Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.
Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.
Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalaking tumakbong mabilis kanina na muntikan na akong salubungin! Hindi ko alam kung anong motibo niya pero sana naman ay hindi siya isang malaking scam o kaya eh kidnapper. Jusko, hindi ko kakayanin ang mangyayari kapagka ganoon.
Halos sampung minuto kaming naglakad at maraming pasikut-sikut ang aming dinaanan bago namin narating ang isang kulay khaki na pinto. Kumatok ng limang beses ang lalaki.
"Mil, it's me," aniya.
Agarang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang napakagandang babae. Mayroon siyang mahaba at kulay dilaw na buhok na kasing-ningning ng araw. Ang kaniyang balat ay kasing puti ng nuwebe at tila hindi naarawan ni minsan. Mahaba ang kaniyang mga pilikmata, mga mata'y itim na itim, at ang labi ay singpula ng mansanas. Sa madaling salita, ang kaniyang mukha ay perpekto.
"Wow," ang tangi kong nasabi.
"Dale, you're back!" masaya niyang sabi. Niyakap niya ang lalaki saka siya napatingin sa akin. "Who is she?"
"She came looking for you. I think she's the helper."
Nang marinig iyon, umaliwalas ang kaniyang mukha at saka ngumiti nang matamis sa akin. Mukha siyang prinsesa.
"Hello, nice to meet you! Perhaps you were the one recommended by Ms. Rose Trinidad?"
"Ah, oo," sabi ko.
"Tara, pasok na kayo. Welcome to my humble abode."
Nang ako'y makapasok, kinailangan ko pang kumurap ng ilang beses para masigurado kung tama ba ang nakikita ko. The place was massive. Hindi ko alam na posibleng magkaroon ng ganitong kalaking lugar sa ilalim ng lupa. Ang nakakaloka pa ay punong-puno ang loob ng mga libro. Kahit saang anggulo ka tumingin ay may makikita kang libro, maliit man o malaki, manipis man o makapal.
Napansin siguro ako noong babae na nakanganga sa aking nakikita ngayon dahil tinawag niya ang aking pansin.
"I love reading books, if you're wondering why the place looks like a huge library. On a second thought, I actually requested this place to look like one." Tumawa siya nang bahagya. Kahit ang kaniyang pagtawa ay napakaganda at nakahahalina.
"Oops. I forgot to formally introduce myself. Pardon me." Lumapit siya sa akin at inilahad ang kaniyang kanang kamay.
"I am Mildred Heler and this my place. And you are?"
Tinanggap ko ang kaniyang kamay saka nagsalita. "Ah. Ako po si Sarah Mae Dela Fuente. Maraming salamat po sa oportunidad upang ako'y makapagtrabaho po rito."
"You're welcome. By the way, no need to speak formally with me. I'm 16 years old, and I think you're 18, right?"
"Opo--este oo." Napangiti akong maliit dahil sa kamalian ko. Hindi ko akalain na mas matanda ako sa kaniya. Sinong mag-aakala na labing-anim na taong gulang pa lang siya pero napaka-mature niya na tingnan?
Tumawa siya nang kaunti. "I should be the one addressing you with 'po at opo'."
"Hala, hindi na!"
Tumawa siyang muli. "You're so adorable Ate Sarah."
Dahil doon, naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Napalingon tuloy ako sa bandang kaliwa. Naroon pa pala ang lalaki. Hindi ko pansin dahil hindi naman siya nag-iingay o gumagawa ng kahit anong aksyon. Ang weirdo ng isang 'to.
"Oh and Ate Sarah wait. I forgot to introduce you to my brother," aniya Mildred. Pumunta siya sa gilid noong lalaki at itinuro ito gamit ang hinlalaki.
"His name is Dale and you will see him here almost everyday. I hope the both of you will be comfortable with each other."
"Ow, parang hindi naman kayo magkapatid." Biglang tumawa na naman si Mildred.
"A-ay! Hindi po! Ano kasi... hindi kayo gaanong magkamukha," matataranta kong sabi.
Pansin ko ang paglungkot ng mukha ni Mildred kahit na panandalian lamang. Natampal ko na lang tuloy ang sarili sa loob-loob. Ang bobo Sarah Mae. Hindi ka nag-iingat sa mga sinasabi mo. Paano kung maisipan kang palayasin nang wala sa oras? Edi wala ka na na tirahan o trabaho, jusko ka.
"We get that a lot." Ang kaniyang mukha ay nanumbalik na sa dati nitong masayahin na awra. "Come, I'll show you around! Brother, you can do your own things first."
"Okay," maikling sabi nito saka pumasok sa ikalawang pinto na pinakamalapit malapit sa entrance.
"That's his room Ate Sarah. I know you're not the type of person to wander around but still, I would remind you to keep your distance from his personal space--- that includes his room. He's... not very fond of it." Lumakad kami diretso sa kuwarto sa kanan. "Here, is our kitchen and dining area. I heard from Ms. Rose that you're a good cook! Please treat us well."
"Susubukan ko sa aking makakaya na makagawa ng mga masasarap na pagkain na magugustuhan niyo."
Sa isang masayahing boses at punong-puno ng kumpiyansa ay siyang sumagot, "I believe in you Ate!"
Lumabas kami ng kuwarto at pinuntahan naman ang kuwarto na nasa kaliwang banda. Sa loob nito ay may dalawang pinto pa ulit. Pansin ko lang, parang ang daming pinto rito. Parang masyadong iniingatan ang mga naririto. Siguro dahil kaingat-ingat naman talaga dahil sila nga ay mayaman?
"This is my room." Tinuro niya ang nasa kanang bahagi. "And this is yours." Tinuro niya naman ang nasa kaliwang bahagi.
"In short, we're actually kind of roommates! You know what Ate? I've longed to have one a long time ago. That's why I'm really happy when I heard about you."
Dahil hindi ko alam ang gagawing reaksiyon ay ngumiti na lamang ako.
"Sige ate, I'll leave you first so you can arrange your things. I will be outside the room. Maybe you'll find me reading books. You can just shout my name if you can't seem to find me in the long haul of books in this place."
I nodded in response.
Nang umalis si Mildred, binuksan ko ang pinto ng aking kuwarto. Pinagmasdan ko ang paligid. Sakto lang ang laki nito para sa isang tao. Halos puro puti ang mga gamit pati na rin ang pintura na nasa mga pader. Mayroong isang single bed, wardrobe, at desk table na matatagpuan sa loob. Tila mayroong sumisilaw at maliwanag na ilaw na nanggagaling sa itaas ng dingding. Nang aking lingunin, mayroon pala na isang bintana roon. Sakto lang ang taas ang ceiling, abot naman ang bintana ng taong kasing-liit ko. Sinubukan ko itong buksan ngunit parang naka-lock at kinakailangan ng matindihang puwersa. Para saan kaya 'to? Daan ba 'to upang mabilis na makalabas? Siguro, dahil nasa isang underground place kami. Nararapat lamang na mayroong ganoon kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan. Pero upang mas makasiguro nang mabuti, tatanungin ko na lamang si Mildred tungkol dito.
***
Inabot ako ng limang oras sa paglinis at pag-set up ng aking mga gamit sa kuwarto. Sobrang dumi ng kuwarto dahil sa mga namuong alikabok. Pero ayos lang, worth it naman ang paglilinis. Kahit maliit at sakto lang sa akin ang kuwarto, unang beses ko masusubukan ang pagkakaroon ng sariling kuwarto. Sama-sama kami noon sa ampunan kaya ang saya lagi at napaka-ingay.
Nakaramdam ako ng gutom at napagdeisyunan kong lumabas. Nakakahiya man na magtanong kung may pagkain ba pero hindi ko na matiis dahil gutom na gutom na talaga ako. Gabi na, at wala pa akong hapunan. Baka mamaya mamatay pa ako dahil sa gutom. Lord, huwag naman sana huhu.
Sa laki ng buong lugar at punong-puno ng pa ito ng mga libro, mukhang mahihirapan talaga ako sa paghahanap kay Mildred. Hindi bale na. Importante na maiparating ko sa kaniya na gutom na talaga ako bago pa ako himatayin.
"Mildred?" malakas na tawag ko. Naglakd-lakad ako sa hilera ng mga libro.
"Mildred? Nandyan ka ba?" Hindi pa rin siya sumasagot. Hindi niya ba ako rinig?
"Mildred si Ate Sarah 'to. Hello?" Pangatlong tawag na ngunit wala pa rin. Awit naman talaga. Nasaan ba kasi si Mildred? Magpakita ka na Mildred parang-awa mo--- "Jusko Maria naman talaga oo!" Nasambit ko bigla dahil sa bigla kong naramdaman ang pangangalabit ng kung sino. Paglingon ko, si Dale lang pala.
"Ah pasensya na. Bakit po?"
Tiningnan niya ako ng mga ilang sandali bago sumagot. "Let's eat."
Medyo nataranta ako dahil ang lamig pa ng pagkakasabi niya nito at wala ni isang emosyon. Hindi ko alam kung bukal sa kalooban niya na niyayaya akong kumain o hindi eh.
"U-uh, si Mildred po?"
His eyes lazily bore into mine. "She's already in the dining area."
Tiningnan ko na lang ang kaniyang noo dahil indi ko kayang tingnan ang tila walang buhay niyang mga mata. Katakot parang isang mali ko lang ay lagot ata agad ako rito. "Ah, ganoon po ba? Hinahanap ko po pala siya kanina baka magtakha kayo kung bakit ako nandito."
"Nah, it's fine. Come." Huh, a man of few words?
Nakahinga ako nang maluwag nang tumalikod siya at dire-diretsong naglakad paalis. Sumunod na rin ako noong nakita kong malayo-layo na ang aming pagitan.
"Ate Sarah!" bungad ni Mildred. Sinalubong niya ako na papasok sa loob.
"Pasensya ka na, naroon ako sa mga libro mo para hanapin ka sana."
She waved her hands in mid-air. "No, no. That was my fault. I told you to look for me there eh. I only realized it when I searched for you inside your room. Sorry, ate Sarah." Lumungkot ang kaniyang napakagandang mukha. Sobrang expressive ng kaniyang facial expression kaya ang dali niyang basahin.
I shook my head. "Hindi. Wala ka rin namang kasalanan doon, ano ka ba."
Tumango siya at kaniyang masayahing mukha ay nanumbalik. Kinuha niya ang aking kamay at hinila papunta sa hapag-kainan. Maliit lang 'to---ung table--- sakto lang sa aming tatlo. Ganoon din ang kusina, maliit lang. Ang kakaibahan nga lang kumpara sa amin, ung nasa harap ko ngayon ay maayos na dinisenyo at mukhang mamahalin ang mga gamit. Ung tipong pakiramdam ko ay gawa sa ginto lahat ng mga gagamitin ganoon.
Naunang umupo si Dale at sumunod kami ni Mildred. Nakita kong nakahanda na ang mga plato at mga kagamitan pang-kain. Mayroon na ring pagkain sa lamesa. Akala ko mamahalin at magiging hindi pamilyar na pagkain ang nasa hapag-kainan. Laking tuwa ko nang nakita kong adobo ang aming kakainin.
"Ate Sarah, would it suffice? The dish I mean? Baka kasi hindi ka kumakain nito. We can buy for you if---" pinutol ko ang kaniyang sinasabi. "Mildred, hindi! Solve na solve na ako sa adobo. Actually nakakatuwa nga kasi isa 'yan sa mga paborito kong pagkain. Maraming salamat sa inyo."
Ngumiti siya. "I'm glad that you like it. Okay, tara let's eat!"
"Okay, let's pray before that," singit ni Dale. Ang lamig talaga ng boses nito. Saka madasalin pala sila. Wala nang masyadong mga paladasal sa panahon ngayon kaya nakakatuwa lalo pa at mukhang galing sila sa mayamang pamilya. Marami kasing napapabalita sa media na karamihan sa mayayaman ay maraming nanunuya sa aming mga mahihirap na mga madasalin. Kesyo para raw kaming tanga sa aming pinaniniwalaan at kung anu-ano pa.
Binaba namin ang aming mga ulo at saglit nanahimik.
Maraming salamat po sa aming pagkain ngayon at maraming salamat po sa mga biyayang natanggap at natatanggap ko po sa araw-araw. Sana po ay patuloy niyo pong gabayan ang aking naiwang pamilya sa ampunan at parati silang manatiling ligtas sa panganib. Sana po ay lagi rin kaming ligtas dito nina Mildred. Hindi ko po alam kung ano ang plano Ninyo sa akin, pero naniniwala po ako sa Inyo.
Nang matapos akong magdasal, iniangat ko ang aking ulo at napansing tapos na rin dalawa.
"Yes! Dinner time!" sabi ni Mildred at itinaas pa ang isang kamay na hawak ang kaniyang kutsara. Mahina akong natawa sa kaniyang inasal. Ang cute ng batang 'to.
***
TO BE CONTINUED.
Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy
Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa
Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin
Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa
Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy