Chapter: Chapter 38Continuation.DEVYANI'S P.O.V.That very day, I laid out my plan as smoothly and concisely as possible inside my hidden house. The only creatures who would about it would be me, Orion, and perhaps Father since he knows all of the things happening in the world. I decided I would execute it at around 8 o'clock in the evening. Whether it will work or not, that will be entirely up to me and to the people around me. Seconds later, I heard a knock outside the door. I muttered a chant so the things that are lying on the table about the plan would be concealed. Matapos ay tumakbo ako papunta sa pinto. Alam ko naman na kung sino ang tanging gagawa noon. "Coming!"When I opened the doork, I saw Orion with a wide grin on his face. "Dinner?" tanong niya. Sa isang kamay ay hawak-hawak niya ang dalawang isda na tig-isang nakatusok sa dalawang pirasong kahoy. Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Tumingin ako sa labas saka siya tiningnan muli. "Ha? Hapunan na? Anong oras na ba? Hindi ba at parang ma
Last Updated: 2023-01-18
Chapter: Chapter 37Kasalukuyan akong nakaupo sa pinakatuktok ng isang matarik na bundok. Napakatahimik ng paligid. Walang mga away ang nagaganap at ang lahat ng bagay ay naaayon sa panuntunan ng buhay na ginawa ni Ama. Napakaaliwalas at napakakalmadong tingnan ang mga nilalang na nilikha ni Ama sa planetang Earth. Ang mga tao, hayop, halaman, puno, mga hayop, ang tubig at ang lupa, hangin, ulap, apoy, at iba pa ay tamang-tama na nakapuwesto. Sa katotohanan ang lahat ng mga bagay na matatagpuan sa planetang Earth ay nagmula rin sa aming kaniyang mga anak. Pinagbasehan niya ang mga mahika at responsabilidad na naiatas sa amin. Ang kaibahan sa amin at pagdating sa mundo ng mga nilalang na kaniyang nilikha, may kakayahan kaming kontrolin ang mga bagay o ang mga mahika. Habang sa planetang Earth, walang may kakayahan kumontrol ng mga mahika. Ang tanging abilidad lang na ibinigay ni Ama sa kanila ay ang kakayahang mag-isip at magkaroon ng rasyonalidad. "Devyani? Nandito ka na naman ulit?" tanong ng isang lal
Last Updated: 2023-01-17
Chapter: Chapter 36Fiction, non-fiction, YA, mystery, thriller, science fiction, anthologies, poems, literature, dictionary, thesaurus, textbooks, at marami pang iba ang matatagpuan sa silid-aklatan. Parang sa mundo ko lang dati. Ang kaibahan nga lang, mas maraming nakakatuwang impormasyon ang matatagpuan sa mundong 'to. Welp. Siguro, biased lang ako dahil mas magaganda ang pagkakagawa ng mga libro rito. Ang mga libro sa mundong 'to ay mayroong mga papel na makakapal at ang mga ito ay kulay light brown. Iyon bang parang pakupas na papel na sa mundo ko dati ngunit dito, hindi siya pakupas. Sadyang ganoon lang ang kulay at hindi nag-iiba. Bago man o luma ang mga libro ay parehas lang ang kalidad ng mga papel. Siguro mayroong taong gumagamit ng mahika upang mapanatili ang ganda ng papel.Bukod pa rito, maraming nakaguhit na larawan sa mga libro. Hindi kada-pahina ay mayroong mga nakaguhit na larawan ngunit ang mga ito ay sapat upang punan ang mga parte ng mga libro na nangangailangan ng visual representat
Last Updated: 2023-01-16
Chapter: Chapter 35"Ano na naman iyang mga pinaggagawa ninyo?" inis na sabi ni Ina. Napamasahe siya sa kaniyang noo at umiling-iling pa. Mukhang kailangan na niya muna ng pahinga sa kambal. "Hindi ko na alam sa inyong mga bata kayo." Randam ko pa rin si Mael sa likod at ang pilit pag-alis ni Kael sa kaniya sa aking likod. Patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa kahit na nagsalita na si Ina. Hindi nakatiis si Ama at nagsalita na rin. "Mga bata, magsitigil na nga kayo. Si Meliliana pa talaga ang pinag-aawayan niyo at nasakto pa na tayo ay magkakasamang kumain sa hapag-kainan." Ngunit hindi siya pinakinggan ng aking mga kapatid. Patuloy ang dalawa sa pag-aaway. Parang mga isip-bata para sa mga prinsipeng katulad nila. Hindi ba dapat na kahit parte ka ng isang maharlikang pamilya, sa edad na mag-sasampu ay matured na? Ganoon ang napapanood ko sa mga pelikula at aking mga nababasa sa mga libro. Karamihan naman sa mga 'yon ay piksyonal tulad nito kaya bakit iba sila? Dahil naiinis na rin ako na hinihil
Last Updated: 2023-01-14
Chapter: Chapter 34It's been five years since I came into this world, into the novel called "Meliliana". My life has never been this strange yet... warm.Noong una, mahirap isipin at tanggapin ang reyalidad na nasa harapan ko. Sino ba naman ang kaagad-agad maniniwala na totoo ang reincarnation? Hindi naman kasi kapani-paniwala talaga ang isekai o rebirth o kung ano pa man ang tawag dito. Sa mga nobela at pelikula lang naman ang mga iyon nangyayari--- iyon ang akala ko. Akala ko noong namatay ako buhat ng pagsagasa ng truck, makakasama ko nang muli ang mga pamilya ko. Iyon pala, hindi. Sa hindi ko malamang dahilan, at kung paano at anong nangyari, ay namuhay ako bilang ang bidang karakter ng nobelang Meliliana, kauna-unahang international best-selling book na mula sa Pilipinas ang awtor. Iba't ibang mga lahi ang tumangkilik dito, kaya ang libro ay nailathala sa iba't ibang bansa gamit ang iba't ibang lenguwahe. Ang kanilang mga dahilan ay kesyo maganda raw ang romance, kaaya-aya, nakakakilig, at kung anu
Last Updated: 2023-01-13
Chapter: Chapter 33Bakit parang ang ingay ata sa labas? Taena, aga-aga nagsisisigaw na naman ang mga bata.“Oy, ano ‘yang ingay niyo? Kitang may natutulog.” Lumabas ako ng kuwarto at nakita sa sala ang aking dalawang nakababatang kapatid. Parehas tumitili na para bang chino-chop chop na baboy. Nakita ko ang magasin sa ibabaw ng lamesa. Pinulot ko ito at hinampas sa ulo ng dalawa.“Ano ba, ate?! Panira naman, oh,” daing ni Heaven, labing-dalawang taong gulang kong kapatid na babae. Sumimangot siya saka lumabi.“Oo nga, panira. Palibhasa bitter,” anas ni Nevaeh, kakambal na babae ni Heaven. Inikot niya pa ang kaniyang mga mata saka dumila. Lah, pikon talaga ‘to. “Bakit kasi ang ingay niyo? Wala pa nga atang walong oras tulog ko. May niluto bang pagkain si Mama?” “Sus. Baka nga siyam na oras na tulog mo. Umuwi ka rito kaninang alas-siyete, alas-kuwatro na ng hapon ngayon. Sa isang tanong mo, oo mayroong pagkain diyan. Piniritong talong at galunggong. Nagluto rin ako ng sinangag kasi ang galing-galing ng
Last Updated: 2023-01-12
Chapter: Chapter 3Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin
Last Updated: 2021-07-10
Chapter: Chapter 2Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa
Last Updated: 2021-07-10
Chapter: Chapter 1Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy
Last Updated: 2021-07-10