"Mmm, okey na to, tiyak na magugustuhan to ni Mama", bulong ko sa aking sarili habang ninanamnam ang adobong manok na aking niluluto. Dalawang linggo ng nasa hospital si Mama at dahil ideneklarang infected siya, hindi ako pwedeng makalapit sa kanya. Pangyayaring hanggang ngayon ay mahirap pa ring paniwalaan o baka lang talaga ayokong paniwalaan. Hindi ko maisip kung paano nagka covid si Mama habang ako ay ligtas dahil kung totoong covid nga iyon, dapat nahawaan na rin ako considering na sa buong pagkakataon ay magkalapit kami, so close that I am breathing the air she exhale at hindi imposible na napasa niya ang mga body fluid niya. Marami akong nababasa sa news kung saan maraming cases na kahit hindi naman talaga infected ng virus kaya nagkasakit, idinideklara nilang covid case dahil sa Universal Health Care Act kung saan lahat ng Filipino na magkaka-covid ay may nakalaang pinansiyal na tulong galing sa Philhealth. Ayokong maniwala kaagad sa mga sabi-sabi kung saan sinasabi na a
Magbasa pa