LUMIPAS ang mga araw na hindi ko alam kung ano ang nangyari kahapon kung panaginip nga lang ba iyon o totoong nangyari.
“Ate Helena, ayos ka lang po ba? Lumilipad na naman ang iyong utak,” pagpukaw sa aking diwa ni Nina.
“Ah, ayos lang ako. May iniisip lang ako,” pagdadahilan ko.
“Ano po ba ‘yang iniisip mo at tila hindi mo po mahanapan ng kasagutan?” tanong ni Nina.
Akmang sasagot na sana ako nang marinig namin ang malakas na hiyaw ni Lito.
“Nagsisimula na naman sila,” wika ni Nina.
Ilang gabi na rin ang nagdaan at gaya ng inutos ni Mateo ay walang gabi na hindi sila sinasamantala ng mga Guardia Civil na ginawang libangan ang pambababoy kay Lito. Hindi lang pala kami ang may galit sa kanya kun'di halos ng mga narito sa Fort San Felipe dahil pagmamalabis niya. Hindi nila nagawang manlaban o kahit sinubukan man lang dahil sa takot na baka si Mateo ang makalaban nila pero ngayon na nananggaling na sa kanya ang utos ay nagkaroon na sila ng lakas ng l
LUMIPAS pa ang mga araw hanggang sa isang gabi, kasama ng mga Guardia Civil na nagpapahirap kina Lito ay si Mateo. Nag-iwan ng isang tingin si Mateo sa aming kulungan bago sila dumiretso kina Litp. Hindi ko alam pero may kakaiba sa kanyang mga mata nang sandaling iyon.“Bakit kaya biglang naparito si Kuya Mateo?” nagtatakang tanong ni Nina.“Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko,” mahina kong sagot habang nakatingin pa rin sa madilim na daan na dinaanan nina Mateo.Ano kaya ang dahilan niya para sadyain sina Lito? Matapos ang gabing pinahirapan niya ito ay hindi na siya muling nagpakita kina Lito maliban na lang sa gabing ito. Ano kaya ang binabalak niya?Nang ibabaling ko na ang aking tingin kay Nina ay nakita ko si Joaquin na nakatingin sa kadiliman na pinagdaanan nina Mateo. May ideya kaya siya kung bakit narito si Mateo? Hindi nagtagal ay muli naming narinig ang mga hiyaw nina Lito na pinapahirapan na mukhang mas malala ang ginagawa sa kanila dahil sa
Ibinaba ng isa sa kanila ang telang nakatakip sa kanyang bibig. “Binibining Helena, Joaquin, ako po ito si Mang Vicente,” pakilala niya.Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang buong mukha ni Mang Vicente at napatayo sa aking pagkakaupo at mabilis na lumapit sa rehas.“Anong ginagawa niyo rito, Mang Vicente?” aligagang tanong ko at napatingin sa buong paligid. “Baka mapahamak po kayo sa ginagawa niyo,” nag-aalalang dagdag ko.“Narito po kami para ilagtas kayo,” sagot niya at mabilis na pinukpok ng palakol ang kandado.“Mang Vicente, mapapahamak po kayo sa ginagawa ninyo. Itigil niyo na po ito,” awat ko sa kanya.“Huwag po kayong mag-alala sa amin, Binibini. Ang lahat ng ito ay ayon sa plano,” wika ni Mang Vicente at patuloy sa pagsira ng kandado ng kulungan.“Ano po ang inyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.Napatingin si Mang Vicente sa aking mga mata. “Ipapaliwanag ko po ang lahat sa oras na makatakas po kayo nina Joaquin,”
MATAPOS ang napakahabang biyahe ay muli kong nakita ang bayan ng Amadeo ngunit hindi kami roon dinala ni Mang Vicente. Nilampasan namin ang bayan na ‘yon na lampas isang buwan ko na ring ‘di nasilayan dahil sa pagkakadampot sa akin ni Don Marco at pagkakakulong namin nina Nina ng halos isang buwan.“Mang Vicente, saan niyo po ba kami dadalhin?” tanong ko dahil wala talaga akong alam sa aming dinaraanan.“Patungo po tayo sa Lungsod ng Biñan. Doon po ay may naghihintay ng bangka sainyo na tatahak sa Lawa ng Bay dahil hindi kayo maaaring makita o may maiwang bakas na lumuwas kayo ng probinsya kun'di madali kayong matutunton. Ilang oras lang ang tatagalin bago kayo makarating, bago tuluyang magbukang-liwayway ay nasa bayan na kayo ng Pagsanjan at doon po muna kayo ni Joaquin pansamantalang magtatago,” paliwanag ni Mang Vicente.“Saan kami magtatago roon, Mang Vicente? Hindi po namin kabisado ni Joaquin ang bayan ng Pagsanjan,” wika ko.“Huwag kayong mag-alala may
“SINO ‘YAN?” tanong ko at sinubukan kong iginala ang aking mga mata sa madilim na paligid habang pinakikinggan at hinahanap kung saan nanggagaling ang mga sunod-sunod at mahihinang paghikbi.Kahit madilim ay sinubukan kong maglakad at hinanap ang mumunting paghikbi at habang sa aking paglalakad ay unti-unti nagkaroon ng liwanag sa aking paligid hanggang sa nakita ko ang isang babae na nakatalikod at nakaubob sa kanyang mga tuhod habang patuloy pa rin sa pag-iyak.“Miss, okay ka lang ba?” tanong ko ngunit nanatili siyang walang imik at patuloy sa pag-iyak.“Miss?” tawag ko sa kanya at nilapitan ko. Akmang hahawakan ko na siya nang bigla siyang humarap.“Helen, tulungan mo ako,” umiiyak niyang pakiusap. “Sabi mo, tutulungan mo ako, ‘di ba?”“Helena?” gulat na usal ko.Hinawakan niya ako sa aking mga kamay at tinignan ako sa aking mga mata na may labis na pagmamakaawa.“Hindi ba tutulungan mo ako? Sinabi mo noon na tutulungan mo ako,” umiiyak n
NAKARINIG ako bigla ng pagtikhim dahilan para alisin ko ang aking pagkakayakap kay Joaquin at mapatingin ako kay Mang Julian.“Paumanhin kung nasira ko po ang inyong matamis na sandali ngunit nais ko lamang po ipaalam na malapit na po tayo sa bayan ng Pagsanjan matapos po nating bagtasin ang ilog ng Pagsanjan,” wika ni Mang Julian.Napatingin ako sa paligid at natanaw ko ang ilang bahagi ng kalupaan na napapalibutan ng malalagong puno. Sumagwan pa ng mangilang ulit si Mang Julian ay iniliko niya ang bangka pakanan at pumasok kami sa maliit na bahagi ng tubig. Marahil ito na ang ilog ng Pagsanjan dahil ang kaninang malawak na lawa na aming tinatahak ay naging makipot na. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga baino na namumukadkad ng kulay puti at lilang bulaklak. Nagpatuloy pa si Mang Julian sa pagsagwan hanggang sa bigla niya itong iginilid sa isang pangpang. Naunang bumaba si Mang Julian at Nina sumunod si Joaquin na inunahan si Mang Julian sa pag-alalay
Ilang saglit akong hindi nakaimik sa kanyang sinabi. “Paano mo nasasabi ang lahat ng ‘yan?” mahina kong tanong.Inaangat niya ang aking mukha para magtagpo ang aming mga mata at saka niya ako binigyan ng isang matamis na ngiti.“Dahil ganito ako magmahal. Ganito kita kamahal,” aniya at muli ako binigyan ng matamis na ngiti.Nakarinig ako ng pagtikhim dahilan para maagaw ang akming atensyon.“Ayos ka lang po ba, Binibini?” tanong ni Mang Julian.“O— ”Naputol ang aking sasabihin nang bigla akong buhatin ni Joaquin.“Anong ginagawa mo?” gulat kong tanong.“Hindi maayos ang pakiramdam niya buhat na rin ng mahabang biyahe kaya nanlalata siya,” pagkukunwaring saad ni Joaquin.“Anong si— ”“Mang Julian, maaari niyo po bang ituro na ang daan sa aming tutuluyan? Kailangan na rin ni Helena na makapagpahinga,” wika ni Joaquin.“Hoy! Ano bang sinasabi mo? A— ”“Ay, paumanhin, Binibini. Halina, sumunod kayo nang
HINDI nakaimik ang ginang kaya mabilis kong nilapitan ang kanyang asawa at masinsin na sinuri. Tinignan ko ang kanyang mga mata na ngayon ay lumubog na at halos hindi na makita, nanunuyo ang kanyang mga labi, nanlalamig at basang-basang balat at kulubot na mga kamay at paa. Lumapit ako sa isa pang naroon at gaya ng una ay parehas ang sintomas nito. Lumapit ako sa isang bata at hinawakan ko ito ngunit bigla na lang itong humiyaw.“Aray! Ina, napakasakit!” namamalat na hiyaw nito na mabilis na tinabig ng kanyang ina ang aking kamay.“Huwag mo siyang hawakan sinasaktan mo ang anak ko!” sigaw sa akin ng ina ng bata at tinakpan niya ang kanyang anak na tila isa akong masamang tao na sasaktan ang anak niya. Hinayaan ko na lamang siya at muli kong pinagmasdan ang anak niya na ngayon ay may mabibigat na paghinga.Iginala ko ang aking mga mata at mabilis na sinuri ang nakakarami at lahat sila pare-pareho ang sintomas.“Asawa ko!
NAGING abala kaming lahat sa pagbibgay lunas sa lahat ng mga taong naroon at matapos ang pagbibgay ng paunang lunas ay naghanda kami ng makakain ng mga taong naroon. Ang iba naman na wala pang sintomas ay tumulong na rin sa paghahanda ng mga makakain. Ang iba ay nanghuli ng mga isda at kumuha ng mga panggatong. Lahat kami ay naging abala. Habang sila’y naghahanda sa makakain ng lahat ay ako naman ay walang tigil sa pagsubaybay sa kalagayan ng mga taong narito.Nang makaramdam ako ng pagod ay naupo ako sa ilalim ng isang puno nang bigla maagaw ang aking paningin ng isang dalaga na paparating sa di-kalayuan.“Teresa? Anong ginagawa niya rito?” wala sa huwisyo kong tanong sa aking sarili.Tumayo ako sa aking pagkakaupo at habang pinagmamasdan ko ang kanyang paglakad papalapit sa aking kinaroroonan ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang ang lahat ng iyon ay nangyari na.“Anong nang— ”Naputol ang aking sasabihin nang biglang makita ko si Helena