WARNING!!! SLIGHT MATURED CONTENT AHEAD!!! READ AT YOUR OWN RISK!!! ATHENA'S P. O. V Kinabukasan mismo, matapos lang ang naging pag uusap namin ni Trevor ay napagdesisyunan ko na agad na puntahan at hanapin ang kung sinumang taong iyon na tinutukoy niyang makakatulong daw ng malaki sa akin. Hindi naman kalayuan ang address ng condominium na itinuro niya sa bahay ni Mama na tinutuluyan ko, kaya hindi na ako nagpasama pa. Si Trevor kasi ay may kailangan ding puntahan. Si Jane naman ay nagpaalam na na mag gagala raw muna siya at susubukang mag explore kahit isang araw lang. Si Kuya Wilson naman ay kailagan pang samahan sina Ate Gilda sa pamimili nito ng mga kakailanganing gamit at supply sa bahay. Kaya gustuhin ko mang magpasama ay wala ring available para sumama sa akin. That's why I decided to make it on my own. Ayoko na rin kasing patagalin pa ang pagtupad sa huling kahilingan ni Mama sa akin. After all, ang sabi niya ay marami nga talagang naka abang sa paglabas ng libro na iyon
ATHENA'S P. O. V I just wish I could turn back the time. Para hindi na muna ako pumunta sa lugar na ito, hindi na ako sumakay sa pesteng elevator, at nang sa ganoon ay hindi ko na nakilala itong walang hiyang bastos na lalaking ito. Na trap pa ako kasama niya at ng malandi ring babae na animo'y nawalan na ng dignidad sa pinaggagawa niya sa lalaki kani- kanina lang. Pero buti na lang at hindi nawalan ng signal ang cell phone ko sa loob ng elevator, kaya nagawa ko pang tawagan at contact- in si Trevor para ipaalam sa kanya ang lahat ng nangyayari. And finally after several minutes, I got a call from him that made me feel relieved. "I'm already here. Tinanong ko na rin kung ano'ng elevator dito ang nag malfunction. And I'm on my way to the maintenance office. Stay aback and don't worry. I'll make sure na makakalabas ka na few minutes after." Pagkatapos ng ilang minuto pa naming pag uusap ay nagpaalam na rin siya. Buti na lang din at hindi na nangulit pa o nagsalita man lang ang bwi
JANE'S P. O. V Hi, my name is Jane Pelaez. I already had a previous point of view in this someone's story, and you probably know that I am none other than Athena's best friend. Ang madalas na kasama niya sa lahat ng lakad niya. Maliban ngayon. I just wish that you could give this little time to speak for myself and say my story. Kanina ay nagpaalam ako kay Athena. I told her I want to explore the beauty of this state somehow, and she immediately agreed. This is my first time going out alone. Unang beses kong lalabas nang hindi ko kasama si Athena. At si... Trevor. Pero mas mabuti na rin siguro ito, na magkaroon ako ng oras para sa sarili ko. Malayo sa kahit kanino. Kahit pa kay Athena. Alam ko kasi na nahahalata niya na rin ang pagbabago ng mga ikinikilos ko, lalo na kapag alam kong nasa paligid lang namin si Trevor. Yes, I have something going through that involves the lawyer of Athena's mom. Something I can't bring her to know. I'm afraid that she might see me as an unfaithful
TREVOR'S P. O. V. That was so close! Buti na lang at dumating ako sa tamang oras, dahil kung hindi... Napapikit ako ng mariin habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang araw. It was Sunday morning and everything I must were already done, making this a day a free day for me. Naisipan kong ayain sina Athena at Georgina para kumain sa labas at mag enjoy. Lalo na ang una dahil bukas na bukas ay magsisimula na siya na gawin ang misyon na iniwan sa kanya ng yumao niyang ina. Even I, knew that it wouldn't be as easy as is for her to continue a book with such topic. Halata naman kasi sa itsura niya na hindi siya ang tipo ng babae na maalam sa mga bagay na may kinalaman sa sex. Not to mention that she confessed to us the fact that despite her age, she still doesn't know what it is to be involved in a relationship. Kaya bago pa siya ma stress ng todo sa mga trabaho na kailangan niyang gawin, mas okay siguro kung ilibre ko muna siya, sila ni Georgina, at pasayahin sila sa muntin
JANE'S P. O. V Gaya ng kanina ay muli akong nakaramdam ng kakaibang sensasyon. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong katawan ko kahit ang totoo ay nakahiga lang naman ako at nagpapahinga. I felt this the very first time earlier when I first woke up on wherever I am. But I felt it again when I woke up after I fall asleep because of some sort of medicine the doctor put in my system. Unti- unti kong idinilat ang mga mata ko. And there I saw Trevor who seems to be waiting patiently for me to wake up. Nakita ko na rin si Athena na kanina ay wala noong una akong magising. Siguro ay tinawagan siya ni Trevor at agad na pumunta dito nang malaman niya ang nangyari sa akin. Muli ay parang gusto kong maluha. I haven't feel this special in my entire life before. Pero ngayon, pakiramdam ko ay nasalo ko na ang lahat ng swerteng inilaan sa mundo. Dahil una, himala kong nalagpasan at tiyak na sanang kapahamakan na nakaamba sa akin. Pangalawa, may mga tao sa paligid na ko na naka abang sa akin a
ATHENA'S P. O. V Alam kong nag mukha akong mang aagaw ng spotlight at pakialamera ng taon, dahil kinuwento ko pa rin sa kaibigan ko ang mga nangyari kahit pa sinabihan na ako ni Trevor na kung pwede ay huwag nang sabihin pa dito iyon. And after confessing those scenes, I can see shock and disbelief clearly on Jane's face. Halatang hindi siya makapaniwala na pwedeng mangyari iyon, at nangyari na nga nang hindi niya namamalayan at hindi niya inaakala. Ako naman ay nag aalangan, dahil baka maisip nito na masyadong pinakikialaman ni Trevor ang buhay niya at kinailangan pa siya nitong sundan ng patago sa lahat ng pinuntahan nito ng araw na iyon. I am expecting her to be mad at him. Paanong hindi? Hindi ba't mula nang magkita ang dalawang ito ay wala na silang ginawa kundi ang magbangayan at mag asaran? I even noticed something was wrong with her later these days. At nagsimula lang iyon noong nakita kong magkasama silang dalawa pababa ng hagdanan. Oh, gosh. Could it be...? Pero natulal
ATHENA'S P. O. V After I visit Jane at the hospital yesterday, I went home straight already and didn't bother to go on Justin's place again. Napagod din kasi ako, kaya mas gusto ko na lang magpahinga noon kaysa ang makita pa ang nakaka bwisit na pagmumukha ng kumag na iyon. Masyado na rin kasing late noon, baka mamaya ay kung ano na naman ang makita at maabutan ko doon na ginagawa niya kung sakaling bumalik pa ako. Ayoko nang ma trauma ulit! Hindi ako nag iipon niyon! Kaya ngayon, alas sais pa lang ng umaga ay nakahanda na akong umalis. Hinihintay ko na lang si Trevor dahil ang sabi niya ay susunduin niya na raw ako at ihahatid sa unit ni Justin bago siya pumunta kay Jane. Minsan tuloy ay nagui- guilty na ako para kay Kuya Wilson. Para na kasi siyang inaagawan ng trabaho ni Trevor dahil sa paghahatid- sundo niya sa amin ni Jane palagi, eh. But kidding aside, Jane's right. We're both so lucky for having Trevor on our lives. Para kaming nagkaroon ng instant kuya na handang mag prote
JANE'S P. O. V Trevor said that he won't take long here in the hospital with me. Maaga raw siyang aalis pero huwag daw akong mag alala dahil maaga rin naman daw darating dito si Athena para palitan siya sa pagbabantay sa akin. I kept on asking him what's wrong and where he'll go, pero ayaw niya naman sagutin ng maayos ang tanong ko. "Remember that I will go right before three p. m. Kaya gusto ko, bago ako umalis ay nakakain ka na ng merienda mo. Para naman makapag trabaho ako ng maayos nang hindi inaatake ng konsensiya ko kapag naisip kita bigla." mayamaya ay sabi ulit ni Trevor. Nakaupo lang siya sa couch na ilang hakbang lang ang layo mula sa hospital bed na kinahihigaan ko. He's sitting there with his feet stretched and are above the mini table. Napakasarap naman ng buhay. "Kanina mo pa ho sinasabi ng paulit- ulit iyan, Manong. Ayaw mo naman sumagot kapag tinanong ka kung saan ka pupunta. Tsk." asik ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin. "Just ask Athena once she get her