Share

Chapter 6

Chapter 6

Habang hinihintay ko silang makalabas sina Mikaela sa silid ni Aerol, napabuntong-hininga ako. "Mikaela," sabi ko, "alam kong nagkamali ako. Sana mapatawad mo ako balang araw," dagdag kong sabi.

"Hindi ko alam kung kailan, pero sana nga," sagot niya sa akin habang tinititigan ako. "Ang mahalaga ngayon ay makasama ko si Aerol," dagdag niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ng aming anak.

Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ng Korte na makuha ni Mikaela ang karapatan bilang ina kay Aerol.

Hanggang tuluyan na silang umalis sa aking mansion. Tanging likuran lamang nila ang aking nakita hanggang humarap ang aking anak saka tumakbo pabalik sa akin.

"Mahal po kita, Papa! Mag-iingat po kayo palagi," sambit nito at yumakap sa akin saka bumalik sa kanyang ina.

Hindi ko maiwasang masaktan at mapaluha habang tinatanaw silang papaalis. Ang bawat hakbang nila palayo ay parang kutsilyong tumatama sa aking puso, ngunit alam kong ito ang tamang desisyon para sa kapakanan ni Aerol.

Hanggang tuluyan itong nawala sa aking paningin. Kaya agad kong tinawagan ang aking abogado upang magsampa ng kaso kay Blanca. Dahil sa pag-aabuso nito sa aking anak, dapat na pagbayaran niya ito sa kulungan.

"Attorney,ampa ng kaso laban kay Blanca. Hindi ko papayagang makaligtas siya sa ginawa niyang pag-aabuso kay Aerol," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit.

"Agad ko pong aasikasuhin, Sir. Kailangan nating makuha ang lahat ng ebidensya upang masiguradong mapapanagot siya," sagot ng aking abogado, na ramdam ang aking determinasyon.

"Siguraduhin mong magbabayad siya. Hindi ko hahayaang makaligtas ang taong nanakit sa aking anak," dagdag ko, habang pinipigil ang poot na nararamdaman ko.

"Yes, Sir. Aasikasuhin ko po agad," sagot niya, bago ko ibaba ang telepono.

Habang nakaupo sa aking opisina, hindi ko maiwasang magalit sa bawat alaala ng pagdurusa ni Aerol. Hindi ko mapapatawad si Blanca sa ginawa niyang kasamaan. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng iyon.

Sa mga sandaling iyon, alam kong walang makakapigil sa akin na makamit ang hustisya para kay Aerol. Gagawin ko ang lahat, kahit ano pa ang kailangan kong harapin, upang masiguradong makakamit namin ang katarungan.

Kinabukasan ay agad kaming nagtungo sa korte. Doon nakita ko si Blanca na balisa at namumutla. Ngunit hindi ako naawa sa kanya dahil minamaltrato niya ang aking 5 taong gulang na anak na si Aerol.

"Blanca, ngayon ay haharapin mo ang hustisya," sabi ko sa kanya, ang boses ko ay puno ng galit sa aking dibdib.

Hindi siya makatingin nang diretso sa akin, halatang natatakot sa mga posibleng mangyari. Pero wala akong pakialam sa kanyang nararamdaman. Ang tanging mahalaga sa akin ay ang kaligtasan at katarungan para kay Aerol.

Habang nasa loob ng korte, ipinresenta ng aking abogado ang lahat ng ebidensya laban kay Blanca. Ang mga larawan, testimonya, at mga medikal na ulat ay sapat na upang ipakita ang kalupitan na dinanas ni Aerol sa kanyang mga kamay.

"Your Honor, ang mga ebidensyang ito ay malinaw na nagpapakita ng pag-aabuso na dinanas ng batang si Aerol. Hinihiling namin na bigyan ng karampatang parusa si Blanca upang hindi na niya magawang manakit ng iba pang mga bata," sabi ng aking abogado, puno ng kumpiyansa.

Nang magsalita si Blanca, halata ang kanyang pangangatwiran at pagmamakaawa. "Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko," sabi niya, ang boses niya ay nanginginig.

Pero hindi ako natitinag. Alam ko ang totoo, at hindi ako papayag na makalusot siya sa kanyang mga ginawa.

Pagkatapos ng ilang oras ng pagdinig, nagbigay ng hatol ang hukom. "Blanca, sa mga ebidensyang iprinisenta at sa testimonya ng mga saksi, ikaw ay napatunayang nagkasala sa kasong pag-aabuso sa bata. Ikaw ay hinatulan ng pagkakakulong ng labinglimang taon," sabi ng hukom, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ko ang kaunting ginhawa. Alam kong kahit papaano, nakamit namin ang hustisya para kay Aerol.

Habang dinadala si Blanca palabas ng korte, hindi ko maiwasang mapansin ang takot at pagsisisi sa kanyang mukha. Pero wala akong awa para sa kanya. Ang tanging mahalaga sa akin ay ang kaligtasan at kapakanan ng aking anak.

Pagkatapos ng pagdinig, lumabas ako ng korte at huminga nang malalim. Lumapit sa akin ang aking abogado at tinapik ang aking balikat. "Nagawa natin, Sir. Nakamit natin ang hustisya para kay Aerol," sabi niya.

"Salamat, Attorney. Malaking bagay ang ginawa mo para sa amin," sagot ko, habang pinipilit ngumiti.

Pagkatapos kong magpasalamat sa attorney ko ay agad akong umalis at nagtungo sa mall. Doon ay nakita ko si Aerol na masayang namamasyal kasama ang kanyang ina na si Mikaela.

Kahit isang gabi lang kami nakahiwalay, ramdam ko ang pagkangulila sa kanya. Hanggang nakita niya ako kaya tumakbo siya patungo sa akin.

"Papa!" sigaw ni Aerol, habang mabilis na tumatakbo papalapit sa akin.

Agad ko siyang sinalubong at niyakap nang mahigpit. "Aerol, anak! Miss na miss kita," sabi ko, habang pinipigilan ang luha sa aking mga mata.

"Miss na miss din kita, Papa," sagot niya, habang mahigpit na yumakap sa akin.

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ko ang init ng pagmamahal ng aking anak. Alam kong kahit anong mangyari, siya ang aking inspirasyon at lakas.

Nang lumapit si Mikaela, ngumiti siya sa akin. "Mukhang masaya si Aerol na makita ka," sabi niya, habang tinitingnan kami.

"Salamat, Mikaela. Alam kong hindi madali ang lahat ng ito, pero salamat sa pag-unawa," sabi ko, habang tinitingnan siya ng may pasasalamat.

"Walang anuman, Mr. Enriquez. Ang mahalaga ay ang kaligayahan ni Aerol," sagot niya, habang hinahaplos ang buhok ng aming anak.

"Papa, pwede ba tayong mamasyal kasama si Mama?" tanong ni Aerol, habang nakatingin sa akin ng may kislap sa kanyang mga mata.

"Oo naman, anak. Gagawin natin ang lahat para sa'yo," sagot ko, habang tinitingnan si Mikaela na tila nag-aalok ng isang bagong simula.

Kaya agad akong sumama sa kanilang pamamasyal, sa loob ng tatlong taon na wala akong balita sa kanya ay hindi ko akalain na ang babaing nakilala ko sa bar ay siyang ina ng aking anak ay naging matatag mula noong kinuha ko sa kanya ang bata.

Ang akala ko ah bubuhayin lamang nito ang aking anak pamamagitan ng pagbinta sa kanyang katawan.

Palihim ko iyong pina-imbestigahan at nalaman kong mula noon mawalay ang kanyang anak ay umalis ito nagtungo sa ibang bansa. Nag tatrabaho ito kasama ang kanyang kaibigan hanggang nakapagtayo ng sarili restuarant doon at dito.

'Ibang klaseng, babae!' tanging bigkas ko sa aking isipan habang naiisip ko ang kanyang mga dinadaan hirap upang maging isang successful chef.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status