Share

Kabanata Seventy-Six

LUMIPAS pa ang mga araw hanggang sa isang gabi, kasama ng mga Guardia Civil na nagpapahirap kina Lito ay si Mateo. Nag-iwan ng isang tingin si Mateo sa aming kulungan bago sila dumiretso kina Litp. Hindi ko alam pero may kakaiba sa kanyang mga mata nang sandaling iyon.

“Bakit kaya biglang naparito si Kuya Mateo?” nagtatakang tanong ni Nina.

“Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko,” mahina kong sagot habang nakatingin pa rin sa madilim na daan na dinaanan nina Mateo.

Ano kaya ang dahilan niya para sadyain sina Lito? Matapos ang gabing pinahirapan niya ito ay hindi na siya muling nagpakita kina Lito maliban na lang sa gabing ito. Ano kaya ang binabalak niya?

Nang ibabaling ko na ang aking tingin kay Nina ay nakita ko si Joaquin na nakatingin sa kadiliman na pinagdaanan nina Mateo. May ideya kaya siya kung bakit narito si Mateo? Hindi nagtagal ay muli naming narinig ang mga hiyaw nina Lito na pinapahirapan na mukhang mas malala ang ginagawa sa kanila dahil sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status