Share

KABANATA 2

ATHENA'S P. O. V

Nang matapos kong basahin ang lahat ng nakasulat doon ay lalo lang tumindi ang nararamdaman ko. That something on my chest even seemed to be heavier...

"Kamusta ka na, anak ko? Hindi ko alam kung gaano katagal maghihintay ang ipinadala kong ito bago mo ito buksan. Naiintindihan ko naman at alam ko rin na baka hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin. Hindi naman kita masisisi dahil alam kong ako rin ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung nagagalit ka man sa akin ay wala kang kasalanan doon. I am the one to blame for all these chaos.

I wrote this letter, first, to inform you about my condition. I know, you're still probably not interested with how AM I doing these past few days. But I'll still say it to you. I've been diagnosed with sever blood cancer. But to tell you honestly, I've been planning to come over there and catch things up with you once you response to this message. Pero hindi ko alam kung aabutan ko pa ba ang reply mo dahil gaya nga ng sabi ko, hindi ko alam kung kailan mo bubuksan, o kung magagawa mo nga bang buksan itong ipinadala ko. I'm coming over, anak. It's not because I want you to take care of me 'cause it's the other way around. I want to take care of you once again on the remaining hours of my life. I was so wrong when I left you behind with your dad. I was so wrong for choosing my passion over you, my family. But don't get it wrong, anak. I am not regretting that I stood for my passion. Nagsisisi lang ako dahil kung tutuusin ay pwede ko naman sanang pagsabayin, kayo at ang gusto kong gawin. Pero hindi. Namili ako kahit kung tutuusin ay hindi naman talaga ako dapat namili noong una pa lang. I am so sorry. Secondly, I have so much that would be left behind. And I want them to be all yours. Please, just accept those, anak. Please. That's the last thing I could do for you after all that I've done for the past years of olboth our lives. So, please.

I know, forgiving me is not an easy thing to do. But I still do hope that as times pass by, maybe even someday, you'll be able to find a space in your heart wherein you could keep me again. Kahit hindi na bilang isang ina, kahit bilang isang kaibigan na lang. I love you so much, my dear daughter. Sorry for the past years that I wasn't able to make you feel how much love I have for you. I'm wishing you the best your life could offer. I love you even in the afterlife. I'll keep watching you, my angel."

Hindi ko alam kung ano bang emosyon ang mangingibabaw sa lahat ng nararamdaman ko ngayon.

I am still mad, disappointed. I am suddenly filled with disbelief, too. I am also sad and... heartbroken.

" M- mama..."

Maraming minuto pa ang lumipas at pawang mga ganoong kataga lang ang lumalabas sa bibig ko habang patuloy pa rin ako sa paghikbi, dahilan para bahagya nang mabasa ang papel na kinalalagyan ng sulat.

A part of me is regretful. Nagsisisi ako na hindi ko agad binuksan ang sulat na iyon. Pero sa kabila ng pagsisisi at sakit na nararamdaman ko at hindi ko pa rin magawang isantabi ang galit ko. Lalo ngayon. Lahat ng sakit at paghihirap na naramdaman ko noong iniwan niya ako noong bata pa ako, parang lahat ng iyon ay bumalik sa isang iglap lang. Mas matindi pa. Parang lahat ng lumipas na taon ginugol ko sa pag- iyak at sa paghilom ay nawalan lang din ng saysay. 

Hindi ko maiwasang malungkot at masaktan kahit papaano sa nalaman ko tungkol kay mama, pero... Mas matindi pa rin ang nararamdaman kong tampo at galit ngayon. 

Bakit kasi ganito? Bakit lagi na lang siyang dumadating para sirain ang mga bagay sa akin kung kailan parang nagiging maayos na ang lahat? 

Mula nang umalis siya, bawat minuto na lumipas sa buhay ko ay halos taon na ang katumbas. Nothing has beed so easy for me. Mula nang umalis siya, pakiramdam ko ay naging napakaimposible na sa akin ng lahat. I lost my self confidence, I lost my ability to trust people around me aside from my own family, I lost almost all. And what's worst is, I even lost my happiness. 

Growing up, one of the most important thing a child should have and experience is happiness. Iyong kasiyahan na maaalala at mababa on niya hanggang sa pagtanda niya. Iyong kasiyahan na sana ay unang manggagaling sa mga magulang na siyang pinanggalingan niya. 

Every parents should be aware of that. Hindi kailangan ninuman na maging perpekto para maging isang mabuting magulang. Pero hindi rin ibig sabihin noon na pwede mo nang gawin lahat nang hindi man lang isinasaalang- alang ang kalagayan ng kaniya lalo na ng anak nila. 

They must be the one to protect their child first. They must be the one to ensure their child's environment while growing up. They must be the one to show their child what really is love. And most of all, they must be the one to make their child happy no matter what. They shouldn't be the reason for their child to suffer so early. 

Just like what happened to me. 

I was just five years old when my family fell broken. My mom left me and my dad behind without explaining what's going on. She didn't even bother to say a word. All I knew is that, she chose to chase her passion in another country. She always dreamt to be a famous author ever since she was just a child, she said. I can even recall our moments back then, wherein she was always up top telling me how she discovered the world of fiction, how she easily developed multiple plots at the same time on her mind, and so much more. 

At that time, and by honestly speaking, isa ang una ko sa iilang tao na iniidolo at hinahangaan ko ng sobra. And just like her, I dreamt too, of being a famous author just like what she wants herself to be. Pero pagkatapos ng lahat ng ginawa niya? Hindi ko na makita pa ang sarili ko na humahanga sa taong minsan ko nang inasahan na sasama at gagabay sa akin sa paglaki ko.

Hindi ako galit sa kanya dahil sinunod niya ang gusto niyang gawin. Of course, as her only child, I just wanted her to be happy. And I know that following her passion for writing and chasing her dreams would be the best reason for her to be happy. Pero ganoon na ba talaga niya kagustong gawin iyon at umabot pa sa puntong kailangan niya kaming iwan?

Hindi ko lang kasi maintindihan. Hindi naman niya kailangang mamili sa pagitan ng career na gusto niyang tahakin at sa amin ni papa na pamilya niya. As far as I can remember, even my father was her number one fan. He was the most avid supporter she might never have again. He even bought her everything he thought she might need in starting her writing career. Even a laptop. Kahit hindi ganoon kalakihan ang kinikita ni papa sa pagtatrabaho niya, nagawa pa rin niyang mag- ipon ng sapat na halaga para makabili ng isang kasangkapan na alam niyang makakatulong ng malaki sa pag- abot ni mama sa mga pangarap niya.

"Hon, ano ito?! Bakit meron ka nito?!" malakas na sambit ni Mama habang nakatitig siya sa nakabukas na kahon. May laman iyong isang kulay itim na laptop na dinesenyuhan ng mga kulay pink at cute na stickers.

"Isang laptop para sa nag- iisa, napakaganda, at napakatalino kong manunulat na asawa!" masaya namang sabi ni Papa. "Nagustuhan mo ba?"

Imbis na sumagot ay walang sabi- sabing tumakbo si Mama palapit kay Papa at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ano'ng nagustuhan ko? Hindi ko lang basta nagustuhan, Hon. Gustung- gusto ko!" halos paiyak nang sabi pa niya.

Nagpatuloy lang sila sa pagyakap sa isa't- isa. Parang isang walang hanggang yakap.

"Pero pagpasensiyahan mo na muna iyan, Hon, ha? Second hand lang kasi iyang nabili ko. Lumang model pa. Pero hayaan mo, babawi ako. Hindi magtatagal at mabibilhan din kita ng bago niyan. Iyong latest model at maraming magagandang features." malungkot pero halatang dedikado na pangako ni Papa.

Hindi naman sumalungat si mama sa sinabi niya at ngumiti lang.

"Hindi na kailangan, Hon. Masaya na ako sa kung ano mang meron ako ngayon. Masaya na ako na nandiyan ka para sa akin. Kayo ni Athena. At iyang laptop na binili mo para sa akin? Bonus na lang iyan. Mas gusto ko pang sumulat ng walang kahit anong gadgets na gaya niyan basta huwag lang kayong mawala sa tabi ko. Ang laptop na iyan ay gamit lang. Pero kayo? Kayo ang inspirasyon ko. Hindi ko alam kung makakaya ko pang sumulat at ilabas lahat ng piyesa na nabubuo sa utak ko kung wala naman kayo sa tabi ko para i- inspire at i- motivate ako na magpatuloy pa."

But she did. And is still able to.

Sinabi niya na hindi niya alam kung paano pa siya magsusulat kung wala kami ni papa sa tabi niya dahil kami ang inspirasyon niya. Pero umalis naman siya. And when she left us, the last thing I heard about her is that, mas dumami pa ang mga libro na naisulat at nai- publish niya. And every book of her signifies its continuous progressions.

At imbis na ang pagsusulat ang makalimutan niya kung mawala kami ni papa sa tabi niya? Kabaliktaran noon ang nangyari. Kami ang kinalimutan niya at mas pinili niya ang pagsulat kaysa sa amin na pamilya niya. Kami ni papa na sinasabi niyang mahalaga sa kanya at inspirasyon niya sa lahat.

"Papa, nasaan na po si Mama? Ihahatid niya pa po ako sa school. Mala- late na po ako!" maktol kong saan kay papa nang sa paglabas ko ng kusina at hindi ko makita kahit anino man lang ni mama.

Mabilis niya akong nilapitan. Lumuhod siya para mag kapantay kami, pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. Tinitigan niya rin ako ng diretso sa mga mata ko.

Napansin ko na namumula at namumugto ang mga mata niya. Bakit parang katatapos niya lang umiyak?

"Athena, anak, makinig kang mabuti kay Papa, okay?" sabi niya mayamaya. "Si Papa muna ang maghahatid sa iyo sa school mo ngayon. Maaga kasing umalis si Mama, eh. Masyado siguro siyang abala sa libro na ginagawa niya. Kasi, hindi ba, malapit niya nang i- publish iyon? Kaya siguro---"

"Okay po, Papa! Understood!" pagpayag ko kahit hindi pa tapos ang sasabihin niya.

Noong mga oras na iyon, naaalala ko na masaya lang ako. Walang kahit katiting man lang na pagdududa ang sumilip sa isip ko.

I was just happy, for my father mentioned my mom's book to be published.

Maraming taon na kasing nagsusulat si Mama, pero iyon ang kauna- unahang pagkakataon na makakapag- publish siya ng gawa niya sa literal na libro. I know, she was looking forward for it to happen. I mean, halos lahat namn siguro ng manunulat ay iyon ang isa mga pinakamahalagang bagay na gustong mangyari. Ang nailimbag ang akda na gawa nila para maging isang pisikal na libro.

Noong araw na sinabi ni Papa an umalis si Mama ng maaga para nga sa libro niya, hindi na lang ako nagtanong pa ng kahit ano. Basta ang alam ko lang, masaya ako. Masaya ako para kay Mama...

Nang tumunog na ang bell, hudyat na uwian na, ay mabilis akong tumakbo palabas ng classroom namin papunta sa malaking gate ng paaralan na pinapasukan ko.

Excited na akong makita si Mama! Marami akong itatanong sa kanya tungkol sa papalabas nang libro niya. At hihilingin ko rin na kung pwede, ako ang kauna- unahang magkaroon ng kopya ng libro niyang iyon.

Pero lahat ng tuwa at pagkasabik na nararamdaman ko at napawi lahat nang imbis na si Mama ay si Papa pa rin ang nakita kong nakaabang sa akin sa harapan ng gate.

Kumaway pa siya at ngunit nang makita ako.

Hindi ko magawang kumaway pabalik at sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Umaasa ako na si Mama ang susundo sa akin ngayon, gaya ng sinabi ni Papa kanina. At hindi rin ako sanay na mabubuo na ang isang araw pero hindi ko pa rin nakikita si Mama, o naririnig man lang ang boses niya.

"P- Papa, a- akala ko po ba, s- si... s- si Mama ang susundo sa akin ngayon?" naluluhang tanong ko paglapit ko kay Papa.

Lumingun- lingon pa ako sa paligid. Baka kasi nagtatago lang si Mama at bigla siyang susulpot para sorpresahin ako.

Hindi agad nakasagot si Papa.

"W- Wala pa rin ba siya sa bahay natin, Papa? N- Nasaan na po si Mama? B- Bakit hindi pa po siya umuuwi? H- Hanapin na po natin siya---"

"Teka lang anak! Kumalma ka muna. Okay? Kalma..." bahagyang taranta na rin na sabi ni Papa sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Makinig ka, okay? Hindi madali ang pag- publish ng book, anak. Pwedeng abutin iyon ng ilang araw, o linggo! Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa si Mama. Pero huwag kang mag- alala, ha? Kasi sigurado si papa na bukas na bukas din, nakauwi na si mama."

Pero hindi pa rin nangyari ang sinabing iyon ni Papa.

Halos araw- araw na dumaan ay nagtatanong ako. Umiiyak, hinahanap si Mama. Bakit kasi siya umalis? Ganoon ba siya nagmamadali kaya pati pagpapaalam sa akin at kay Papa ay hindi niya nagawa? Ganoon ba siya ka- busy na kahit sa mga panahong wala siya sa bahay ay hindi man lang niya nagawang tumawag sa amin at kamustahin kami kahit isang minuto lang ng bawat araw, o kahit linggo? Bakit kaya ang tagal niyang bumalik? O... babalik pa ba siya?

Ilang taon pa ang dumaan at sa ganoon pa rin umiikot at buhay ng batang ako.

Magsisimula ang araw na hahanapin ko si Mama, tatanong ko kay Papa kung bakit wala pa rin siya. Lilipas ang araw sa school, pag- uwi ko ay iiyak ako ulit kapag nakita ko na si Papa pa rin sumunod sa akin at wala pa rin si Mama.

Maghahanap, magtatanong, iiyak. Hanggang sa napagod na ako.

Hanggang sa napagdesisyunan ko na lang na sanayin ang sarili ko na mabuhay ng wala si Mama. Tutal ay parang ganoon na rin naman simula noon pag- alis niya. Parang nasanay na rin naman siya na wala ako, kami ni Papa sa buhay niya. Siguro nga ay masaya na rin siya sa kung nasaan man siya ngayon. Kapiling ng mga libro niya. O baka... ng bagong pamilya niya, kung meron man.

And that thought of her having another family is already killing me. Hanggang sa tuluyan na lang akong nasanay sa araw- araw na wala siya. Natuto na lang akong tanggapin iyon.

At ang pag- aalala, pangungulila, at pag- asa ko na makikita pa si Mama datu at unti- unti nang napalitan ng sama ng loob, na habang tumatagal ay nauwi na sa galit.

Hanggang sa mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Bigla na kanang sunud- sunod na may nagpapadala ng mga regalo sa akin. At nakasaad doon na galing ang mga iyon kay... Nina Madison. Si Mama.

Bagong Taon, Valentines Day, birthday ko. Lahat. Walang lumalagpas na okasyon na wala akong natatanggap na regalo mula sa kanya. Pero hindi pa rin napigilan noon ang unti- unting pamumuo ng galit ko sa kanya.

Being a mother is not all about sending gifts and presents. Being a mother is being a mother itself. Hindi kailangan ng kahit ano, gaano man kalaki ang halaga, para maging ganap na ina. Ang presensiya at pagmamahal lang ay sobra na.

Pero kahit ganoon ay naisip kong bigyan pa rin siya ng pagkakataon. Nangako kasi siya na babalik siya. So I waited and sit still patiently.

Hanggang sa ilang taon na naman ang lumipas.

And worse scenarios became even worst.

And that's the time when I finally made up my mind not to believe on her and not to forgive her whatever it takes.

It's when my father died because of her... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status