Share

Fated to Love You, My Prince
Fated to Love You, My Prince
Author: Shanelaurice

Chapter One

Author: Shanelaurice
last update Huling Na-update: 2023-11-04 15:44:05

Sabi nila, bago ka pa man isilang sa mundong ito, nakatadhana na ang mga mangyayari sa buhay mo. Nakatadhana na ang mga taong makikilala mo at nakatadhana na ang isang taong mamahalin mo at makakasama sa buhay. Everything about your life was already written in a book. In your book of life.

Pero para kay Serene, hindi siya naniniwala sa kasabihang iyon. She always believed that people make their own destiny, can live their own lives and choose their own path. Everything wasn't fated, even in love.

Until she met him...

"Anong nangyari?"

Puno ng pag-aalala ang boses ni Emily matapos nitong malaman ang nangyari sa kanya.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan." She said urgently.

Na agad naman niyang sinansala.

"H-Huwag na, okay na naman ako. At hindi naman ako nasaktan."

She said trying so hard to calm her voice, sa kabila ng hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay.

"Hinde Serie, pupunta ako diyan." Pagpumilit nito. "Mag-isa ka lang at hindi mo alam ang pasikot-sikot diyan sa bayan. Maghahanap lang ako ng masasakyang bangka. Saan presinto ka ba naroroon hah?"

Ngunit wala na sa sinasabi ng kaibigan ang kanyang atensyon. Ang mga mata niya ay naka-focus na sa bultong naglalakad palapit sa kanya.

"Serie, ano ang pangalan ng presintong kinaroroonan ninyo?" Ulit nito.

Pero hindi na ma-sinc-in sa kanyang pandinig isa man sa mga sinasabi nito. Nanatiling nasa bultong iyon ang kanyang tingin. Ewan niya, pero para siyang nahipnotismo na hindi niya maalis-alis ang mga mata rito. May kung ano sa lalake na tila humihigop sa kanyang kamalayan. At ang kanyang puso, bakit ang bilis ng tibok?

"Serie! Serie! Naririnig mo ba ako?"

"Miss, okay ka lang ba?"

Tanong ng lalake sa baritonong boses na ang mga mata ay nasa kanyang sugatang braso.

She swallowed. Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng marinig ang buong-buo nitong boses.

"Serie, sino iyon? May kasama ka ba diyan? Hoy Serie!"

Sumigaw na ang kaibigan sa kabilang linya. At doon lang siya nahimasmasan.

"Huh? Ahm, y-yung tumulong sa akin na mahabol yung snatcher. S-Sinamahan niya ako rito sa presinto."

"Ganoon ba? Hay.. salamat at may kasama ka pala diyan." Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa nalamang iyon. "Mabuti at hindi ka iniwan."

"S-Sinamahan niya ako. Kaya huwag ka ng masyadong mag-alala, at huwag mo na akong puntahan. Magkita nalang tayo diyan sa Isla."

Sabi niya na manaka-nakang sumusulyap sa kaharap.

"Sigurado ka? Pero--"

"Mel.. kaya ko na dito. Sige na, ibababa ko na 'to."

Bumuntong-hininga ito. "Okay, pero tawagan mo ako kung naroroon ka na sa pier hah?"

"Oo."

"At mag-iingat ka.."

Natawa na siya. "Oo. Noted po.."

Matapos na putulin ang tawag, ibinaling niya ang mga mata sa kaharap.

Inangat nito ang kamay nitong hawak ang kanyang bag. Ang bag niyang hinablot kanina ng snatcher.

"Here's your bag. Check it and see if some of your belongings went missing nang sa ganoon makabalik pa tayo sa loob para mag reklamo sa mga pulis."

Naglapat siya ng labi. Inabot niya ang bag sa kamay nito, binuksan at hinalungkat ang loob.

Wala naman kulang. Naroroon ang pitaka niya, at iilang personal na gamit na inilagay niya doon.

Inangat niya muli ang tingin sa kaharap saka umiling.

"Wala naman. Salamat nga pala sa ginawa mong tulong."

Isang tango lamang ang ginawa nito. He then darted his eyes back on her arm.

"Your wound is bleeding."

Sinundan niya ang tinitingnan nito. And he was right. May bahid nga ng dugo ang galos niya sa braso. Nakuha niya marahil iyon ng matumba kanina nang agawan siya ng bag ng snatcher na iyon.

"Galos lang ito. Malayo sa atay." Sinubukang niyang magbiro. Panlaban sa nararamdaman niyang hindi niya maintindihan.

She licked her lips and darted her eyes on the exit of the police station.

There's a part of her telling that she must go, pero may parte rin na tila tumututol. But then, she choose to go. Iyon naman ang tamang gawin. There's no reason for her to stay, dahil nakakulong na naman ang snatcher at naibalik na ang kanyang bag ng walang kulang sa gamit niya.

"Ahm.." bahagya siyang yumuko upang bitbitin ang dala niyang duffle bag. "Kailangan ko ng umalis, salamat ulit sa--"

Ngunit bago pa man niya natapos ang sasabihin ay naramdaman niya ang malaki nitong kamay sa kanyang palapulsuhan. Hinawakan iyon at sa gulat niya ay hinila siya papunta sa exit. Inagaw din ng isang kamay nito ang bit-bit niyang duffle bag.

Takang napatingin siya rito.

"B-Bakit? S-Saan mo ako dadalhin?"

It's not that she's scared. Wala naman sa aura nito na may balak itong gawan siya ng masama. At saka hindi siya nito tutulungan kung masama itong tao. Pero ano ba talaga ang balak nito? Bakit bigla siya nitong hinila at ngayon ay tila dadalhin sa kung saan?

"Hey! Saan mo ako dadalhin?" Ulit niya.

Bumaling naman ito sa kanya.

"Don't worry, hindi kita kakainin. We will just go to the nearest pharmacy to buy some first aid kit. Kailangan nating linisin yang sugat mo bago maimpeksyon."

Sinubukan niyang hilahin ang braso, but he didn't let her go.

"S-Sinabi ko na.. ayos lang ako. Hindi mo na ito kailangan gamutin."

"Don't be hardheaded young lady. Tinulungan na rin lang kita. Lulubus-lubusin ko na."

Pinara nito ang nakitang paparating na taxi. When he open the passenger door, marahan siya nitong ipinasok sa loob. Pagkatapos niyon ay lumigid ito sa kabilang bahagi at pumasok rin.

Nang mahimasmasan siya, tumatakbo na ang taxi at wala na siyang magawa.

Habang bumibili ito ng mga gamot, naroroon lang siya sa likod nito't naghihintay. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit naroroon siya at sunud-sunuran rito.

Palihim niya itong minasdan. From his head down to his body. He's gorgeous, even with his back from her. Medyo may kahabaan na ang buhok nito na nagbibigay ng pagkabrusko sa aura nito, at kahit nakatalikod ay nakikita niya ang bakat nitong mga muscle sa braso at katawan. It was obvious from his tight white t-shirt. Nang ibaba niya pa ang mga mata sa bandang puwitan nito, wala sa sarili siyang napalunok. The shape of his butt is perfect! Parang kay sarap hawakan at pisilin!

Diyos ko! Gimbal siya sa mga naiisip.

Nababaliw na siya! Nababaliw na talaga siya!

Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong kamunduhan? And to think that it was with a total and complete stranger.

Shit! Ano ba 'tong nangyayari sa kanya?

Maghunos-dili ka Serene!

Nang makita niyang pabalik na ito, pinilit niyang ibaling sa ibang direksyon ang kanyang mga mata. Nakakahiya kapag nahuli siya nitong nakatitig sa matambok nitong puwit.

"Come, let's go to that bench." Sabi nitong nakatingin sa mga bakanteng upuan sa lilim ng mga punong kahoy sa kabilang bahagi ng kalsada.

Nagpatiuna itong maglakad bit-bit pa rin ang bag niya at ang supot ng binili nitong mga gamot.

"H-Hindi mo na naman talaga kailangan gawin to. Maliit na sugat lang ito. Doon ko nalang gagamutin sa bahay ng kaibigan ko."

He turned and raised his brows. Ini-angat nito ang hawak na supot.

"Hindi ba late na para gawin mo iyon? Nakabili na ako ng mga gamot."

Sumimangot siya. Sino ba kasi ang nag-utos rito na gawin iyon? Sinabi na nga niyang ayos lang siya kanina pa, eh ito naman ang nagpumilit.

Sinalubong siya nito ng tumigil siya sa paghakbang. Hinawakan nitong muli ang kanyang palapulsuhan.

And one touch from him, biglang nawala ang kanyang inis, and she can't believe it!

He pull her to the nearest bench. Nang makaupo siya, umupo rin ito sa gilid niya saka sinimulang buksan ang supot na dala.

Kinuha nito ang cotton at betadine.

"Sinabi ko na, lulubus-lubusin ko na ang pagtulong ko sayo. Mukhang bago ka lang rito, saan ka ba papunta?"

Tanong nito na ang atensyon ay nasa sugat niya sa siko na dahan-dahan nitong nililinisan.

Naglapat siya ng labi. Kahit bahagya siyang napapangiwi sa kirot ng ginagawa nito ay sinagot naman niya ang tanong nito.

"Bibisitahin ko sana ang kaibigan ko. Unfortunately, nangyari ito. Akala ko sa Manila lang maraming snatcher, kahit pala dito naglipana sila." Madilim niyang sabi ng maalala ang nangyari kanina.

Umangat ang tingin nito. Nagsalubong ang kanilang mga mata. And damn! Her heart is beating like a drum!

"So, you're from Manila?"

Hilaw siyang ngumiti. "Doon ako nagtatrabaho. Pero ang pamilya ko, nasa Cagayan."

Tumango-tango ito. Hindi na ito muling nagtanong. Ibinalik na nito ang atensyon sa pagamot sa sugat niya.

"Done.." Sabi nito matapos iyon lagyan ng ointment.

Tiningnan niya iyon bago ibinaling ang tingin sa kaharap.

"Maraming salamat." Sabi niya.

"De nada.." he answer and smile gently.

Katahimikan na ang sumunod na namagitan sa kanila. And she started to feel awkward, lalo na ng maramdaman ang tiim nitong mga titig.

She knew, she need to break the awkward silence. Pero blanko naman ang utak niya sa kung ano ang sasabihin niya. Kaya imbes na magsalita ay tumayo siya.

"K-Kailangan ko ng umalis." Sabi niya saka inabot ang kanyang bag. "Maraming salamat ulit."

Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang gilid ng daan at pinara ang nakitang taxi.

Saka niya pa lang pinakawalan ang kanyang hininga ng nasa loob na siya.

Earlier, infront of him, she felt like suffocating. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso, at nablanko ang kanyang utak. Hindi niya kailan man nai-imagine na makakaramdam siya ng ganoon sa isang lalake.

Iyon ba ang tinatawag nilang love at first sight?

Dahan-dahan siyang lumingon. Gustong makita ang lalake sa huling pagkakataon, ngunit nanlumo siya ng makitang wala na ito sa kinatatayuan nito.

Hindi man lang niya naitanong ang pangalan nito.

<<<<<--->>>>>

Bit-bit ang bag ay lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa daungan ng mga bangka papunta sa Isla Paraiso para lamang madismaya ng marinig ang sinabi ng lalakeng kanyang napagtanungan.

Nakaalis na raw ang huling biyahe ng bangka papunta sa Isla!

"Hindi mo ba alam na alas-kwatro ang huling biyahe Miss?" Tanong ng lalakeng kaharap.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Alam naman niya ang bagay na iyon, sinabi ni Emily. Sadya lang na nakalimutan niya.

Kasalanan ito ng snatcher na iyon! Inis niyang palatak. At ng lalake rin iyon kanina. Kung hindi nito pinilit na gamutin ang kanyang sugat, nadatnan niya pa sana ang huling biyahe.

'At kasalanan mo rin, kasi nagpapilit ka. Nadala ka sa taglay na karisma ng lalakeng iyon.'

Paninisi ng isang bahagi ng utak niya.

Muli siyang napabuntong hininga. Mukhang bukas pa siya makakabiyahe papunta sa Isla. Maghahanap nalang muna siya ng matutulugan sa bayan ngayong gabi.

Ibinaba niya ang hawak na duffle bag. Kailangan niyang tawagan si Emily para ipaalam iyon. Ngunit napamura nalang siya ng makitang naubos na ang baterya ng cellphone niya.

Pag minamalas ka nga naman!

Gigil niyang palatak. Iritang-irita na talaga siya.

"Ahm, kuya.. may alam po ba kayo, kung saan ako pwedeng mag charge? Na lobatt po kasi ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan ang kaibigan ko para ipaalam na naiwan ako ng bangka."

Magalang naman itong ngumiti.

"Doon sa may kanto, may tindahan. Magbayad ka lang, pwede ka ng mag charge." Sabi nito at itinuro ang sinabi nitong tindahan. "Pero kung nagmamadali ka, may pantawag itong cellphone ko, baka gusto mong makitawag nalang." Alok nitong inilahad pa ang cellphone nito.

Tiningnan niya ang ini-aabot nito pagkunwa'y ngumiti. "Salamat."

Aabutin na niya sana iyon ng bigla siyang natigilan.

Shit! Bago pala ang number na gamit ni Emily, at hindi niya iyon memorize!

This is totally a nightmare!

Nagbilang siya ng isa hanggang sampu para kalmahin ang sarili. Nasa punto na siya na gusto na niyang magsisigaw sa kamalasang nangyayari sa kanya.

"Salamat nalang kuya. Hindi ko pala memoryado ang number ng kaibigan ko. Magcha-charge nalang ako para matawagan ko--"

"Anong nangyayari rito?"

Minsan niya lang narinig ang boses na iyon, pero tila nakapak-it na iyon sa kanyang pandinig.

She licked her lips and slowly turn her head. At muli, nasilayan niya ang mukha ng lalakeng akala niyang hindi na niya makikita kahit na kailan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lei Zel
...️...️...️ Umpisahan ko na ms. A. Sana po lagi updated haha. Thank u po.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Two

    "Dumating ka rin sa wakas. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko nga, may nakita ka ng chikababes sa bayan kaya inindiyan mo na ako. Bakit ba ang tagal mong bumalik?" Tanong ng lalakeng napagtanungan niya sa lalakeng tumulong sa kanya. Hindi ito sumagot. Nanatili lang ang mga mata sa kanya. At napansin iyon ng kaharap. "Ah, papunta sana sa Isla. Kaso naiwan ng bangka. Na-lobat rin ang cellphone. Inaalok kong gamitin niya ang cellphone ko para tawagan yung kaibigan niya, pero sa malas hindi niya memoryado ang numero.""Sa Isla Paraiso pala ang punta mo?"Inignora nito ang sinabi ng lalakeng kaharap at itinuon ang pansin sa kanya."Taga roon ba ang sinabi mong kaibigan mo?" Nakagat niya ang labi saka kiming ngumiti."Ahm, Oo. Pero gaya ng nakita mo, naiwan na ako ng bangka. Kaya bukas na siguro akong--""Teka, magkakilala kayo?" Kapwa sila bumaling sa lalakeng nagsalita. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa lalakeng katabi niya. Hindi siya sigurado, pero parang may multo ng

    Huling Na-update : 2023-11-05
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Three

    "So, sinasabi mong si Dylan ang lalakeng tumulong sayo ng manakawan ka, tapos sinamahan ka sa presinto at ginamot yang sugat mo?" Manghang tanong ni Emily matapos niyang i-kwento kung paano sila nagkita ni Dylan.Marahan siyang tumango. "Inalok niya rin akong sumabay sa kanilang bangka papunta dito. Mukhang mali yung sinabi mo kanina na suplado siya."Nagtaas ang kilay nito."Ang sabi ko, suplado lang siya pagdating sa mga babae. Hindi ko sinabing suplado siyang tao.""Matanong ko lang, dito ba nakatira sa Isla ang pamilya niya?" Makahulugan siya nitong tiningnan. "Hmm... Mukhang interesado ang best friend ko kay Dylan ah. Nagpakilala at ngayon gustong malaman ang background."Ngumuso siya. "Interesado na agad? Hindi ba pwedeng curious lang?""Ganoon din iyon. Curious ka, kasi interesado ka." Natatawa nitong sabi. "Pero sasagutin ko iyang tanong mo. Hinde. Hindi dito nakatira ang pamilya niya. Ang alam ko, kaya siya naririto dahil nagtatrabaho siya diyan sa Amore Hotel and Resort."

    Huling Na-update : 2023-11-08
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Four

    "Anong ginagawa mo rito? Bakit diyan ka dumaan sa mga batuhang iyan?" Kunot-noong tanong nito na saglit pang idinako ang mga mata sa batuhan sa likuran niya. Mariin siyang naglapat ng kanyang mga labi. Nag-iinit ang kanyang pisngi sa kahihiyan. "Ahm..." Shit! Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag niya.She bit her lip hardly. "K-Kasi--""By chance, are you trying to get inside the resort by climbing on that rock?" Nananantiya at taas kilay nitong tanong. In his lips was a ghost of smile.Ah, Sana bumuka ang lupa at lamunin nalang siya. She bit her lip again. Ini-angat at ibinaling niya ang mga mata sa batuhan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naroon ang hiling na sana magpakita si Emily para tulungan siyang magpaliwanag sa kaharap.Mas madali, at mas hindi kahiya-hiya kung makita nitong hindi siya nag-iisa.But there's no sound from Emily. Mukhang iniwan nga talaga siya nito doon. Ah, she will going to skinned her alive later on."Are you with someone?"Napabaling siyang muli

    Huling Na-update : 2023-11-15
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Five

    Malayo pa lang ay kita na niya si Emily na palakad-lakad sa labas ng bahay ng mga ito na tila hindi mapakali. Nagtaas siya ng kilay. Kung hindi lang dahil sa katabi ay tinakbuhan na niya ng pagitan nila para sabunutan ito. Iniwan ba naman siya!"S-Serene!" Agad itong inihakbang ang mga paa papunta sa kanya. Ngunit napatigil rin ng makita kung sino ang kanyang kasama."Ahm, may kasama ka pala."Matalim niya itong inirapan.'Humanda ka sa akin mamaya!Hilaw itong ngumiti saka pilit na ibinaling ang atensyon kay Dylan."Magandang gabi, Dylan. Salamat at inihatid mo rito si Serene." Sabi nito. Dylan smile "It's my pleasure to walk her home. You're Emily, right?"Sunod-sunod na tumango ang kaibigan. "Oo. Ikinagagalak kitang makilala." Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng maglahad ito ng palad at tanggapin iyon ng lalake."Me too, Emily." Sagot nito saka idinako ang mga mata sa kanya. "It's already late, babalik na ako ng resort."She licked her lips and nodded. "Hmm, salamat sa pagha

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Six

    Kailan ba ang huling pagkakataon na payapa niyang minasdan ang paglubog ng araw na tulad nito? Ah, hindi na niya matandaan. Maybe it was then when she was still in highschool. Kung saan hindi niya pa pasan ang lahat, kung saan malaya pa niyang nagagawa ang lahat.Dahil matapos maatas sa balikat niya ang responsibilidad sa kanyang pamilya, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na isipin pa ang magliwaliw na tulad nito. Buong oras niya ay ginugol niya sa pagtatrabaho. Nakalimutan na niya na may ganitong tanawin sa dakong ito ng mundo."I..It's beautiful." Anas niya. Hindi lamang ang paglubog ng araw ang tinutukoy niya, kundi pati na rin ang kapayapaan na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. And honestly, masaya rin siya na ito ang kasama niya."Yeah, it's really beautiful..." Paos nitong sabi. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapagtantong hindi naman ito nakatanaw sa tanawin sa harap. Nasa kanyang mukha ang tiim nitong mga titig. Realizing that made her swallowed

    Huling Na-update : 2023-11-20
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Seven

    Wala man kasiguruhan kung saan patutungo itong namamagitan sa kanila ni Dylan ay pikit mata niya pa rin sinuong. She will just savour the moment. She will just grab the opportunity to be with him while she's at the Island. Hindi na niya iyon magagawa kapag nakaalis na siya ng bansa dahil alam niyang magiging abala na siya sa kanyang trabaho kung sakali. Iyon na lamang marahil ang huling pagkakataon na mapagbibigyan niya ang kanyang sarili. Kaya hanggang naririto siya, lulubus-lubusin na niya ang panahon na makasama niya si Dylan. Ah, this intense feeling, this kind of attraction, hindi na niya alam kung mararamdaman niya pa ang ganoon sa ibang lalake. Isang ngiti ang bumahid sa kanyang labi habang minamasdan ito mula sa mesang kanilang kinauupuan. Wearing a long sleeve white polo with bow tie on his neck, he is gorgeously serving the customers in that bar counter. Sa galaw nito, parang sanay na sanay na talaga ito sa trabahong iyon.Tama nga si Emily, waiter nga talaga ito sa reso

    Huling Na-update : 2023-11-26
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Eight

    If there's one thing she want to wish now, yun ay ang bigyan pa siya ng maraming oras para makasama si Dylan. Ngunit alam niyang imposibleng matupad ang hiling niyang iyon. Dalawang linggo nalang ay aalis na siya. At dalawang araw nalang ang natitira niya para manatili sa Islang iyon. After two days, kailangan na niyang bumalik sa Manila para asikasuhin ang iba pa niyang kailangan asikasuhin sa kanyang pag-alis.Gaano man katindi ang kagustuhan niyang manatili sa tabi nito, hindi niya iyon pwedeng gawin, dahil sa kanya nakasalalay at umaasa ang magulang niya at mga kapatid. Isa pa, everything is ready and settled. Kaya hindi na siya pwedeng umatras. Hindi niya pwedeng pagbigyan ang isinisigaw ng kanyang puso.She already chose her fate. At hindi kasama doon si Dylan.Marahan niyang isinandal ang ulo sa dib-dib nito pagkunwa'y ipinikit ang mga mata. Ang init na hatid niyon ay lalong nagbibigay kurot sa kanyang puso. "Can you hear the fast beating of my heart?" Paos nitong tanong hab

    Huling Na-update : 2023-11-27
  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Nine

    Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pinto ay muli nitong kinumyos ng mapusok na halik ang kanyang mga labi. Hindi na ito nag-abalang dalhin pa siya sa kuwarto o kaya kahit doon man lang sa sofa. Basta na lamang siya nitong isinandal sa likod ng pinto saka sinibasib ng halik.He kissed her hard. Forcing her mouth to open. At ng buksan niya iyon ay walang pakundangan nitong ipinasok ang dila nito sa loob. He licked and trace every corner inside. And she can't stop but to moan loudly."Hmm..." Ungol niya saka mahigpit na nangunyapit sa leeg nito.She's been kissed by her boyfriend, her first and last boyfriend from two years ago, but never this intense. Hindi sila dumating sa puntong humantong sila ng higit pa sa hawak at halik.They broke up before they reach that point. And the reason was.. her lack of affection. Iyon ang palaging sinasabi sa kanya ng ex niya dati. She's stiff and cold. They only lasted for five months, he broke up with her.Hindi na siya muling nag entertain ng manlil

    Huling Na-update : 2023-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Fated to Love You, My Prince   Final Chapter

    Mag-ingat na po kayo sa susunod Papa. Please don't get hurt. Saan pa po masakit? I will blow it for you."Sa bahagyang nakabukas na pinto ay kita niya si Esie na nakatambungaw sa ama partikular sa sugat nito sa noo na noo'y hinihipan na nito. "Masakit pa po?""Hmm.. dito pa sweetheart." Dylan show his bruised right arm. Bahagyang bumaba si Esie sa kama at itinuon naman ang atensyon sa kaliwang braso ng ama. "Here's your medicine Papa." Bitbit ang baso na may lamang tubig at mahihinuha niyang gamot ay patungo ngayon sa kinaroroonan ng ama si Eisier."Oh, thank you Eisier." Umurong si Esie ng bumangon si Dylan para umupo. "Careful Papa.." Napatawa siya ng makitang sinubukan pa itong alalayan ni Esie as if naman kaya nito ang bigat ng katawan ng ama. Even Eisier. Hindi nito binitiwan ang baso ng tubig at ito na mismo ang nagpainom sa ama as if hindi nito kayang hawakan at iangat ang baso."Hmm.. feel na feel ah.." pigil na pigil ang tawa na pumasok siya. They all darted their eyes

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Nine

    Ihahatid na kita sa labas." Nakangiting salubong niya kay Jervis ng makitang palabas na ito sa pinto ng study room.After seeing Eisier and Esie, Dylan requested to talk to him in the study room. Kung ano ang pinag-usapan ng dalawa ay wala siyang ideya."Are you sure?" taas kilay nitong tanong. "Baka ipabugbog ako ni Prin- I mean ni Dylan sa mga bodyguard ninyo kapag nakitang inihahatid mo ako."Ikiniling niya ang ulo."He's a possessive and jealous man. I have this feeling that he'll tear every men he'll see talking to you. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal mo siya. That attitude of him is really awful." Iiling-iling nitong sabi. But then a plaster of amusement was written at the corner of his lips.Alam niyang hindi ito seryoso sa mga sinasabi. Dahil nang magsimula itong bumaba sa hagdan at sumunod siya, hindi naman siya nito pinigilan.Nagkibit siya ng balikat kapagkuwan at sinagot ito. "Well, may kasabihan na bulag ang pag-ibig." She chuckled. "I guess that a

  • Fated to Love You, My Prince   chapter Ninety Eight

    News of what happened spread like wildfire after what happened. Nagulat nalang sila na puno na ng media ang buong hospital. Cameras are everywhere as they step outside. Kanya-kanyang kuha ng mga litrato, kanya-kanyang kuha ng video. Magulo, maingay at maraming ibinabatong tanong. Nagkakagulo hindi lang dahil sa nangyaring insidente, kundi higit dahil sa nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkatao ni Dylan.Kung noon nagawa pa nilang patahimikin ang media sa nangyaring muntikan ng pagkidnap kay Eisier, ngayon, alam nilang malabo ng mangyari iyon. Hindi niya pa man nabubuksan ang kanyang social media accounts, alam na niyang pinagpipyestahan na ng buong bansa-- no-- marahil ng buong mundo ang nangyari. At sa mga sandaling iyon ay kinakalkal na ng lahat pati ang kani-kanilang mga personal na buhay at mga pagkatao.Dylan heave a sigh and look at her with those tired eyes. Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit."Let's go home." Anas niya. They need to get out of here. Kailangan nitong

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Seven

    Pagkabukas na pagkabukas niya pa lang sa pinto ng kwartong iyon ay tinakbuhan na niya agad ang pagitan nila ng taong nakaupo sa kama. Nang makalapit ay agad niya itong niyakap ng mahigpit."Wo..wo.." sabi nito habang nasa ere ang magkabilang kamay. Mababakas sa boses ang mahinang pagtawa.Suminghot-singhot siya. She didn't say a word. Basta niyakap niya lang ito ng mahigpit.He chuckled. "I didn't die in that crash, pero mukhang mamatay naman ako sa sakal. Hindi na ako m-makahinga sweetheart. And my arms is hurting already."Hindi pa rin siya nagsalita. Niluwagan niya man ang pagkakayakap rito, ngunit hindi niya pa rin ito binitiwan. Instead she burried her face on his neck to suppress her cries. She was so scared. Katunayan hanggang sa mga sandaling iyon ay nanginginig pa rin ang buo niyang katawan.Naramdaman niya ang paglapat ng mga braso nito sa kanyang likod. Sa pagkakataong iyon ay ito na ang yumakap sa kanya. He caress her back gently."Shh... Stop crying. I'm fine. And its ov

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Six

    "Call me after you're done with their orders. Susunduin kita rito, okay?" Sabi sa kanya ni Dylan ng makababa siya sa sasakyan nito. Hawak nito ang pinto ng SUV na binuksan nito para sa kanya sa harap ng flower shop.Matapos ang dalawang araw na pagliban, pumasok na siya sa araw na iyon dahil may mga order na bulaklak silang dapat asikasuhin para sa isang gaganaping event."You don't have to, sa kanila nalang ako sasabay mamaya." sagot niyang sabay dako ng tingin sa paparating na isa pang SUV. Ang sinasakyan ng itinalaga nitong mga bodyguard niya. Alam niyang marami rin itong aasikasuhin sa trabaho nito dahil tulad niya ay lumiban din ito ng ilang araw.She heave a sigh as she watch the bodyguard's car coming. Sa totoo lang, hindi talaga siya kumportable na may nagbabantay sa kanya. Kahit na sabihing sa labas lang naman ang mga ito at malayo sa kanya, still, it was really uncomfortable. Pero wala siyang magawa. Dylan insisted. "No, sweetheart. I'll fetch you. Kung hindi nga lang imp

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Five

    "God, I miss you.. I miss this so much Serie.." Hinihingal at paos na bulong ni Dylan habang pababa ang labi sa kanyang katawan. Mula sa kanyang taynga ay tinahak niyon ang kanyang leeg, ang kanyang balikat pababa sa puno ng kanyang dibdib.He planted small kisses around her breasts. He did that with all the gentleness in his eyes. Ganoon din ang hawak nito. Napakarahan na tila isa siyang babasaging kristal na sobra nitong iniingatan."I love you. I love only you.." Kasabay ng mga mumunti nitong mga halik ay patuloy nitong bulong. Mariin siyang napakagat-labi kasabay ng pagdako ng tingin rito. Dim ang ilaw sa bahaging iyon ng living room, magkagayon man ay malinaw niyang nakikita ang ginagawa nito sa kanyang katawan. Ang pagdampi-dampi ng labi nito sa paligid ng kanyang dibdib, ang ngayo'y unti-unting paggapang ng kamay nito pababa sa kanyang puson, at higit sa lahat kitang-kita niya ang hubad na sarili na malaya nitong pinagpipyestahan ng tingin sa sandaling iyon.She knew it's no

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Four

    As she is sitting on that cold lonely living room waiting for him to come home, she can't help but to reminisce everything that happened in the past. Napakarami nilang pinagdaanan ni Dylan. Mga masasaya at mga masasakit. Their love story ever since was a roller coaster ride. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, hindi na siya umasa na magkakaroon pa ng pangalawang pagkakataon para sa kanila. But fate always bring them together. It always has its ways when she thought that it was really imposible for them. Ang tadhana ang naghahanap ng paraan para magkaroon ng katuparan ang kanilang pag-ibig.Tulad nalang ngayon, ginamit nito si Ali para maliwanagan ang kanyang isip. She always has this phobia when it comes of opening her heart again to Dylan, takot siya at puno ng pangamba. But after talking to Ali, after hearing everything from him, nawala parang bula ang lahat ng takot niya at alinlangan. Hindi na niya lalabanan ang itinakda ng tadhana para sa kanila. Ali was right, it's her turn to

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Three

    Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan matapos na makita ang oras sa screen ng kanyang cellphone.Mag-aalas diyes na ng gabi. And she was there lying with her eyes wide open. Habang himbing ng natutulog ang kambal sa kanyang tabi, siya ay kanina pang hindi makatulog ano mang pikit ang gawin niya. How can she sleep if her mind was not at ease? Kanina pa iyon hindi mapakali. She keeps looking at the empty space of the bed beside Esie. At mula doon ay muli na naman niyang titingnan ang kanyang cellphone. Dalawang bagay ang tinitingnan niya doon, ang oras o kung may message na ipinadala si Dylan.But there's none. The last message she received from him was before seven, telling her that he'll be late at mauna na silang mag hapunan ng mga bata.Magtatakip-silim ng umalis ito. Umalis matapos makatanggap ng isang tawag. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung sino o kung tungkol saan ang tawag dahil nagmamadali na itong umalis. Alam niyang may hi

  • Fated to Love You, My Prince   Chapter Ninety Two

    Dahil sa nangyari kay Eisier, napilitan silang doon na muna tumira sa bahay ni Dylan. Hindi na siya tumutol ng imungkahi iyon ng binata sa kanila dahil kahit ang kanyang Inay at Itay ay iyon din ang iminungkahi.She agreed too because she knew that it was the safest place for the twins. Dylan hired more security. Triple sa nauna na nitong mga kinuha. Magkagayon man, hindi pa rin panatag ang loob niya. Kahit nahuli na at ngayon ay nakakulong ang suspect, naroroon pa rin ang matinding takot sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil alam niyang hindi ito ang tunay na salarin. The real suspect is still at large at alam niyang naghihintay lamang ito ng pagkakataon. "Are you sure that it was her?"Napahinto siya sa pagpasok sana sa study room ni Dylan ng mula sa labas ay marinig ang boses nito. Kung sino ang kausap nito sa loob ay wala siyang ideya. "We are very sure Dymitri. Her name is on the list of the arrived passenger dated August 6 2024. That was one week ago. Dumating siya rito ng alas o

DMCA.com Protection Status