The growing silence inside Greig's car is awkward. Hindi pa rin nagsasalita ang lalaki at ramdam niya pa rin ni Ysabela ang matinding galit nito.Nang sulyapan niya ang kamay ni Greig, duguan pa rin iyon. Mariin ang pagkapit nito sa manibela ng sasakyan.Ibinalik niya ang tingin sa daan at tahimik na napaisip.Anong ikakagalit niya?She pinched her fingers.Hindi mawala sa isip niya ang pananakit ni Greig sa lalaking nambabastos sa kanila ni Yvonne.Kahit na may kasalanan ito sa kanila, ayaw niyang malagutan ito ng hininga. Lalo pa't si Greig ang nambugbog sa lalaki.Baka bukas ay maging laman na lamang bigla ng balita si Greig. Mas lalo silang pagpyepyestahan ng media.He couldn't be a murderer. Pagkontra ng kaniyang isip.But why would I care?Hindi niya maintindihan ang sarili.Sa puso niya'y nag-aalala pa rin siya sa pwedeng mangyari, pero binubulong naman ng kaniyang isip na huwag nang mangialam.Hindi niya alam na naroon din si Greig.Hindi niya nakita o napansin na nasa paligid
Sumikip ang kaniyang dibdib. Parang dinaganan iyon ng mabigat na bagay.Hindi niya kayang tagalan ang tingin ni Greig kaya nag-iwas siya.Bakit ang dali-dali para sa lalaki na pagbantaan siya?She gritted her teeth.At bakit siya magpapaapekto? Bakit siya matatakot?Ibinalik niya ang tingin sa mga mata nito. Mabuti at may natitira pang tapang sa kaniyang dibdib na mas pinatibay ng galit.“Baka nakakalimutan mo? We're already getting a divorce. Isn't it a bit unreasonable for you to always control your ex-wife?”Natigilan ang lalaki. Unti-unti ay umangat ang sulok ng labi nito at malamig na natawa.“Are you that excited for a divorce, Ysabela? Are you in a hurry to divorce me so you can hook up with another man?”“Or maybe you already found one?”Napaawang ang kaniyang labi.Parang bulkang sumabog ang tinitimpi niyang galit.Namuno ang matinding emosyon sa kaniyang dibdib.How could this man insult her and accuse her at the same time? Na parang siya pa ang lumalandi sa iba samantalang
Dalawang araw din ang lumipas simula nang huli nilang pagtatalo ni Greig. At sa dalawang araw na lumipas, hindi niya nakita ang lalaki.Si Manang Lora na lamang ang nag-iimporma sa kaniya kung umuwi na ito at anong oras umalis.Nagkulong siya sa kaniyang kuwarto dahil sa ilang araw na panghihina.Madalas din sumakit ang kaniyang puson at natatakot siyang baka kung ano na ang nangyari sa kaniyang baby.Wala pa rin siyang mahanap na magpagkakatiwalaang OB-GYN na masisiguro niyang hindi konektado kay Greig at sa pamilya nito.At isa pa, kailangan niya nang magsimulang mag-ipon ng pera para sa check up at necessities ng kaniyang anak.Kaya nang umagang iyon maaga siyang gumising at bumaba sa hapagkainan para kumain ng almusal.Nakaalis na raw si Greig, ang sabi ni Manang Lora.Nang sulyapan niya ang oras, masyado pang maaga para umalis ito.Baka may dadaanan pa?Ngunit pinagkibit niya iyon ng balikat.Hindi niya na dapat iyon iniisip.“Maayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabela?” Tanong ni M
Magaan ang puso ni Ysabela pagkauwi ng villa. Kagagaling niya pa lang sa ospital at saglit na bumisita sa kaniyang Lola para ibalita rito ang tungkol sa kaniyang bagong trabaho.Noon pa lamang niya ulit nakita na natuwa at ngumiti ang kaniyang Lola.Ngunit dahil hindi na nito kayang manatiling gising nang matagal, pagkatapos lang ng ilang minuto ay nagpaalam na naman itong matutulog muli.Hinayaan niyang muli itong makapagpahinga.Pagkatapos niyang pagmasdan ang payapa nitong mukha, saka lamang siya nagpasyang umuwi.Nakangiti pa siya nang umuwi dahilan para mapuna iyon ni Manang Lora.“Ang ganda-ganda mo pala kapag nakangiti ka't maaliwalas ang ‘yong mukha, Ysabela.” Si Manang Lora na nakangiti rin.Nasa hapagkainan siyang muli, mag-isa dahil wala si Greig.“Sana palagi kang nakangiti.” Madamdaming saad ng babae.Hindi niya lang talaga kayang pigilan ang pagguhit ng kasiyahan sa kaniyang labi.It was Thyme Studio Design!Paunti-unti ay magiging maayos na ang takbo ng kaniyang buhay b
Satisfaction was itched in Gretchen's eyes when she saw Ysabela.Pababa na ito sa marmol na hagdan at inaalalayan ng driver.She looks breathtaking.Sobrang ganda nito at bumagay lalo ang dress nitong suot. She's wearing a beautiful lavender-colored dress.“The dress has a sweetheart nickline, a fitted bodice with intricate floral lace embroidery, and a flowing A-line skit with a thigh-high slit.”Nag-eecho pa rin sa kaniyang isip ang sinabi ng designer.“You would love it, Madame! The skirt is made of soft, sheer tulle fabric that adds a touch of elegance and movement to the dress. The overall design is romantic and feminine, perfect for a special occasion.” Dagdag pa nito.Tama nga ang designer, nagustuhan niya iyon. Lalo pa't napakaganda ni Ysabela.Litaw na litaw ang maputi nitong balat at hindi masasapawan ang makurba nitong katawan.Palapit nang palapit sa kaniya si Ysabela ay mas lalo siyang humahanga sa ganda nito.Ano pa bang hahanapin ng kaniyang anak?Ysabela looks like a g
“Dream on, Monday.” Natatawang saad ng babaeng nasa kaniyang tabi.“Ano naman ang magugustuhan sa iyo ni Greig?”Ikiniling niya ang ulo, masyadong mabagal kumilos ang mga babaeng ito, at naiirita na siya sa mga naririnig na bulungan.Naglakad siya palayo sa buffet table at naghanap ng bakanteng upuan pero nahagip ng kaniyang mata ang isang pamilyar na mukha.Sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Danica nang makalapit ito sa kaniya.Hinagod siya ng tingin.“Who invited you to this luxurious party? Did you gate crash, Ysabela?” Mapang-uyam nitong tanong.It's been awhile. Matagal na silang hindi nagkikita. Sigurado siyang pagkatapos nang nangyari noon sa mansion ni Sir Gregory ay mas lalo lamang na lumaki ang galit ni Danica sa kaniya.It's a pity na patulan pa ang babae pero alam niyang hangga't hindi nakakahanap ng katapat ang babae ay patulay siya nitong iinisin.Ginaya niya ang ginawa nito. Hinagod niya rin ng tingin si Danica.Nakasuot ng purple na dress ang babae na medyo shin
“Tingnan nalang nating kung may mangahas pang saktan at pagsalitan ka ng masasama.” Si Gretchen na galit pa rin.Mabilis na umiling si Ysabela.Hinawakan niya ang kamay nito at sa mababang boses ay nagsalita, “Tita huwag ho kayong magpadalos-dalos.”Bago pa makasagot ang ginang natanaw na niya ang paglapit ni Greig sa kanila.Nang tuluyan itong makalapit, nagkasalubong ang kanilang tingin ng ilang segundo. Napansin niya ang madilim at malamig nitong tingin na tila tumatagos sa kaniyang buto.Tumigil ito sa kanilang harap at nagtagal pa ng ilang segundo ang mga mata nito sa kaniya.“Where have you been?” Si Gretchen sa mariin na tinig.“I went to Lola Celestina.” Matipid nito sagot.“What's that?”Itinuro nito ang benda sa kamay ni Greig. Nakaangat ang kamay nito dahil dala ang inumin.Nagbaba ng tingin si Greig sa nakabendang kamay at saglit niyang nakita ang paggalaw ng panga nito. Tila may naalalang hindi magandang pangyayari.Medyo kinabahan pa siya sa naging reaksyon ni Greig. Ala
Malakas na napasinghap si Ysabela dahil sa nangyari.Hindi niya inaasahan na sasampalin ni Gretchen si Natasha lalo na't maraming tao ang nasa paligid.“That's too much!” Si Greig sa nagpipigil na boses.“Ako pa?” Pabalang na sagot ni Gretchen.Ngunit natigilan din nang mapansin na halos pinagtitinginan na sila ng mga tao.Maging ang nasa ikalawang palapag ng mansyon ay dumudungaw na para makita ang nangyayari.“Paalisin mo na ang babaeng ‘yan.” Halos magtagis ang bagang ni Gretchen.Nagbulungan ang mga tao.At dahil sa kahihiyan ay tinakpan ni Natasha ang kaniyang mukha.Ginawa namang pananggalang ni Greig ang malaki niyang katawan para itago ang babae.“Let's go.” Si Greig.Ngunit hindi umaalis si Natasha sa kinatatayuan nito.“N-nanghihina ang tuhod ko.” Umiiyak nitong sabi.“Look what you've done, Mom.” Galit na sambit ni Greig.Muli ay parang sinilaban ang galit ni Gretchen.Talagang gusto ni Natasha ng eskandalo?Sinubukan ni Gretchen na hatakin ang braso ni Natasha pero napigil
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F