Share

Second Dose

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng bahay ni Auntie Fely habang dumudungaw sa bakal nilang gate na tila bang preso na naghihintay ng dalaw. Buo ang loob ko kanina na kausapin sila, pero habang papalapit ako sa rehas na naglalayo sa kanilang pamilya sa iba, muling nanariwa ang masakit na ala-ala na naganap mismo sa aking kinatatayuan.

Grade 6 ako noon at malapit na ang aking graduation. Ako ang valedictorian ng aming batch kaya lubos ang galak ni Mama sa aking nakamit na karangalan. Ngunit sa kabila ng kasiyahan, naging problema namin ang pinansiyal na gastusin para sa aking pagtatapos, at isa na doon ang togang aking gagamitin. Ilang araw na lang at darating na ang araw na aming pinakahihintay, at kahit anong hanap ni Mama ng raket para magkapera ng extra, hindi pa rin nalista ang aking pangalan as fully paid. Kaya naisipan ni Mama na pumunta sa kanyang nakakabatang kapatid na si Auntie Fely na ilang taon na niyang hindi nakakamusta at magbakasakaling ang tagumpay ng kanyang nag-iisang pamangkin ang maging tulay ng kanilang pag-uusap muli. Pero hanggang labasan lang kami, sa mismong puwestong kasalukuyan akong nakatulos, at doon namin napagtanto na kahit mahigit isang dekada na ang lumipas, hindi pa rin napapatawad ni Auntie Fely si Mama.

Sinisisi kasi ni Auntie si Mama sa pagkakasakit ni Lolo na nauwi sa tuluyang pagpanaw, at ilang taon lang ay agad ding sumunod si Lola. Namatay sila sa sama ng loob sa ginawang kataksilan ni Mama, kataksilang ako ang naging bunga. Kaya hindi man lang kami inalok na pumasok sa loob at sa labas lang kami pinaulanan ng mga masasakit na salita na nagpapanginig pa rin sa aking kalamnan tuwing aking naaalala. Isa sa mga punyal na kanyang itinulos na hanggang ngayon ay nakabaon pa rin sa aking puso ay naging isa ring motibasyon upang ako ay magpursige sa pag aaral.

"Valedictorian? Anong silbe ng titulong iyan? Kaya samantalang maaga pa, itigil mo na ang pag-aaksaya ng pera sa pag-aaral niya dahil wala rin naman siyang patutunguhan, magiging batang ina rin yan at magdurusa katulad mo!"

Nauwi sa mainit na argumento ang sana'y dapat pagbabalik loob ni Mama sa kanyang kapatid. Nagbatuhan sila ng mga maaanghang na salita pero wala na akong naintindihan, dahil parang nabingi ako sa sarili kong paghikbi at sa paghahabol ko ng aking hininga sa tindi ng rumaragasang emosyon.

Pinahid ko ang aking luha, kainis dahil ganito pa rin ang epekto sa akin ng nangyari kahit sobra dekada na ang nakakaraan. At kahit mukhang matatapos ang pagbisita ko ng hindi man lang pinapapasok sa kanilang tahanan,, kailangan ko paring subukan para kay Mama kahit na alam kong hindi niya magugustuhan ang gagawin kong ito.

"Wala kaming pera na mapapahiram", malamig na tugon ni Auntie Fely sa akin habang naggagantsilyo at wala man lang pinapakitang konting interes, konting awa, sa aking sinalaysay. Napakapit ako ng mahigpit sa cushion na hawakan ng upuan, at kahit na surpresa ako na pinatuloy niya ako, mukhang mas gugustuhin ko na lang na hindi pinapasok at mangugat ang aking paa sa kakatayo sa labas.

"Babayaran ko naman po kaagad, kahit kunin niyo po tong relo ko as collateral, kailangan lang po talaga ni Mama ngayon", magiyak-ngiyak kong tugon. Nagmumukha na akong desperada, pero siya na lang ang huling tao na pwede kong lapitan bago ko maisipang kumapit sa patalim na posibleng pumutol sa aking buhay, sa aking pagkatao. Subalit nanatili pa rin ang blangko ang kanyang ekspresyon at tutok pa rin ang kanyang atensiyon sa kanyang ginagawa. Sa wakas, iniangat niya rin ang kanyang tingin, titig na nagdala ng matinding kilabot at kawalan ng pag-asa sa akin.

"Mahirap ang buhay ngayon Maureen dahil lubhang naapektuhan rin ang aming kainan sa pandemya, baka akala mo. At siguro yang nangyayari sa mama mo, karma na niya yan, siya naman ang kailangang magdusa matapos niya kaming iwan la-"

Hindi ko na pinatuloy ang pambabastos niya sa ngalan ng aking ina at marahas na akong tumayo sa aking kinauupuan at mataman siyang tinitigan. Kung kanina ay takot at pagmamakaawa ang mababanaag niya sa aking mga mata, galit at sakit ang klarong repleksiyon nito ngayon.

'Maiintindihan ko naman ho kung wala kayong mapapahiram, pero wala kayong karapatan na sabihin na nararapat lang na magdusa si Mama, o kahit sinuman dahil tao rin ho kayo na nagkakamali at hindi isang Diyos. Nawa'y mahanap niyo po ang kapatawaran sa inyong puso dahil hanggang ngayon, ipinagdarasal pa rin ni Mama na magkaayos po kayo. Aalis na po ako, salamat sa pagpapatuloy pero sana hindi niyo na lang ginawa kung insulto lang po pala ang ibibigay niyo.”

Masakit man ay hindi ko nilingon ang bahay na puros masasamang pangyayari lang ang nagaganap. May isang parte sa akin na inaasahan na na mangyayari to kaya hindi na ako masyadong nalugmok, because I am already prepared for the worst to happen. Pero nalulungkot pa rin ako kung bakit ganun na lang ang galit ni Auntie Fely kay Mama, na kahit nasa kritikal na kondisyon na ang kanyang kapatid ay mas pinairal niya pa rin ang sama ng loob kesa sa pagmamahal. Ngayon, nandito ako naghihintay ng masasakyan papunta sa magliligtas ng buhay ng aking ina kahit na sarili ko ring buhay ang magiging kabayaran.

--------

Hinawakan ko ang maong na jacket ng napakahigpit sa aking katawan na aakalain mong ako'y nilalamig at binabaktas ang nagyeyelong bundok, ngunit magtatakipsilim pa lang naman at nandito ako sa isang madilim at masikip na eskinita patungo sa lugar na ni sa panaginip ay hindi ko nanaisin na puntahan. The people around me gazed at my direction as if I am their prey, the one who got foolishly wandered in their territory and an instant flesh they'll gonna devour later. I shivered on that thought, at mabuti na lang at tagong-tago ako, naka black cap at mask, kaya hindi nila malalaman ang katauhan sa likod nito na posibleng maibenta sa iba pag hindi ko matutupad ang usapan ng boss nila.

Pinaupo ako ni Sarge, ang bugaw at manager ng online sex trafficking dito sa amin. Makikita sa kanyang mukha ang pagkagulat at tuwa nung hinubad ko na ang aking mask at nakita niya ang imahe ng babaeng kilala sa pagiging ulirang anak ng buong baranggay.

"Ano ang atin, iha?", tanong niya sa akin habang pinagdadaop ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Hindi ko na imagine na mapupunta sa amin ang mutya ng Sitio Pag-asa, pero ganun pa man ay nagagalak akong tanggapin ka dito," bungad niya habang nakangiti na may halong malisya.

Huminga ako ng malalim at sa huling pagkakataon ay inisip kung tama ba ang aking gagawin. May panahon pa akong umalis, at mababaon ko rin sa limot na minsan kong naisipan na isaalang-alang ang aking dangal kapalit ng pera. Pero kahit anong galugad ko sa aking utak, wala na akong makitang paraan para makahanap ng madaliang pinansiyal na tulong na magliligtas sa aking ina.

Tinitigan ko si Sarge ng direkta sa kanyang mga mata, mga matang sanay na sa kahalayan at pagbebenta ng laman. "30 thousand. Gusto kong humiram ng 30 thousand", matipid kong tugon.

"30, 000? Mmh, malaki-laking halaga rin yan ah, saan mo ba paggagamitan?", tanong niya habang nakadantay ang mataba niyang pisngi sa kanyang mga kamay, katabaang resulta ng pananamantala niya sa mga naghihirap na kababaihan.

"Nasa ospital si Mama, wala kaming pambayad. Babayaran ko agad huwag kang mag-alala." Hindi ko alam kung saan na naman ako maghahanap ng perang ibabayad sa uutangin ko pero tsaka ko na yun isipin pag nakuha ko na tong malaking halaga nato.

"Alam mo namang negosyante ako diba, at walang halaga ang mga pangakong inusal lamang. Sige, pauutangin kita, walang interes, baka akalain mong hindi ako marunong maawa", napangiti ako ng tipid sa kanyang winika, siguro totoo nga ang himala. "Pero sa loob ng dalawang linggo ay dapat naibalik mo na- ng buo."

Agad na napalitan ang aking tuwa ng kawalan ng pag-asa, at napansin iyon ni Sarge dahil sa lubha kong pamumutla. "Kung hindi mo matutupad ang ating napagkasundoan, may ibang paraan naman bukod sa pera na pwede mong ipambayad." Alam kong mapupunta rin dito ang usapan pero hindi ko parin maiwasan na hindi pangilabutan at gusto kong masuka sa mensaheng gusto niyang ipahiwatig.

"Magtrabaho ka sa akin, alam kong alam mo na ang kalakaran bago mo pa naisipang tumapak dito, at kukuha ako ng porsiyento sa kikitain mo hanggang buo mong mabayaran ang utang. Huwag kang mag-alala, konpidensiyal lahat ng impormasyon dito, walang sinumang makakaalam na ang kagalang-galang na binibining guro sa umaga ay kaya rin palang mang-akit ng klase klaseng dayuhan sa internet pag gabi", pang-uuyam niyang paliwanag at hindi na niya napigilan ang paghagikhik sa kadumihan ng kanyang sinabi.

Gusto ko siyang sapakin at tadyakan hanggang sumabog na parang bomba ang malaki at bilugan niyang tiyan pagkatapos niyang sabihin ang mga kalapastanganang iyon. Pero ang tanging magagawa ko lang ay ang madiin na pagkuyom sa aking kamao at ang pagtagis ng aking mga ngipin sa sobrang galit dahil wala akong magawa sa aking situwasyon.

Mas lalong lumaki ang kanyang pagngisi sa nakitang reaksiyon, at inabot niya sa akin ang papel na siyang magtatakda sa aming napagkasundoan. Binasa ko ito, paulit-ulit hanggang sa mapagtanto ko na wala na talaga akong takas. Sinisigurado ko na mababayaran ko siya sa loob ng itinakda niyang panahon, at hindi mangyayari ang nakakaduwal niyang kagustohan.

Umalis na ako kaagad sa nakakasulasok na lugar na iyon dala-dala ang buong trenta mil habang may nakasunod na mga malalaking lalaki sa akin. Tauhan sila ng hayop na demonyong kausap kanina, pero nagpapasalamat ako na naisip niyang ipahatid ako hanggang sa terminal dahil hindi ko alam kong anong kakahinatnan ko sa labas ng sex den na lungga din ng mga halang ang sikmura. Balak kong bumalik sa hospital sa araw na available na ang resulta ng swab test, para pormal ng maiproklama na ligtas kami mula sa virus. Bukas, maghahanap ako ng pwedeng pagkakakitaan para madaliang makahanap ng perang ibabayad kapalit ng aking nakasalalay na dangal.

Dumating na ang ikatlong araw mula nong ma-admit si Mama sa hospital, at excited na akong makita siya sa mabuting disposisyon. Natutuwa rin ako dahil naging matagumpay ang pagla-live selling ko upang paunti-unting pag-ipunan ang aking pambayad utang. Na ikuwento ko rin ang masaklap na kalagayan ng aking ina at sa awa ng Panginoon ay maraming naantig sa aking estorya, may iilang nag donate through Gcash at yung grupo ng mga live sellers na kasali ako ay nagpaplanong magpa fund-raising event para sa amin. Naluha ako sa lubos na pasasalamat sa kabutihang pinapakita nila sa amin, hindi talaga kami pinabayaan ng Diyos at gumamit siya ng mga taong magiging anghel ko ngayong nasasakdal ako sa dilim. Dala ang mga paboritong pagkain ni Mama, masaya akong pumasok sa loob pero agad na nabura ang ngiting bago lang nanumbalik sa akin sa ibinalita ng medical personnel sa akin.

Positive si Mama. Ako hindi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status