“WALANG MALI! Pero sobrang nakakailang!” singhal ko sa kanya nang nakapikit.
Naramdaman ko paghawak niya sa aking baba at iniharap ang mukha sa kanya.
“Hanggang kailan ka maiilang sa akin, Helena?” tanong ni Joaquin sa akin. Nanatili pa rin akong nakapikit kahit na alam kong tinititigan niya ako.
“Idilat mo ang iyong mga mata, Helena,” utos niya.
“Nahihiya nga kasi ako! Kung ano-ano kasi ang mga lumalabas sa bibig mo, ‘e!” wika ko na animo'y bata na nagmamaktol.
“Tumingin ka sa akin, Helena,” wika niya.
“Ayaw ko!” mariing tanggi ko.
“Helena,” tawag niya sa akin ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata at walang balak na idilat iyon para makipagtitigan sa kanya.
“Ayaw!”
Hindi siya nagsalita ng ilang sandali ngunit napadilat na lamang ako nang maramdaman ko ang kanyang labi na lumapat sa aking mga labi.
“Ito ba ang gusto mong paraan para idilat mo lamang ang iyong mga mata at tumingin sa akin?”
Nanlaki ang aking m
Napabuga nang maginhawa.”Salamat naman at medyo okay na rin ang ang kanyang kalagayan,” saad ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinignan sina Mang Julian at Joaquin.“Halina po at bumalik na tayo. Kailangang mapalitan ang kanyang basang damit kun’di baka muling magkaroon ng problema” — Sabay tingin sa kanilang damit na basang-basa. “— at sa tingin ko rin ay kailangan niyo na rin magpalit ng damit kun’di baka kayo rin ay magkasakit,” ani ko.Binuhat nilang muli si Mang Waldo at naglakad na kaming muli pabalik. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at pasimple kong tinignan si Joaquin na walang imik at diretso lamang ang kanyang mga tingin sa daan. Kahit mangilang ulit ko ng napagmasdan ang kanyang mukha sa malayo o sa malapitan man ay hindi ako nagsasawang titigan siya. Kahit saang anggulo ko talaga siya tignan ay labis talagang nakakaakit ang kanyang angking kag’wapuhan.“Baka matunaw na po niyan si Joaquin, Binibining Helena,” nanunuksong sambit ni Mang
“NARITO ka pala, Helena.”Halos mapalukso ako nang marinig ko ang boses ng taong kani-kanina lang ay pinag-uusapan namin ni Nina.“Nina, narito ka rin pala,” nakangiting saad ni Teresa sa kanya.Hindi umimik si Nina at umismid lamang ito kay Teresa saka ibinaling ang kanyang tingin sa akin.“Kunin ko lang Ate Helena iyong itinabing pagkain ni Kuya Joaquin para sa ‘yo,” paalam niya sa akin na binigyan diin lahat ng salita na kanyang sinabi.Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Teresa dahil sa pasimple pasaring ni Nina sa kanya ngunit mabilis niya ring ikinumpas ang kanyang sarili para ikubli ang kanyang nararamdaman. I'm aware that this is going to be uncomfortable kaya mabilis ako gumawa ng pag-uusapan namini ni Teresa.“Bakit ka pala naparito, Teresa?” tanong ko na hindi iniisip ang aking sinabi.Shit! Bakit iyon ang nasabi ko? Anong klaseng tanong ‘yon, Helen? Ano ba naman ‘yan? Kung kailan kailangan ko ng matinong sasabihin hindi gumagana n
Kinabig ko ang kanyang mukha paharap sa akin para magtagpo ang aming mga mata.“Hindi mo kailangan isipin ang mga ganoong bagay— ”“Pero Ate Helena, paano ko po hindi magagawang isipin ang ganoong bagay? Nangyari na rin ang ganitong bagay sa akin noon, Ate at may ginawa ka sa akin ng araw din na ‘yon. Anong pagkakaiba noon sa nangyayari sa akin ngayon? Hindi po ba talaga ako buntis? Ano po ba ang totoo, Ate Helena? Sabihin niyo po sa akin ang totoo,” umiiyak na saad ni Nina na nagsisimula na maging histerikal.Hinawakan ko ang kanyang mukha at sinubukan siyang pakalmahin. “Nina, hindi ka buntis,” maikli kong saad.“Kung gano'n po, ano po itong dahilan ng mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa akin? Bakit ako nasusuka? Bakit hindi ko gusto ang amoy ng lansones? Ano po ang lahat ng iyon?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin.“Hindi ko maipapaliwanag ang lahat na nangyayari sa ‘yo,
HINARAP niya ako na may samu't saring emosyon sa kanyang mukhang hindi ko malaman kung ano ba ang eksakto niyang nararamdaman.Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga. “Si Nina…”Hindi na ako nagulat sa isinagot ni Joaquin nang oras na iyon kahit sino naman mas pipiliin nila ang buhay ng kapamilya nila kaysa sa bata. Alam kong mabigat at mahirap pumili sa dalawang buhay na alam mong parte at magiging parte ng inyong pamilya pero iba ang kaso ni Nina. Marahil kaya mas pinili ni Joaquin ang kapatid niya ay dahil anak sa pagkakasala ang nasa sinapupunan ni Nina at alam niyang hindi iyon matatanggap ni Nina ‘pag nagkataong nalaman nito ang buong katotohanan.“Kung gayon mas pipiliin mo si Nina kaysa sa batang nasa sinapupunan niya?” tanong ko sa kanya. Gusto ko makasiguro sa kanyang desisyon bago gawin ang susunod na hakbang.Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Joaquin. Alam kong nahihirapan siya pero kailangan ko malaman ang buo niyang desisyon.“Joaq
Unti-unting nagkaroon ng kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa, humugot ako ng isang malalim na paghinga bago nagsalita.“Alam ko sobra-sobra na ang mga problema na iyong kinahaharap ngunit heto ako dadagdagan pa ang iyong isipin. Kakapalan ko na ang aking pagmumukha at hihingi sana ako sa ‘yo ng isang pabor,” lakas loob kong sabi.“Huwag mong sabihin ang gan’yang bagay, Helena o kahit isipin ang gan’yan. Hindi mo kailangan magdalwang isip na humingi ng tulong sa akin o kahit sabihin ang iyong mga dinadala… ”“Pero— ”Pinutol niya ang aking pagsasalita at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi. “Helena, ikaw ang babaeng minamahal ko hindi ka lamang isang ordinaryong babae sa buhay ko kaya ‘wag kang mag-isip na iba ang turing ko sa ‘yo. Ang lahat ng sasabihin mo ay mahalaga sa akin maging ang lahat ng tungkol sa ‘yo. Kaya sana tigilan mo na ang pag-iisip ng mga negatibong bagay dahil mali ang lahat ng iyon.”Wala ako masabi nang sandaling iyon, walang du
“JOAQUIN,” gulat na bulalas ni Teresa nang makita niya si Joaquin.“Tinatanong kita hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” seryosong tanong ni Joaquin.“Nagkakamali ka ng iyong iniisip, Joaquin. Wala akong masamang—”“Nagkakamali? Kung gano’n ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ginagawa mo kay Helena?” hagsik na tanong ni Joaquin kay Teresa dahilan para hindi siya makapagsalita sa labis na rin na gulat dahil sa kakaibang pakikitungo sa kanya ni Joaquin.Ikinumpas ni Teresa ang kanyang sarili at sinubukan muling magsalita ngunit mabilis siyang pinutol ni Joaquin sa kanyang pagsasallita.“Sandali lang, Joaquin! Wala naman talaga akong gagawing masama kay Helena mag-uusap lang dapat ka—"“Kung pakikipag-usap ang pakay Helena hindi mo kailangan na sigawan siya o pilitin gaya ng ginawa mo kani-kanina lang,” pagsusupalpal na saad ni Joaquin sa kanya.“Hindi ko naman sinasadya na masigawan si Helena,” wika ni Teresa.“Wala akong pakialam sa kun
MATAPOS ang nangyari sa amin ni Joaquin ay ginawa kong abala ang aking sarili and as much as possible ay iniiwasan ko na magkaroon siya ng pagkakataon na makausap o makalapit sa akin.“Ate Helena, nagkaroon ba kayo ng pagtatalo ni Kuya Joaquin?” pag-uusisa ni Nina habang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Joaquin.“Ha?” gulat kong reaksyon. Kinolekta ko ang aking sarili para itago ang aking reaksyon. “Ano bang sinasabi mo, Nina?” pagmamaang-mangan kong pagpapanggap na tanong sa kanya.“Tignan mo po siya, Ate, kanina pa siya parang aligaga at parang gustong lumapit po sa ‘yo kaso abala ka po sa mga taong narito para suriin ang kanilang mga kalagayan,” paliwanag ni Nina.“Nagkakamali ka lang siguro, Nina, baka guni-guni mo lamang ang nakikita mo,” pagdadahilan ko at mas itinuon ang aking pansin sa pasyenteng aking sinusuri.“Guni-guni? Ate Helena, matagal ko ng kilala ang si Kuya Joaquin simula pagkabata hanggang lumaki ako alam ko ang mga kilos niya
LUMIPAS ang mga araw at binabagabag pa rin ako ng aking isipan sa kung ano ba ang pinag-usapan nina Joaquin at Teresa nang araw na ‘yon. Hindi ko naman magawang lapitan si Joaquin dahil sa ginawa ko noong huli at saka iniiwasan ko rin siya.“Ano ba pinag-usapan nila?” tanong ko sa aking sarili sabay napabuntong-hininga at napatingin sa lupa.“Ang lalim naman ng buntong-hininga mo,” wika ni Teresa dahilan para manumbalik ako sa katinuan at mapatingin sa kanya nang mabilis.“Teresa!” gulat kong bulalas.“O, bakit parang mukhang gulat ko? Gano'n ba kalalim ang iyong iniisip para magkagan'yan ka?” tanong ni Teresa na may ngiti sa kanyang labi.“Hindi naman sa gano'n,” mahina kong sagot.“May pupuntahan ka ba?” tanong ko nang mapansin ko na nakabisti siya na tila may pupuntahan.“A, iyon nga ang aking nais ipaalam sa ‘yo kaya gusto kita makausap,” aniya.“Aalis ka ba?” tanong ko.“Oo— pero sandali, may kailangan tayong pag-usapan,” an