Share

KABANATA 4

ATHENA'S P. O. V

Ganoon na lang ang pagbagsak ng panga ko at panlalaki ng mga maya ko nang mapalingon ako sa bandang likod ng sasakyan kung nasaan ako. Sitting there is a handsome--- no, the most gorgeous man I've never seen! He looked like a demi god. So powerfully gorgeous!

Bakit ba hindi ko siya agad napansin kanina?

"`Care to say something?" he suddenly said, as he let out a lopsided smile.

Napalunok ako.

"A- Ahm... H- Hi. I'm... Athena Madison." nauutal na pagkilala ko.

Tumawa siya.

Ako naman ay biglang napapikit dahil sa matinding kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi ay ako ang pinagtatawanan niya. Oh, darn. Bakit ba kasi ako biglang nataranta at nautal?!

"Yeah, I already knew that. What I meant I want you to say is that, how are you doing? How's your trip?" sabi niya. "Pero hayaan mo na. It's better you said your name to me again. Akala ko kasi kanina, imbis na anak ay ang nanay ni Miss Nina ang naisipan biglang magpakita sa akin dito."

Ramdam na ramdam ko ang dagliang panlalaki ng mga ko at ang paggalang ng inis sa bawat sentimetro ng mga ugat ko.

"How dare you to---?!"

"Relax! I am just kidding!" agad niyang bulalas bago tumawa ng ubod lakas.

What's wrong with this man?!

Lumingon ako kay Jane para sana magsumbong, pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang makita ko na tulala pa rin siya. Pero hindi na dahil sa sasakyan. Dahil malinaw na malinaw na iba na ang dahilan ng pagkatulala niya ngayon. At iyon ay walang iba kundi si Trevor!

Babaeng ito talaga! Gosh!

"Hey, beautiful. You must be Georgina. You're Athena's best friend, I presume? `Nice to meet you, too." nakangiting bati ni Trevor, na gaya ni Jane ay nakatingin naman sa babae at bahagya pa yatang natulala rin.

Ganoon na lang ang pagpipigil ko ng tawa nang unti- unti kong makita ang pagbabago ng itsura ni Jane.

The smile and adoration registered on her face slowly fade away, as anger and disgust ruled her whole expression.

"Call me that name once again, and I swear, you'll be regretting the way the day you were born." mariin pang banta ni Jane.

Tila hindi naman sineryoso ni Nick ang sinabi niyang iyon dahil tinawagan lang siya nito.

"Oh, damn. That's so cute of you." pang aasar pa nito at saka tumawa ng walang humpay.

Natigil lang ito sa pagtawa, at ako naman ay muling na laki ang mga mata at napatakip pa sa bibig, dahil sa mga sumunod na ginawa ni Jane.

Binato lang naman niya ang abogado ng isang piraso ng sapatos na sa hula ko ay galing sa mismong paa niya!

Uh- oh!

"Oh, what? Bakit ka tumigil sa pagtawa, ha?!" singhal pa ni Jane dito. "Masakit ba? Serves you right!"

Sa kabila ng matinding pagbubunganga ni Jane ay nananatili lang na nakatulala si Trevor. Hawak din nito ang isang bahagi ng pisngi, na sa hula ko ay ang parteng tinamaan ng sapatos ni Jane.

"`Tell you what? That's the exact same shoe I am wearing when I accidentally stepped into a cow's poop way back on our village. At hindi pa nalalabhan o nahuhugasan man lang iyan. `Hope you could smell the left over dirt on that shoe's butt." sabi pa niya na lalong ikinalaki ng pagkakanganga ko.

Gusto ko mang pigilan siya ay hindi ko magawa, dahil may parte sa akin na nagsasabing hayaan ko lang siya. Naaawa ako sa sinapit ni Trevor, pero natutuwa rin ako at the same time.

I can't believe this!

Sa buong biyahe namin ay nanatili nang tahimik si Trevor. Samantalang si Jane naman ay daldal pa rin ng daldal.

Kami naman ng lalaking nagmamaneho na kanina lang ay nagbabangayan din, ay nagkakatinginan na lang at nangingiti dahil sa inaakto ng dalawang kasama namin.

"We are here." sa wakas ay anunsyo ng lalaki. "This is your mother's house, Miss Athena. Dito niya ibinilin niya dalhin ka sa anumang oras mo naisin na dumating. Welcome, and please, feel at home as if it's already yours. Dahil wala rin namang ibang kapupuntahan ang bahay na ito kundi ikaw lang din."

Wala sa loob na sumilip ako sa bintana ng limousine.

At muli ay nakaramdam ako ng gulat at pagkalula nang makita ko ang bahay na tinutukoy ng lalaki.

It was a clear mansion--- no, it seems to be even bigger than a mansion itself! Gosh...

Pero kasabay ng pagkamangha na nararamdaman ko ay ang agad na namang pagsingit ng sama ng loob sa damdamin ko.

Sa ganitong klase pala ng bahay tumira si Mama. And I bet, she had the most comfortable rest than anyone could have. Kaya siguro ni minsan ay hindi niya na naisip na bumalik sa simpleng bahay at tahanan na pinanggalingan niya.

"Miss Madison, shall we?"

Napapitlag ako nang marinig muli ang boses na iyon ng lalaki.

Hindi ko man lang namalayan na makababa na pala silang lahat sa sasakyan at ako na lang mag isa ang naiwan sa loob nito.

Walang kibong bumaba na ako bago tuluyang isinara ng lalaki ang pinto.

Muli ay pinagsawa ko ang sarili ko sa pagtitig sa napakalaking bahay na nasa harapan ko ngayon.

At hindi ko maintindihan pero... parang wala akong maramdaman na kahit katiting na kasiyahan sa isiping hindi magtatagal ay magiging sa akin na rin ang malaking bahay na ito.

"OMG... This is really too much! Kahit minsan ay hindi ko na- imagine man lang na ganito na pala talaga kalayo at kataas ang narating ni Tita Nina--- ni Miss Nina!" namamangha ring bulalas ni Jane.

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang ng tipid.

Pagpasok namin sa loob ay mas lalo pa kaming namangha ni Jane dahil sa mga tumambad sa amin.

Puno ang paligid ng magagawa at magagandang kagamitan na halatang pawang matataas ang presyo; pero sa kabila noon ay hindi man lang naging masikip ang parteng iyon ng bahay kung nasaan kami ngayon. And that only means that this house is really huge. 

Ilang sandali pa ang lumipas at namalayan ko na lang na may dalawang bagong babae ang ngayon ay kasama na namin. Ang isa at halos kaedad ni Mama, ang usa naman ay parang kaedad ni Jane, o kaedad ko.

Naisip ko agad na baka connected silang dalawa sa isa't- isa.

I wish my mom and I were like them. Kahit naghihirap ay magkasama pa rin.

Pumikit ako at mabilis na iwinaksi sa isip ko ang kung ano na namang hindi mabuting isipin ang nabubuo doon.

"Maligayang pagdating, Miss Madison! Ganoon din sa iyo, Miss Jane." nakangiting bati sa amin ng mas matandang babae. "Ako nga pala si Gilda. At ito naman ang pamangkin ko na si Ayana. Purong Pinoy din kami! At kami ang tagapagsilbi ng iyong ina noong nabubuhay pa siya. Ngayon ay ikaw naman at ang kaibigan mo ang pagsisilbihan namin."

Ayos.na sana. Pero dahil sa nabanggit niya tungkol kay Mama ay bumigat na naman ang pakiramdam ko.

Kaya imbis na sumagot ay nginitian ko na lang sila ng tipid.

" Gilda, won't you mind taking them to their respective rooms first? I'm pretty sure they're tired due to the flight they just took." mayamaya ay sabi ni Trevor.

Tumango naman agad si Gilda at agad kaming inaya na umakyat sa pangalawang palapag ng bahay.

Pagdating sa pangalawang palapag ay mas lalo pang nagmistulang hotel ang kabuuan ng bahay. Hindi lang basta hotel, kundi isang magara, malaki, at luxurious na hotel.

Pag- akyat pa lang kasi ay bumungad na agad sa amin ang bolera ng mga pinto, na nilagpasan lang naming lahat hanggang sa makarating kami sa pinakadulo ng pasilyo.

"Dito kayo mananatili pansamantala habang inaayos at inihahanda pa namin ang talagang paglalagian niyo." nakangiti pa ring sabi ni Gilda.

Si Ayana naman na nakatayo sa tabi niya ay nananatiling tahimik. Bagay na sobrang ipinagtataka ko. 

I was about to ask her if she's okay, but Gilda suddenly hold my hand and pull me inside the room. 

Nagulat ako at muling nagtaka sa mga ikinikilos niya. Tumingin ako kay Jane para bigyan siya ng senyales sa kakaibang nararamdaman ko kay Gilda at sa pamangkin nito. I was expecting her to notice nothing, dahil kilala ko siya ng hindi naman mabilis makahalata nng kung ano'ng mga kakaibang bagay at kilos ng tao. Pero sa mga pagkakataong ito, base sa nakikita ko sa kanya ay naguguluhan din siya sa tila hindi normal na ikinikilos ng dalawa.

"Dito ka na muna pansamantala, Athena. Sa kabilang kwarto naman si Jane." sabi ulit ni Gilda. "Ipagpaumanhin ninyo pero hindi pa kasi namin naihahanda ang silid na eksklusibo para s ainho. Biglaan kasi ang pagdating niyo. Pero aayusin din namin agad iyon sa lalong madaling panahon. Hindi ba, Ayana?"

Yumuko lang si Ayana matapos itong Balingoan ng atensiyon ng tiyahin.

Argh. There's really something weird in here. I can smell it in the air!

"Huwag na muna sanang makarating ito kay Sir Trevor at kay Wilson, dahil baka isipin nila na nagpapabaya kami sa trabaho at mapagalitan pa kami---"

"Alright, as you wished. But now, with all due respect, pwede niyo na hong iwan si Athena. Pagod po siya sa biyahe and I'm sure na gusto niya na rin magpahinga. Am I right, Athena?" sa gulat ko ay biglang singit ni Jane sa mga sasabihin pa sana ni Gilda. 

Pero dahil doon ay agad akong napangiti. Tumango na rin ako. 

Si Gilda naman ay tila nagulat sa biglang inasta ni Jane, pero sa huli ay lumabas na lang din ng walang iniiwang salita. At gaya ng kanina ay walang imik pa rin na sumunod sa kanya si Ayana.

They are the weirdest of all the weird things I've encountered so far. 

"Oh, gosh. What was that all about?!" bulalas agad ni Jane matapos niyang siguruhin na nakalabas at nakalayo na ang dalawa.

Nagkibit- balikat ako. 

"Hindi ko nga rin alam, eh. They're both acting so weird." 

"`Seems like something unwell's going on here." 

"Sinabi mo pa." 

We both fell silent after that. 

"Hindi kaya naninibago lang tayo kaya ganito iyong nararamdaman natin? O baka naninibago lang sila sa atin kaya ganoon sila makitungo sa atin?" sabi ko na lang. 

Bigla ay parang napaisip naman siya sa mga sinabi ko. 

"Maybe? But no. Parang may mali talagang nangyayari dito. Ramdam na ramdam ko talaga, as in!" 

Hindi ako nakasagot. 

Hindi ko siya magawang kontrahin. Kasi kahit ako ay ganoon din ang iniisip at nararamdaman. 

"Why don't we ask that Trevor Jackson if this is really how Gilda treated anyone in here? Tanungin na rin natin siya kung sadyang pipi na si Ayana bago pa man siya nagtrabaho dito at---" 

"Jane...!" paasik na putol ko sa mga sasabihin niya pa. 

At pagkatapos noon ay nagkatawanan kami. 

"Lalo talagang lumalala iyang utak mo bawat araw, `no?" bulalas ko. 

"I won't go against you with that!" sang- ayon niya at tumawa ulit. Pero matapos lang ang ilang sandali ay tumigil siya sa pagtawa niya. Then her face turned completely serious. "Kidding aside. I think we must really consult your mom's lawyer and that man called 'Wilson' about this. Especially, tungkol sa behavior ng dalawang mag tiyahin na iyon. Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanila, eh." 

I nodded my head as a sign of me agreeing to what she said. 

"Of course, we'll do that." 

I was about to say something more, but then my phone ring suddenly cut me off.

I took it from my pouch to see who's actually calling me. 

And I am expecting for it to be my grandparents, but I realized that I was totally wrong when I already saw who's actually is it calling me. 

It's Trevor. 

Nagkatinginan pa kami ni Jane, at napansin ko na parang nagpipigil siya ng tawa dahil sa hindi ko malamang dahilan. 

"Hello?" I abruptly said after answering his call. 

"Meal's ready after fifteen minutes. Would you like me to give an order to call you there, or you'll just come down here after exactly fifteen minutes?" he asked. 

And hearing Gilda's name, made me feel anxious again. 

"We'll just go down on our own. Malaki naman na kami at hindi na namin kailangan pa ng taga sundo. We can manage." sabi ko na wala sa intensiyon ang masungit, pero batid ko rin na parang ganoon na nga ang kinalabasan ng tono ko. 

"Okay, as you said so." 

And that's all, he just ended the call. 

Pagtapos kong maibaba ang cell phone ko ay doon lang humulagpos ang tawa ni Jane na kanina niya pa halatang pinipigilan.

"Ngayon, mas kumbinsido na ako na hindi nga biro ang laki ng iniwang bahay sa iyo ng mama mo." patawa niya pang saad.

Napakunot- noo ako.

"What do you mean?" I asked.

"Nasa baba lang naman si Trevor, 'di ba? Pero nag aksaya pa siya ng load at battery percent para lang tawagan ka kahit kung tutuusin ay pwede ka naman niyang puntahan na lang dahil nasa iisang bahay lang naman kayo!" sabi niya at humagalpak na naman ng tawa.

Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na rin.

"Oo nga, `no? Baka tinamad." sabi ko at nagpatuloy sa pagtawa kasama ni Jane.

Hindi kami tumigil at nagpalitan pa ng mga nakakatawang bagay, umabot pa sa punto na ang iba ay eksaherado na.

Hanggang ang buong kwarto ay napuno na ng matutunog na halakhak naming dalawa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status