Sarkastiko itong ngumiti at may madilim na emosyon ang naglalaro sa mga mata ni Domingo.“Si Archie Garcia ang lalaking nagpabagsak sa mga Chua at Buenavista, hindi ba? Siya rin ang nasa likod ng pagbagsak ng Rivero’s Shipping Company.”Nabalitaan niya ang nangyari noong pagkakalugmok ng mga Garcia, at ang paghihigante nito sa mga pamilyang nagpahirap sa kanila. Ang mga nabanggit na mga pamilya ay pamilyar sa kaniya, ngunit hindi niya alam ang eksaktong nangyari para bumagsak ang bawat isa sa kanila.“He even wants to acquire the sugarmill in Ilocos del Sur. Naunahan ko lang siya. Ang alam ko, binibili niya maging ang mga lupain at ari-arian ng mga taong may kasalanan sa kaniya. He’s filthy rich. He has a good connection with powerful Mafia in Italy.”Saad ni Domingo na tila kilalang-kilala si Archie. Mukhang maraming alam si Domingo sa buhay ng kaibigan ni Greig.“Marami ang mga tauhan niya. Napasok nila ang mansyon. Tingin ko hindi rin naman ako matutulungan ng mga pulis kung sakali
Mayaman ang mga Corleone sa Sicily. Malaki ang tahanan ni Alessandra. Lagpas sampung kuwarto ang nasa ikalawa at ikatlong palapag. Kumpara sa kanilang mansyon, mas doble ang laki ng mansyon na ito. Kaya siguro kahit na mahirap ang mag-isa, mas pinipili nalang iyon ni Alessandra upang makasigurado na makukuha ni Eracle ang lahat ng pera’t kayamanan ng pamilyang Corleone pagsapit ng legal na edad nito. Pagkatapos niyang magbihis at kumain, muli niyang sinulyapan ang kaniyang cellphone. Hindi siya makakatuloy kaya hihintayin nalang niyang makatanggap ng mensahe galing kay Natasha. Dalawa sila sa problemang ito, kaya magkasama nilang lulutasin ang problema. Alas dos ng madaling araw, gising na gising pa siya at nakatulala sa bintana ng kuwarto at tinatanaw ang malaking buwan sa kalangitan. Nagring ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang binalingan iyon ng tingin at nakitang bagong numero iyon. Sinagot niya pa rin, at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. “Kadarating k
Hindi makatulog si Ysabela kahit na madaling araw na. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit hindi ang kaniyang isip. Nasa tabi siya ni Athalia at ayaw niya sanang magising ang kaniyang mga anak dahil sa paglilikot niya.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi niya. Bumaba siya ng kama at naglakad palabas ng kuwarto. Madilim na ang buong sala at kusina, ang tanging liwanag na lamang sa paligid ay nagmumula sa mga downright torch na nakadikit sa pader.Naglakad siya at tumuloy siya sa teresa, binuksan niya ang sliding door at itinulak iyon. Agad na umihip ang malamig na hangin papasok ng silid.Mula rito, matatanaw ang dikit-dikit na kabahayan ng mga Sicilian na nakatayo sa mabatong bahagi na malapit sa dagat. Maganda ang view ng hotel room dahil nakaharap sa dagat at tanaw ang kumunidad ng Sicily.Inilagay niya ang mga kamay sa ibabaw ng barandilya. Malungkot siyang ngumiti sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang madilim na karagatang nakalatag. Nagkikislapan ang daan
Nakita ni Greig ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Ysabela. Napaiwas ito ng tingin at lumamig ang ekspresyon ng mukha. Parang tinusok ng karayom ang kaniyang dibdib dahil sa naging reaksyon ng babae. Para sa kaniya, sila ang totoong pamilya. Anak niya si Athalia at Niccolò kaya pamilya silang maituturing. Kahit na wala na ang Lola ni Ysabela, may uuwian pa rin ito sa Pilipinas. At siya iyon. Ngayon niya napagtanto na ang tagal niyang hinintay na dumating ang araw na ito, na mabigyan siya ng pagkakataon na mahalin ng tama si Ysabela. Years of longing to hold her again. Bulong ng kaniyang isip. Ngunit natatakot siyang baka sa simpleng hawak palang ay mabasag na niya ang babae. Itinaas ni Ysabela ang tasa nito at uminom. Hindi na siya kinibo ng babae. Tanging pagtitig na lamang ang nagawa niya sa maamo nitong mukha. Sobrang hirap pala na maliban sa hindi ka maalala ng babaeng mahal mo, hindi ka rin kilala ng mga anak mo. Sa tuwing binabalikan ni Greig ang limang taon niyang pagdurus
Nagtagis ang bagang ni Ysabela. Tiningnan niya ng masama si Greig at humakbang siya palapit. Nawala ang takot at gulat, napalitan iyon ng matinding galit.“I don’t know anything about you Mr. Ramos, except for being a client to us. So, please, I hope this won’t confuse you. Wala kang karapatan na halikan ako.” Mariin niyang sabi.“Kaya sa susunod na gawin mo iyon, asahan mong dadapo na ang palad ko diyan sa mukha mo!”Tinalikuran niya si Greig. Nagngingitngit pa rin ang kaniyang loob-loob at hindi maunawaan kung bakit may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan.Bumalik siya sa kuwarto at madaling nahiga muli sa tabi ni Athalia. Mukhang hindi rin pala sila ligtas kung nasa puder sila ni Mr. Ramos.Hindi niya gusto na pinagsasamantalahan nalang lagi ng mga tao ang kaniyang kahinaan. Hindi niya alam kung kanino pa magtitiwala. Una, ilang taon siyang niloko ni Alhaj at ginawang t*ng*. Ngayon naman ay pagtatangkaan pa siyang bastusin ni Greig!Pumatak ang kaniyang mga luha. Gulong-gulo na siya,
Sh*t. Napapamura nalang talaga si Greig sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang laman ng kaniyang refrigerator. Ayaw niyang mapahiya kay Niccolò. Ngayon pa lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na magkausap at gumawa ng isang bagay na magkasama, tapos papalpak lang siya. Wala gaanong laman ang refrigerator sa kaniyang hotel room. Nakalimutan niyang magstock ng mga pagkain dahil nasanay siyang tumatawag nalang sa restaurant ng hotel para magpadala ng pagkain sa kaniya. Nakatayo sa kaniyang tabi si Niccolò, kuryuso ang mga mata at nagtataka kung bakit wala pa siyang inilalabas na lulutuin. “Ah.” He cleared his throat. “Naubos na ang bacon.” Aniya, medyo kabado. “I will try to call the restaurant so they can send us some food stock and ingredients we need.” Nagsalubong ang kilay ni Niccolò. “You don't have food here?” Tanong nito. Kumurap siya ng ilang beses. Kung pagkain lang, kaya niyang magpaakyat ng buffet kung iyon ang ang gusto ni Niccolò, pero wala siyang stock ng pagka
May kakaibang lungkot sa puso ni Greig habang pinagmamasdan si Niccolò na mag-ayos ng dining table.Napalaki ito ng tama ni Ysabela, kahit na wala siya sa tabi nito. Hindi maitatanggi na naging matagumpay na magulang si Ysabela sa pag-aaruga sa mga bata.Inilapag niya ang carbonara sa gitna ng mesa. Nagpaakyat rin siya ng ilan pang pagkain mula sa restaurant ng hotel, kaya medyo marami ang nakahanda ngayon sa mesa.“Nics?”Narinig niya ang boses ni Ysabela, nag-angat siya ng tingin at nakitang medyo magulo pa ang buhok nito, halatang kagigising lang.Sa tabi ni Ysabela ay si Athalia na nagkukusot pa ng mga mata.“Tong batang ‘to, akala ko kung saan na nagpunta.” Turan ni Ysabela.“Good morning, Mommy.” Lumapit si Niccolò, hinawakan ang kamay ni Ysabela at hinila.Sumunod si Athalia, pero nakasimangot.“Where's my good morning?” Nakabusangot na tanong ni Athalia na ang tingin ay diretso sa kaniyang kapatid.“Good morning, Athy.” Saad ni Niccolò.“Tito Greig cooked for our breakfast.” N
Tumango si Alhaj, nagpapasalamat sa tulong ni Domingo. “We really need a lot of men.” Aniya. Alam niyang maraming tauhan si Greig at Archie, kaya para makasigurado na may laban sila, kailangan nila ng maraming tauhan. “Walang problema sa mga taong tutulong sa iyo, Alhaj, kung may pera ka. Asahan mong nabibili ng pera ang katapatan at serbisyo ng mga tao rito sa Sicily. Hindi takot mamatay ang mga tao rito sa Sicily, Alhaj. Trabaho na nila ang pumatay… at mamatay.” Kyumpansang saad ni Domingo. “Kuya. Era’s here.” Singit ni Alessandra na nag-aalala sa kaniyang anak dahil naririnig ang kanilang pag-uusap. “Hindi naman niya naiintindihan, Ale.” Sagot ni Domingo. Mapagpaumanhin niyang tiningnan ang babae. Umiling lamang si Alessandra, hindi siya ang sinisisi kung hindi ang kapatid na masyadong bulgar sa pagsasalita. Tinapunan niya ng tingin si Era, inosinte ang bata at tila hindi nauunawaan ang kanilang pag-uusap. Kagaya ni Athalia at Niccolò, hindi rin lubos na nakakaunawa ng Tagalo
Sa’yo ako.Sa’yo ako.Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon.Anong sa akin pa rin siya?Imposible.Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig.Imposible.No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki.Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me?Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha?Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha.Maybe he is just making things up?Nakakainis.Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang nagluluto ng
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si