Share

Falling In Love with Justin
Falling In Love with Justin
Author: Eyah

KABANATA 1

ATHENA'S P. O. V

I couldn't hold back myself from groaning as I bend to stretch my back. I felt relieve and well satisfied after I heard the loud cracking of my backbones. Finally, I'm done!

I quickly turned on my E- mail account, browse there to find a certain name, and start typing some quick message of notice.

"Good evening, Miss! This is to inform you that the website you entrusted me to develop and design is already done! Please, reply as soon as possible so that we can proceed to discuss further details! Thanks so much!"

I was about to add few more sentences, but I was caught up by the sudden opening of my bedroom door.

I automatically look behind me, only to see my grandparents carrying a tray with some food on it.

I can't help not to smile when I saw exactly what they're doing.

Para silang mga magnanakaw na umaatake sa kalaliman ng gabi, sinisiguro ang bawat galaw at pinipigilan na makalikha ng kahit anong ingay. Animo'y nagtalo pa sila ng bahagya matapos tumunog ng mahina ang pintuan na isasara na sana ni Lolo.

Napailing na lang ako habang nakangiti pa rin.

Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa computer at nag kunwaring abala sa pagta- type ng kung ano doon. Ayoko kasing masira ang 'sorpresa' nila sa akin.

Sunod kong naramdaman ang mararahan pa rin nilang pagyabag na sa hula ko ay papalapit na sa akin.

"Isang masarap na merienda para sa napakaganda naming apo!" mayamaya nga ay masiglang anunsiyo ni Lola na sinundan niya pa ng palapag ng tray ng pagkain sa maliit na lamesang katabi lang ng desktop ko.

"Patapos ka na ba diyan, hija?" tanong naman ni Lolo. "Itigil mo muna kaya iyan at kumain ka na muna? Masarap itong cookies na ginawa ng lola mo. Ipinagtimpla na rin kita ng mainit na gatas para naman hindi ka antukin agad sakaling may mga kailangan ka pang tapusin. At para ma relax ka na rin."

Lalo pang lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa mga sinabi nila.

"Thank you po, Lola, Lolo. I really appreciate all of your efforts such as this!" masayang sabi ko at tumayo para bigyan sila ng isang mahigpit na yakap.

Mula nang bago pa man ako makatapos sa kursong kinuha ko ay nagsimula na akong mamuhay na sinasanay ang sarili na tanging sina Lolo at Lola na lang kasama ko.

I used to live with my dad, too. But sadly, he passed away, leaving me behind pretty too soon. I felt really devastated that time, for I was looking forward to my graduation rights with him by my side. I always dreamt of him putting my medals on me, and me taking those off and putting them to him, instead. Sa aming dalawa naman kasi ay siya ang mas karapat- dapat na parangalan. Dahil hindi naman ako makakarating sa kung nasaan ako kung hindi dahil sa kanya at sa mga isinakripisyo niya. Pero wala. Hindi nangyari iyon. At hindi na mangyayari pa iyon dahil nga iniwan niya na ako sa paraan na hindi namin parehas ginusto.

"Napapansin namin ng lolo mo na puro na lang trabaho ang inaatupag mo, apo. Hindi naman tayo sobrang naghihirap na at kailangan mong magpakasubsob diyan araw- araw. Bakit hindi mo subukang lumabas at mag- enjoy naman kahit papaano?"

Napabuntong- hininga ako matapos kong marinig ang sinabing iyon ni Lola.

Kahit kasi hindi niya sabihin ng diretso ay alam kong may mas malalim na pinupunto ang sinabi niyang iyon.

"Lola, alam niyo naman po na wala sa isip ko ang mga ganoong bagay. At opo, hindi nga po tayo sobrang naghihirap pero marami pa rin po akong dahilan para kumayod hanggang sa kaya ko. May mga kailangan pa po akong pag- ipunan at abutin na para sa inyo po ni Lolo. Sobrang dami ko pang gustong ibigay sa inyo na sobra pa sa dapat kasi deserve niyo naman po iyon. At titigil lang ako once na maibigay ko na lahat ng iyon sa inyo." paliwanag ko.

Hindi sila sumagot. Nakatinginan lang sila pero bakas na bakas naman sa mga mata nila ang hindi pagsang- ayon sa mga gusto kong mangyari.

Kahit ako naman, sa totoo lang ay ayoko rin mangyari sa akin ang mga posibilidad na alam kong iniisip nila, at iniisip ko rin naman.

Takot rin ako sa posibilidad na tumanda akong mag- isa at walang kasama. Idagdag pa na matatanda na rin sina Lolo at Lola at hindi naman habang buhay ay kasama ko sila. At ayoko mang isipin, pero wala talagang sinuman ang may alam ng mga tiyak na mangyayari sa hinaharap. Kahit nga ang mga mangyayari sa ilang minuto mula ngayon ay wala ring makapagsasabi.

"Huwag mo sanang isipin na nanghihimasok kami sa buhay mo, apo, ha? Ang sa amin lang, hindi ka na bumabata. At ayaw naman namin ng lola mo na maiwan kang mag- isa sakaling---"

"Lolo, ayan na naman po kayo. Ilang beses ko na po bang nasabi na ayoko ng ganitong usapan?" putol ko sa sasabihin niya.

Dahil oo, aware ako sa mga posibleng mangyari lalo na sa mga ganoong bagay. Pero ayoko pa rin na pinag- uusapan iyon dahil pakiramdam ko ay lalo lang lumalala ang takot at pangamba ko tungkol doon.

Muli ay wala isa man sa kanila ang nagsalita.

Pero mayamaya lang ay nagpaalam na rin sila dahil mag papahinga na raw at marami pang gagawin kinabukasan.

And once again, I'm all alone by myself. Pero sanay na ako. Ikaw ba naman ang iwan ng paulit- ulit, ewan ko na lang kung hindi ka pa masanay.

Huminga ako ng malalim at hinayaan ang utak ko na maglakbay sa kawalan. Pinakawalan ko ang sarili ko.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakahiga na pala ako sa hindi kalakihang kama sa kwarto ko, tulala pa rin habang nakatitig sa mapusyaw na kulay puting kisame.

Noong bata ako, Excited ako na lumaki at tumanda na agad. Dahil para sa akin noong nga panahon na iyon? Kapag matanda ka na, doon mo mas mararamdaman at mararanasan ang tunay na saya. Habang bata kasi, maraming rules. Maraming bawal at maraming ring bagay ang kailangang sundin mo lang palagi. Dahil kung hindi? Mapapagalitan ka. Mapaparusahan. Naisip ko noon na siguro, kapag matanda ka na ay wala nang mga ganoong bagay. Hawak mo na ang sarili mo, ang oras mo. Magagawa mo na lahat ng gusto mo. Kapag bata ka kasi, kailangan mo pang sumunod sa mga nakatatanda sa iyo dahil sila raw ang mas may alam ng makabubuti sa iyo. Kaya siguro kapag matanda ka na, hindi mo na kailangang umasa pa at dumepende sa mga sasabihin at desisyon ng ibang nakatatanda para sa iyo. Kasi nga, ikaw na iyong matanda. May karapatan ka nang gawin at sundin kung ano'ng gusto mo. Baka mga may mas bata pa na sa iyo naman humingi ng opinyon at desisyon, eh. Kaya madalas kong naiisip noon na kung pwede lang tumanda na agad at lagpasan na lang ang pagkabata ay talagang ginawa ko na. 

Pero ngayong malaki na ako? Ngayon ko lang na- realize na mali pala lahat ng iniisip ko noon. Mali lahat ng akala ko.

Kaya pala ganoon na lang ang higpit ng mga magulang at mas nakatatanda sa iyo sa mga kailangan mong gawin habang bata ka pa, siguro ay dahil alam nila na hindi mo na iyon mararanasan ulit at hahanap- hanapin mo na lang sa mga oras na matanda ka na.

Gusto nilang matulog ka ng halos buong araw. Matulog ng maaga sa gabi, kahit kung tutuusin ay katutulog mo lang ng tanghali at kagigising lang ng hapon. Kaya pala ganoon ay dahil kapag matanda ka na, gustuhin mo mang kumuha ng kahit saglit lang na maayos na tulog ay hindi mo na magagawa sa sobrang dami ng alalahanin at mga bagay na kailangang gawin at tapusin.

Gusto nilang sumunod ka sa gusto nila para sa iyo. Kasi pagtanda mo pala, magsisimula ka nang malito sa mga bagay- bagay at sa dami ng mga pagpipilian na nakapaligid sa iyo. Sa sobrang dami nga ay hindi mo na alam kung ano pang pipiliin mo. Hindi mo na sigurado kung alin ba ang mas makabubuti o makapagpapasama sa iyo.

Gusto nilang ma- enjoy mo ang pagiging bata mo imbis na mangarap ng kung anu- ano tungkol sa mabilis na paglaki mo. Kasi pagtanda mo pala, hindi mo na iyon magagawa pa ulit. Mare- realize mo na lang ang halaga ng kabataan mo at magsisisi ka na lang na hindi mo sinulit iyon, pero hanggang doon na lang. Hanggang pagsisisi ka na lang dahil wala ka nang magagawa pa para balikan ang lahat ng iyon.

Pero si mama kaya? Naaalala niya rin kayang balikan kami ni papa kahit minsan lang?

Napapikit ako ng mariin dahil sa isiping iyon na bigla na lang sumingit sa utak ko.

Ano ba sa tingin mo? Kung naaalala ka niya, kayo ng papa mo, kahit saglit lang, sa tingin mo ba ay aabot ng halos labinlimang taon ang hindi niya pagpapakita sa inyo? Maliwanag na hindi niya na kayo naaalala. Baka nga nakalimutan niya na ng tuluyan na may anak pa siyang kailangan balikan.

Awtomatikong dumapo ang dalawang kamay ko sa ulo ko at kusang napasabunot ng mariin sa buhok ko. Pagkatapos ay napabaling ako ng higa at bumaluktot, tsaka humagulhol ng iyak.

Iyak na hindi bunga ng lungkot o panghihinayang, kundi dahil sa magkahalong galit at sama ng loob.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na dapat iniisip pa ang babaeng iyon. Hindi ko na siya dapat iniiyakan o iniisip man lang. She just doesn't deserve anything from me.

Pero wala. Sa bawat pagkakataon na bigla siyang sumusulpot sa utak ko, hindi ko pa rin lagi mapigilan na umiyak. Maybe, I'm just too mad at her to the point that I am always getting emotional with just having a little thought of her.

Ilang sandali ko pang hinayaan ang sarili ko sa ganoong posisyon at sitwasyon. Hanggang sa paunti- unti akong kumalma.

Dahan- dahan akong bumangon at umupo. Then I started wiping all my tears away. Bahagya ko na ring inayos ang nagulo ko nang buhok.

Ala una na pala ng madaling araw.

At dahil sa ginawa kong pagtingin sa bed side table kung nasaan ang alarm clock ko ay hindi na rin nakaligtas sa paningin ko ang isang kahon na nakalagay malapit doon.

That was a package I received a month ago. At hindi ko pa man nabubuksan iyon o nalalapitan man lang ay alam ko na agad kung kanino iyon nanggaling. Sa magaling kong ina.

Yeah, I wasn't able to mention earlier but since she left, she always and never failed to send me so much gifts. Pero hindi ko naman ikinokonsidera iyon bilang patunay na naaalala niya nga ako. Who knows? Maybe, she has someone there doing those stuffs on her behalf. Baka nagbilin lang ito ng isnag beses, pero mula noon ay ibang tao naman na ang talagang gumagawa at nagpapadala ng mga regalong iyon. May mga maiikli ring notes ang kadalasang kasama ng mga ipinapadala niya, o ng kung sinumang mga tauhan niya. Pero lahat ng iyon ay printed at ni minsan ay hindi ako nakatanggap ng sulat na sulat kamay niya mula noong umalis siya. At isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit ko naisip na baka hindi naman talaga siya ang nagpapadala sa akin ng mga bagay na napipilitan ko lang ding tanggapin. Gaya na lang ng package na iyon na halos isang buwan na nga ang lumipas ay hindi man lang ako nagkakainteres na buksan man lang iyon at tingnan.

Sigurado kasi ako na isang mamahaling uri ng gamit lang naman iyon. Pwedeng branded na damit, alahas, o di kaya ay libro niya na hindi ko naman kahit kailan pinagtuunan ng pansin na basahin. Baka pabango. Imported na pagkain o iba pang kagaya noon. 'Tapos, may kasamang maikling sulat na imbis na paglaanan ng kaunting oras para sulatin ng manu- mano ay pinag- aksayahan pa ng kuryente at ink.

Tumayo ako at para lumapit sa desktop ko at i- off na iyon nang makapagpahinga na ako. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng paglalakad nang kusa na lang akong mapahinto. Sa tapat pa ng mismong package.

Napatitig ako doon, at ngayon ay parang may kung ano ang nag- uudyok sa akin para buksan iyon at tingnan kung ano ba talaga ang laman.

Pinilit kong labanan ang kuryosidad na nararamdaman ko, pero hindi ako nanaig.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaluhod na sa sahig at hawak ang kahon, na agad ko ring binuksan matapos ang ilang sandali.

Naging maingat ako sa pagbubukas niyon, dahil sa panglabas pa lang ay may nakalagay nang babala na may maaaring mabasa o masira na alinman sa mga laman nito.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang laman ng kahon.

Isang laptop, isang maliit na envelope, at isa pang maliit na kahon. And that other box caught my attention the most.

Nagtataka pa rin ako dahil wala isa man sa mga inaasahan ko ang talagang laman ng kahon na iyon.

Kinuha ko isa- isa ang mga gamit at binuhat ko iyon papunta sa ma ko. Doon ko sinimulang usisain ang bawat gamit.

Una kong kinuha ang envelope. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga maya ko nang makita ko kung ano'ng laman niyon. Isang bungkos ng makapal na pera.

At ang pagkagulat na naramdaman ko ay agad ding napalitan ng pagkainis at galit.

Out of those nonsense things she'd sent, this finally, states all of her actions. And this just proves na lahat ng iniisip ko sa kanya at sa mga ginagawa niya noon pa man ay totoo. She's just buying me. She's just trying to buy my love, my adoration, and most of all, my forgiveness. She just wants to buy all those years I used to live without her by my side.

Muli ay naramdaman ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Pero mabilis akong tumingin sa kisame at kumurap ng maraming ulit para lang pigilan ang tangkang pagbagsak na naman ng mga ito.

Isinantabi ko ang envelope na iyon at sinunod kong buksan ang laptop. May password. Hindi ko rin nagawang buksan iyon kaya binaling ko agad ang atensiyon ko sa maliit na kahon na kasama ng mga iyon.

Kinuha ko ang nasabing kahon at agad na binuksan. And what happened next was another heart stopping moment. At muli ay nabalot ako ng pagtataka.

Ano ito? Isang libro at...?

Napasinghap ako nang may malaglag na piraso ng nakatuping papel, na hula ko ay nakaipit sa librong una kong kinuha.

Nilapag ko ang libro at kinuha ko ang papel na nalaglag mula dito.

Kulay rosas ang papel na iyon. Nagtataglay din ito ng isang pamilyar na amoy na naging dahilan para Napapikit ako habang sinasamyo ang amoy na na kakapit sa kulay rosas na papel na iyon.

Mama...

Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang mga luha ko. At hanggang sa magsimula akong buklatin ang sulat na iyon ay patuloy pa rin sa pag- agos ang mga ito. Pero hindi na ako nag- abala pang pigilan iyon.

Lalo akong napahagulhol nang sa wakas ay tumambad sa akin ang laman ng nakatuping papel na iyon. Isang may kahabaang sulat. Sulat kamay... ni Mama... 

Eyah

Please, be notified that although completed, this story would still undergo continuous editing so that the quality of the entire story will continue to improve. But regardless of this, I am hoping you to continue reading this humble work of mine. I am also inviting you to read my ongoing stories also uploaded here in GoodNovel! Special thanks to everyone who added my story to their respective libraries! Thank youuuuu!

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ehdrian Bautista
Lakas maka relate nito sa mga iniwan ng parents pero at the end of the day di pa rin magawang magtanim ng sama ng loob...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status