MATAPOS ang napakahabang biyahe ay muli kong nakita ang bayan ng Amadeo ngunit hindi kami roon dinala ni Mang Vicente. Nilampasan namin ang bayan na ‘yon na lampas isang buwan ko na ring ‘di nasilayan dahil sa pagkakadampot sa akin ni Don Marco at pagkakakulong namin nina Nina ng halos isang buwan.
“Mang Vicente, saan niyo po ba kami dadalhin?” tanong ko dahil wala talaga akong alam sa aming dinaraanan.
“Patungo po tayo sa Lungsod ng Biñan. Doon po ay may naghihintay ng bangka sainyo na tatahak sa Lawa ng Bay dahil hindi kayo maaaring makita o may maiwang bakas na lumuwas kayo ng probinsya kun'di madali kayong matutunton. Ilang oras lang ang tatagalin bago kayo makarating, bago tuluyang magbukang-liwayway ay nasa bayan na kayo ng Pagsanjan at doon po muna kayo ni Joaquin pansamantalang magtatago,” paliwanag ni Mang Vicente.
“Saan kami magtatago roon, Mang Vicente? Hindi po namin kabisado ni Joaquin ang bayan ng Pagsanjan,” wika ko.
“Huwag kayong mag-alala may
“SINO ‘YAN?” tanong ko at sinubukan kong iginala ang aking mga mata sa madilim na paligid habang pinakikinggan at hinahanap kung saan nanggagaling ang mga sunod-sunod at mahihinang paghikbi.Kahit madilim ay sinubukan kong maglakad at hinanap ang mumunting paghikbi at habang sa aking paglalakad ay unti-unti nagkaroon ng liwanag sa aking paligid hanggang sa nakita ko ang isang babae na nakatalikod at nakaubob sa kanyang mga tuhod habang patuloy pa rin sa pag-iyak.“Miss, okay ka lang ba?” tanong ko ngunit nanatili siyang walang imik at patuloy sa pag-iyak.“Miss?” tawag ko sa kanya at nilapitan ko. Akmang hahawakan ko na siya nang bigla siyang humarap.“Helen, tulungan mo ako,” umiiyak niyang pakiusap. “Sabi mo, tutulungan mo ako, ‘di ba?”“Helena?” gulat na usal ko.Hinawakan niya ako sa aking mga kamay at tinignan ako sa aking mga mata na may labis na pagmamakaawa.“Hindi ba tutulungan mo ako? Sinabi mo noon na tutulungan mo ako,” umiiyak n
NAKARINIG ako bigla ng pagtikhim dahilan para alisin ko ang aking pagkakayakap kay Joaquin at mapatingin ako kay Mang Julian.“Paumanhin kung nasira ko po ang inyong matamis na sandali ngunit nais ko lamang po ipaalam na malapit na po tayo sa bayan ng Pagsanjan matapos po nating bagtasin ang ilog ng Pagsanjan,” wika ni Mang Julian.Napatingin ako sa paligid at natanaw ko ang ilang bahagi ng kalupaan na napapalibutan ng malalagong puno. Sumagwan pa ng mangilang ulit si Mang Julian ay iniliko niya ang bangka pakanan at pumasok kami sa maliit na bahagi ng tubig. Marahil ito na ang ilog ng Pagsanjan dahil ang kaninang malawak na lawa na aming tinatahak ay naging makipot na. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga baino na namumukadkad ng kulay puti at lilang bulaklak. Nagpatuloy pa si Mang Julian sa pagsagwan hanggang sa bigla niya itong iginilid sa isang pangpang. Naunang bumaba si Mang Julian at Nina sumunod si Joaquin na inunahan si Mang Julian sa pag-alalay
Ilang saglit akong hindi nakaimik sa kanyang sinabi. “Paano mo nasasabi ang lahat ng ‘yan?” mahina kong tanong.Inaangat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming mga mata at saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti.“Dahil ganito ako magmahal. Ganito kita kamahal,” aniya at muli ako binigyan ng matamis na ngiti.Nakarinig ako ng pagtikhim dahilan para maagaw ang akming atensyon.“Ayos ka lang po ba, Binibini?” tanong ni Mang Julian.“O— ”Naputol ang aking sasabihin nang bigla akong buhatin ni Joaquin.“Anong ginagawa mo?” gulat kong tanong.“Hindi maayos ang pakiramdam niya buhat na rin ng mahabang biyahe kaya nanlalata siya,” pagkukunwaring saad ni Joaquin.“Anong si— ”“Mang Julian, maaari niyo po bang ituro na ang daan sa aming tutuluyan? Kailangan na rin ni Helena na makapagpahinga,” wika ni Joaquin.“Hoy! Ano bang sinasabi mo? A— ”“Ay, paumanhin, Binibini. Halina, sumunod kayo nang
HINDI nakaimik ang ginang kaya mabilis kong nilapitan ang kanyang asawa at masinsin na sinuri. Tinignan ko ang kanyang mga mata na ngayon ay lumubog na at halos hindi na makita, nanunuyo ang kanyang mga labi, nanlalamig at basang-basang balat at kulubot na mga kamay at paa. Lumapit ako sa isa pang naroon at gaya ng una ay parehas ang sintomas nito. Lumapit ako sa isang bata at hinawakan ko ito ngunit bigla na lang itong humiyaw.“Aray! Ina, napakasakit!” namamalat na hiyaw nito na mabilis na tinabig ng kanyang ina ang aking kamay.“Huwag mo siyang hawakan sinasaktan mo ang anak ko!” sigaw sa akin ng ina ng bata at tinakpan niya ang kanyang anak na tila isa akong masamang tao na sasaktan ang anak niya. Hinayaan ko na lamang siya at muli kong pinagmasdan ang anak niya na ngayon ay may mabibigat na paghinga.Iginala ko ang aking mga mata at mabilis na sinuri ang nakakarami at lahat sila pare-pareho ang sintomas.“Asawa ko!
NAGING abala kaming lahat sa pagbibgay lunas sa lahat ng mga taong naroon at matapos ang pagbibgay ng paunang lunas ay naghanda kami ng makakain ng mga taong naroon. Ang iba naman na wala pang sintomas ay tumulong na rin sa paghahanda ng mga makakain. Ang iba ay nanghuli ng mga isda at kumuha ng mga panggatong. Lahat kami ay naging abala. Habang sila’y naghahanda sa makakain ng lahat ay ako naman ay walang tigil sa pagsubaybay sa kalagayan ng mga taong narito.Nang makaramdam ako ng pagod ay naupo ako sa ilalim ng isang puno nang bigla maagaw ang aking paningin ng isang dalaga na paparating sa di-kalayuan.“Teresa? Anong ginagawa niya rito?” wala sa huwisyo kong tanong sa aking sarili.Tumayo ako sa aking pagkakaupo at habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglakad papalapit sa aking kinaroroonan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang ang lahat ng iyon ay nangyari na.“Anong nang— ”Naputol ang aking sasabihin nang biglang makita ko si Helena
NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakahiga at habol ang aking hininga nang manumbalik ang aking malay.“Imposible…” mahina kong usal.“Helena, ayos ka lang ba?” tanong ni Teresa dahilan ng aking pagkatigalgal. “Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina,” aniya.Hindi ako makapagsalita nang sandali na ‘yon na tila ba nakain ko ang aking dila. Ngayon na nasa aking harapan siya ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng takot at pangamba na baka ulitin niyang muli sa akin ang ginawa niya kay Helena. Hindi ko alam pero nang sandaling iyon ay natatakot ako. Natatakot ako na mamamatay sa panahon na ito dahil alam kong ‘pag nangyari iyon ay kailanman ay hindi na ako makakabalik sa kasalukuyan. Kapag nangyari iyon natatakot ako na baka hindi na ako maalala ng mga taong nakikilala sa akin. Natatakot ako na baka tulad ni Lola Nilda ay hindi na rin nila ako maalala na isa na lang bahagi ako ng nakaraan.“Helena, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin at ipinatong ang kanyang palad
Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob para ngumiti sa aking harapan na wala man lang halong pag-iimbot sa kanyang mga binibitawan niyang salita. Paano niya nagagawang makipag-plastikan sa akin? Paano niya nagagawang magpanggap na ayos lang kami pero sa likod ng mga ngiti niya ay halos nagngingitngit na siya sa galit na umabot sa puntong gusto niya na akong patayin? Gano'n ba katindi ang kanyang kagustuhan at pagnanasa na maangkin si Joaquin na sa puntong kaya niya ng patayin ang sariling niyang kaibigan? Worth it ba na patayin mo si Helena at masarili mo si Joaquin, ha, Teresa?“Anong sinasabi mo, Helena? Hindi kita maintindihan,” naguguluhan niyang tanong.“You really don't understand or you're just feigning not to know?” nanunubok kong tanong. Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon maging ang magiging maliit na kilos na gagawin ng kanyang katawan. Words can lie but not your body.Natahimik siya ng ilang saglit at bigla na lang siyang napapalakpak a
“WALANG MALI! Pero sobrang nakakailang!” singhal ko sa kanya nang nakapikit.Naramdaman ko paghawak niya sa aking baba at iniharap ang mukha sa kanya.“Hanggang kailan ka maiilang sa akin, Helena?” tanong ni Joaquin sa akin. Nanatili pa rin akong nakapikit kahit na alam kong tinititigan niya ako.“Idilat mo ang iyong mga mata, Helena,” utos niya.“Nahihiya nga kasi ako! Kung ano-ano kasi ang mga lumalabas sa bibig mo, ‘e!” wika ko na animo'y bata na nagmamaktol.“Tumingin ka sa akin, Helena,” wika niya.“Ayaw ko!” mariing tanggi ko.“Helena,” tawag niya sa akin ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata at walang balak na idilat iyon para makipagtitigan sa kanya.“Ayaw!”Hindi siya nagsalita ng ilang sandali ngunit napadilat na lamang ako nang maramdaman ko ang kanyang labi na lumapat sa aking mga labi.“Ito ba ang gusto mong paraan para idilat mo lamang ang iyong mga mata at tumingin sa akin?”Nanlaki ang aking m
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.