HINDI nakaimik ang ginang kaya mabilis kong nilapitan ang kanyang asawa at masinsin na sinuri. Tinignan ko ang kanyang mga mata na ngayon ay lumubog na at halos hindi na makita, nanunuyo ang kanyang mga labi, nanlalamig at basang-basang balat at kulubot na mga kamay at paa. Lumapit ako sa isa pang naroon at gaya ng una ay parehas ang sintomas nito. Lumapit ako sa isang bata at hinawakan ko ito ngunit bigla na lang itong humiyaw.
“Aray! Ina, napakasakit!” namamalat na hiyaw nito na mabilis na tinabig ng kanyang ina ang aking kamay.
“Huwag mo siyang hawakan sinasaktan mo ang anak ko!” sigaw sa akin ng ina ng bata at tinakpan niya ang kanyang anak na tila isa akong masamang tao na sasaktan ang anak niya. Hinayaan ko na lamang siya at muli kong pinagmasdan ang anak niya na ngayon ay may mabibigat na paghinga.
Iginala ko ang aking mga mata at mabilis na sinuri ang nakakarami at lahat sila pare-pareho ang sintomas.
“Asawa ko!
NAGING abala kaming lahat sa pagbibgay lunas sa lahat ng mga taong naroon at matapos ang pagbibgay ng paunang lunas ay naghanda kami ng makakain ng mga taong naroon. Ang iba naman na wala pang sintomas ay tumulong na rin sa paghahanda ng mga makakain. Ang iba ay nanghuli ng mga isda at kumuha ng mga panggatong. Lahat kami ay naging abala. Habang sila’y naghahanda sa makakain ng lahat ay ako naman ay walang tigil sa pagsubaybay sa kalagayan ng mga taong narito.Nang makaramdam ako ng pagod ay naupo ako sa ilalim ng isang puno nang bigla maagaw ang aking paningin ng isang dalaga na paparating sa di-kalayuan.“Teresa? Anong ginagawa niya rito?” wala sa huwisyo kong tanong sa aking sarili.Tumayo ako sa aking pagkakaupo at habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglakad papalapit sa aking kinaroroonan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang ang lahat ng iyon ay nangyari na.“Anong nang— ”Naputol ang aking sasabihin nang biglang makita ko si Helena
NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakahiga at habol ang aking hininga nang manumbalik ang aking malay.“Imposible…” mahina kong usal.“Helena, ayos ka lang ba?” tanong ni Teresa dahilan ng aking pagkatigalgal. “Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina,” aniya.Hindi ako makapagsalita nang sandali na ‘yon na tila ba nakain ko ang aking dila. Ngayon na nasa aking harapan siya ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng takot at pangamba na baka ulitin niyang muli sa akin ang ginawa niya kay Helena. Hindi ko alam pero nang sandaling iyon ay natatakot ako. Natatakot ako na mamamatay sa panahon na ito dahil alam kong ‘pag nangyari iyon ay kailanman ay hindi na ako makakabalik sa kasalukuyan. Kapag nangyari iyon natatakot ako na baka hindi na ako maalala ng mga taong nakikilala sa akin. Natatakot ako na baka tulad ni Lola Nilda ay hindi na rin nila ako maalala na isa na lang bahagi ako ng nakaraan.“Helena, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin at ipinatong ang kanyang palad
Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob para ngumiti sa aking harapan na wala man lang halong pag-iimbot sa kanyang mga binibitawan niyang salita. Paano niya nagagawang makipag-plastikan sa akin? Paano niya nagagawang magpanggap na ayos lang kami pero sa likod ng mga ngiti niya ay halos nagngingitngit na siya sa galit na umabot sa puntong gusto niya na akong patayin? Gano'n ba katindi ang kanyang kagustuhan at pagnanasa na maangkin si Joaquin na sa puntong kaya niya ng patayin ang sariling niyang kaibigan? Worth it ba na patayin mo si Helena at masarili mo si Joaquin, ha, Teresa?“Anong sinasabi mo, Helena? Hindi kita maintindihan,” naguguluhan niyang tanong.“You really don't understand or you're just feigning not to know?” nanunubok kong tanong. Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon maging ang magiging maliit na kilos na gagawin ng kanyang katawan. Words can lie but not your body.Natahimik siya ng ilang saglit at bigla na lang siyang napapalakpak a
“WALANG MALI! Pero sobrang nakakailang!” singhal ko sa kanya nang nakapikit.Naramdaman ko paghawak niya sa aking baba at iniharap ang mukha sa kanya.“Hanggang kailan ka maiilang sa akin, Helena?” tanong ni Joaquin sa akin. Nanatili pa rin akong nakapikit kahit na alam kong tinititigan niya ako.“Idilat mo ang iyong mga mata, Helena,” utos niya.“Nahihiya nga kasi ako! Kung ano-ano kasi ang mga lumalabas sa bibig mo, ‘e!” wika ko na animo'y bata na nagmamaktol.“Tumingin ka sa akin, Helena,” wika niya.“Ayaw ko!” mariing tanggi ko.“Helena,” tawag niya sa akin ngunit nanatiling nakapikit ang aking mga mata at walang balak na idilat iyon para makipagtitigan sa kanya.“Ayaw!”Hindi siya nagsalita ng ilang sandali ngunit napadilat na lamang ako nang maramdaman ko ang kanyang labi na lumapat sa aking mga labi.“Ito ba ang gusto mong paraan para idilat mo lamang ang iyong mga mata at tumingin sa akin?”Nanlaki ang aking m
Napabuga nang maginhawa.”Salamat naman at medyo okay na rin ang ang kanyang kalagayan,” saad ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinignan sina Mang Julian at Joaquin.“Halina po at bumalik na tayo. Kailangang mapalitan ang kanyang basang damit kun’di baka muling magkaroon ng problema” — Sabay tingin sa kanilang damit na basang-basa. “— at sa tingin ko rin ay kailangan niyo na rin magpalit ng damit kun’di baka kayo rin ay magkasakit,” ani ko.Binuhat nilang muli si Mang Waldo at naglakad na kaming muli pabalik. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at pasimple kong tinignan si Joaquin na walang imik at diretso lamang ang kanyang mga tingin sa daan. Kahit mangilang ulit ko ng napagmasdan ang kanyang mukha sa malayo o sa malapitan man ay hindi ako nagsasawang titigan siya. Kahit saang anggulo ko talaga siya tignan ay labis talagang nakakaakit ang kanyang angking kag’wapuhan.“Baka matunaw na po niyan si Joaquin, Binibining Helena,” nanunuksong sambit ni Mang
“NARITO ka pala, Helena.”Halos mapalukso ako nang marinig ko ang boses ng taong kani-kanina lang ay pinag-uusapan namin ni Nina.“Nina, narito ka rin pala,” nakangiting saad ni Teresa sa kanya.Hindi umimik si Nina at umismid lamang ito kay Teresa saka ibinaling ang kanyang tingin sa akin.“Kunin ko lang Ate Helena iyong itinabing pagkain ni Kuya Joaquin para sa ‘yo,” paalam niya sa akin na binigyan diin lahat ng salita na kanyang sinabi.Nakita ko ang pag-asim ng mukha ni Teresa dahil sa pasimple pasaring ni Nina sa kanya ngunit mabilis niya ring ikinumpas ang kanyang sarili para ikubli ang kanyang nararamdaman. I'm aware that this is going to be uncomfortable kaya mabilis ako gumawa ng pag-uusapan namini ni Teresa.“Bakit ka pala naparito, Teresa?” tanong ko na hindi iniisip ang aking sinabi.Shit! Bakit iyon ang nasabi ko? Anong klaseng tanong ‘yon, Helen? Ano ba naman ‘yan? Kung kailan kailangan ko ng matinong sasabihin hindi gumagana n
Kinabig ko ang kanyang mukha paharap sa akin para magtagpo ang aming mga mata.“Hindi mo kailangan isipin ang mga ganoong bagay— ”“Pero Ate Helena, paano ko po hindi magagawang isipin ang ganoong bagay? Nangyari na rin ang ganitong bagay sa akin noon, Ate at may ginawa ka sa akin ng araw din na ‘yon. Anong pagkakaiba noon sa nangyayari sa akin ngayon? Hindi po ba talaga ako buntis? Ano po ba ang totoo, Ate Helena? Sabihin niyo po sa akin ang totoo,” umiiyak na saad ni Nina na nagsisimula na maging histerikal.Hinawakan ko ang kanyang mukha at sinubukan siyang pakalmahin. “Nina, hindi ka buntis,” maikli kong saad.“Kung gano'n po, ano po itong dahilan ng mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa akin? Bakit ako nasusuka? Bakit hindi ko gusto ang amoy ng lansones? Ano po ang lahat ng iyon?” Sunod-sunod niyang tanong sa akin.“Hindi ko maipapaliwanag ang lahat na nangyayari sa ‘yo,
HINARAP niya ako na may samu't saring emosyon sa kanyang mukhang hindi ko malaman kung ano ba ang eksakto niyang nararamdaman.Muli siyang nagpakawala nang malalim na paghinga. “Si Nina…”Hindi na ako nagulat sa isinagot ni Joaquin nang oras na iyon kahit sino naman mas pipiliin nila ang buhay ng kapamilya nila kaysa sa bata. Alam kong mabigat at mahirap pumili sa dalawang buhay na alam mong parte at magiging parte ng inyong pamilya pero iba ang kaso ni Nina. Marahil kaya mas pinili ni Joaquin ang kapatid niya ay dahil anak sa pagkakasala ang nasa sinapupunan ni Nina at alam niyang hindi iyon matatanggap ni Nina ‘pag nagkataong nalaman nito ang buong katotohanan.“Kung gayon mas pipiliin mo si Nina kaysa sa batang nasa sinapupunan niya?” tanong ko sa kanya. Gusto ko makasiguro sa kanyang desisyon bago gawin ang susunod na hakbang.Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Joaquin. Alam kong nahihirapan siya pero kailangan ko malaman ang buo niyang desisyon.“Joaq