“JOAQUIN,” gulat na bulalas ni Teresa nang makita niya si Joaquin.
“Tinatanong kita hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?” seryosong tanong ni Joaquin.
“Nagkakamali ka ng iyong iniisip, Joaquin. Wala akong masamang—”
“Nagkakamali? Kung gano’n ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ginagawa mo kay Helena?” hagsik na tanong ni Joaquin kay Teresa dahilan para hindi siya makapagsalita sa labis na rin na gulat dahil sa kakaibang pakikitungo sa kanya ni Joaquin.
Ikinumpas ni Teresa ang kanyang sarili at sinubukan muling magsalita ngunit mabilis siyang pinutol ni Joaquin sa kanyang pagsasallita.
“Sandali lang, Joaquin! Wala naman talaga akong gagawing masama kay Helena mag-uusap lang dapat ka—"
“Kung pakikipag-usap ang pakay Helena hindi mo kailangan na sigawan siya o pilitin gaya ng ginawa mo kani-kanina lang,” pagsusupalpal na saad ni Joaquin sa kanya.
“Hindi ko naman sinasadya na masigawan si Helena,” wika ni Teresa.
“Wala akong pakialam sa kun
MATAPOS ang nangyari sa amin ni Joaquin ay ginawa kong abala ang aking sarili and as much as possible ay iniiwasan ko na magkaroon siya ng pagkakataon na makausap o makalapit sa akin.“Ate Helena, nagkaroon ba kayo ng pagtatalo ni Kuya Joaquin?” pag-uusisa ni Nina habang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Joaquin.“Ha?” gulat kong reaksyon. Kinolekta ko ang aking sarili para itago ang aking reaksyon. “Ano bang sinasabi mo, Nina?” pagmamaang-mangan kong pagpapanggap na tanong sa kanya.“Tignan mo po siya, Ate, kanina pa siya parang aligaga at parang gustong lumapit po sa ‘yo kaso abala ka po sa mga taong narito para suriin ang kanilang mga kalagayan,” paliwanag ni Nina.“Nagkakamali ka lang siguro, Nina, baka guni-guni mo lamang ang nakikita mo,” pagdadahilan ko at mas itinuon ang aking pansin sa pasyenteng aking sinusuri.“Guni-guni? Ate Helena, matagal ko ng kilala ang si Kuya Joaquin simula pagkabata hanggang lumaki ako alam ko ang mga kilos niya
LUMIPAS ang mga araw at binabagabag pa rin ako ng aking isipan sa kung ano ba ang pinag-usapan nina Joaquin at Teresa nang araw na ‘yon. Hindi ko naman magawang lapitan si Joaquin dahil sa ginawa ko noong huli at saka iniiwasan ko rin siya.“Ano ba pinag-usapan nila?” tanong ko sa aking sarili sabay napabuntong-hininga at napatingin sa lupa.“Ang lalim naman ng buntong-hininga mo,” wika ni Teresa dahilan para manumbalik ako sa katinuan at mapatingin sa kanya nang mabilis.“Teresa!” gulat kong bulalas.“O, bakit parang mukhang gulat ko? Gano'n ba kalalim ang iyong iniisip para magkagan'yan ka?” tanong ni Teresa na may ngiti sa kanyang labi.“Hindi naman sa gano'n,” mahina kong sagot.“May pupuntahan ka ba?” tanong ko nang mapansin ko na nakabisti siya na tila may pupuntahan.“A, iyon nga ang aking nais ipaalam sa ‘yo kaya gusto kita makausap,” aniya.“Aalis ka ba?” tanong ko.“Oo— pero sandali, may kailangan tayong pag-usapan,” an
SA NAKALIPAS na mga araw ay hindi ko pa rin lubos na magawang makontrol ang sitwasyon na nangyayari rito. Habang pinagmamasdan ko sila na nakahiga sa pinagtagpi-tagping pinutol na kawayan na ginawa nina Joaquin at ng ibang kalalakihan na narito para maiwasan na madagdagan ang kanilang sakit tulad ng pneumonia ay mas kinakain ako ng aking isipan kung paano sila mapapagaling. Hindi pa rin lubos na bumubuti ang kalagayan ng mga nakakaraming tinamaan ng cholera na narito at halos may lima na rin ang namatay dahil sa kakulangan ng mga gamot na kailangan na ibigay sa kanila lalo na hindi pa rin nawawala ang kanilang mga sintomas at labis ko iyon na ikinababahala .“Binibining Helena, anong gagawin natin sa kanilang lahat? Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubuti ang kanilang mga kalagayan?” tanong sa akin ni Lola Nilda.“Sa ngayon wala akong tiyak na magagawa para sa kanila bukod sa paghihintay ng pagbabalik ni Mang Julian bitbit ang mga inaasahang gamot na iniutos ko sa
NIYAKAP ako ni Doña Celestina nang napakahigpit ng makalapit siya sa akin.“Patawad anak, ngayon lang ako nagpakita sa ‘yo,” umiiyak na paghingi ng tawad niya sa akin.“Paano niyo nalaman na narito kami?” nalilito kong tanong kay Doña Celestina.“Si Don Emilio po ang nakakaalam na narito po kayo kung kaya dinala niya po kami rito, Binibini,” sagot ni Lita.Napatingin ako kay Lita na may malungkot na ngiti sa kanyang mga ngiti at tinignan ko rin si Don Emilio na walang emosyon sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari? Bakit ngayon lang sina Doña Celestina at Lita nagpakita sa akin? Anong ibig sabihin ng pagkakasama-sama nila ngayon? Bakit alam ni Don Emilio na narito kami? Paano niya nalaman? Plinano niya ba ang lahat ng ito?Inalis ni Doña Celestina ang kanyang pagkakayakap sa akin dahilan para ngayon ko lang mapansin ang mga pasa sa kanyang mukha.“Anong nangyari? Bakit may mga pasa po kayo sa iyong mukha?” gulat kong tanong at hindi makapaniwala sa
“Si Roman ang iyong ama Helena,” pagpuputol sa katahimikang sabi ni Don Emilio na bumalot sa aming lahat.“Ha? Si Don Roman?” hindi makapaniwalang pag-uulit ko sa kanyang sinabi. “Paanong nangyari na naging ama ko siya?” tanong ko.“Alam kong medyo naguguluhan ka sa mga sinasabi namin ngayon, Helena pero magiging mahinay at malinaw ang aming pagpapaliwanag,” ani Don Emilio.Hiniwakan ni Don Emilio ang balikat ni Doña Celestina dahilan para mapalingon ito sa kanya.“Panahon na para malaman ni Helena ang lahat Celestina. Kaya mo ito nandito lang ako,” saad ni Don Emilio kay Doña Celestina na pinapalakas ang loob.“Pero“Celestina, kailangan mong kayanin ito. Hindi mo matatago habambuhay ang katotohanan sa nakaraan niyo ni Roman lalo na at hindi na maganda ang pagtatrato sa ‘yo ni Raul.”Napapikit si Doña Celestina para muling bumuhos ang mga luhang naipon sa kanyang mga mata saka dumilat at pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Humarap siy
PILIT kong ikinukumpas ang sarili ko sa mga nangyayari pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Natatakot ako. I felt guilty though I'm not the real Helena. Bakit kailangan magkaganito? Bakit kailangan na maging komplikado ang lahat?“Siya rin ba ang dahilan ng panggagahasang nangyari kay Nina?” seryosong tanong ni Joaquin.“Oo, siya rin ang may kagagawan noon,” sagot ni Don Emilio.Narinig ko ang pagngitngit ng mga ngipin ni Joaquin sa labis na galit dahilan para mas makaramdam ako ng pagkaawa sa kanya at bigat sa aking dibdib. Hindi ko siya magawang tignan nang sandaling iyon dahil sa hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ng kinikilala kong ama higit sa lahat ay natatakot ako. Narinig ako ang malalim na pagbuntong-hininga niya na halatang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.“Siya rin ba ang may kagagawan n
“Thank God!” nakahinga kong sabi.Binuhat naman iyon ni Joaquin at dinala papunta sa k'warto dahilan para mapasunod din ako at matignan si Nina.“Ayos lang ba siya?” tanong sa akin ni Joaquin.Sinuri ko ang pulso ni Nina bago sinagot si Joaquin. “Maayos naman siya sobrang nabigla lang siya kaya siya nawalan ng malay,” paliwanag ko.“E, ang ipinagdadala niya? Kumusta ang kalagayan? Ayos lang ba?” nababahala niyang tanong.“Huwag kang mag-alala ayos lang siya,” nakangiti kong sagot dahilan para magtagpo ang aming mga mata.Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.“Ikaw, ayos ka lang ba?” tanong niya na may labis na pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan,” wika ko sabay yuko dahil sa kinakain ako labis na konsensya at hiya dahil sa ginawa ni Don Raul sa kanya at sa buong pamilya nila.Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at iniangat niya
“KUMUSTA ang kalagayan ni Nina? Ayos lang ba siya?” tanong ni Doña Celestina na napatayo sa kanyang pagkakaupo nang makita kami ni Joaquin.“Ayos lang po siya, Tiya Celestina. Wala po kayong dapat na ikabahala,” ani Joaquin.“Mabuti naman kung gano'n,” nakahingang pagpapasalamat ni Doña Celestina.“Mabuti na rin po iyon nang hindi na rin si Nina mag-isip ng kung ano-ano baka mas lalo pa makasama sa kanya ang mga malaman niya,” wika ni Joaquin.“Anong ibig mong sabihin, Joaquin? May nararamdaman ba si Nina?” tanong ni Doña Celestina.“Hindi ko po nais maging bastos sa inyo, Tiya Celestina, ngunit sa tingin ko po hindi si Nina ang kailangan natin pagtuunan ng pansin kun'di ang taong may kagagawan ng kaguluhan at pagkasira ng ating buhay at tiwala,” saad ni Joaquin.“Ipagpaumanhin mo, Hijo, ang aking pangingialam sa iyong kapatid nag-aalala lamang ako para sa kanya,” paghingi ng tawad ni Doña Celestina.“Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m
LUMIPAS ang buwan nang napakabilis at halos hindi namin namamalayan at maging ang tiyan namin ni Nina ay lumalaki na halos malapit ng sa kabuwanan si Nina ngunit, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nililitis at nakakulong lang kami rito. Hindi ko matukoy kung ano ang gustong mangyari ni Don Raul sa aming lahat. Either na gusto niya kami mawalan ng pag-asa at sumuko na lang ng kusa sa kanya o pahirapan kami nang dahan-dahan hanggang sa tuluyan kaming mawala sa aming sarili? Dahil kung ito man ang binabalak niya hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin namin ni Nina na makita naming binubugbog habang binababoy sina Joaquin at Mateo.“Ate Helena, hindi ko na kaya,” lumuluhang sabi ni Nina.Wala ako magawa kun’di ang yakapin na lang siya. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang nakikita hindi ito ang unang nangyari ito kay Joaquin pero kay Mateo hindi niya matatanggap ang ganito pero kahit na manlaban siya ay masasaktan lang
MADILIM pa ang buong paligid ngunit naghahanda na kaming lahat sa pag-alis. Puno man ng pag-aalala sa maiiwan kong mga tao ay kailangan ko maging matatag at magtiwala kay Don Emilio tulad ng sinabi ni Mang Prospero. Sa huling pagkakataon susugal ako kay Don Emilio at sana hindi masayang ang lahat ng iyon.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong ni Joaquin habang hawak-hawak ang aking kamay.Tumango lang ako na may ngiti sa aking labi bilang tugon at para na rin makumbinsi siyang ayos lang talaga ako kahit alam kong hindi. Mabilis kong binawi ang aking tingin para hindi niya iyon mapansin ngunit wala ata talagang nakakaligtas sa kanyang matalas na paningin. Maingat na kinabig niya ang aking mukha para magkatinginan kami sa mata.“Sabihin mo sa akin, mahal, may bumabagabag ba sa ‘yong isipan?” tanong niya habang nakatutok ang kanyang mga mata sa aking mga mata.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sobrang gulo ng isipan ko pero&mda
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.