Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 173: Greig's Dad

Share

Chapter 173: Greig's Dad

Author: Purplexxen
last update Huling Na-update: 2025-02-14 14:53:41

Bumaba ang tingin ni Ysabela sa kaniyang kamay na ngayon ay hawak na ni Greig. Nasa airport na sila at ilang minuto nalang ay aalis na sila pabalik ng Pilipinas.

Siguro naramdaman ni Greig ang kaniyang pagiging tensyunado kaya hinawakan nito ang kaniyang kamay. Sinulyapan niya ang lalaki at nakitang nakatitig lamang ito kay Athalia at Niccolò na ngayon ay kinukulit ang kanilang Tito Patrick.

“Did you tell your Mom about our flight today?” Marahan niyang tanong sa lalaki saka dahan-dahan na sumandal sa balikat nito.

“Yes. Susunduin din tayo sa airport pagdating natin ng Manila.” Imporma nito.

Marahan siyang tumango.

Life in Sicily is really different from the life I remembered in Philippines. Bulong ng kaniyang isip.

Kahit paano nag-aalala siya sa maaaring maging epekto sa kaniyang mga anak kung sakaling nasa Pilipinas na sila.

Hindi pa gaanong bihasa si Athalia at si Niccolò sa pagtatagalog kaya sigurado siyang mahihirapan ang dalawa na makibagay sa bago nilang kapaligiran kung sakali
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat sa update
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
thanks ulit..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 173.2: Greig's Dad

    Umakyat ang mag-anak sa taas. Nanatili naman sila Gretchen sa salas habang sinusundan ng tingin ang pamilya ni Greig.Niyakap siya ng kaniyang asawa at agad siyang napangiti.Ysabela's home finally. Bulong ng kaniyang isip.Hindi niya kailanman naisip na maaari pa itong mangyari, na muli niyang makikita si Ysabela. At higit sa lahat, hindi niya naisip na may mga apo siya! Ang lalaki na ng kaniyang mga apo.Muling nag-init ang kaniyang mga mata.“Sobrang saya ko, Rene. I still couldn't believe it, even though it’s already in front of me. Ang tagal kong pinagdasal na sana maging maayos na ulit ang buhay ni Greig.” Yumakap siya sa bewang ng kaniyang asawa at humilig sa dibdib nito.“He’d be fine now.” Marahang bulong ni Rene para pakalmahin si Gretchen.“He’s wiser now. Alam ko na kahit na anong mangyari, proprotektahan niya ang kaniyang pamilya. He will definitely do his best to become a good husband… and a good father.” Humina ang boses nito sa hulinv sinabi.Unti-unting lumayo si Gret

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 173.3: Greig's Dad

    Napalunok si Ysabela. Hindi pa nila napag-uusapan ang bagay na ito. Ngayon pa lamang. Simula nang magsama sila ni Greig, palagi na niyang naririnig sa labi nito na hindi nito gustong magkaroon ng anak. Naisip niya noon, iyon ay dahil hindi siya si Natasha. Naisip niyang si Natasha lamang ang gusto nitong magdalang-tao, at hindi siya. Kaya dati, takot na takot siyang aminin kay Greig na buntis siya dahil noong una palang, alam na niyang ayaw ni Greig sa mga bata. Dahan-dahan na umawang ang kaniyang bibig. “Natakot ako na maging kagaya ko rin ‘yong magiging anak ko. I felt so lonely before. Marami lang akong pera. Iyon lang ang meron ako no'n.” “Greig…” Malungkot na ngumiti si Greig at hinapit siya nito para patakan ng halik ang kaniyang noo. “But the fear I had before, it was all gone. Athalia and Niccolò washed it all away.” Puno ng pag-asang bulong ni Greig. “I was afraid at first, yes. But eventually, I learned that becoming a father is not a just responsibility… but also a k

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 174: Mausoleum

    Nang sumunod na umaga, maganang kumain ng almusal si Athalia at Niccolò kasama ang kanilang Lola Gretchen at Lolo Rene.Kahit pa pagod sa flight, nagising pa rin ng maaga si Ysabela kaya isang mag-anak sila sa hapag-kainan.Nasa magkabilang kabisera ang mag-asawang Ramos. Magkatabi naman si Ysabela at Athalia. Sa tapat nila ay si Greig at Niccolò.“You look like Papa Greig, Grandpa.” Usal ni Athalia, hindi mapigilan ang sarili na mapansin ang pagkakapareho ni Greig at Rene.“And you also look like Niccolò. But you're old.” Dagdag pa nito.“Athy.” Agap na saway ni Ysabela sa anak.Ngunit tumawa lamang si Rene. Kumikislap ang kaniyang mga mata sa tuwa na ganito kabibo ang kaniyang apo. Napuno ng maligayang tawa ng matandang Ramos ang dining area.“No, Ysabela. That’s fine.” He assured her.Mapagpaumahin na ngumiti si Ysabela kay Mr. Ramos. Ayaw niyang ma-offend ito sa sinabi ng apo, ngunit mukhang hindi naman ito apektado sa pagiging matabil ni Athalia.Bagkus, natutuwa pa.“What Athali

    Huling Na-update : 2025-02-15
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 174.2: Mausoleum

    “How about our marriage? Did you check on it?” Tanong ni Greig sa abogado.“Yes, Mr. Ramos. Well, we will not have any issues with that.” Sabi ni Atty. Reinella.Ngumiti ito at saka tinapik muli ang folder.“Your marriage certificate is already in this folder. Nailagay at nalinis na namin iyon. Ysabela Ledesma-Ramos is the only legal wife of you, Mr. Greig Ramos.”Umawang ang labi ni Ysabela. Kumunot bahagya ang kaniyang noo at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.She shifted on her seat uncomfortably. Hindi niya alam ang mararamdaman. Hindi rin siya sigurado sa kaniyang narinig, baka pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang pagdinig.“Ibigsabihin walang bisa ang kasal nila ni Natasha?” Tanong niya.Umiling si Atty. Reinella.“Walang bisa ang naging kasal nila, especially that you were already married to him. Kahit na mayroong batas na nagsasabi na maaari na ulit magpakasal ang isang lalaki pagkatapos ng limang taon niyang pagkabalo, ay hindi pa rin maaaring maging legal na asawa si N

    Huling Na-update : 2025-02-15
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 174.3: Mausoleum

    Umismid si Greig. Inilagay nito ang braso sa likod ng upuan ni Ysabela at bahagyang hinaplos ang braso ng babae. “Reinella? First name basis na pala talaga kayo.” Hindi pa rin tumigil si Greig sa pang-aasar. “Teka, hindi ba’t kasal na dapat si Archie?” Inosinteng tanong ni Ysabela nang biglang maalala na engaged na ito bago pa sila maghiwalay ni Greig. Kumunot ang kaniyang noo at palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Nakita niyang natigilan si Archie, samantalang may malokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Greig. Huminga ng malalim si Archie, ibinuka nito ang bibig ngunit hindi rin natuloy ang sasabihin. Tumawa si Greig saka ito humarap sa kaniya. “Let's not ask him that.” Mahina nitong bulong sa kaniya. Bakit? Tanong ng isip ni Ysabela. Mas lalo tuloy siyang naging kuryuso sa lalaki. “Wait… how about Yvonne? Where's Yvonne?” Bigla niyang tanong nang maalala ang matalik na kaibigan. Alam na alam niya kung gaano nasaktan si Yvonne sa pagkaka-enggage bigla ni Archie sa ibang babae

    Huling Na-update : 2025-02-15
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 175: Search Warrant

    Hindi halos namalayan ni Ysabela na nakatulog pala siya sa sasakyan ni Greig. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at ang kaniyang mga mata.Hindi siya kailanman umiyak ng ganito kalakas at katagal sa tanang buhay niya. Pagkatapos nila sa mausoleum na para kay Yvonne, dumiretso sila sa libingan ng kaniyang Lola.Akala niya ay naiyak na niya lahat, pero nang makita ang lumang litrato ng kaniyang Lola na nakaukit malapit sa lapida nito, muli na naman siyang humagulhol.Limang taon din halos ang itinagal bago niya tuluyang nalaman na wala na talaga ang nag-iisa niyang pamilya. Kagaya sa libingan ni Yvonne, ramdam ni Ysabela ang bigat ng kaniyang dibdib nang makita ang libingan ng kaniyang mahal na Lola.Puno ng pagsisisi ang kaniyang puso. Wala siya sa tabi nito nang malagutan ito ng hininga. Hindi niya man lang nasabi ng personal kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya nagpapasalamat na inalagaan at minahal siya nito na parang isang tunay na anak.Dumating sila sa mansyon, hindi p

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 175: Search Warrant

    Alam ni Greig na nagkakahalaga ng milyones ang mausoleum na pinagawa ni Archie para kay Yvonne. Ang linings na ginto sa libingan nito ay totoong ginto. Kahit ang gate na kulay ginto ay totoong ginto rin.Marami ang pwedeng magkainteres na sirain at nakawin ang mga muwebles at ginto sa mausoleum. Baka iyon ang pinoproblema ni Archie.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Archie, tinawagan naman niya ang numero ng kaniyang ina.“Mom.” Tawag niya nang sagutin nito ang tawag.“Greig, oh, hi. Nakauwi na kayo? Pasensya na, dinala na namin si Athalia at Niccolò sa mall. They’re so excited. Ito nga at tuwang-tuwa sila sa arcade.” Masayang balita ni Gretchen.“Mom, alam mong maraming tao sa mall. We’re not sure if it’s safe there.”“Ano ka ba? Huwag ka mag-alala. May mga kasama kaming bodyguards, at hindi naman matao sa arcade! Si Athalia at si Niccolò lang ang narito.”“Ano?” Naguguluhan niyang tanong.“Binayaran ng Daddy mo ang buong arcade para kay Athalia at Niccolò.” Simple nitong sabi.Umawan

    Huling Na-update : 2025-02-16
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 175.3: Search Warrant

    Sandaling nakaramdam ng awa si Archie para sa kaniyang sarili. Nilingon niya ang malamig na libingan ni Yvonne at parang paulit-ulit na sinas*ks*k ang kaniyang dibdib. Who would have thought that Greig could still have Ysabela? And now… Patrick is making his way to win his family. T*ng*n* may anak na rin pala si Patrick. Sinabi niyang nasa mausoleum siya at kung gustong makuha ang card ng kaniyang condo ay pumunta ito sa kaniya. “Five minutes.” Sagot nito saka ibinaba ang tawag. Napapailing siya sa kaniyang sarili. Gusto niyang matawa at maiyak na rin. Kagaya ng sabi ni Patrick, limang minuto lang ay nakarating ito agad sa sementeryo at dumiretso sa mausoleum ni Yvonne. “Where’s the key?” Tanong agad ng lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie, dahan-dahan siyang tumayo. “Nasa kotse ang wallet ko.” Aniya. Naglakad siya at lumabas. Sumunod naman agad si Patrick. “Dito ka na naman matutulog?” Tanong ni Patrick. Sinulyapan niya saglit ang lalaki at mapait na ngumiti. “Bakit? Sasam

    Huling Na-update : 2025-02-16

Pinakabagong kabanata

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 187.2: Food

    Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig.Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin?Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?!Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie.“You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!”Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him.Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito.Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal niya i

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 187: Food

    Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 186.3: Curse His Name

    There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room. Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia. Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie. Nakapamulsa ang lalaki. Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura. Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin. If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin. Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin. Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil. “Does it still hurts?” Tanong nito n

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 186.2: Curse His Name

    Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 186: Curse His Name

    Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 185: Powder Room

    Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok. Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag. Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto. “What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mg

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 185.2: Powder Room

    It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 185: Powder Room

    Maliban kay Ysabela, si Agatha ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yvonne. Magpinsang buo sila, ang ina ni Agatha ay kapatid ng ama ni Yvonne. Halos sabay silang lumaki at hindi mapaghiwalay noong elementarya, ngunit dahil sa ibang bansa nagkolehiyo si Agatha, nawalan sila saglit ng koneksyon.Nitong nakaraang taon lamang sila ulit nagkita dahil bumalik ang babae para sa engagement nito. Mabuti at walang nagbago sa kanilang relasyon. Malapit pa rin sila sa isa’t isa.Nang makarating si Agatha sa restaurant ay nalukot agad ang maganda nitong mukha nang makita ang kaniyang buhok.Sinubukan niyang ngumiti.“Did you cut your hair?” Tanong agad ni Agatha.Hinawakan niya ang kaniyang buhok at nagtanong, “Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”“It looks different from before, but it looks good.” Sagot nito at saka naupo sa kaniyang harap.Maganda si Yvonne, ang kaniyang balat ay maputi ngunit hindi maputla. Natural na mapula ang kaniyang maliit na labi at ang magkabilang pisngi, matangos ang i

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 184.2: Lindsy

    Hinaplos ni Lindsy ang likod ni Archie. Dahil wala itong suot na pang-itaas, nakikita niya ang mga peklat nito sa likod. Magaspang iyon sa kaniyang palad at halos hindi niya makayanan na hawakan. Naramdaman niyang nanigas si Archie dahil sa kaniyang haplos. Ang likod nito ay punong-puno ng nakakadiring mga peklat at naghilom na sugat. Kumpara sa nakakaakit na mukha ni Archie, ang likod hito’y hindi halos maatim na tingnan ng mga tao. Ang totoo, nandidiri rin si Lindsy sa mga naghilom na sugat ni Archie, ngunit hindi niya iyon ipinapahalata kay Archie. Ayaw niyang isipin nito na kagaya rin siya ng ibang tao. Dahil sa nakaraan nito, nagagawa niyang kontrolin at paamuhin si Archie. Alam niyang walang ibang tatanggap sa lalaki, kung hindi siya at ang kaniyang pamilya. Kaya para kay Archie, isa iyong malaking utang na loob. Archie was very skilled and he treated me very well. What else could I ask for? Bulong ng kaniyang isip. Maayos siyang itrato ni Archie. Maganda ang kanilang pagsa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status