Share

Kabanata Eighty-One

Ilang saglit akong hindi nakaimik sa kanyang sinabi. “Paano mo nasasabi ang lahat ng ‘yan?” mahina kong tanong.

Inaangat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming mga mata at saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti.

“Dahil ganito ako magmahal. Ganito kita kamahal,” aniya at muli ako binigyan ng matamis na ngiti.

Nakarinig ako ng pagtikhim dahilan para maagaw ang akming atensyon.

“Ayos ka lang po ba, Binibini?” tanong ni Mang Julian.

“O— ”

Naputol ang aking sasabihin nang bigla akong buhatin ni  Joaquin.

“Anong ginagawa mo?” gulat kong tanong.

“Hindi maayos ang pakiramdam niya buhat na rin ng mahabang biyahe kaya nanlalata siya,” pagkukunwaring saad ni Joaquin.

“Anong si— ”

“Mang Julian, maaari niyo po bang ituro na ang daan sa aming tutuluyan? Kailangan na rin ni Helena na makapagpahinga,”  wika ni Joaquin.

“Hoy! Ano bang sinasabi mo? A— ”

“Ay, paumanhin, Binibini. Halina, sumunod kayo nang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status