Mabilis na lumukob sa puso ni Ysabela ang matinding galit nang marinig ang sinabi ni Greig.How could this man threaten me?Nakahanap siya ng lakas sa kaniyang galit. Itinulak niya ang dibdib ni Greig at napakawalan siya nito.“Don't you ever threaten me like that, Greig.” Nagngingitngit niyang saad.“Wala kang gagawing masama kay Alhaj dahil wala naman siyang ginagawang masama sa iyo. Isip mo lang ang madumi mag-isip!”Tumalikod siya, ayaw na niyang makipagtalo pa kay Greig.Ang huling lakas niya'y ibinuhos na niya sa pagtulak kay Greig kaya't ang tanging natitira na lamang sa kaniya ay ang lakas para maglakad paalis.Ngunit ilang hakbang palang ay marahas nitong hinaklit ang kaniyang braso at halos kaladkarin siya papasok sa isang malaking pinto.“Ano ba—”“Shut up!” Galit na sigaw ni Greig.“You wouldn't walk away like that to me, Ysabela.”Binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok.Medyo madilim ang kuwarto pero dahil nakabukas ang malalaking bintana ay pumapasok ang liwana
Tulala siya nang pabalik sa villa. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at halos makalimutan ang lahat ng nangyari nang gabing iyon.Suot niya pa ang dress na ibinigay ni Gretchen nang mahiga sa komportableng kama.“Oh, God. My back is hurting so bad.” Bulong niya sa sarili.Ipinikit niya ang mga mata at hindi namalayan na nakatulog na pala.Madaling araw nang magising siya dahil sa ingay mula sa labas ng kaniyang kuwarto.Nang bumangon siya para tingnan ang kaguluhan, nakita niyang inaalalayan si Greig ng dalawang katulong para dalhin sa kuwarto nito.“Ysabela!” Si Manang Lora nang makita siyang nakatayo sa may pinto.Hinagod siya nito ng tingin, kumunot ang noo.“B-bakit hindi ka pa nagbibihis?”Si Manang Lora rin kanina ang sumalubong sa kaniya nang umuwi siya.Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang suot at napahinga ng malalim.“Nakatulog po ako, aga—”“Get out!”Natigilan siya sa pagsasalita nang marinig ang malakas na boses ni Greig mula sa kabilang kuwarto.Nang tingnan nila ni Mana
Ilang segundo na parang binalot ng kakaibang emosyon ang puso ni Ysabela. Tila nablangko ang isipan niya at hindi alam kung ano ang gagawin. Mas lalo siyang hinapit papalapit ni Greig dahilan para mapakurap siya. Basang-basa na ang buo niyang katawan, ganoon din ang lalaki. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib ni Greig para itulak ito pero hinawakan nito ang kaniyang batok at mas lalong pinalalim nito ang halik. Ilang minuto bago niya sinubukan na iiwas ang mukha at hinayaan naman siya nito, tila napagod na rin sa paghalik sa kaniya. Akala niya’y pakakawalan na siya nito, pero nanatili ang pagkakayakap ni Greig sa kaniya, mahigpit, tila natatakot na lumayo siya. “Let’s stay like this,” huminga ito ng malalim. “For a while.” Ang noo nito ay nakadikit sa kaniyang noo, kaya naaamoy niya ang alak sa hininga nito. Ang kanilang ilong ay halos magdikit na. Huminga siya ng malalim at hindi na nagsalita. Lasing si Greig, at hindi niya dapat kwestyunin ang mga ginagawa nito. Bukas
Umalis si Greig mas maaga sa kaniyang inaasahan. Hindi pa sumisikat ang araw ay nakaalis na ito.Si Manang Lora ang nagsabi sa kaniya sa hapag.“Maagang umalis si Sir Greig, Ysabela.” Inilapag nito sa mesa ang kaniyang kape.“Mukhang... galit.”Nag-angat siya ng tingin at nakita ang pag-aalala sa mukha ni Manang Lora.Hindi na lamang siya kumibo.Sigurado siyang may hangover pa si Greig ngayon, pero dahil ayaw na naman siya nitong makita ay umalis na naman ng maaga para hindi sila magpang-abot.Mapait siyang ngumiti.His actions were really confusing.Kagabi ay galit na galit ito dahil sa plano niyang pag-alis, ngayon naman ay hindi siya magawang harapin.Ano ba talaga ang gusto nito?Tahimik siyang kumain ng agahan.Wala siyang gana, pero kailangan niyang kumain lalo pa't maglilipat siya ng gamit.Buo na ang kaniyang loob na babalik na siya sa apartment.Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain, nakatanggap siya ng tawag.Iyon ay galing sa ospital kung nasaan ang kaniyang Lola.“Miss Ysabe
Umiling siya, pumiksi sa hawak nito sa kaniya.“Bitiwan mo—”Hinila ni Danica ang kaniyang buhok. Malakas ang pagsabunot sa kaniya, buong lakas ang panggigigil nito sa kaniya.“Malandi ka! You wh*r*!” Sigaw nito.“Ito ang dapat sa ‘yo!”Isang malakas na sampal ang lumapat sa kaniyang kaliwang pisngi.Namanhid iyon saglit pero nag-init din agad nang sampalin na naman ni Danica.Gusto niyang lumaban pero masyadong malakas si Danica. Hindi rin nakakatulong na nahihilo pa siya.Sinubukan niyang itulak ang babae pero hindi ito tumigil, muli ay lumapit ito at hinila ang kaniyang buhok. Isang beses pa nitong sinubukan na sampalin siya pero nailagaan niya iyon.Dahilan para manggigil lalo si Danica, kinalmot nito ang kaniyang braso at hindi niya iyon naiwasan.Humapdi ang kaniyang braso at mabilis na dumugo ang markang dinulot ng kuko nito.Malakas siya nitong itinulak pabalik sa sofa.Ang kaniyang tiyan ay halos bumundol sa armrest ng sofa.“We should teach her a lesson Lola Merci.” Panghihi
Ang puting kisame ang bumati kay Ysabela nang magising siya. Pamilyar na siya sa amoy ng ospital kaya nang rumihestro sa kaniya ang pamilyar nitong amoy ay halos napabalikwas siya ng upo.Si Gretchen na nasa sala ay mahimbing na natutulog.Sumipa ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Inilibot niya ang tingin at agad napagtanto na si Gretchen lamang ang naroon.Wala nang iba pa.Ngunit ilang minuto lang nang pumasok ang isang nurse, pamilyar ang mukha nito.“Gising ka na pala Mrs. Ramos.” Nangingiti nitong sabi.May dalang maliit na kahon ang babae at naglakad ito palapit sa kaniya.“Kukunan po kita ng dugo, Ma'am. We need to test your blood—”“Huwag na.” Agap niya, umiling ng mariin.“Pero ma'am—”“Ayaw ko.”“But Dr. Roa needs your blood sample in order to test it, Ma'am.”Dr. Roa? Si Patrick?Kaya pala pamilyar ang babaeng nurse.Nasa clinic sila ni Patrick?Nagtagis ang kaniyang bagang. Mas lalong hindi siya pwedeng makunan ng blood sample.Umiling siya.“I'm a-already fine. M-maay
Umiling si Patrick.“I don't want her to worry too much. Nagamot ko na ang sugat ni Greig kaya kailangan niya lang ng kaunting pahinga, but if you try to runaway from my clinic, then I have to wake him up and chase you.”Nagtaas ng kilay ang lalaki.“I also want to see what would happen next.”Kinunutan niya ng noo si Patrick, marahan naman itong natawa.“Kidding, Ysabela.”Hinawakan nito ang kaniyang braso para igiya siya palabas ng kuwarto pero pumiksi siya.“Kailangan mo nang bumalik sa kuwarto mo. If you don't want a blood sample and another IVF then I wouldn't insist it. Pero kailangan mo rin magpahinga.”Umiling siya.“G-gusto ko muna manatili rito.”Natigilan si Patrick. Pagkaraan ay tumango ito.“Fine, I will go out, but I will keep an eye on the surveillance system. Mamaya niyan ay umalis ka bigla.”Hindi siya nagsalita.Umalis ng silid si Patrick dahilan para maiwan siya kasama si Greig.Mahimbing ang pagkakatulog ng lalaki.Lumapit siya para tingnan ang kalagayan nito. Naka
Naihilamos ni Greig ang mga kamay sa kaniyang mukha dahil sa frustrasyon na nararamdaman.Bakit pagdating kay Ysabela ay parang nauubusan siya ng dahilan para manatiling matino?Hindi siya nagdadalawang-isip na manakit ng ibang tao kapag nasasaktan ito.Tumitig siya sa maamo nitong mukha.Mahimbing ang pagkakatulog nito na animo'y walang pinoproblemang kahit na ano.Hinaplos niya ang buhok nito at parang bumibigat lalo ang kaniyang dibdib.She couldn't even protect herself. Bulong niya sa sarili.Malalim ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatitig siya sa mukha ng babae. Hindi na siya makakatulog pa kaya naman hinintay nalang niyang mag-umaga. Nagpalit na rin siya ng damit sa loob ng banyo habang si Ysabela ay nasa kama pa rin.Itinipa niya ang numero ni Christoff at ilang ring lang ay sumagot na ito.“Sir Greig.” Bati ni Christoff sa mababa at napapaos na boses.Halatang kagigising lang.Tiningnan niya ang sariling repleksyon at napakunot noo.Medyo maputla siya.“Kamusta ‘yong in
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a