Iyong sa isang tingin palang, makikita mong masyadong inosinte at walang alam sa karahasan na nangyayari sa mundo. Masyado rin pormal at mahinhin kumilos si Ysabela noon, kaya ayaw niya sanang pagtuunan ito ng pansin, ngunit sa tuwing ito ang nagdadala ng mga dukomento at napapasunod siya lagi ng tingin. Sinisigurado niya lamang na hindi siya mahuhuli ni Ysabela. “You didn’t mention this to me before.” Sagot ni Greig pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. “Akala ko sa kompanya na tayo nagkakilala. All along, you already knew me as a friend of Archie.” May halong sumbat sa kaniyang boses. Umangat ang sulok ng labi ni Ysabela. “First and foremost, hindi kita nakilala as a friend of Archie. Nakilala kita dahil diyan sa pagiging snobbish mo. Alam mo ba kung ilang beses kong nakita na may babae kang hindi pinansin kahit na nagtatapat na sa’yo ng pag-ibig? Nakakahiya ka. Kahit sa publikong lugar, wala kang patawad.” Umikot ang mga mata ni Ysabela, naalala na hindi isa, dalawa, o tat
“I thought I was really in love with her.” Paos na sabi ni Greig, puno ng pagsisisi ang boses. “I thought what I felt for Natasha was genuine. Was real. Was deep.” Dumaan ang sakit at pagkalito sa mga mata ni Ysabela. “But what I really felt for her was shallow feelings only. I couldn't even compare it to what I felt for you, Ysabela.” Mataman na saad ng lalaki. Malungkot na ngumiti si Greig. Tila inaalala ang masasakit na bagay mula sa nakaraan. “When I lost you… the life felt useless. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang buhay ko. It was different from that time when Natasha decided to leave me. No’ng umalis siya, hindi naging magulo ang isipan ko. I was more purpose-driven. Alam ko agad sa sarili ko kung ano ang gagawin ko, kahit na wala na siya.” Umawang ang bibig ni Ysabela, gusto niyang magsalita pero naunahan na siya ni Greig. “But when I lost you… I couldn't even get up from my bed each morning. Because it hurt as h*ll to live
Bumaba ang tingin ni Ysabela sa kaniyang kamay na ngayon ay hawak na ni Greig. Nasa airport na sila at ilang minuto nalang ay aalis na sila pabalik ng Pilipinas.Siguro naramdaman ni Greig ang kaniyang pagiging tensyunado kaya hinawakan nito ang kaniyang kamay. Sinulyapan niya ang lalaki at nakitang nakatitig lamang ito kay Athalia at Niccolò na ngayon ay kinukulit ang kanilang Tito Patrick.“Did you tell your Mom about our flight today?” Marahan niyang tanong sa lalaki saka dahan-dahan na sumandal sa balikat nito.“Yes. Susunduin din tayo sa airport pagdating natin ng Manila.” Imporma nito.Marahan siyang tumango.Life in Sicily is really different from the life I remembered in Philippines. Bulong ng kaniyang isip.Kahit paano nag-aalala siya sa maaaring maging epekto sa kaniyang mga anak kung sakaling nasa Pilipinas na sila.Hindi pa gaanong bihasa si Athalia at si Niccolò sa pagtatagalog kaya sigurado siyang mahihirapan ang dalawa na makibagay sa bago nilang kapaligiran kung sakali
Umakyat ang mag-anak sa taas. Nanatili naman sila Gretchen sa salas habang sinusundan ng tingin ang pamilya ni Greig.Niyakap siya ng kaniyang asawa at agad siyang napangiti.Ysabela's home finally. Bulong ng kaniyang isip.Hindi niya kailanman naisip na maaari pa itong mangyari, na muli niyang makikita si Ysabela. At higit sa lahat, hindi niya naisip na may mga apo siya! Ang lalaki na ng kaniyang mga apo.Muling nag-init ang kaniyang mga mata.“Sobrang saya ko, Rene. I still couldn't believe it, even though it’s already in front of me. Ang tagal kong pinagdasal na sana maging maayos na ulit ang buhay ni Greig.” Yumakap siya sa bewang ng kaniyang asawa at humilig sa dibdib nito.“He’d be fine now.” Marahang bulong ni Rene para pakalmahin si Gretchen.“He’s wiser now. Alam ko na kahit na anong mangyari, proprotektahan niya ang kaniyang pamilya. He will definitely do his best to become a good husband… and a good father.” Humina ang boses nito sa hulinv sinabi.Unti-unting lumayo si Gret
Napalunok si Ysabela. Hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ito. Ngayon pa lamang. Simula nang magsama sila ni Greig, palagi na niyang naririnig sa labi nito na hindi nito gustong magkaroon ng anak. Naisip niya noon, iyon ay dahil hindi siya si Natasha. Naisip niyang si Natasha lamang ang gusto nitong magdalang-tao, at hindi siya. Kaya dati, takot na takot siyang aminin kay Greig na buntis siya dahil noong una palang, alam na niyang ayaw ni Greig sa mga bata. Dahan-dahan na umawang ang kaniyang bibig. “Natakot ako na maging kagaya ko rin ‘yong magiging anak ko. I felt so lonely before. Marami lang akong pera. Iyon lang ang meron ako no'n.” “Greig…” Malungkot na ngumiti si Greig at hinapit siya nito para patakan ng halik ang kaniyang noo. “But the fear I had before, it was all gone. Athalia and Niccolò washed it all away.” Puno ng pag-asang bulong ni Greig. “I was afraid at first, yes. But eventually, I learned that becoming a father is not a just responsibility… but also a k
Nang sumunod na umaga, maganang kumain ng almusal si Athalia at Niccolò kasama ang kanilang Lola Gretchen at Lolo Rene.Kahit pa pagod sa flight, nagising pa rin ng maaga si Ysabela kaya isang mag-anak sila sa hapag-kainan.Nasa magkabilang kabisera ang mag-asawang Ramos. Magkatabi naman si Ysabela at Athalia. Sa tapat nila ay si Greig at Niccolò.“You look like Papa Greig, Grandpa.” Usal ni Athalia, hindi mapigilan ang sarili na mapansin ang pagkakapareho ni Greig at Rene.“And you also look like Niccolò. But you're old.” Dagdag pa nito.“Athy.” Agap na saway ni Ysabela sa anak.Ngunit tumawa lamang si Rene. Kumikislap ang kaniyang mga mata sa tuwa na ganito kabibo ang kaniyang apo. Napuno ng maligayang tawa ng matandang Ramos ang dining area.“No, Ysabela. That’s fine.” He assured her.Mapagpaumahin na ngumiti si Ysabela kay Mr. Ramos. Ayaw niyang ma-offend ito sa sinabi ng apo, ngunit mukhang hindi naman ito apektado sa pagiging matabil ni Athalia.Bagkus, natutuwa pa.“What Athali
“How about our marriage? Did you check on it?” Tanong ni Greig sa abogado.“Yes, Mr. Ramos. Well, we will not have any issues with that.” Sabi ni Atty. Reinella.Ngumiti ito at saka tinapik muli ang folder.“Your marriage certificate is already in this folder. Nailagay at nalinis na namin iyon. Ysabela Ledesma-Ramos is the only legal wife of you, Mr. Greig Ramos.”Umawang ang labi ni Ysabela. Kumunot bahagya ang kaniyang noo at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.She shifted on her seat uncomfortably. Hindi niya alam ang mararamdaman. Hindi rin siya sigurado sa kaniyang narinig, baka pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang pagdinig.“Ibigsabihin walang bisa ang kasal nila ni Natasha?” Tanong niya.Umiling si Atty. Reinella.“Walang bisa ang naging kasal nila, especially that you were already married to him. Kahit na mayroong batas na nagsasabi na maaari na ulit magpakasal ang isang lalaki pagkatapos ng limang taon niyang pagkabalo, ay hindi pa rin maaaring maging legal na asawa si N
Umismid si Greig. Inilagay nito ang braso sa likod ng upuan ni Ysabela at bahagyang hinaplos ang braso ng babae. “Reinella? First name basis na pala talaga kayo.” Hindi pa rin tumigil si Greig sa pang-aasar. “Teka, hindi ba’t kasal na dapat si Archie?” Inosinteng tanong ni Ysabela nang biglang maalala na engaged na ito bago pa sila maghiwalay ni Greig. Kumunot ang kaniyang noo at palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Nakita niyang natigilan si Archie, samantalang may malokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Greig. Huminga ng malalim si Archie, ibinuka nito ang bibig ngunit hindi rin natuloy ang sasabihin. Tumawa si Greig saka ito humarap sa kaniya. “Let's not ask him that.” Mahina nitong bulong sa kaniya. Bakit? Tanong ng isip ni Ysabela. Mas lalo tuloy siyang naging kuryuso sa lalaki. “Wait… how about Yvonne? Where's Yvonne?” Bigla niyang tanong nang maalala ang matalik na kaibigan. Alam na alam niya kung gaano nasaktan si Yvonne sa pagkaka-enggage bigla ni Archie sa
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F