“Tingnan nalang nating kung may mangahas pang saktan at pagsalitan ka ng masasama.” Si Gretchen na galit pa rin.Mabilis na umiling si Ysabela.Hinawakan niya ang kamay nito at sa mababang boses ay nagsalita, “Tita huwag ho kayong magpadalos-dalos.”Bago pa makasagot ang ginang natanaw na niya ang paglapit ni Greig sa kanila.Nang tuluyan itong makalapit, nagkasalubong ang kanilang tingin ng ilang segundo. Napansin niya ang madilim at malamig nitong tingin na tila tumatagos sa kaniyang buto.Tumigil ito sa kanilang harap at nagtagal pa ng ilang segundo ang mga mata nito sa kaniya.“Where have you been?” Si Gretchen sa mariin na tinig.“I went to Lola Celestina.” Matipid nito sagot.“What's that?”Itinuro nito ang benda sa kamay ni Greig. Nakaangat ang kamay nito dahil dala ang inumin.Nagbaba ng tingin si Greig sa nakabendang kamay at saglit niyang nakita ang paggalaw ng panga nito. Tila may naalalang hindi magandang pangyayari.Medyo kinabahan pa siya sa naging reaksyon ni Greig. Ala
Malakas na napasinghap si Ysabela dahil sa nangyari.Hindi niya inaasahan na sasampalin ni Gretchen si Natasha lalo na't maraming tao ang nasa paligid.“That's too much!” Si Greig sa nagpipigil na boses.“Ako pa?” Pabalang na sagot ni Gretchen.Ngunit natigilan din nang mapansin na halos pinagtitinginan na sila ng mga tao.Maging ang nasa ikalawang palapag ng mansyon ay dumudungaw na para makita ang nangyayari.“Paalisin mo na ang babaeng ‘yan.” Halos magtagis ang bagang ni Gretchen.Nagbulungan ang mga tao.At dahil sa kahihiyan ay tinakpan ni Natasha ang kaniyang mukha.Ginawa namang pananggalang ni Greig ang malaki niyang katawan para itago ang babae.“Let's go.” Si Greig.Ngunit hindi umaalis si Natasha sa kinatatayuan nito.“N-nanghihina ang tuhod ko.” Umiiyak nitong sabi.“Look what you've done, Mom.” Galit na sambit ni Greig.Muli ay parang sinilaban ang galit ni Gretchen.Talagang gusto ni Natasha ng eskandalo?Sinubukan ni Gretchen na hatakin ang braso ni Natasha pero napigil
Sa sasakyan na nagkamalay si Natasha ngunit nanatili siyang nakahilig sa balikat ni Greig. “Where are we going?” Nanghihina nitong tanong.“I don’t want to go the hospital.” Dagdag niya sa sa mababang boses.Hindi niya makita ang mukha ni Greig, pero ramdam niya ang tinitimpi nitong galit.Natatakot siyang baka kapag dalhin siya nito sa ospital ay iwan din siya agad at bumalik sa party kung saan naroon si Ysabela. Hindi iyon puwedeng mangyari. Hindi siya papayag.Gising na gising ang kaniyang diwa kanina nang maabutan sila ni Gretchen, ngunit sa takot niyang kapag makalapit ito sa kanila ay saktan na naman siya, nagkunwari siyang nawalan ng malay.Naiirita siya ng sobra sa babaeng iyon!That lun*tic old witch! Kung hindi lang ito Mommy ni Greig ay talagang hindi siya papayag na inaapi siya nito.Tingnan lang natin, sa oras na piliin na ako ni Greig ay siguradong hindi na niya ako magagawang saktan. At hindi na ako papayag na api-apihin lang ako nito! Sigaw ng kaniyang isip.“I’ve alr
Marahan siyang tumango, natutuwa sa naririnig na determinasyon sa boses sa Danica.Siguradong tutulungan siya nito dahil kung hindi ay walang ibang mag-iinvest sa mga proyekto nito.Kailangan siya ni Danica para sa pera, at kailangan naman niya ito para mawala sa landas nila ni Greig ang babaeng iyon.“What do you mean by that, Dani?” Kunwari ay hindi niya nauunawaan ang mag sinasabi nito.“C’mon, Nat. Masyado ka kasing mabit kaya tini-take advantage iyon ni Ysabela.Huwag kang mag-alala, maghintay ka lang at gagawa ako ng paraan para makuha mo na ang titulo bilang Mrs. Ramos.” Nangangako nitong saad.Isang malaking ngiti ang plumastar sa mukha ni Natasha.Kahit paano ay magagamit niya rin ang bob*tang ito. Hindi nasayang ang dalawang milyon niya.Kung sakali man, hindi siya masisisi kung pumalpak man si Danica. At kung magtagumpay man ito, kahit paano ay walang maghihinala na kasangkot siya sa nangyari. Malinis ang kaniyang konsensya.Siguraduhin lamang ni Danica na hindi siya papalpa
Tama nga naman, nakakapagtaka na naimbitahan din siya samantalang hindi naman siya parte ng isang prominenteng pamilya.Alam na alam ni Alhaj kung ano ang kaniyang pinagmulan, at alam nitong mahirap lamang siya.Ibinuka niya ang kaniyang bibig ngunit dahil sa biglaang pag-alon ng kaniyang paningin ay muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan.Mabilis na nahawakan ng lalaki ang kaniyang bewang at inalalayan siya.“Ysabela!”Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang noo sa balikat nito.Dala siguro ng pagod at matinding emosyong pilit niyang pinipigilan ay nahihirapan ang kaniyang katawan.Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Alhaj.Hindi na niya naisip na mahiya lalo pa't tumitindi ang pag-alon ng kaniyang paningin.“I should take you home, Ysabela.” Saad nito sa seryosong tinig.Gusto na niyang umuwi, kanina pa niya gustong umalis.Pero hindi niya maiwan si Gretchen.Marahan siyang umiling. Pilit niyang binabawi ang sarili sa matinding pagkahilo pero sa tuwing nagmumulat siya ng mga m
Mabilis na lumukob sa puso ni Ysabela ang matinding galit nang marinig ang sinabi ni Greig.How could this man threaten me?Nakahanap siya ng lakas sa kaniyang galit. Itinulak niya ang dibdib ni Greig at napakawalan siya nito.“Don't you ever threaten me like that, Greig.” Nagngingitngit niyang saad.“Wala kang gagawing masama kay Alhaj dahil wala naman siyang ginagawang masama sa iyo. Isip mo lang ang madumi mag-isip!”Tumalikod siya, ayaw na niyang makipagtalo pa kay Greig.Ang huling lakas niya'y ibinuhos na niya sa pagtulak kay Greig kaya't ang tanging natitira na lamang sa kaniya ay ang lakas para maglakad paalis.Ngunit ilang hakbang palang ay marahas nitong hinaklit ang kaniyang braso at halos kaladkarin siya papasok sa isang malaking pinto.“Ano ba—”“Shut up!” Galit na sigaw ni Greig.“You wouldn't walk away like that to me, Ysabela.”Binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok.Medyo madilim ang kuwarto pero dahil nakabukas ang malalaking bintana ay pumapasok ang liwana
Tulala siya nang pabalik sa villa. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at halos makalimutan ang lahat ng nangyari nang gabing iyon.Suot niya pa ang dress na ibinigay ni Gretchen nang mahiga sa komportableng kama.“Oh, God. My back is hurting so bad.” Bulong niya sa sarili.Ipinikit niya ang mga mata at hindi namalayan na nakatulog na pala.Madaling araw nang magising siya dahil sa ingay mula sa labas ng kaniyang kuwarto.Nang bumangon siya para tingnan ang kaguluhan, nakita niyang inaalalayan si Greig ng dalawang katulong para dalhin sa kuwarto nito.“Ysabela!” Si Manang Lora nang makita siyang nakatayo sa may pinto.Hinagod siya nito ng tingin, kumunot ang noo.“B-bakit hindi ka pa nagbibihis?”Si Manang Lora rin kanina ang sumalubong sa kaniya nang umuwi siya.Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang suot at napahinga ng malalim.“Nakatulog po ako, aga—”“Get out!”Natigilan siya sa pagsasalita nang marinig ang malakas na boses ni Greig mula sa kabilang kuwarto.Nang tingnan nila ni Mana
Ilang segundo na parang binalot ng kakaibang emosyon ang puso ni Ysabela. Tila nablangko ang isipan niya at hindi alam kung ano ang gagawin. Mas lalo siyang hinapit papalapit ni Greig dahilan para mapakurap siya. Basang-basa na ang buo niyang katawan, ganoon din ang lalaki. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib ni Greig para itulak ito pero hinawakan nito ang kaniyang batok at mas lalong pinalalim nito ang halik. Ilang minuto bago niya sinubukan na iiwas ang mukha at hinayaan naman siya nito, tila napagod na rin sa paghalik sa kaniya. Akala niya’y pakakawalan na siya nito, pero nanatili ang pagkakayakap ni Greig sa kaniya, mahigpit, tila natatakot na lumayo siya. “Let’s stay like this,” huminga ito ng malalim. “For a while.” Ang noo nito ay nakadikit sa kaniyang noo, kaya naaamoy niya ang alak sa hininga nito. Ang kanilang ilong ay halos magdikit na. Huminga siya ng malalim at hindi na nagsalita. Lasing si Greig, at hindi niya dapat kwestyunin ang mga ginagawa nito. Bukas
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a