"Mmm, okey na to, tiyak na magugustuhan to ni Mama", bulong ko sa aking sarili habang ninanamnam ang adobong manok na aking niluluto. Dalawang linggo ng nasa hospital si Mama at dahil ideneklarang infected siya, hindi ako pwedeng makalapit sa kanya. Pangyayaring hanggang ngayon ay mahirap pa ring paniwalaan o baka lang talaga ayokong paniwalaan. Hindi ko maisip kung paano nagka covid si Mama habang ako ay ligtas dahil kung totoong covid nga iyon, dapat nahawaan na rin ako considering na sa buong pagkakataon ay magkalapit kami, so close that I am breathing the air she exhale at hindi imposible na napasa niya ang mga body fluid niya. Marami akong nababasa sa news kung saan maraming cases na kahit hindi naman talaga infected ng virus kaya nagkasakit, idinideklara nilang covid case dahil sa Universal Health Care Act kung saan lahat ng Filipino na magkaka-covid ay may nakalaang pinansiyal na tulong galing sa Philhealth. Ayokong maniwala kaagad sa mga sabi-sabi kung saan sinasabi na ang perang ito ay pinaghahatian nila kaya kahit hindi naman talaga covid, pinepeke nila dahil may komisyon sila doon. Pero sa korapsiyon na matagal nang nakaugnay sa institusyon na ito at sa mga kasong kinahaharap nila ngayon, bilyon bilyong utang na ang pinakaapektado ay ang mga miyembrong naghihirap na bayaran ang kanilang kontribusyon para sa pinaka basic na karapatang medikal na pinagkakaiit pa rin sa kanila, sa amin.
I shrugged the negative thoughts and emotions I am starting to feel, haay, sa kabila ng mga pagdududa ko, malaki pa rin ang aking pagpapa salamat ko dahil balita sa akin ay bumubuti na ang lagay ni Mama at nakaipon na rin ako ng 30 thousand para ibayad kay Sarge, ang taong umaasa na magiging isa ako sa mga babae na mapipilitang kumapit sa patalim dahil wala ng mapagpipilian. At isa pa, aside sa excited ako na ihatid kay Mama itong mga paborito niyang ulam, sa araw na ito ay ganap na akong beynte-kwatro.
Hinintay ko munang lumamig ng konti ang adobo at tinolang manok na handa ko ngayon at inilagay na sila sa glass container. Pagkatapos kong ayusin lahat ng aking dadalhin sa isang paper bag, sinunod ko namang ayusin ang aking sarili. Itim na buhok na lagpas balikat at bangs na halos tumabon sa mga kulay kape kong mga mata at meztisang kompleksiyon na ang daling mamula. Hindi ko akalaing nadagdagan na naman ng isang taon ang aking edad, dahil sa aking pakiwari ay ganun pa rin ang aking itsura sa mga nakalipas na mga taon, payak at inosente. "24 na ako", mahina kong usal habang iniipit ang aking pisngi ng dalawa kong mga palad. Back when I was in high school, akala ko talaga na pag tumuntong na ako ng beynte pataas, magiging maganda na ang kalidad ng aming pamumuhay. Akala ko, makakapag aral ako ng medisina at kung nangyari nga iyon, isang taon nalang at mahigit ay magiging doctor na ako. Akala ko na habang nag-aaral ay kaya kong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, at dahil don, makakabili na kami ng sarili naming bahay na kahit maliit ay may kwarto, sala, banyo, at kusina. Pero eto ako ngayon, wala sa mga plano ko noon ang nangyari ngayon at patuloy pa ring nagsusumikap na makaahon. Haay, sa kabila ng mga planong hindi ko natupad, I can see a reflection of a woman I ought to be- strong and independent.
Satisfied with how I look, agad na akong lumisan dala ang mga ulam na tiyak magpapasaya kay Mama kahit hindi muna kami magkikita ngayon.
Mabuti na lang walang masyadong pasahero, at bakante ang paborito kong puwesto sa loob ng bus- sa gitna malapit sa pintuan at yung upuan na pinakamalapit sa bintana. Nahihilo kasi ako sa kakaibang baho ng bus lalo na pag nagbababa sila ng pasahero, kaya kailangan na malapit ako sa malakas na daluyan ng hangin lalo pat required na ang mask ngayon pati ang nakakainis na faceshield na pinahihirapan ang aking paghinga. Nabigla ako sa biglang pag tunog nga aking selpon, palatandaan na may nag text, at kahit nasa pinakailalim na parte yun ng aking bag nakalagay para safe sa mga mandedekwat, inabot ko ito at chineck dahil baka importante. Halos mabitawan ko ito nung nabasa ko ang mensahe, at galing ito sa ospital. Emergency daw, at kailangan kong pumunta ng agaran. Walang specific na paliwanag kung anong klaseng emergency, kaya mas lalo akong nabahala dahil hindi ko alam ang aking dadatnan doon. Pinakalma ko ang aking sarili gamit ang whiteflower na lagi kong baon-baon pag bumibiyahe simula pa noong bata pa ako, sa impluwensiya na nga ng aking pinakamamamhal na ina na parehas ring hiluhin katulad ko. Lord, alam kong magiging okay lang ang lahat, gagaling din ng tuluyan si Mama, uuwi rin siya sa madaling panahon, pagpapalakas ng loob kong inusal.
Tinakbo ko ang alley ng hospital kahit na hindi nararapat dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag pero kanina pa pumipintig sa sakit ang ibabaw na parte ng aking dibdib, na para bang may karayom na nakabaon at bawat segundo akong tinutusok. Nakita ko ang isa sa mga doktor na naka-assign sa mga covid patients na nasa nurse station at may ka diskusyon. Tumikhim ako para mabatid nila ang aking presensiya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero hindi ko kayang maghintay kaya kahit sabihin nilang wala akong respeto ay wala na akong pakialam.
"Good afternoon po Doc, anak nga po pala ako ni Gina Salagunting, isang covid patient. May emergency daw pong nangyari, a-ano po ba-ang nangyari?" nauutal kong tanong dahil sa matinding pagkabog ng puso ko.
Nag-iba ang ekspresyon ng doktor nung marinig niya ang ngalan ng aking ina na mas lalong nagpa-praning sa akin. He opened his mouth and uttered the words that exploded like a bomb in front of me, leaving my heart shattered in pieces and close to dying. Actually, I wish I could die for real.
Bumagal ang takbo ng oras, o mas nararapat na sabihin na parang nawala lahat ng nasa aking paligid nung mga oras na yon. Parang napunta ako sa isang dimensiyon na malayo sa reyalidad, sa isang panaginip, hindi, sa isang kagimbal-gimbal na bangungot na kahit anong gawin ko ay hindi na ako magigising. Alam kong nagsasalita pa ang doktor dahil panay parin ang pagbuka ng kanyang bibig, pero wala akong ibang naririnig kundi ang nakakabinging matinis na tunog at ang mabagal na pagkabog ng aking puso. Isa pa, hindi na naman importante ang mga sasabihin niya, wala na rin namang magagawa para ibalik pa ang buhay ng aking ina.
Nagpatango-tango lang ako ng wala sa katinuan. Nung sinabi ko na gusto ko siyang makita at lapitan sa huling pagkakataon, sinabi ng doktor na hindi pwede dahil infected at kailangan na niyang i cremate sa lalong madaling panahon. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit hinayaan nilang mamatay si Mama at pagbayarin silang lahat. Pero, tumango lang ako. Wala na akong lakas para promotesta, wala na rin naman akong nakikitang saysay para lumaban pa. Nung may pinapirma siyang mga dokumento, mga bayarin na kailangan kong asikasuhin, pinirmahan ko na. Wala na akong pakialam. Wala na akong nararamdaman. Sa sobrang sakit, namanhid na lahat.
Lumabas ako ng ospital ng wala sa tamang pag-iisip. Meron akong katawan pero pakiwari koy wala na akong kaluluwa. Para akong nakalutang at parang binabalotan ng hamog ang lahat ng bagay na aking nakikita. Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, basta hindi lang ako tumigil sa paggalaw. Pero, nabalik ako sa reyalidad nung makarinig ako ng malakas na busina at nakakabulag na ilaw.
"Magpapakamatay ka ba ha?!!" asik ng driver ng kotse na muntikan ng makabangga sa akin. Sa matinding pagkakagulat, hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luhang nakalimutan kong ilabas na nagpapabigat sa buo kong sistema. Dahil sa matinding pagdurusa na aking nararamdaman, namanhid ako. Pero ngayon, bumalik ang aking sensasyon, ang aking diwa, at nanumbalik ang kagustuhan kong mabuhay ngayong malapit akong masakdal sa bingit ng kamatayan. Hindi ko sinagot ang umuusok sa galit na drayber, karapatan niya naman yon, at tumawid na, habang tinatahak ang daan patungo sa Kanya, sa kanya na nagbigay ng buhay at siya ring bumabawi.
Nakarating ako sa pinakamalapit na chapel dito, katapat lang ng ospital na pinaglalagakan ni Mama. Walang tao, sa kabutihang palad, dahil gusto ko munang mapag-isa. Dahan-dahan akong lumapit sa pinakaunang upuan, at lumuhod. Pumikit. Dinama ang katahimikan, at ang hangin na malamyos na umiihip sa aking katawan na para bang ako'y yinayakap. Ikaw ba to Mama? Unti-unting tumulo ang mga luha na nag-uunahan sa pagdaloy, at hindi ko sila pinigilan ni pinahiran. Hinayaan ko lang sila, dinama ang pumipintig na sakit sa aking ulo at dibdib at ang parang sinasakal kong lalamunan. Sa bawat luha, imbes na maibsan ang kalungkutan na aking nadarama ay mas lalo pa itong lumalala. Iminulat ko ang namamaga kong mga mata, at dumako ang aking paningin sa harap, kung saan makikita ang krus. Sa tuwina, pag nakikita ko ito, isa itong simbolo na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Pero ngayon, sakit at pagdurusa ang pinapahiwatig nito. Bakit Lord? Bakit po?
Si Mama na lang ang kakampi ko sa buhay Lord, siya lang ang nag-iisang tao na nagbibigay sa akin ng rason para magsumikap, para mabuhay. Bukod sa Iyo, siya ang pinag-aalayan ko ng lahat ng aking tagumpay, at siya lang rin ang nag-iisang nandiyan sa aking bawat pagkatalo. Bakit mo siya kinuha Lord? Ginawa ko naman lahat ng aking makakaya, sadyang hindi lang talaga umaayon ang panahon, dumating pa tong pesteng pandemya, pero binigay ko lahat Lord kahit marami sa mga plano ko ang hindi natupad. Kasalanan ko ba Lord? Naging walang kwenta ba akong anak kaya nagkaganito si Mama? Marami akong pangako sa kanya, sabi ko pa noon magpapatayo ako ng bahay malapit sa dagat at ipapasyal ko siya sa buong Pilipinas. Ang dami kong pangarap para sa kanya, pero, ngayon, wala na akong pagkakataon na tuparin kahit isa man lang doon. Gusto kong manisi. Gusto kong may mapagbuntunan para gumaan naman kahit kaunti tong kalbaryo na pinapasan ko. Gusto kong sisihin ang gobyerno, ang ospital, si Ante Fely, lahat, gusto kong magalit sa mundo.
Sa gitna ng aking pagtangis, umihip ang napakalakas na hangin dahilan para mawalan ng apoy ang mga kandilang nakasindi sa altar at mabuksan ang mga pahina ng Bibliya na nasa lamesa. Nagsitayuan ang aking mga balhibo, at takot na nagpalinga-linga habang naglalakad papunta sa altar para isara at ayusin ang nakabukas na Bibliya. Hinarap ko ito, at naka agaw ng aking pansin ang isang parte ng basahin. Second book of Corinthians, chapter 1, verse 9-10 “Indeed, we felt that we had received the sentence of death. But that was to make us rely not on ourselves but on God who raises the dead. He delivered us from such a deadly peril, and He will deliver us. On Him we have set our hope that He will deliver us again.”
Dumaloy na naman ang aking mga luha pero kung kanina ay dahil sa purong pagluluksa at galit, ngayon ay luha na ito ng pagsisi. Kinuha ko ang libro at mahigpit na yinakap sa aking mga bisig, at napaluhod sa harap ng altar na tumatangis. Panginoon, patawad po. Wala po akong karapatan na kuwestiyunin Kayo, dahil alam kong hindi sa Inyo nanggaling ang mga pagdurusang tinatamasa ko ngayon. Pero hinayaan niyo itong mangyari para sa ikauunlad ko bilang isang tao, na sa bawat pagsubok ay mas lalong magpapalakas ng pananalig ko Sayo. Isa pa, patawad po at nakalimutan kong ang kamatayan sa mundo ay pagkabuhay sa walang hanggan, alam kong magkikita rin kami ulit ni Mama at magsasama na kami habang buhay sa piling Mo. Yinakap ko ng mas mahigpit ang Bibliya, at unti-unting gumaan ang napakabigat na pakiramdam na kanina ko pa pinapasan.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sahig, yakap yakap pa rin sa aking bisig ang librong nagpabalik ng aking katinuan. I feel a little better now, wala na ang pakiramdam na parang pinagsakluban ako ng langit at lupa, pero nakaramdam ako ng kaba nung napansin ko na madilim na ang paligid. Wala bang pumasok dito at nakapansin sa akin? Agad kong sinauli ng maayos ang Bibliya, hinalikan ito, at nag-alay ng munting dasal bago ako lumisan. Habang binabaktas ang daan palabas, napansin ko ang pigura ng isang tao. I squint my eyes to have a better view, since my eyes are still puffed and my vision is still blurry. I gasp when I realized it is a figure of a man, with its broad shoulders and tall, herculean stature, facing the opposite direction. As I drew closer, I gained a better look on him and he is actually wearing a dark gray suit and there is a fancy looking car nearby, making me wondering what business he has to deal with since he is actually standing on the opening of the chapel. Plano ba niyang magdasal sana? Tas hindi na lang niya tinuloy dahil may weirdong babae na nakahiga sa ibaba ng altar at yakap-yakap ang bibliya? Balak ko sanang palihim na umalis at dumaan sa maliit na espasyo na hindi niya hinarangan pero natigilan ako noong bigla siyang humarap.
The breeze of the night is making me shiver but the cold, piercing eyes I am staring into now is enough to make me freeze on my spot. I am somehow bothered that he is not wearing a mask, but if not for that, I won't be able to get a glimpse of his whole facade, an image of a man that even if my vision is blurry and my mind is still unstable, I could still determine how perfectly- almost dreamlike- gorgeous he is.
"Excuse m-"
"Happy 24th birthday, Reen."
I furrowed my brows due to my surprise. How the heck did this man knew my identity, and that today is my birthday? Suddenly but in a tedious slow, manner, I recognized those orbs, the darkest and coldest I ever laid upon, his playful grin, and his face, the most attractive yet mysterious one existing since the birth of humanity- it all belonged to a sole boy that shaken up my life eight years ago, but without him getting the change of his one thousand peso bill.
"Don't you have a celebration? I miss your biko, I wan-'
My world comes turning, and his words become an echo, spiraling. The last thing I remembered is the feeling of falling, but something catch me before I made an impact on the floor, a feeling of security and protection before I lost my consciousness.