Falling for the Prince

Falling for the Prince

last updateLast Updated : 2021-07-10
By:  meriyellow  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
1.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sarah Mae Dela Fuente is an 18-year-old province girl who is struggling to make a living. As recommended by her mother, she takes the plunge to set forth in the nearby city. From then on, her life became messier and royaly complicated than ever.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
3 Chapters

Chapter 1

Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan." "Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy
Read more

Chapter 2

Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa
Read more

Chapter 3

Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito. Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin
Read more
DMCA.com Protection Status