Bella's POV Papunta na kami ngayon sa bahay nila Damian at habang nasa kotse kami ni Damian ay hindi ako mapakali. Ito na ang pangalawang pagkakataon na magme-meet kami ng parents ni Damian. Ngayon ay talagang matutuloy na ang naudlot naming dinner sana nang nakaraan. I am feeling nervous. Somehow ay nakita ko na ang ugali ng parents ni Damian. I just wish na maganda ang kalalabasan ng dinner namin mamaya. "Relax, Muffin." Ani Damian. Hawak-hawak nito ang kamay ko. I think nararamdaman niyang kinakabahan ako. Nanlalamig din ang kamay ko. "I am trying. Kinakabahan lang talaga ako." Kalmadong sabi ko. I heard him chuckled, "hindi ka roon kakainin ng buhay." Ani Damian. I know, pero, kinakabahan talaga ako. Ilang beses na akong sinabihan ni Damian na hindi ko kailangang kabahan sa parents niya but I can't help it. Parents niya 'yon, sino ba naman ang hindi kakabahan? As for Deinna, we are good. Palagi niya akong pinupuntahan sa condo ni Damian. Doon na kami nagba-bonding.
Bella's POVNgayon ang unang monthsary namin ni Damian at hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. This is my first relationship na seryoso ako at mahal ko ang karelasyon ko kaya wala pa ako masyadong alam kung paano ang maghandle ng isang relasyon. I just go with the flow. Ang importante sa akin ay napapakita at napaparamdam ko kay Damian kung gaano siya ka importane sa akin at kung gaano ko siya kamahal."I was really looking forward to this day, Muffin. This is our first month as a couple," he smiled at me, bahagyang nakadagan ang katawan niya sa akin, tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko, "I want to spend more months and years with you. I love you so much," aniya at hinalikan ang labi ko, "happy first monthsary, Muffin." Bulong nito sa akin after me kissed me."Happy first monthsary, Damian. Mahal na mahal kita." Wika ko at hinaplos ang mukha niya gamit ang thumb ko."I want to celebrate our first monthsary later but I have an emergency meeting with the boards.
Bella's POV Nang una ay marahan at puno ng pagmamahal ang paghalik sa akin ni Damian hanggang sa naging agresibo na ito. Mahigpit ang pagkayakap ko sa leeg ni Damian nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napa-arko ang likod ko at napasabunot ako sa buhok niya. He is kissing and sucking my neck, tiyak akong mag-iiwan 'yon ng pulang marka. Ang kamay nito ay bumaba sa puwet ko, he is squeezing it and later on he spanked it. "Hmm." I moaned while my mouth is close. He is giving me small kisses on my neck, "you just made our night spicier, Muffin." Bulong nito. Nag-ipon ako ng maraming lakas ng loob bago ko ito gawin. I have never done this to anyone, well, he is my first boyfriend that I love. Adrian was an exception. Hindi ko siya minahal."I just know you'll love this." Mahinang sagot ko sa kanya.Mahina itong naglalakad habang inaangkin ang labi ko kaya napaatras ako. Nang tumigil na ito sa paglalakad ay dahan-dahan niyang hinubad ang see through bra ko revealing my breasts.Pun
Bella's POV "Hi, Muffin! I didn't know you're coming." Gulat na sabi ni Damian. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya at mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Akala mo naman hindi kami sabay na nag-almusal kaninang umaga sa condo niya kung makayakap siya ng mahigpit sa akin. I smiled at him, "surprise!" Wika ko. Ngayon lang ako ulit nakabalik dito sa opisina ni Damian. Dinalhan ko siya ng lunch dahil hindi ito nagla-lunch minsan kapag sobrang busy niya sa trabaho. I called Jane 2 hours before ako pumunta rito kung busy ba si Damian at sinabi niyang oo, kaya napagpasyahan kong ipagluto si Damian ng lunch niya. "I am surprised, Muffin. Come here." Aniya at kinuha ang bitbit kong eco bag.. Umupo kami sa couch at nilapag niya sa mesa ang eco bag. "I'm with Azrael. Hindi ko siya tinakasan." Natatawang saad ko. As if I can do that without pulling a trick like I did before noong umalis ako sa condo ni Damian matapos akong kausapin ni Francine. Na
Bella's POV "I didn't expect to meet you again, Bella," nakangiting wika nito, "of all places ay dito pa tayo nagkita ulit." dugtong nito. "You know each other?" Nagtatakang tanong ni Deinna. "Yes, Dear. I met her in my cousins birthday. She was your Kuya's date that night." Sagot nito. "Oh! Kaya naman pala." Ani Deinna. "Hello, Erina. How are you?" Magalang na sabi ko. "I'm fine, Bella. It's really nice to see you again," nakangiting wika nito, "by the way, your co-model is already here," she sighed, "gosh! I didn't know that she's really terrible to work with. She's just sweet if there's camera around her." Inis na sabi nito kay Deinna. "I still have an hour break, right?" Tanong ni Deinna kay Erina. "Yes. Have some fun," ani Erina kay Deinna, binaling nito ang tingin sa akin, "I really wish Damian change his mind. I really want you to wear my creations." Ani Erina bago umalis. Naglakad-lakad pa kami at pinakita sa akin ni Deinna ang garden. "What does Ate Erina m
Bella's POV "Thank you so much, Bella! You did really great as a first timer." Ani Erina. "Yes, Babe. Are you sure that this is your first time?" Wika ni Jason. "Why the hell are you calling her babe?" Napalingon ako sa baritonong boses na narinig ko. By the look of his face, he is not happy. Parang sinasaksak nito ng tingin si Jason. "Damian!" Tawag ko sa kanya at kaagad na lumapit sa kanya. "Did he just called you 'babe', huh?" Inis na tanong nito sa akin. "Calm down, Damian. Huwag kang seloso." Natatawang sabi ni Erina. "This woman is mine, I can't calm down if someone is calling her babe." Nakakunot na wika nito. "O-oh, my gosh! He is Atty. Damian de Dios!" Bulalas ni Jason. Tingin ko ay kumikinang ang nga mata nito habang nakatingin kay Damian. Can't blame him. Damian is really handsome and hot. "Yes, he is," sagot ni Deinna na kakalapit lang sa amin, "hello, Kuya." Ani Deinna at humalik sa pisnge ni Damian. "Damian, he is gay." Bulong ko sa kanya. I hea
Bella's POV We were invited ni Damian sa isang charity event ni Erina. 50% ng proceeds ay mapupunta sa tatlong charity na napili nila ni Erina. It was an orphanage, home for the elders at for abandoned PWD's. Maraming naimbitahan si Erina na kapwa niya designers, ipapa auction nila ang mga magagandang designs nila. I can see a lot of artists and politicians here. Ang parents ni Damian ay nandito rin since they are doing charity works also. "My, my. You are both lovely." Ani Erina ng makita niya kami. He kissed my cheek and hugged me. Napakaganda at sexy nito sa suot niyang deep A-Line V-Neck long gown. "Damian, I'm glad you came." Aniya kay Damian at nagbeso. "You know how my family loves doing charity. We need to give back and help others." Sagot ni Damian. "We know that, Atty. Damian." Ani ng isang lalaki na kasama ni Erina. "Mr. Elliot Mayers, how are you?" Ani Damian. Kakilala niya pala ito. Ngumiti ako kay Mr. Mayers and he smiled at me too. "I am fine, Damian
Continuation.. Bella's POV Hindi na ako pinagbihis ni Damian. He wants to show off the gown I am wearing, well, it's worth 3 Million dollars. He has all the right to show it off. Maraming may gusto itong makuha kanina pero siya ang nagwagi. "Hija, look at you. You are gorgeous with that mermaid swarovski gown," puri sa akin ng Mommy ni Damian, "can't blame my son for spending too much. Bagay na bagay sa 'yo." Dugtong pa nito. "Tita naman." Nahihiya kong sabi. "Mom, it's for charity," depensa nito, "well, it really looks goods on her. I bet the famous Vivi del Fuego is jealous of my girlfriend right now." Ani Damian at nakatingin sa paparating na babae. "Hi, I'm Vivi," pagpapakilala nito at nakipagkamay sa kanya at sa parents ni Damian. I composed myself. Magkaharap lang kami ni Vivi! Oh, my gosh! I can't believe this! "Nice to meet you, Vivi. I'm--" "The famous hot and gorgeous Atty. Damian de Dios." Anito at malagkit na tumingin kay Damian. Bahagyang kumunot ang n
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak