplayan mo?"

"Oo."

"Ang pagkakaalam ko, waiter siya doon."

Tumango-tango siya. Natahimik.

"Huwag kang mag-alala, oras na magtrabaho na ako doon, ilalakad kita sa kanya. Magpaparaya nalang ako since kaibigan kita. Kakalimutan ko nalang ang feelings ko. Tingin ko rin naman kasi, interesado siya sayo eh. Isa pa, Ayokong best friend ko ang magiging kaagaw ko sa pag-ibig." Pinalungkot nito ang boses.

Natatawa niya itong tinampal. "Baliw!"

"Emily, Serie.. Pumasok na kayong dalawa, maghahapunan na tayo."

Mula sa labas ay narinig nila ang boses ni Aling Salve. Ang nanay ni Emily.

Nagkatinginan sila ng kaibigan. Maya-maya ay nag-uunahan na sila sa pagpasok. Kapwa na tumatawa habang nag-uunahan rin sa paghila ng mauupuan.

"Kuu.. kayong dalawa, para pa rin kayong mga bata."

Sabi ng Ginang habang bit-bit ang isang mangkok ng sabaw na inilapag nito sa mesa. Umupo rin ito pagkatapos.

"Hayaan mo na kasi kami inay. Matagal-tagal na rin namin itong hindi nagagawa, di ba Serie? Nakakamiss."

"Noong huling ginawa ninyo iyan, nabali ang upuan dahil sa kagustuhan ninyong maunang makaupo."

Kapwa sila naglapat ng labi ng kaibigan saka nagkatinginan. In their lips were a ghost of smile.

"O kumain na kayo. At kumain kayo ng marami. Tingnan ninyo nga iyang mga katawan ninyo, parehas kayong patpatin. Lumakas lang ng konti ang hangin, tiyak maililipad na kayo."

"Inay, beynte dos na kami ni Serie. Ganito dapat ang figure ng mga dalagang tulad namin. Paano kami magkaka boyfriend kung kasing dambuhala kami ni Dabiana? Ang mga lalake ngayon, ang gusto nila sa babae yung sexy."

Aling Salve raised her brows. "Kung iyon ang pundasyon ng pagmamahal niya sayo, sigurado hindi tatagal ang pagsasama ninyo. Paano kung nakapanganak ka na at tumaba, iiwan ka na ganoon?"

Ngumuso ang kaibigan. "Hindi pa nga kami nagkaka-boyfriend, pag-aasawa at panganganak na agad ang sinasabi ninyo. Tapos iiwan pa? Inay naman."

Umiling-iling ito. "Eh, Ikaw itong nagbukas ng topic ng tungkol sa boyfriend. Ang akin lang naman, magkalaman-laman iyang mga katawan ninyo. Aba'y magsisimula ka na sa trabaho mo sa resort sa lunes. At Ikaw Serie, di ba paalis ka na rin ng bansa para magtrabaho doon?"

She licked her lips and smile. "Oho, inay Salve. Pero sa susunod na buwan pa po ang flight ko." Bumaling siya sa kaibigan. "Natanggap ka na sa resort?" Tanong niya.

Nakagat ito ng labi, saka unti-unting lumapad ang ngiti.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Talaga? Kailan mo nalaman? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ikaw hah? Pinaglilihiman mo na ako." Kunwari pagtatampo niya.

Ngumuso ito at tinaasan siya ng kilay.

"Kanina lang nila ako tinawagan. Sobrang saya ko ng marinig ang balita, pero kalaunan napalitan ng pag-aalala at kaba ng makita kong wala ka sa bangka, tapos hindi pa kita matawagan." Sumbat nito.

Siya naman ang ngumuso. "Hindi ko naman iyon kasalanan. Malay ko bang naglipana rin dito ang mga snatcher. Akala ko sa Manila lang. Anyway, congratulations." Pag-iiba niya ng topic. "Masaya ako para sayo. Matagal mo ng gusto na magtrabaho sa resort na iyon at--" Ikiniling niya ang ulo ng may pumasok sa isip. "Hindi ka naman nagpursiging makapasok doon dahil kay--" tiningnan niya si inay Salve.

"Hindi noh. Anong akala mo sa akin, ganoon na kabaliw sa lalakeng iyon? Hindi ko pa man siya nakikita, nagplano na akong mag-apply doon para hindi na ako malalayo kay inay ."

"Hmp! Defensive. Natatawa niyang puna.

"Eh kasi po.. pinapalabas mo na desperada ako."

"Nagtatanong lang ako. Sabi mo kasi, crush na crush mo--"

"Crush lang iyon. As in paghanga dahil guwapo at matipuno. Hanggang doon lang iyon. At saka di ba sinabi ko na, ibinibigay ko na siya sayo."

"Sino ba iyang pinag-uusapan ninyong dalawa hah?"

Kapwa sila naglapat ng labi saka bumaling kay inay Salve. Nakalimutan nilang naroroon pala ito  at kasama nila sa mesa.

"Ahm, ito kasing si Serie inay, na love at first sight kay Dylan.

"A-Anong ako? Ikaw nga itong--"

Nang kindatan siya nito, gustong-gusto niya itong batukan.

"Si Dylan po ang tumulong sa kanya kanina sa bayan. Tapos pinasabay pa sa bangka papunta rito. Mukhang nahulog po siya sa taglay na karisma ni Dylan. Nagtatanong tungkol sa lalake. Sabi ko po, wala rin akong masyadong alam. Aalamin ko pa lamang kapag nagtrabaho na ako sa resort."

"Kuu.. ang sabihin mo, gusto mo rin alamin para sa sarili mo. Akala mo, hindi ko alam na kinukutsaba mo si Rory para makapuslit ka sa resort nang sa ganoon makita mo ang Dylang iyon."

Tiningnan niya ang kaibigan saka ngumisi. Pinandilatan naman siya nito ng mata. And she chuckled more.

"Kumain na nga lang kayo. Baka nagkakandasamid na ang Dylan'g iyon dahil pinag-uusapan ninyo. Eh baka may asawa na ang taong iyon. Siya nga pala Serie, anong petsa ba ang alis mo?" Pag-iiba nito ng topic.

"Sa a beynte po sa susunod na buwan." Sagot niya.

Tumango-tango ito.

"Hangad namin ang magandang kapalaran mo doon sa ibang bansa. Sana mabubuti ang magiging amo mo."

"Iyon din ang ipinagdadasal ko, nay Salve."

"Uuwi ka pa ba sa inyo sa Cagayan bago ka umalis, o sina Javier nalang at Lorna ang pupunta ng Maynila?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang Itay at inay niya.

"Hindi na po siguro. May mga aasikasuhin pa po kasi akong mga papeles. Sila itay at inay naman baka hindi na rin makakapunta pa. Bawal pa kasi kay itay ang bumiyahe."

"Oo nga pala, kaka-opera lang pala ng itay mo. Hayaan mo, kung makakalugar kami ni Emily, kami nalang ang maghahatid sayo sa airport."

"Salamat po, nay Salve."

Nakangiti niyang sabi saka ipinagpatuloy na nila ang kanilang hapunan.

<<<<-->>>>

"Inaantok ka na ba? Gusto mo bang maglakad-lakad na muna tayo sa dalampasigan?"

Sabi ni Emily sa kanya ng lumabas ito. 

"Tulog na si nay Salve?" Bagkus tanong niya.

"Oo. Palagi iyon maaga kung matulog. Maaga rin kasi gumigising para mamakyaw ng isda. O ano, maglakad-lakad na muna tayo." Lumapit ito saka pilyang bumulong. "Sa dulo ng mga batong iyon ay ang Amore resort, pwede tayong pumuslit para pumunta sa loob. Alam mo ang saya doon tuwing gabi. May mga disco at concert. Tapos halos mga mayayaman at foreigner ang mga bisita. Mga guwapo at--"

"Hoy Emily hah, hindi ko pinagbigyan ang hiling mong bumisita rito para pumuslit papunta sa resort na iyon. Nakakahiya kung mahuli tayo. Baka isipin nila mga magnanakaw tayo."

Makahulugan siya nitong tiningnan. Nang bumahid ang ngisi sa labi nito ay pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Hindi nila tayo mahuhuli. Walang bantay sa dakong iyon. At kapag nasa loob na tayo, hindi na nila mapapansin sa dami ng mga turista."

Halos madapa siya habang hila nito papunta sa mabato at madilim na parte ng dalampasigan na sinasabi nito.

Excited at natatawa pa ito.

"Naaalala mo ba nung pumuslit tayo sa concert ng Westband noong highschool tayo? Ayaw tayong papasukin non sa Gym dahil wala tayong ticket. Wala rin tayong pambili, dahil wala tayong kapera-pera, eh idol na idol natin ang boyband na iyon. Kaya yung ginawa natin, sinalisihan natin yung mga guwardiya na nagbabantay sa entrance. Mabuti nalang talaga, wala pang CCTV ang gym ng campus noong panahon natin." Hagikhik nito. "Nakakamiss ang panahon na iyon, di ba?"

"At dahil namimiss mo ang panahong iyon kaya ginagawa natin ito?" Taas kilay niyang tanong. "Alam mo, hindi maganda ang pakiramdam ko sa ginagawa nating ito. Bumalik nalang tayo sa bahay at--"

"Ano ka ba? Nandito na tayo oh." Sabi nito na ang mga mata ay nasa batuhang nasa harap.

Mula sa kinatatayuan, dinig na dinig nila ang ingay ng disco sa kabilang bahagi ng dalampasigang iyon.

"Pero Emily..."

Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila paakyat sa mga batuhang iyon.

"Halika na. Walang bantay at CCTV rito."

Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. At habang ginagawa nila iyon ay abot sa kanyang lalamunan ang lakas ng tahip ng kanyang dib-dib. Sa kaba at... hindi man niya aminin, sa excitement na rin.

Para nga talaga silang bumalik sa panahon noong highschool sila.

"Mauna ka ng sumampa sa malaking batong iyan. Itutulak kita, tapos aalalayan mo ako." Sabi nito.

Nang tingnan niya ang malaking bato sa harap nila, muli siyang nagdalawang isip. Mataas at matarik iyon at sa ibaba ng malaking batong iyon ay dagat na. Isang maling apak lang nila, tiyak hulog sila.

"Emily, hindi ko kaya to. Bumalik na tayo." Sabi niya ulit.

"Sige na, hahawakan naman kita eh."

Pinilit na siya nitong itulak paakyat.

"Isipin mo nalang na makikita mo si Dylan sa likod ng mga batong iyan." Hagikhik nito.

"Baliw! Hindi siya ang dahilan kaya ako sumama sayo rito. Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko, nungkang sumama ako sayo." Sabi niya habang pinipilit na na maka-akyat.

Ipinagpasalamat niya ng taimtim ng matagumpay siyang nakarating sa kabilang bahagi kahit na pakiramdam niya nagkandasugat-sugat ang paa niya sa matulis na bato.

"Nandito na ako. Umakyat ka--"

"Anong ginagawa mo rito?"

Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig ng makarinig ng boses mula sa kanyang likod.

"Tinatanong kita, anong ginagawa mo rito?"

Hindi na niya alam kung ilang beses siyang napalunok. She saw a light coming from the back. Mula ba iyon sa flashlight?

Diyos ko, nahuli sila!

Emily nasaan ka?

"Miss, sagutin mo ako. Kung hindi, tatawag na ako ng guwardiya."

Mariin siyang napakagat-labi. Her hands is already shaking. Nagsisimula na ring mumuo ang pawis sa kanyang noo.

Emily, mapapatay talaga kita kapag nagkaharap tayo. Makikita mo!

Iyon ang nasa isip niya habang unti-unting lumilingon. Hindi na kasi ito nagparamdam. Mukhang iniwan siya at iniligtas ang sarili.

Yuko ang ulong humarap siya. Hihingi nalang siya ng tawad sa kapangahasang ginawa niya.

"Patawarin ninyo po ako. Hindi ko na uulitin itong ginawa ko. Pakiusap, huwag na kayong tumawag ng guwardiya. Gusto lang naman namin na--"

Bahagyang siyang napapikit ng tumama ang liwanag ng flashlight sa kanya.

"Serene?"

Inangat niya ang mukha para lamang manlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang lalakeng nasa harap niya.

Si Dylan.

Kaugnay na kabanata

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Four

    "Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka dumaan sa mga batuhang iyan?" Kunot-noong tanong nito na saglit pang idinako ang mga mata sa batuhan sa likuran niya. Mariin siyang naglapat ng kanyang mga labi. Nag-iinit ang kanyang pisngi sa kahihiyan. "Ahm..." Shit! Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya.She bit her lip hardly. "K-Kasi--""By chance, are you trying to get inside the resort by climbing on that rock?" Nananantiya at taas kilay nitong tanong. In his lips was a ghost of smile.Ah, Sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya. She bit her lip again. Ini-angat at ibinaling niya ang mga mata sa batuhan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroon ang hiling na sana magpakita si Emily para tulungan siyang magpaliwanag sa kaharap.Mas madali, at mas hindi kahiya-hiya kung makita nitong hindi siya nag-iisa.But there's no sound from Emily. Mukhang iniwan nga talaga siya nito doon. Ah, she will going to skinned her alive later on."Are you with someone?"Napabaling siyang muli

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Five

    Malayo pa lang ay kita na niya si Emily na palakad-lakad sa labas ng bahay ng mga ito na tila hindi mapakali. Nagtaas siya ng kilay. Kung hindi lang dahil sa katabi ay tinakbuhan na niya ng pagitan nila para sabunutan ito. Iniwan ba naman siya!"S-Serene!" Agad itong inihakbang ang mga paa papunta sa kanya. Ngunit napatigil rin ng makita kung sino ang kanyang kasama."Ahm, may kasama ka pala."Matalim niya itong inirapan.'Humanda ka sa akin mamaya!Hilaw itong ngumiti saka pilit na ibinaling ang atensyon kay Dylan."Magandang gabi, Dylan. Salamat at inihatid mo rito si Serene." Sabi nito. Dylan smile "It's my pleasure to walk her home. You're Emily, right?"Sunod-sunod na tumango ang kaibigan. "Oo. Ikinagagalak kitang makilala." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng maglahad ito ng palad at tanggapin iyon ng lalake."Me too, Emily." Sagot nito saka idinako ang mga mata sa kanya. "It's already late, babalik na ako ng resort."She licked her lips and nodded. "Hmm, salamat sa pagha

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Six

    Kailan ba ang huling pagkakataon na payapa niyang minasdan ang paglubog ng araw na tulad nito? Ah, hindi na niya matandaan. Maybe it was then when she was still in highschool. Kung saan hindi niya pa pasan ang lahat, kung saan malaya pa niyang nagagawa ang lahat.Dahil matapos maatas sa balikat niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin pa ang magliwaliw na tulad nito. Buong oras niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Nakalimutan na niya na may ganitong tanawin sa dakong ito ng mundo."I..It's beautiful." Anas niya. Hindi lamang ang paglubog ng araw ang tinutukoy niya, kundi pati na rin ang kapayapaan na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. And honestly, masaya rin siya na ito ang kasama niya."Yeah, it's really beautiful..." Paos nitong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtantong hindi naman ito nakatanaw sa tanawin sa harap. Nasa kanyang mukha ang tiim nitong mga titig. Realizing that made her swallowed

    Huling Na-update : 2023-11-20
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Seven

    Wala man kasiguruhan kung saan patutungo itong namamagitan sa kanila ni Dylan ay pikit mata niya pa rin sinuong. She will just savour the moment. She will just grab the opportunity to be with him while she's at the Island. Hindi na niya iyon magagawa kapag nakaalis na siya ng bansa dahil alam niyang magiging abala na siya sa kanyang trabaho kung sakali. Iyon na lamang marahil ang huling pagkakataon na mapagbibigyan niya ang kanyang sarili. Kaya hanggang naririto siya, lulubus-lubusin na niya ang panahon na makasama niya si Dylan. Ah, this intense feeling, this kind of attraction, hindi na niya alam kung mararamdaman niya pa ang ganoon sa ibang lalake. Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang minamasdan ito mula sa mesang kanilang kinauupuan. Wearing a long sleeve white polo with bow tie on his neck, he is gorgeously serving the customers in that bar counter. Sa galaw nito, parang sanay na sanay na talaga ito sa trabahong iyon.Tama nga si Emily, waiter nga talaga ito sa reso

    Huling Na-update : 2023-11-26
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Eight

    If there's one thing she want to wish now, yun ay ang bigyan pa siya ng maraming oras para makasama si Dylan. Ngunit alam niyang imposibleng matupad ang hiling niyang iyon. Dalawang linggo nalang ay aalis na siya. At dalawang araw nalang ang natitira niya para manatili sa Islang iyon. After two days, kailangan na niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang iba pa niyang kailangan asikasuhin sa kanyang pag-alis.Gaano man katindi ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito, hindi niya iyon pwedeng gawin, dahil sa kanya nakasalalay at umaasa ang magulang niya at mga kapatid. Isa pa, everything is ready and settled. Kaya hindi na siya pwedeng umatras. Hindi niya pwedeng pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso.She already chose her fate. At hindi kasama doon si Dylan.Marahan niyang isinandal ang ulo sa dib-dib nito pagkunwa'y ipinikit ang mga mata. Ang init na hatid niyon ay lalong nagbibigay kurot sa kanyang puso. "Can you hear the fast beating of my heart?" Paos nitong tanong hab

    Huling Na-update : 2023-11-27
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Nine

    Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay muli nitong kinumyos ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Hindi na ito nag-abalang dalhin pa siya sa kuwarto o kaya kahit doon man lang sa sofa. Basta na lamang siya nitong isinandal sa likod ng pinto saka sinibasib ng halik.He kissed her hard. Forcing her mouth to open. At ng buksan niya iyon ay walang pakundangan nitong ipinasok ang dila nito sa loob. He licked and trace every corner inside. And she can't stop but to moan loudly."Hmm..." Ungol niya saka mahigpit na nangunyapit sa leeg nito.She's been kissed by her boyfriend, her first and last boyfriend from two years ago, but never this intense. Hindi sila dumating sa puntong humantong sila ng higit pa sa hawak at halik.They broke up before they reach that point. And the reason was.. her lack of affection. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ng ex niya dati. She's stiff and cold. They only lasted for five months, he broke up with her.Hindi na siya muling nag entertain ng manlil

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ten

    "Sleep here.." Anas ni Dylan sa kanya habang marahan nitong hinahaplos ang kanyang pisngi. Sinikop rin nito ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at inilagay iyon sa likod ng kanyang taynga.They are lying on the bed now. Nakatagilid ang posisyon nito at buong lamlam ang mga matang nakatitig sa kanya. After their heated moment on the sofa earlier, sinikop siya nito at binuhat papunta sa kwarto sa ikalawang palapag.Inikot niya ang mga mata sa loob. Malapad iyon. The inside was painted with the combination of Gray and white. There were terrace with glass wall facing the sea. In total, it was definitely a luxury villa. "B-Bakit dito mo ako dinala?" Instead she asked. She is already wondering. Trabahante lang ba talaga ito doon? Nagdududa na talaga siya. But then she saw him being a waiter with her own two eyes."Mukhang mamahalin ang villa'ng ito. Don't tell me, isa rin ito sa pribiliheyo ng resort sa mga empleyado?" Hinaluan niya iyon ng biro. Iyon naman palagi a

    Huling Na-update : 2023-11-29
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Eleven

    Bit-bit ang kanyang duffle bag, isang mapait na ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang inihahakbang ang mga paa papunta sa daungan ng mga bangka. Kasama niya si Emily na halata sa mukha ang pag-aalala habang nakasunod sa kanya."Ayos ka lang ba talaga, Serie?" Tanong ulit nito. Pangatlong beses na yata iyon. Wala siyang itinago rito. She told her everything she heard and saw last night at the resort. Kaya naiintindihan nito kung bakit imbes na bukas, ngayon siya babalik ng Manila. Bumaling siya rito at pinilit na ngumiti."Huwag kang mag-alala. Ayos lang talaga ako. Sa simula palang naman wala na akong inaasahan sa amin ni Dylan. Hindi ba at plano ko na talagang iwan siya bukas at hindi na makipagkita pa sa kanya kahit na kailan?""Kung ganoon, bakit kailangan mong umalis na ngayon kung bukas pa ang plano mo? It's because, you're affected. Hindi mo iyon maikakaila, alam kong gusto mo siya."She licked her lips. "Hindi ko naman iyon ikinakaila. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sa

    Huling Na-update : 2023-11-30

Pinakabagong kabanata

  • Fated to Love You, My Prince   Final Chapter

    Mag-ingat na po kayo sa susunod Papa. Please don't get hurt. Saan pa po masakit? I will blow it for you."Sa bahagyang nakabukas na pinto ay kita niya si Esie na nakatambungaw sa ama partikular sa sugat nito sa noo na noo'y hinihipan na nito. "Masakit pa po?""Hmm.. dito pa sweetheart." Dylan show his bruised right arm. Bahagyang bumaba si Esie sa kama at itinuon naman ang atensyon sa kaliwang braso ng ama. "Here's your medicine Papa." Bitbit ang baso na may lamang tubig at mahihinuha niyang gamot ay patungo ngayon sa kinaroroonan ng ama si Eisier."Oh, thank you Eisier." Umurong si Esie ng bumangon si Dylan para umupo. "Careful Papa.." Napatawa siya ng makitang sinubukan pa itong alalayan ni Esie as if naman kaya nito ang bigat ng katawan ng ama. Even Eisier. Hindi nito binitiwan ang baso ng tubig at ito na mismo ang nagpainom sa ama as if hindi nito kayang hawakan at iangat ang baso."Hmm.. feel na feel ah.." pigil na pigil ang tawa na pumasok siya. They all darted their eyes

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Nine

    Ihahatid na kita sa labas." Nakangiting salubong niya kay Jervis ng makitang palabas na ito sa pinto ng study room.After seeing Eisier and Esie, Dylan requested to talk to him in the study room. Kung ano ang pinag-usapan ng dalawa ay wala siyang ideya."Are you sure?" taas kilay nitong tanong. "Baka ipabugbog ako ni Prin- I mean ni Dylan sa mga bodyguard ninyo kapag nakitang inihahatid mo ako."Ikiniling niya ang ulo."He's a possessive and jealous man. I have this feeling that he'll tear every men he'll see talking to you. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal mo siya. That attitude of him is really awful." Iiling-iling nitong sabi. But then a plaster of amusement was written at the corner of his lips.Alam niyang hindi ito seryoso sa mga sinasabi. Dahil nang magsimula itong bumaba sa hagdan at sumunod siya, hindi naman siya nito pinigilan.Nagkibit siya ng balikat kapagkuwan at sinagot ito. "Well, may kasabihan na bulag ang pag-ibig." She chuckled. "I guess that a

  • Fated to Love You, My Prince   chapter Ninety Eight

    News of what happened spread like wildfire after what happened. Nagulat nalang sila na puno na ng media ang buong hospital. Cameras are everywhere as they step outside. Kanya-kanyang kuha ng mga litrato, kanya-kanyang kuha ng video. Magulo, maingay at maraming ibinabatong tanong. Nagkakagulo hindi lang dahil sa nangyaring insidente, kundi higit dahil sa nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkatao ni Dylan.Kung noon nagawa pa nilang patahimikin ang media sa nangyaring muntikan ng pagkidnap kay Eisier, ngayon, alam nilang malabo ng mangyari iyon. Hindi niya pa man nabubuksan ang kanyang social media accounts, alam na niyang pinagpipyestahan na ng buong bansa-- no-- marahil ng buong mundo ang nangyari. At sa mga sandaling iyon ay kinakalkal na ng lahat pati ang kani-kanilang mga personal na buhay at mga pagkatao.Dylan heave a sigh and look at her with those tired eyes. Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit."Let's go home." Anas niya. They need to get out of here. Kailangan nitong

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Seven

    Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang sa pinto ng kwartong iyon ay tinakbuhan na niya agad ang pagitan nila ng taong nakaupo sa kama. Nang makalapit ay agad niya itong niyakap ng mahigpit."Wo..wo.." sabi nito habang nasa ere ang magkabilang kamay. Mababakas sa boses ang mahinang pagtawa.Suminghot-singhot siya. She didn't say a word. Basta niyakap niya lang ito ng mahigpit.He chuckled. "I didn't die in that crash, pero mukhang mamatay naman ako sa sakal. Hindi na ako m-makahinga sweetheart. And my arms is hurting already."Hindi pa rin siya nagsalita. Niluwagan niya man ang pagkakayakap rito, ngunit hindi niya pa rin ito binitiwan. Instead she burried her face on his neck to suppress her cries. She was so scared. Katunayan hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.Naramdaman niya ang paglapat ng mga braso nito sa kanyang likod. Sa pagkakataong iyon ay ito na ang yumakap sa kanya. He caress her back gently."Shh... Stop crying. I'm fine. And its ov

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Six

    "Call me after you're done with their orders. Susunduin kita rito, okay?" Sabi sa kanya ni Dylan ng makababa siya sa sasakyan nito. Hawak nito ang pinto ng SUV na binuksan nito para sa kanya sa harap ng flower shop.Matapos ang dalawang araw na pagliban, pumasok na siya sa araw na iyon dahil may mga order na bulaklak silang dapat asikasuhin para sa isang gaganaping event."You don't have to, sa kanila nalang ako sasabay mamaya." sagot niyang sabay dako ng tingin sa paparating na isa pang SUV. Ang sinasakyan ng itinalaga nitong mga bodyguard niya. Alam niyang marami rin itong aasikasuhin sa trabaho nito dahil tulad niya ay lumiban din ito ng ilang araw.She heave a sigh as she watch the bodyguard's car coming. Sa totoo lang, hindi talaga siya kumportable na may nagbabantay sa kanya. Kahit na sabihing sa labas lang naman ang mga ito at malayo sa kanya, still, it was really uncomfortable. Pero wala siyang magawa. Dylan insisted. "No, sweetheart. I'll fetch you. Kung hindi nga lang imp

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Five

    "God, I miss you.. I miss this so much Serie.." Hinihingal at paos na bulong ni Dylan habang pababa ang labi sa kanyang katawan. Mula sa kanyang taynga ay tinahak niyon ang kanyang leeg, ang kanyang balikat pababa sa puno ng kanyang dibdib.He planted small kisses around her breasts. He did that with all the gentleness in his eyes. Ganoon din ang hawak nito. Napakarahan na tila isa siyang babasaging kristal na sobra nitong iniingatan."I love you. I love only you.." Kasabay ng mga mumunti nitong mga halik ay patuloy nitong bulong. Mariin siyang napakagat-labi kasabay ng pagdako ng tingin rito. Dim ang ilaw sa bahaging iyon ng living room, magkagayon man ay malinaw niyang nakikita ang ginagawa nito sa kanyang katawan. Ang pagdampi-dampi ng labi nito sa paligid ng kanyang dibdib, ang ngayo'y unti-unting paggapang ng kamay nito pababa sa kanyang puson, at higit sa lahat kitang-kita niya ang hubad na sarili na malaya nitong pinagpipyestahan ng tingin sa sandaling iyon.She knew it's no

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Four

    As she is sitting on that cold lonely living room waiting for him to come home, she can't help but to reminisce everything that happened in the past. Napakarami nilang pinagdaanan ni Dylan. Mga masasaya at mga masasakit. Their love story ever since was a roller coaster ride. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, hindi na siya umasa na magkakaroon pa ng pangalawang pagkakataon para sa kanila. But fate always bring them together. It always has its ways when she thought that it was really imposible for them. Ang tadhana ang naghahanap ng paraan para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-ibig.Tulad nalang ngayon, ginamit nito si Ali para maliwanagan ang kanyang isip. She always has this phobia when it comes of opening her heart again to Dylan, takot siya at puno ng pangamba. But after talking to Ali, after hearing everything from him, nawala parang bula ang lahat ng takot niya at alinlangan. Hindi na niya lalabanan ang itinakda ng tadhana para sa kanila. Ali was right, it's her turn to

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Three

    Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan matapos na makita ang oras sa screen ng kanyang cellphone.Mag-aalas diyes na ng gabi. And she was there lying with her eyes wide open. Habang himbing ng natutulog ang kambal sa kanyang tabi, siya ay kanina pang hindi makatulog ano mang pikit ang gawin niya. How can she sleep if her mind was not at ease? Kanina pa iyon hindi mapakali. She keeps looking at the empty space of the bed beside Esie. At mula doon ay muli na naman niyang titingnan ang kanyang cellphone. Dalawang bagay ang tinitingnan niya doon, ang oras o kung may message na ipinadala si Dylan.But there's none. The last message she received from him was before seven, telling her that he'll be late at mauna na silang mag hapunan ng mga bata.Magtatakip-silim ng umalis ito. Umalis matapos makatanggap ng isang tawag. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung sino o kung tungkol saan ang tawag dahil nagmamadali na itong umalis. Alam niyang may hi

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Two

    Dahil sa nangyari kay Eisier, napilitan silang doon na muna tumira sa bahay ni Dylan. Hindi na siya tumutol ng imungkahi iyon ng binata sa kanila dahil kahit ang kanyang Inay at Itay ay iyon din ang iminungkahi.She agreed too because she knew that it was the safest place for the twins. Dylan hired more security. Triple sa nauna na nitong mga kinuha. Magkagayon man, hindi pa rin panatag ang loob niya. Kahit nahuli na at ngayon ay nakakulong ang suspect, naroroon pa rin ang matinding takot sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil alam niyang hindi ito ang tunay na salarin. The real suspect is still at large at alam niyang naghihintay lamang ito ng pagkakataon. "Are you sure that it was her?"Napahinto siya sa pagpasok sana sa study room ni Dylan ng mula sa labas ay marinig ang boses nito. Kung sino ang kausap nito sa loob ay wala siyang ideya. "We are very sure Dymitri. Her name is on the list of the arrived passenger dated August 6 2024. That was one week ago. Dumating siya rito ng alas o

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status