Share

KABANATA 3

ATHENA'S P. O. V

Ilang araw pa ang lumipas at patuloy ko lang ipinagsawalang- bahala ang natanggap kong padala galing kay Mama. Hanggang sa isang araw, matapos ng mahabang oras na pagtatrabaho ay naisipan kong buksan ulit iton. Hindi para pag- isipan kung tatanggapin ko ba lahat ng gusto niyang ibigay at iwanan sa akin. Because I already made up my mind. I'll be turning down everything that's already written on by her.

Kinuha ko ang libro na hindi ko pa alam kung tungkol saan, at kinuha ko ulit mula doon ang isang card na nakaipit. It's a calling card. May nakalagay doon na panglana, contact number, at maging ang address ng isang taong abogado raw ni Mama.

Pagkakuha ko doon ay agad akong tumayo at lumapit sa telepono na nasa kwarto lang din para tawagan ang taong nakasaad sa calling card.

And just after a few rings, sumagot na ang taong cino- contact ko sa kabilang linya.

"Yes, hello? It's good to finally hear from you, Miss Athena!" bati ng isang lalaki sa kabilang linya.

Napakunot noo ako.

Frankly speaking, I am expecting for an old man to answer. Pero ang kausap ko ngayon, kung hindi ako nagkakamali at base sa boses ay parang halos kaedaran ko lang. And what's more shocking is, he knew me!

"W- wait..." sabi ko na animo'y biglang nawala sa sarili. "Why do you know me? And how did you know that it's me calling?"

Imbis na matinong sagot ay isang matunog na halakhak lang ang narinig ko sa kabilang linya.

"I have this special phone brought by your mom, exclusively for your call. Ikaw lang ang nakakaalam ng number ng cell phone na ito, that's why alam ko ba agad na ikaw nga ang kausap ko once na may tumawag sa contact number na ito." he explained. "And `seems like I am not mistaken, yeah? It's really you, Miss Athena Madison?"

Kinumpirma ko sa kanya na ako nga iyon, tsaka ko sinabi ang kagustuhan ko na i- turn down lahat ng nakasaad sa sulat ni Mama.

"Just wait a minute and please, stay quiet." biglang saad niya sa gitna ng pagsasalita ko, dahilan para mapahinto ako. Kahit abogado pala talaga, may kakayahan pa ring maging bastos. "Before you say anything else, I want you to know something first. And I don't want to pull it harshly but... it's all about your mom."

Napatawa ako.

"Oh? What about her? Na may sakit siya? And that she has this terminal disease? Sorry to burst your bubble but I already knew that even before I made this call---"

"She's gone, Athena. You're mom is gone."

Sa mga sinabi niyang iyon ay natigilan ako.

Pakiramdam ko ay may kung anong mabigat ang biglang bumagsak sa akin at dumaan, partikular sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

W- what did he just say again?

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

I just found myself lying on my bedroom's floor, next to the telephone, na gaya ko ay bumagsak lang din sa sahig sa hindi ko na maalalang dahilan.

Sunod kong namalayan ang pagbukas ng pinto at ang paghango nila Lolo at Lola palapit sa akin.

Niyakap nila ako. Umiiyak ako, nanginginig. Tinatanong nila sa akin kung ano ba'ng problema pero puro pag- iling at pag- iyak lang ang ginawa ko.

Hanggang sa nahirapan akong humingi at pakiramdam ko ay nakulong ako sa isang umiikot at madilim na lugar. Han;ggang sa naramdaman ko na lang ang tuluyang pagbagsak ng buong katawan ko sa malamig na sahig.

Bahagya akong napaungot nang makaramdam ako ng pwersa ng kung anong bagay sa utak ko. Hindi ko alam kung ano iyon, pero ramdam ko ang tila paghila noon sa akin pabalik sa kamalayan. At ilang sandali nga lang ay naipon ko na ang lakas na kailangan ko, at sa wakas ay nagawa ko na rin dumilat.

Sumalubong sa akin ang pamilyar na itsura ng malamlam na kisame ng kwarto ko. Pero bakit... bakit parang luwinag yata?

Pinilit kong ilibot ang paningin ko sa paligid. Kaya naman pala parang lalong lumiwanag at lumamig sa paligid. Nakabukas pala lahat ng bintana.

Dahan- dahan akong bumangon, pero kasabay noon ay ang bigla naman pagguhit ng kirot sa sentido ko.

Ano ba kasing nangyari?

I was on the process of reminiscing things when I noticed someone entering my bedroom door. Si Lola.

May dala siyang isang tray na may lamang pagkain, tubig, at isang maliit na lalagyan na hindi ko alam kung ano'ng nakalagay.

"L- Lola..." agad kong tawag sa kanya.

Napangisi naman siya agad nang makita na gising na ako.

"Oh, apo, mabuti naman at gising ka na. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Saan?" sunud- sunod niyang tanong habang naglalakad palapit sa akin.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

"W- Wala po, Lola. W- Wala naman pong masakit sa akin." pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay para na akong pinapatay sa sakit ng ulo ko.

Hindi nakatakas sa akin ang malalim na pagbuntung- hininga niya bago siya tuluyang umupo sa gilid ng kama ko.

"Ayoko sanang sabihin ito pero... nakikiramay ako sa pagkawala ng mama mo, hija."

Sa sinabing iyon ni Lola ay parang biglang nag flashback sa utak ko ang lahat ng naganap kani- kanina lang.

Si Mama. Tama, siya nga ang dahilan kung bakit ako biglang nawalan ng malay kanina at...

Napasinghap ako.

Hindi ko namalayan na nagsisimula na naman pala akong umiyak. Mga impit na pag iyak na hindi naglaon at nauwi na naman sa mga matutunog na hagulhol.

"S- Si Mama..." nauutal kong saad kay Lola habang umiiyak.

Niyakap niya lang ako habang pilit na pinapakalma.

I may be mad at her, but she's still my mom. At kahit pa ilang beses ko lang sabihin sa sarili ko na masanay na lang na wala siya, hindi ko pa rin pwedeng itago iyong katotohanan na bilang anak, umaasa pa rin ako na balang araw, makakasama ko siya ulit. Balang araw, magkakaroon pa kami ng chance na magkasama ulit para bawiin ang mga taon na hindi kami magkasama. Kahit pa sabihin kong galit na galit ako sa kanya, hindi pa rin noon maipagkakaila kung gaano ko kagusto na makasama pa rin siya.

Pero ngayon... wala nang kahit katiting na pag- asa na mangyari pa lahat ng pinanghahawakan ko. Wala na lahat. Dahil wala na si Mama.

Ilang araw pa ang lumipas at sa loob ng nga araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang mag- isip at umiyak lang nang umiyak.

Nasabi ko na rin kina Lolo at Lola ang plano kong pagtanggi sa lahat ng iniwang habilin ni Mama, pero gaya ng inaasahan ko ay hindi sila sumang- ayon dito.

"Alam namin na hindi magiging madali ito para sa iyo, hija. At alam din namin na hindi mo pa rin natatanggap na wala na rin ang mama mo. At gusto man naming sabihin sa iyo na huwag, pero alam namjn ng lola mo na marami kang bahay na pinagsisisihan lalo na at may kinalaman sa mama mo. Pero hahayaan mo ba na dumagdag pa ito kung sakali sa mga bagay na pagsisisihan mo kapag hindi mo pinagbigyan ang huling kahilingan ng mama mo sa iyo?" seryosong sabi ni Lolo matapos kong sabihin sa kanila ni Lola ang lahat.

Napaisip ako.

I was caught in the middle of letting my mom's last will to come true, yet at the same time, it seems like I don't want to take any part to it.

Siguro ay masyado lang nabibigla at naguguluhan ang utak ko ngayon. Kaya siguro hindi ako makapag- isip at makapagdesisyon ng maayos. Hindi makapag- process ng maayos ang isipan ko.

Pero tama si Lolo.

Mas mabuti na sigurong sumugal ako para tuparin ang huling inaasahan sa akin ni Mama, kaysa pabayaan ko iyon at pagsisihan din sa huli.

Kaya ng araw na iyon mismo ay tinawagan ko ulit ang abogado ni Mama. I asked him when he could be free so that I can meet him to talk about all the things connected to my mom.

Agad naman siyang pumayag at humanap ng libre niyang araw para makapagkita kami. At ngayon nga ang araw na iyon.

Pero bago kami makapagkita ay kailangan ko pang lumabas ng bansa, papunta sa bansang pinuntahan ni Mama. Kung saan niya nahanap ang sarili niya, kung saan niya tinupad ang nga pangarap niya, kung saan nagsimula ang panibagong buhay niya. At... kung saan binawi rin ang buhay na iyon sa kanya.

Buti na lang at nananatiling update ang passport at mga papeles ko kahit hindi ako madalas umalis. Kaya plane ticket na lang ang kinailangan kong ayusin at makakaalis na ako anumang oras.

Napagpasiyahan ko na gamitin na lang muna ang perang kasama sa mga ipinadala ni Mama. Her private lawyer whom I had a talk with, said that he can send me more cash or cards. But I refused him to do so.

At ngayon habang bumibiyahe ako patungo sa airport ay hindi ko maiwasang mahulog na naman sa malalim na isipin.

"Ano na namang iniisip mo? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na tigil- tigilan mo na iyan? Baka mamaya, magsimula ka na namang umiyak diyan. Magmukha ka pang naliligaw na bata sa airport."

Napalunok ako at tila nabalik sa reyalidad matapos kong marinig ang mga sinabing iyon ni Jane.

Georgina Pelaez, or 'Jane' as she wanted to be called, is my best friend since our pre- school days. Siya lang naman ang kasa- kasama ko sa bawat araw na nararamdaman kong mag- isa lang ako. Lalo na sa school. Siya ang laging nandiyan kapag wala akong ibang maiyakan at mapagsabihan ng mga nararamdaman ko. Hindi naman kasi pwedeng ipatawag ko pa sina Lolo at Lola dahil lang sa naiiyak ako, 'di ba? In short, she's been and still, my partner in crime.

At ngayon nga ay napagdesisyunan ko rin siyang isama sa pupuntahan ko. Ito run kasi ang unang beses kong lalayo sa amin, 'tapos ay sa ibang bansa pa. Kaya minabuti ko na isama na rin siya, bagay na iminungkahi rin nila Lolo nang sabihin ko na balak ko ngang lumabas ng bansa para kitain ang abogado ni Mama.

"Hindi ako iiyak, okay?" sabi ko na lang at bahagya pang tumawa.

"Oh, really? Sino'ng niloko mo? Mga bata pa lang tayo, lagi mo nang sinasabi iyan. Lagi mong tinatanggi na iiyak ka, pero mayamaya lang din ay puno na ng luha iyang buong mukha mo--- oh, see?!"

Napasinghot ako dahil tama nga siya, matapos lang ang ilang segundo ay nagbagsakan na nga ang mga luha ko.

Hindi na ako nag protesta nang alisin niya ang salamin ko sa mata at sinimulan niyang punasan ng panyo ang mga mata ko. Pagkatapos noon ay ang buong mukha ko na.

"Kung bakit ba kasi kung ano'ng ikinatapang ko ay iyon namang ikina iyakin mo." sambit pa niya.

Hindi na lang ako sumagot dahil kapag ginawa ko iyon, alam kong lalo lang lalala ang pag sermon niya sa akin.

She's always like that, ever since. Hindi ko alam kung ganoon ba siya dahil mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, o ganoon lang talaga siya kasi nga ganoon siya.

"Tsaka ano ba itong suot mo, ha? Sa pagkakaalam ko, sa ibang bansa tayo pupunta para ma- settle na for once ang lahat ng tungkol sa mama mo. Bakit naman hindi mo ako in- inform na pari pala ang kikitain mo at hindi ang abogado ng mama mo? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na sa simbahan pala ang meeting place at hindi sa kung saang hotel, condominium, building, o kung ano pa mang lugar na hindi connected sa simbahan? Bakit---?"

"Huh? Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Of course, we'll be meeting my mom's attorney. At malamang na hindi talaga sa simbahan mangyayari ang meet up na iyon. At lalong hindi pari ang kikitain ko. Ano ka ba?" asik ko sa kanya.

"Ay, hindi ba?" saad naman niya. "Sorry naman, `no? Tingnan mo naman kasi iyang itsura mo. Sa pananamit mo pa lang, mukha ka nang sangang virgen na ipapasok sa kumbento. Dinaig mo pa iyong mga sinaunang kababaihan dahil sa haba at kapal ng suot mo. Dagdag mo pa itong salamin mo, na sa dabi ng modern at mas trending tingnan na salamin sa mundong ito ngayon, itong old fashioned pa talaga ang napili mo. Mukhang minana mo pa ito sa kanunu- nunuan ng lola mo, eh! Kaunting- kaunti na lang, mapapagkamalan ka nang nanay--- no, lola ng lola ko."

Imbis na mainsulto ay napailing na lang ako.

Nasanay naman na ako na ganiyan siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya masanay na ganito ako.

Because yes, I love wearing thick and oversized clothes as it make me feel more comfortable and more me. Maging ang salamin na sinusuot ko ay nakasanayan ko na rin kaya hindi ko kailanman pinag- isipan na palitan iyon. I'm happy with myself being simple as this.

Matapos ang ilang oras na biyahe papuntang airport, at muka airport hanggang sa Isa pang airport, sa wakas ay nakarating na rin kami sa lugar na napag- usapan namin ni Trevor na pagkikitaan namin.

At halos kabababa lang namin sa sinakyan namin ay may sumalubong na agad sa amin na isang medyo may edad nang lalaki.

"Miss Athena Madison? Miss Georgina Pelaez?" nakangiting pangingilala sa amin ng lalaki.

I was about to say 'yes', but then, Jane suddenly spoke before I was able to do so.

"Ugh, Athena, please, tell him how much I hate being called by my real, whole name. Please!" animo'y nanggigigil nat nandidiring wika niya pa.

She even gestured her hands as if she's holding a piece of dirty trash. She then imitated herself vomiting.

Hindi ko na napigilan at natawa na lang ako sa mga inakto niya.

Pero agad din akong natigilan nang mapansin ko na matahimik ang lalaking lumapit sa amin, na ngayon ay tinitingnan lang ako ng mataman.

"H- hey," naiilang na pukaw ko sa atensiyon niya. "Is there... any problem?"

Mabilis namang kumurap- kurap ang lalaki matapos iyon.

"N- Nothing, Miss Madison. I just hope we should already leave. The ride is waiting." he just said.

Nagkatinginan kami ni Jane na sa hula ko ay nawe- weirdo- han na rin sa lalaking kausap namin ngayon. Pero nagkibit- balikat na lang kami pareho at nagpatianod na lang sa lalaki.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyan kung saan pinagbubuksan kami ng pinto ng lalaking iyon.

Isang kulay gintong limousine!

"Oh, my, gosh! Don't tell me... OMG, Athena...! Nananaginip ba ako?!" impit ang tili na tanong sa akin ni Jane.

Nakakapit din siya ng mariin sa braso ko, parang hindi makapaniwala sa lahat ng nakikita namin ngayon.

"Just leave your baggage there, Misses. I'll be the one to take that in for you." sabi ng lalaki na naging dahilan naman para mabalik ako sa katinuan.

Mabilis kong hinila si Jane papasok sa pinto ng limousine na binuksan ng lalaki para sa amin.

At kahit pa umaandar na ang sasakyan ay nananatili pa ring nakatulala lang si Jane.

Gosh. Paano ko ba mapapabalik sa katinuan ang babaeng ito?

"Don't take it seriously, Miss. But I didn't expect that you're Miss Madison. I thought she is." bigla ay sabi ng lalaking ngayon ay nagsisimula nang magmaneho.

Agad namang na laki ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon.

How dare him insult me like that?!

"Oh, really? Same here. I didn't expect you to be like that. Your voice seems younger over the telephone. I wasn't expecting you already look this old, Attorney Trevor Jackson." I insulted him back.

Pero imbis na mainsulto rin at tila hindi man lang siya tinamaan sa mga sinabi ko. He even laughed!

"`Seems like you're mistaken, Miss." sabi niya at muli pang tumawa.

Mistaken?

"W- What are you talking about?" bahagyang inis at nagtatakang tanong ko.

"You're mistaken. I am not Attorney Trevor Jackson, for your information, Miss. I am not even his father." sabi niya at tumawa ulit ng nakakaloko.

Hindi agad ako nakapagsalita.

Pero pinilit kong kong bawiin sa mabilis na paraan ang pagkabigla ko.

"Oh, really? So who are you then? Why are you the one who fetched us? Kami ni Attorney Jackson ang may usapan na magkikita doon. So, if you're not him, then what are you doing here? And where's him?" sunud- sunod na tanong ko.

"You're asking for me, therefore, I show. I'm here at your service, Miss Madison. Attorney Trevor Jackson here. And it's nice to finally meet you." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status