Share

Falling for the Prince
Falling for the Prince
Author: meriyellow

Chapter 1

Author: meriyellow
last update Last Updated: 2021-07-10 09:21:55

Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.

Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi.

"Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod.

"Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan." 

"Pangako?"

"Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siya.

"Sang-ayon naman ako diyan. Kanino pa ba kayo magmamana kung hindi sa akin?" 

"Tama po 'yan. Kaya huwag na kayo malungkot ha? Magiging ayos din po ako. Ano pa at nagmana ako sa inyong kagandahan, kasipagan, katalinuhan, at lahat-lahat na!" masaya kong sabi saka kumindat sa kaniya. 

Umubo-ubo si Nanay kaya pansamantalang natigil ako sa pagsasalita. 

"Ayos lang po kayo 'Nay?"

Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang ako, Mae. Iyong mga kapatid mo pala? Nakausap mo na ba sila?"

Hindi ko napigilan ang magkamot ng batok. "Eh iyon nga po eh. Lahat sila nagtatampo. Kahit anong gawin kong suyo walang nangyayari 'Nay. Kaloka."

"Hayaan mo, kakausapin ko sila. Mga bata pa kasi, pagpasensyahan mo na. Panigurado, tampururot ang mga 'yon kasi aalis ka."

"Wala na silang makikitang maganda 'no Nay," biro ko.

"Ha? Maganda?" Tumingin siya sa kanan at kaliwa, mataman na iniiwasang tumingin sa direksyon ko. "Parang wala naman."

"Nay! Nandito lang 'oh sa harap mo!" maktol ko.

Tumawa siya. Mababakas sa kaniyang itsura ang katandaan dahil sa pagkunot ng balat ngunit litaw pa rin ang kaniyang kagandahan. "Ito naman. Binibiro lang kita. Isa ka sa mga pinakamagaganda sa buong kalawakan."

"Kalawakan talaga 'Nay? Hindi mundo lang?"

"Pang-kalawakan ang ganda natin, ano ka ba." Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. "Sige anak at iwan na muna kita. Tapusin mo ang pag-iimpake nang makasama ka sa tanghalian."

Tumango ako at hinagkan siya bago muling nag-ayos ng mga gamit. Marami-raming gumugulo sa isip ko sa ngayon. Katulad na lamang ng kung kakayanin ko bang mamuhay sa siyudad gayong unang beses kong titira rito at nag-iisa lamang ako o kung may mapapala ba ako sa pagpunta roon. Para tuloy nagdadalawang isip ako na makipag-sapalaran sa siyudad.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bayaan na nga.

Tatlumpung minuto ang lumipas nang ako'y matapos sa pag-aayos at pagliligpit ng mga gamit sa dadalhing maleta. Agad akong lumabas ng kuwarto upang makakain na rin dahil lagpas alas-dose na. Laking pagtataka ko noong wala akong natagpuan ni isang tao sa baba. Kahit man lang na nakahain sa hapag-kainan ay wala. Ano na naman kaya ang trip ng mga 'yon?

Nakarinig ako ng mga yabag sa aking likod at agaran ay humarap ako. Hindi ko mapigilan na takpan ang aking bibig sa gulat. Lahat ng tao sa bahay-ampunan ay nasa isang kumpulan, at sa gitna ay si Nanay Rose at dala-dala ang aking paboritong chocolate cake. Bigla ay tumunog ang isang napakapamilyar na tunog mula sa kumpas ng gitara.  

"Happy Birthday..."

Kitang-kita ko sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya habang kinakanta ang para sa aking kaarawan. Ito ay sinabayan nila ng pagpalakpak sa ritmo at pag-dantay ng mga ulo sa kanan at kaliwa, dinadamdam ang himig ng kanta. 

"... Happy Birthday to you."

"Ate Mae, make a wish!" sabi ni Freya, labing-walong taon kong kapatid. Ang kaniyang malalaking pisngi ay talagang nakapa-kyut! Isama pa ang maayos na pagkakatali ng kaniyang buhok sa isang braid. 

Lumapit ako kay Nanay Rose na ngayon ay nakangiting malawak. Pumikit ako at taimtim na humiling. Sana ay laging masaya at ligtas ang mga tao sa bahay-ampunan, lalo na si Nanay Rose.

Binuksan kong muli ang aking mga mata. Nagsiyayaan na ang lahat upang kumain habang ako'y nagtaka sa kadahilanang wala namang kahit na anong pagkain na nasa lamesa. 

"Ung mga pagkain ba, anak? Tinago muna namin siyempre. Para saan pa ung hinanda naming sorpresa para sa iyo," sabi ni Nanay Rose na hindi ko napansin ay nasa gilid ko na pala. "Halika nga rito."

Lumapit ako sa kaniya at walang anu-ano ay binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. "Maligayang kaarawan, anak. Mahal na mahal kita. Tandaan mo na nandito lang kami ng mga kapatid mo, nakasuporta sa anumang daan na tatahakin mo sa buhay. Pasensya ka na kung hindi ka nabigyan ng mas magandang buhay ni Nanay Rose ha? At ngayon, hindi pa kita naipaglaban kay Madam Faye."

"Nanay, naiintindihan ko naman po. Maraming maraming salamat po sa inyo at sa mga bata. Sa labing-walong taon kong pananatili rito, ni kailan man ay hindi ko naramdaman ang kawalan ng pagmamahal. Lahat kayo, malaki ang parte sa buhay ko. Buong buhay ko pong tatanawin ng isang napakalaking utang na loob ang pagpapalaki ninyo sa akin."

"Hindi ko pala nasabi sa iyo na wala naman talagang problema ang mga bata sa iyo. Parte iyon ng plano nila sa ngayong selebrasyon. Sila mismo ang nagplano noon. Nakakatuwa nga."

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin. Niyaya niya na rin akong sumama sa hapag-kainan at makipag-kuwentuhan sa mga bata.

Ang sasarap ng mga pagkaing nakahain! Lahat ng mga paborito ko ay nandito katulad na lamang ng kaldereta, adobo, ginisang pechay, pritong manok, at lumpiang shanghai. Sisiguraduhin kong marami akong chichibugin ngayon. 

Umupo sa tabi ng labing-dalawang taong kambal na sina Ella at Ellie, parehas babae. 

"Ate, natuwa ka ba sa sorpresa namin sa inyo? Nasorpresa ka ba?" eksayted na tanong ni Ella, ang mas nakababata sa kanila.

"Oo naman. Nakalimutan ko ngang kaarawan ko ngayon. Saka, akala ko kasi galit kayong lahat sa akin dahil sa pag-alis ko bukas kaya wala akong inaasahang mangyayaring ganito."

"Ate Mae, ano bang sinasabi mo! Lab na lab ka naming lahat, hindi namin kayang magalit sa'yo ano, hmph." Umirap si Ellie at natawa naman ako sa kaniyang inakto. 

Ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang buhok at ginulo ito. "Sorry. Hindi niyo kasi ako kinausap ng tatlong araw."

"Matagal na namin naplano 'yon na hindi ka namin kakausapin sa 18th birthday mo. Nasakto nga lang na malapit ka na ring umalis. Malungkot talaga kami na aalis ka na ate. Ipaghihiganti ka namin kay Madam Faye!" sabi ni Ella. 

"Nako, iyang ang huwag ninyong gagawin! Maging mabuting mga bata ha? Huwag niyong bibigyan ng sakit ng ulo si Nanay."

"Hehe. Joke lang 'yon ate," aniya Ellie at nag-peace sign.

Apat na oras kaming nagkuwentuhan, naglaro, at nagharutan ng mga bata. Sabay-sabay at tulong-tulong din kaming nag-ayos at naglinis sa bahay. Matapos, dumireto ako sa likod upang umupo sa duyan. Maganda ang tanawin dito dahil puro halaman ni Nanay Rose ang nakalagay.

"Ate Mae?"

Napalingon ako sa direksyon ng boses ng isang batang lalaki. Si Asher, labing-anim na taong gulang at pangalawa sa pinakamatanda dito sa bahay-ampunan.

"Asher, tara dito tabi ka sa akin." Lumapit siya at ginawa ang sinabi ko.

"Seryoso ka bang pupunta ka talaga sa siyudad?" seryosong tanong niya.

"Oo eh. Mahirap makahanap ng oportunidad dito sa probinsya. Isa pa, mayroon kakilala si Nanay Rose doon na trabahuhan at tirahan. Mag-iipon ako ng pang-aral sa kolehiyo kaya kailangan kong kumayod muna."

"O baka may iba pang dahilan?"

"Ha, anong sinasabi mo?"

"Hindi ba at dahil gusto mong sa siyudad pumunta dahil nagbabakasakali ka na mahahanap mo ang tunay mong mga magulang?"

Napatameme ako sa sinabi niya. 

Bumuntong-hininga ako at sinabing, "Tama ka. Pero satin-satin lang 'to ha? Hindi naman sa nakukulangan ako kay Nanay. Sobra-sobra pa nga ang lahat ng ginagawa niya para sa atin pero gusto ko lang harapin ang mga tunay kong magulang at malaman ang dahilan kung bakit nila ako iniwan."

"Bahala ka."

"Ikaw ba Asher, ayaw mong hanapin mga magulang mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Sabi naman ni kuya wala raw silang kuwenta. Nagawa nila kaming iwan, baka wala nga talaga silang kuwenta."

Naalala ko na naman muli siya. Kamusta na kaya 'yon? Ano na kayang buhay ang mayroon siya? Naaalala pa ba niya kami? Naaala pa kaya niya ako?

"Oh, ate Mae, natahimik ka. Naalala mo rin si kuya?"

"Hindi naman," tanggi ko. "Pero alam mo natutuwa ako sa inyo kasi magsasama pa rin kayo ng kuya mo."

"Salamat. Punta ka rito bago ako umalis at kunin ni kuya ha?"

"Oo naman! Kailangan nandito ako sa lahat ng 18th birthday niyo."

Ngumiti si Asher at nasilayan ko ang kaniyang dimples sa pisngi. Ang guwapo talaga ng batang 'to. Chinito. 

"Nga pala, ang galing mo maggitara kanina ah," biro ko.

Inikot niya ang kaniyang mata. "Madali lang 'yon, huwag ka na mambola diyan."

Inabot kami ng halos dalawang oras sa pagkukuwentuhan sa labas. Binalikan namin ang mga masasaya at nakakalungkot na memorya sa bahay-ampunan. Hindi ko rin napigilan ang tumawa sa mga walang katuturan niyang biro. Hanggang sa mapagdesisyunan na naming pumasok sa loob. Hindi ko talaga inaasahan na mapapalapit ako kay Asher dahil ilap siya sa mga tao. Pero kahit ganoon pa man, mabuti siyang bata at puno ng pagmamahal ang kaniyang puso.

***

TO BE CONTINUED.

Related chapters

  • Falling for the Prince   Chapter 2

    Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa

    Last Updated : 2021-07-10
  • Falling for the Prince   Chapter 3

    Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin

    Last Updated : 2021-07-10

Latest chapter

  • Falling for the Prince   Chapter 3

    Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin

  • Falling for the Prince   Chapter 2

    Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa

  • Falling for the Prince   Chapter 1

    Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status