Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito.
"Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.
Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito."
"Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.
Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."
Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsalita si Asher.
"Oh, tama na 'yan. Babalik pa rin naman si Ate Mae paminsan-minsan. Huwag na kayo umiyak." Kinuha niya ang mga batang malapit sa akin at saka pinatahan. Maya-maya ay tumahan na rin sila.
"Oh, ayos na kayo?" Tumango ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay hindi makatingin sa akin.
"Ito oh," sabi ko saka sila inabutan ng mga kendi na aking binili noong nakaraang araw. "Huwag na kayong malungkot ha? Bibisitahin pa rin naman kayo ni ate. Mag-aral kayong mabuti lahat at huwag niyong papasakitin ang ulo ni Nanay Rose ah?"
Tumango sila. Tumakbo sa akin si Yna, sampung taong gulang, at ako ay niyakap. "Mag-ingat ka ate! Mahal na mahal ka namin!"
Nagsitakbuhan din ang iba papunta sa akin at nagsiyakapan. Niyakap ko sila pabalik at ganoon din naman sila pagdating sa akin. Nang matapos ang mumunting drama ay humiwalay na ako sa kanila at nagtungo kay Nanay Rose.
"Nanay, mahal na mahal po kita. Maraming salamat sa labing-walong taong pag-aaruga at pagmamahal ninyo sa akin. Hinding-hindi po iyon matutumbasan ng kahit na ano. Mag-iingat ka palagi, 'Nay."
"Mahal na mahal din kita Sarah Mae. mag-iingat ka parati. Kung may kailangan ka, huwag mong kalimutang tawagan kami ha? Nandito lang kami lagi para sa iyo."
Sa huling sandali, hinagkan ko si nanay nang mahigpit.
"Sige na po, alis na ako at baka tuluyan akong maiyak," tatawa-tawa kong sabi. Kinuha ko ang aking maleta at isang bag saka tumungo sa pintuan.
"Tulungan na kita Ate, hanggang sa may sakayan lang ng bus," sabi ni Asher. Hinayaan ko siya na kunin ang maleta.
Habang naglalakad, wala ni isa sa amin ang sinubukang magsalita. Maririnig ang ingay ng mga kotse at motor sa kalsada. Makulimlim ang langit kaya baka umulan mamaya. Sana naman hindi malakas at baka waterfalls na naman sa bahay ampunan dahil sa sirang bubong.
Nakarating kami sa may bus nang walang imikan. Inabot niya sa akin ang maleta at tumingin nang diretso sa kalsada.
"Ate Mae," aniya.
"Oh?"
"Mag-ingat ka ron ha."
"Oo naman, ako pa. Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Wala eh."
Sinuntok ko siyang mahina sa balikat kaya tiningnan niya akong masama.
"Hehe," sabi ko na lamang saka nag-peace sign.
Saktong dumakting ang isang bus papuntang Hiraya Siyudad.
"Una na 'ko Ash. Alagaan mo ang mga bata at si Nanay." Nginitian ko siya nang matamis. Pagkatalikod ko sa kaniya ay nagulat ako nang mabilis niya akong niyakap sa likod. Hindi ako naka-reak dahil naramdaman ko na lang ang sariling itinulak papunta sa pintuan ng bus. Muntik na akong masubsob, mabuti na lamang at tinulungan ako ng barker ng bus.
"Salamat po, kuya," sabi ko saka dumiretso sa loob at naghanap ng mauupuan. Nilingon ko si Asher mula sa loob ng bus at binigyan siya ng isang masamang tingin. Isang pagdila ang ibinalik niya sa akin. Itong batang 'to napakasutil.
****
Apat na oras ang nakalipas at ngayo'y alas-kuwatro na ng hapon, bago ako nakarating sa Hiraya Siyudad. Napakalakas ng ulan pagkarating ko at mabuti na lamang ay may silong na puwede kong maupuan panandalian. Nang humupa ng kaunti ang ulan, nagsimula akong maglakad papunta sa sakayang ng tricycle.
Kinapa ko ang aking bulsa sa pag-aakalang naroon ang papel na ibinigay ni Nanay tungkol sa aking titirahan. Pero...bakit parang wala atang papel? Kinapkap kong mabuti ang pareho kong bulsa ngunit wala talagang laman! Jusko naman oo.
Aligaga akong napaupo sa isang kanto. Takte, paano na 'to? Hindi ko maalala iyong eksaktong lugar. Ang natatandaan ko lang ay nasa Estrossa Street ung bahay. Ung eksaktong numero at baranggay, hindi ko mahagilap sa utak ko!
Bwisit.
Kalma, Sarah Mae. Kaya mo 'to.
Tumayo ako at lumapit sa isang mamang drayber ng tricycle.
"Kuya, alam niyo po ba kung saan ang Estrossa Street? Pasensya na at hindi ko alam kung saang baranggay 'yon eh."
Tumingin si kuya drayber sa akin. "Ah, Estrossa ba? Hindi ko lang alam sa ibang baranggay, pero doon sa may amin mayroon. Filadela Baranggay 'yon iha."
"Paano po makapunta ron?"
"Sakay ka ng jeep doon tapos sabihin mo sa drayber, ibaba ka sa Estrossa."
"Maraming salamat po, kuya!"
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig ko. Sana nga lang ay totoong naroon sa Filadela ang hinahanap kong Estrossa.
Pumara ako ng jeep at sinunod ang sinabi sa aking noong drayber. Mga sampung minuto ata nang sabihan ako ni Manong Jeepney drayber na bumaba sa isang hindi pamilyar na lugar. Nagpasalamat ako bago ako umalis.
Iginala ko ang aking mata sa paligid. Tumingala ako at nakita ang isang signage na may nakalagay na "Estrossa Street". Dala-dala ang payong, maleta, at bag, sinimulan kong tahakin ang mahabang daan.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid, masasabi kong hindi rin gaanong mayaman ang lugar na ito. Ang mga kabahayan ay gawa sa pinagtagpi-tagping yero. Maraming mga taong nasa labas; naglalaro ang mga bata at ang mga matatanda ay nakapokus sa pagtitinda sa kanilang mga tribike na naglalaman ng mga paninda. Ang kanilang mga kasuotan ay kupas na at halatang matagal nang ginagamit. Suot-suot nila ang kanilang mga tsinelas at ung sa iba ay sira-sira na.
Naramdaman ko ang pagkagutom kaya naman naisipan kong pumunta sa isang tindahan ng mga street food.
"Ate pabili nga po ng limang pisong fishball."
"Miss, tabi!" Napatingin sa direksyon ng lalaking nagsalita. Mabilis siyang tumatakbo siya sa direksyon ko pero tumingin ako sa aking paligid para siguraduhin kung ako ba talaga iyong pinapatabi niya.
Itinuro ko ang aking sarili. "Huh? Ako?"
"Damn yes!"
Mabilis akong tumabi sa gilid. Sa sobrang bilis niyang tumakbo, para lang isang malakas na hangin ang dumaan.
"Hey!" sigaw noong tatlong humahabol sa kaniya. Lahat ng mga ito ay naka-itim at balot na balot ang katawan na para bang parte sila ng kulto.
Ang nakakagulat na pangyayaring ito ay tila ba wala lang para sa mga tao sa Estrossa. Iyong iba ay walang naging pakielam o kahit anong reaksiyon lamang. Patuloy lamang sila sa kanilang mga ginagawa. Kaloka.
Habang kumakain, napagdesisyunan kong humagilap ng impormasyon kay ate na tindera ng mga street food. "Ate, tanong ko lang po kung may kilala kayong Mildred Heler dito sa Estrossa? O kung pamilyar po kayo sa pangalan na iyon?"
Napatigil siya saglit. "Hindi ako pamilyar ineng, pasensiya ka na."
"Ah, sige po maraming salamat."
Mga sampung minuto akong nakaupo habang nagpapatila ng ulan. Nang tumila, napagdesisyunan kong magsimulang lumakad at magtanong-tanong sa mga tao kung may kakilala silang Mildred Heler.
Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating. Natagpuan ko ang sarili na binabagtas ang isang makipot at madilim na eskinita. Ilang apak pa lamang ang nagagawa ko nang may kung sinong hampas-lupa ang humila sa akin sa gilid at nagtakip ng aking bibig kaya't nabitawan ko ang aking maleta. Nagpumiglas ako ngunit masyadong malakas ang walang hiyang lalaki!
"Shush. Calm down," sabi ng isang lalaki. Hindi ako sumunod sa kaniyang gusto at mas lalong sinubukang kumawala.
"I won't harm you. I will release you if you stop fighting."
Kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang kaniyang silweta. Kinalma ko ang aking aking sarili. Hinintay kong tanggalin niya ang pagkakahawak sa akin. Nang makawala, sinipa ko siya sa tuhod sa pagbabakasakaling masasaktan siya ngunit walang epekto ito. Itinaas ko ang aking kamao para suntukin siya ngunit hindi pa man malapit sa kaniyang mukha ay napigilan niya na ang aking balak.
"Lady, I just want to ask something. Why are you looking for Mildred Heler?" tanong ng lalaki.
"Sino ka at bakit kailangan mo malaman?!"
"Look, you don't want to attract any attention do you? Lower your voice."
"Wala kang pakielam! Mas maganda 'yon para may makakita sa atin tanga!"
"Just answer me. What's your reason for searching Mildred? Are you a spy? Were you ordered to kill her?"
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang ibinintang. "Hindi! Ako pa talaga pagbibintangan mo! Hinahanap ko siya dahil kailangan ko ng trabaho at tirahan!"
"How did you know her then?"
"Kay Nanay Rose, kung kilala mo man siya! Bwisit 'to daming tanong, ikaw nga 'tong mas kahina-hinala!" bulyaw ko sa kaniya.
"Oh," nasabi na lamang niya. "I forgot someone contacted her saying a suitable person would come and look for her today."
"I apologize for my rude behavior." Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa aking kamao at dumistansya. "Follow me. I know where she is."
Napatanga na lang ako sa nasaksihan nang may biglang may lumitaw na hagdan sa loob ng eskinita. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang ginawa. Dahil medyo madilim ang lugar at mukhang nakakatakot, madali kong kinuha ang maleta at sumunod sa kaniya.
***
TO BE CONTINUED.
Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin
Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy
Pababa ang daan na tinatahak namin. Mayroong sulo sa mga gilid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Hindi ko alam na mayroon pa pala ng mga ganito sa ngayon. Akala ko noong unang panahon lang mayroon nito.Hindi ko alam pero ang creepy ng lugar. Siguro dahil nga madilim at tahimik. Wala namang nagsasalita sa aming dalawa noong lalaki, kaya hindi talaga maiiwasan na mag-isip ng mga nakakatakot na imahinasyon. Baka mamaya may multo na sa likod ko, o baka naman dinadala talaga ako nito sa mga bakulaw. Nanginig ako bigla sa aking naisip.Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa lalaking nasa harap. Mapapansin ang isang itim na sumbrero na kaniyang suot kaya hindi ko masilayan ang kaniyang buhok. Ang kaniyang itim na jacket ay bakat na bakat ang malapad nitong balikat. Suot niya rin ang isang pantalon na itim at rubber shoes. Na itim din. May lamay ba? At teka nga, hindi ba at parang pamilyar ang kaniyang suot? Parang iyong suot ng lalakin
Kinabukasan, hindi mapigil ang pag-iiyakan ng mga bata sa bahay-ampunan. Si Nanay Rose ay hindi magkandaugaga sa pagpapatahan ng mga ito."Ate Mae, huwag ka na kasi umalis," humihikbing sabi ni Aira, walong taong gulang. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng luha.Bumaba ako ng tindig upang maging ka-lebel siya. "Hindi puwede Aira. Huwag ka mag-alala, dadalasan ni ate ang pagpunta rito.""Ate Mae, hindi na ba kita makakalaro ulit?" umiiyak na tanong ni Gerard, tatlong taong gulang. Ang kaniyang salamin ay hindi na magamit dahil sa kakapunas niya ng luha sa kaniyang mga mata.Niyakap ko si Gerard saka hinaplos ang kaniyang ulo. "Gerard, makakapaglaro pa rin tayo. Huwag ka mag-alala, sa tuwing babalik ako rito, maglalaro tayo kahit ano pang laro ang gusto mong laruin, kahit gaano karami pa 'yon."Dinagsa ako ng mga iyak at pamamaalam ng mga bata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapatahan sila. Napakamot ako sa batok. Mabuti na lamang ay nagsa
Kasalukuyan akong nasa kama habang nag-iimpake ng mga gamit at makikita ang samu't saring damit na nakakalat sa sahig. Nakuha ng aking atensyon ang isang lumang larawan na nasama sa mga ito. Dito ay masaya akong nakangiti kasama ang aking mga itinuturing na kapatid at ang aming itinuturing na magulang---Si nanay Rose.Bumukas ang pinto ng kuwarto at iniluwa nito si Nanay. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi."Anak, pasensya ka na talaga at hindi na kita mapapatira rito. Ilang beses ko nang kinausap si Madam Faye pero hindi talaga siya pumayag," aniya. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang tinig. Ang kaniyang mga mata ay tila ba naiiyak na kaya ngumiti ako at marahang hinagod ang kaniyang likod."Ayos lang po 'Nay. Panigurado ay magkikita pa rin naman tayo balang araw. Dadalaw naman po ako paminsan-misan.""Pangako?""Pangako po, 'Nay. Pramis na pramis! Alam kong mami-miss niyo ang kagandahan ko." Tumawa ako nang mahina at natawa rin siy