Bella's POV"Yes, Babe! I'm back!" Nakangiting sagot ni Francine kay Damian.Napatingin si Francine sa akin. Lumapit ito sa akin at tinapik ang kamay kong hawak-hawak ni Damian. Nagulat ako sa ginawa niya."What the fuck are you doing?" Pigil ang galit sa boses ni Damian.Maraming tao ngayon dito sa restaurant at pihadong may nakukuha na kaming atensyon. Nasa gitna pa naman ang table namin.Hinaplos ni Damian ang kamay kong tinapik ni Francine. Napailing ako."I'm fine." Mahinang sabi ko.Galit na ang itsura ni Damian kaya ngumiti ako sa kanya para maniwala itong okay lang ako."Looks like we need to have a sit and talk." Mariing turan ng Daddy ni Damian."Yes, we need to talk." Sagot naman ng isang babae.Hindi ko siya kilala pero hawig sila ni Francine, maybe she is her mother. Damian snorted at hinila ang kamay ko patungo sa direksyon ng mga magulang niya. Ang Daddy ni Damian ay tinawag ang isang waiter at nagpadagdag ng silya."Muffin, can you wipe my cheek? You have wipes, right?
Bella's POV "Saan tayo pupunta, Damian?" Tanong ko sa kanya nang makasakay na kami sa kotse niya. "We will eat, Muffin. Parehas tayong hindi nakapagdinner." Sagot nito sa akin at nagdrive na. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. Siguro ay bukas ko na siya kakausapin tungkol sa nangyari kanina. "Saan tayo kakain?" "Mmm. Somewhere you'll like." Sagot nito sa akin at ngumingiting sumulyap sa akin. Hindi ko na makita ang galit sa itsura niya. Kahit ang mga mata nito ay hindi na katulad kanina na para bang mananaksak sa talim kung tumitig sa pamilya ni Francine. Kalmado na siya ngayon. "Maaga pa naman. Pwede tayong magtake out nalang at umuwi sa condo." Wika ko. "I know a place. Magugustuhan mo roon. Let's take this as our date, Muffin." Aniya. Napangiti ako sa sinabi niya. 1 week na kaming magkarelasyon at ito ang unang date namin as a couple. "Ang daming tao. Anong mayroon dito?" Tanong ko nang makarating na kami sa
Damian's POV "Damian, hello? Nandito ako." Napatingin ako sa harap ko. Damn! I forgot that I'm with Audrey right now. "I'm sorry. What is it again?" Ani ko at sinulyapan ang phone ko. I was busy looking at my phone, specifically, I was busy looking at my Muffin's pictures. She's really beautiful. God! I love her smile. I also love her face when I'm on top of her in my bed. Mas lalo akong napangisi sa naisip ko. "This fucking Damian is fucking insane!" Naiinis na wika ni Audrey. I laughed. "Do I look like that just now?" I really can't help myself from smiling. Our car fun was really FUN. It was thrilling, exciting and addicting. We need to do that often. "Para kang tanga, alam mo ba 'yon?" tumaas ang kilay nito, "you're just like Alejandro." Napairap ito. "I heard from del Valle that he is hiding a woman." Sambit ko. Pagkatapos mamatay ng dati niyang asawa ay hindi na ito sumubok na magmahal ng ibang babae. He loved his wife more than anything. Ngayon ay paran
Bella's POV After the restaurant incident ay hindi na namin napag-usapan ni Damian ang tungkol doon. It's been a week na at parang nakalimutan na nga namin ang nangyari roon. Francine is one of the famous models. I was not aware that kase hindi naman ako mahilig sa ganoon. May mangilan-ngilan akong kilala pero hindi siya kasama roon. Alam ko lang na isa siyang model pero hindi ko alam na sobrang sikat pala nito. Naalala ko pa ang sinabi ng Mommy niya na isa siya sa top highest paid models. While I was scrolling in my social media, nakita kong may ilo-launch na bagong product ang brand ng skin care na gusto ko. It was a serum body lotion with perfume. May bago rin silang kinuhang endorser. I was curious kung sino ang endorser nila and mas curious ako sa bagong product nila. Hinanap ko ang live streaming ng brand ng skin care at nang mahanap ko na ito ay nanood ako. Nagulat ako sa nakita ko. Ang bagong endorser nila is none other than Francine Soriano, ang ex-fiancée ng boyfriend
Bella's POV "I don't like you for my kuya." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ni Damian. How should I react? Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil hindi niya ako gusto para sa Kuya niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, base sa estado nila sa buhay at sa ugali niya, baka ay ganoon din ang magiging reaksyon ko. Hindi ko pa naman siya lubusang kilala pero base sa nakita ko nang gabing 'yon sa restaurant, may pagkaprangka ito at palaban. Hindi ko man lang ito nakitaan ng kahinaan. Kahit si Francine ay nakita kong natakot ito kapatid ni Damian. She's staring at me seriously. I bit my lower lip. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sa akin. Hindi rin naman niya ako kilala, or baka napa-imbistigahan na ako nito. "N-naiintindihan ko." Mahinang sabi ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Pwede ko naman siyang kausapin. Pwede kong subukan na kunin ang loob niya, pero hindi ba para naman akong trying hard noon? Gusto ko m
Bella's POV Nasa isang mall kami ngayon ni Deinna kasama ang security ni Damian at assistant ni Deinna. Hindi ko alam na isang sikat na modelo rin pala si Deinna. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Look at this dress, Ate. It's beautiful," aniya at pinakita sa akin ang isang pulang dress, "bagay 'to sa 'yo." Dugtong nito at tinapat sa katawan ko ang dress. Napatingin naman ako roon. Maganda nga ang dress na tinutukoy niya. Maganda ang pagkakatahi at ang tela nito. "Siguro?" Nahihiyang wika ko. "Kay, hold this for me, please." Anito at binigay sa assistant niya ang dress na hawak ni Deinna. "Miss Deinna, nandito po pala kayo." Wika ng isang babae. She is smiling from ear to ear. Sinilip ko ang security ni Damian. Nagkalat sila sa labas ng store, ang iba ay nakabantay sa pinto habang ang iba naman ay pasimpleng nagmamasid sa paligid. Hindi mo mahahalatang security ang iba sa kanila dahil hindi naman sila naka uniform.
Bella's POV Papunta na kami ngayon sa bahay nila Damian at habang nasa kotse kami ni Damian ay hindi ako mapakali. Ito na ang pangalawang pagkakataon na magme-meet kami ng parents ni Damian. Ngayon ay talagang matutuloy na ang naudlot naming dinner sana nang nakaraan. I am feeling nervous. Somehow ay nakita ko na ang ugali ng parents ni Damian. I just wish na maganda ang kalalabasan ng dinner namin mamaya. "Relax, Muffin." Ani Damian. Hawak-hawak nito ang kamay ko. I think nararamdaman niyang kinakabahan ako. Nanlalamig din ang kamay ko. "I am trying. Kinakabahan lang talaga ako." Kalmadong sabi ko. I heard him chuckled, "hindi ka roon kakainin ng buhay." Ani Damian. I know, pero, kinakabahan talaga ako. Ilang beses na akong sinabihan ni Damian na hindi ko kailangang kabahan sa parents niya but I can't help it. Parents niya 'yon, sino ba naman ang hindi kakabahan? As for Deinna, we are good. Palagi niya akong pinupuntahan sa condo ni Damian. Doon na kami nagba-bonding.
Bella's POVNgayon ang unang monthsary namin ni Damian at hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. This is my first relationship na seryoso ako at mahal ko ang karelasyon ko kaya wala pa ako masyadong alam kung paano ang maghandle ng isang relasyon. I just go with the flow. Ang importante sa akin ay napapakita at napaparamdam ko kay Damian kung gaano siya ka importane sa akin at kung gaano ko siya kamahal."I was really looking forward to this day, Muffin. This is our first month as a couple," he smiled at me, bahagyang nakadagan ang katawan niya sa akin, tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko, "I want to spend more months and years with you. I love you so much," aniya at hinalikan ang labi ko, "happy first monthsary, Muffin." Bulong nito sa akin after me kissed me."Happy first monthsary, Damian. Mahal na mahal kita." Wika ko at hinaplos ang mukha niya gamit ang thumb ko."I want to celebrate our first monthsary later but I have an emergency meeting with the boards.
Bella's POV It's almost 8:00 PM na ng matapos akong magluto. Anniversary namin ngayon ni Damian at dito lang kami sa bahay magce-celebrate. Hinihintay nalang namin siyang makauwi ng mga bata. Happy 15th Year Anniversary. I love you! Napangiti ako sa nakasulat sa cake na ni bake ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng panahon. I am married to Damian for 15 years already! We have a big family. May apat kaming anak, 2 boys and 2 girls. Ni hindi ko naramdaman na nagbago ang pakikitungo ni Damian sa akin sa loob ng ilang taon. He is a perfect husband and a father. Lahat ay ginagawa niya para sa amin. Our relationship is not perfect, we had arguments pero naaayos namin ito palagi. Small arguments lang naman. Walang involve na third party or what. It's just that, minsan ay puro trabaho nalang siya at minsan ay nakakalimutan niya na kami. He explains naman na it is for our future and I understand it. "Mommy, dumating na si Daddy!" Excited na turan ni Courtney. Na
Bella's POV Habang nakapikit ang mga mata ko ay nararamdaman ko ang maliliit na halik na binibigay sa akin ni Damian. Napangiti ako ng maramdaman kong pumatong ito sa akin. "Anong oras na, Atorney?" Tanong ko sa kanya nang maramdaman kong pinagparte nito ang legs ko. "6 in the morning, Muffin." Sagot nito at bumaba ang halik sa dibdib ko. Napasinghap ako at napahawak sa ulo niya. "May hearing ka pa nang 8:00 A.M. M-mali-late ka na, Damian." Sabi ko at napasulyap sa kanya na nandoon pa rin sa dibdib ko nakatuon. I bit my lower lip. Ganito palagi ang paraan ng panggigising sa akin ni Damian. Mahigit walong taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging sweet sa akin si Damian. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. I can't deny that he loves me so much. 6 years na kaming kasal pero walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Damian. Mas lalo pa naming minahal ang isa't-isa. Mas lalo rin itong naging responsable at protective. "Judge Belen is sick
Bella's POV "Here's my beautiful, Muffin," ani Damian nang makalapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang at hinalikan sa labi, "are you ready?" Nakangiting tanong niya. "Hey, Handsome," I giggled, "yes, I'm ready." May halong kabang sagot ko. "Let's go." Aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng condo. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Excited ako na kinakabahan. I will meet my family later. Hindi sinabi ni Damian sa kanila ni Tito na buhay ako. Ang akala lang nila ni Tito ay simpleng dinner lang at kamustahan ang magaganap sa bahay nila ni Damian. "Nasa kotse na ba si Papa?" Tanong ko kay Damian nang nasa loob na kami ng elevator. "Yes, Muffin. He's with Manong Juan and his Nurse. Gusto ko sana siyang isama para makita niya ang condo natin pero sa susunod na araw nalang daw at pagod ito." Sagot ni Damian sa akin. Madali na talagang mapagod si Papa. Naka wheelchair na rin siya. Paminsan-minsan ay nag
Bella's POV Napangiti ako ng makita kong titig na titig sa akin si Damian habang nakaupo ako sa lap niya. Sobrang saya ko dahil naaalala ko na siya. Hindi na siya isang estranghero para sa akin. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Baka matunaw ako sa titig mo." Biro ko. Kaagad siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Ang akala ko ay matatagalan pa bago mo ako maalala. Akala ko ay pahihirapan mo pa ako." Aniya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko. I smiled. Alam kong nahihirapan siya noong mga araw na magkasama kami sa probinsya. Sino ba naman ang hindi? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan at masasaktan din ako kapag dumating ang araw na hindi ako maaalala ni Damian. "Babawi nalang ako sa 'yo, Damian. Ipagluluto kita ng masarap." Ani ko. Narinig ko itong umingos at inangat ang mukha niya para magkaharap kami. "Hindi lang pagluluto mo ang kailangan ko, Muffin. Marami tayong dap
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi