Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 138: Result

Share

Chapter 138: Result

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2024-12-28 23:26:09

Tatlong araw simula nang huling makita ni Bella si Mr. Ramos at Mr. Garcia ay nakatanggap naman siya ng imbitasyon galing kay Keith para sa simpleng brunch. Tinanggap niya ang imbitasyon sa pag-aakalang silang dalawa lamang ng babae, pero pagdating niya sa venue, kasama si Cadmus at Mr. Ramos.

Sinalubong pa siya ni Keith nang paakyat siya sa hagdan, at tuwang-tuwa ang babae dahil sa pagpunta niya.

“Good thing you came, Bella!” Yumakap ito sa kaniya.

Isang tipid na ngiti lamang ang kaniyang naging tugon sa babae. Madalas ay iniimbitahan naman siya ni Keith na kumain sa labas na silang dalawa lang kaya naisip niyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Ngunit mali pala siya.

Nasa rooftop sila ng isang malaking gusali kaya sumasabog sa hangin ang kaniyang buhok. Pilit niya iyong pinirmi nang maglakad sila palapit sa mesa kung nasaan sila ang asawa ni Keith at si Mr. Ramos.

“Buongiorno, Bella.” Bati ni Cadmus nang makalapit sila sa mesa.

Their table is good for four people only. Nasa may sul
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nakakaexite Ang bawat chapter I'm exited sa susunod na kabanata
goodnovel comment avatar
Anya Abarquez Ruloma Campus
Laging bîtin
goodnovel comment avatar
Abby G
ooooooooh noooooo! hahaha ang saya saya. na eexcite talaga ako Ms Author ... inaabangan ko talaga ang update mo ... moreeeee pretty pwleaaaaaaaaaseeeeee .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 138.2: Result

    Limang taon pa lang simula nang mawala si Ysabela. Imposibleng nakasal ito sa loob ng limang taon at nagkaroon agad ng mga anak. Hindi ba? “How old are they?” Diretso niyang tanong. Naglaho ang ngiti ni Bella, kumunot ang noo nito at sumeryoso ang tingin sa kaniya. “They are… still young.” Tanging nasabi nito. “Kambal ang anak ni Bella.” Sabad ni Keith. Binalingan niya ng tingin si Keith dahil sa sinabi nito. Kambal? “Hindi lang halata na kasal at pamilyado na si Bella dahil sobrang ganda pa rin, parang dalaga pa.” Ngiting sabi ni Keith. “Are we really gonna talk about my personal life now?” Sinubukan ni Bella na iwasan ang usapan na iyon, hindi siya komportable kapag pinag-uusapan ang kaniyang asawa at mga anak sa ganitong mga meeting. “How old are they?” Muling tanong ni Greig. Bakit ba napakakuryuso ni Mr. Ramos tungkol sa bagay na iyon? “They’re turning four.” Sagot niya para lang matigil na ang pagtatanong ng lalaki. Samantalang natigilan naman si Greig, saglit siyang

    Last Updated : 2024-12-29
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 138.3: Result

    Nakangiting sinalubong si Bella ni Alhaj nang nasa parking lot na siya. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil susunduin naman siya ng lalaki. “Are you done?” Tanong niya kay Alhaj nang lumapit ito sa kaniya. “Yes. Dumaan na rin ako sa paboritong café ni Athalia. She wants to eat blueberry cheesecake.” Sagot nito. Kahit kailan talaga, spoiled na spoiled ang kaniyang mga anak kapag narito si Alhaj. Kumapit siya sa braso ng lalaki at naglakad sila palapit sa sasakyan nito. Pinagbuksan siya ni Alhaj ng pinto at pumasok naman siya. Bukas ay aalis ng France si Alhaj para sa isang importanteng business conference. Dalawang araw ito sa France kaya bumili na ito ng mga bagong damit na dadalhin para hindi na kailangan na humanap ng mga damit sa France. Madalas kasi ay ilang araw din ang business conference at maghapon pa iyon, nasanay na silang kapag may mga ganoong okasyon ay sa Sicily na lamang sila namimili ng mga bagong suit na susuotin nito. Gusto niya sana itong samahan na mamil

    Last Updated : 2024-12-29
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 139: Twins

    Gabi na nang bumalik muli si Archie sa condo unit ni Greig. Dala na niya ang DNA result. Mga eksperto at pribadong doktor ang sumuri sa DNA sample ni Bella Rebato kaya malaki ang tiwala niya na kung anuman ang magiging resulta ng DNA test ay siyang katotohanan na magpapalaya kay Greig at Bella. Tahimik naman na umiinom ng alak si Greig sa kaniyang sofa at kanina pa hinihintay na dumating ang kaibigan. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, agad siyang bumaling ng tingin sa kung sino iyon. Pumasok si Archie, at sa kamay nito ay kapansin-pansin ang dala nitong itim na folder. “We already have the result.” Itinaas nito bahagya ang folder. Tumayo siya at lumapit sa lalaki. Inabot niya ang folder at tiningnan iyon, silyado pa, malinis at maayos ang hitsura. Sabay silang naglakad pabalik sa sofa. Naupo siya at tiningnan pa ng ilang saglit ang folder. Hindi naman siya dapat kabahan, pero kakaiba ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Huminga siya ng malalim bago abutin ang maliit

    Last Updated : 2024-12-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 139.2: Twins

    “Pwede ba huminahon ka muna, Natasha?” Hinilot ni Alhaj ang kaniyang sintido nang maramdaman na sumasakit na rin iyon dahil sa pag-pa-panic ni Natasha sa kabilang linya. “Paano ako hihinahon kung ilang araw na simula nang umalis si Greig at ngayon ko lang nalaman na sa Sicily pala siya pumunta? Paano Alhaj, ha? Paano?” Sigaw nito sa kabilang linya. Nagtagis ang kaniyang bagang. Hindi niya alam na narito si Greig. Hindi niya kailanman naisip na magtatagpo pa ulit ang mga landas nila dahil ilang ulit niyang iniwasan ang lalaki. Kahit na madalas siyang umuwi sa Pilipinas, hindi pa ulit sila nagkikita. “Calm down.” Huminga siya ng malalim. Hindi na iyon para kay Natasha, para na iyon sa kaniyang sarili dahil kinakabahan na rin siya sa mga posibilidad na maaaring mangyari. “He’s with Archie for sure. Paano kung makita niya si Ysabela? You should fly back to Switzerland!” Utos nito. Nilingon niya kung saan dinala ng dalawang nurse si Ysabela para tingnan ang kalagayan nito. Wa

    Last Updated : 2024-12-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 139.3: Twins

    Pero kung iyon ang tanging paraan para makaalala siya, magtitiis na lamang siya.May kakaibang emosyon sa puso ni Ysabela, samu’t saring emosyon, kabilang na ang pagdududa kay Alhaj.Hindi niya sinabi ang totoo na narinig niya ang lahat ng sinabi ng babaeng tumawag. Aniya, umaatake na kanina pa ang pananakit ng kaniyang ulo. Aksidente lang na nasagot ang tawag dahil naramdaman niyang nagba-vibrate iyon.Hindi na niya kailangan na manatili sa ospital dahil binigyan siya agad ng painkiller ng nurse na sumalubong sa kanila kanina sa emergency room.Nagtagal lang sila dahil sa hinintay ang neurologist para tingnan ang kalagayan ng kaniyang utak. Natatakot ang mga nurse na baka nagkaroon ng pamamaga kaya ganoon katindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Pagkatapos ng madaliang pagsusuri, nakita naman ng doktor na walang dugo o pamamaga. Maayos naman ang kalagayan ng kaniyang utak at ng mga ugat nito, kailangan lang na mas masuri pa ng mabuti para makita kung may iba pang nag-tri-trigger ng pana

    Last Updated : 2024-12-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 139.4: Twins

    Si Niccolò na lamang ang gising. “You want to drink milk, baby?” Masuyo niyang tanong. Umiling si Niccolò. Inayos nito ang kumot at tiningnan siya ng mataman. “I… I want to see you before I sleep.” Marahan nitong saad, nahihiya na umamin. Ngumiti siya. Lumapit siya sa higaan ni Niccolò at hinalikan ang noo nito. “You want me to read a book for you?” Umiling ito. “You are tired, Mommy.” Tiningnan niya ng mataman ang mukha ni Niccolò. Parang pinipiga ang kaniyang puso. Naalala niya noong birthday niya na umiyak siya sa harap ni Athalia at Niccolò dahil napansin niya ang kaibahan ng dalawa. Medyo hawig sa kaniya si Athalia, samantalang si Niccolò, pamilyar ang mukha, ngunit kakaiba ang hubog ng ilong, ang kapal ng kilay at ang mapanuring mga mata. “Am I making you uncomfortable, Niccolò?” Maingat niyang tanong. Simula nang gabing iyon, mas malaki na ang pagbabago ng pakikitungo ni Niccolò sa kaniya. Mag-aapat na taong gulang palang ito pero ramdam niyang mas malawak na ang pan

    Last Updated : 2024-12-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 140: Trust Me

    “Susunod ka sa kaniya, Natasha?” Nag-aalalang tanong ni Ada.Huminga ng malalim si Natasha, mabigat ang kaniyang dibdib at namumugto ang kaniyang mga mata. Alam niyang pipigilan siya ni Ada, ngunit buo na ang kaniyang loob na sumunod kay Greig sa Sicily.Hindi siya papayag na masira kung anuman ang nasimulan na niya. Kasalanan niya ito, kung hindi niya sana kinausap si Alhaj na itakas si Ysabela, wala na sanang sagabal sa kanila ngayon ni Greig.“I have to follow him, Ada. Masisiraan ako ng bait kung mananatili lang ako rito at hihintayin na bumalik siya sa akin kung kailan niya gusto.”“Nat…”“Please, Ada.” Binalingan niya ng tingin ang babae.Ayaw niya sanang makarinig ng kahit na anong pagtutol mula sa labi ng babae.“Hindi ko kaya na mawala sa akin si Greig. Hindi ngayon. Hindi kailanman.” May diin niyang saad.Huminga ng malalim si Ada, humakbang ito at inabot ang kaniyang kamay. Tiningnan ni Ada ang mga sugat sa kaniyang pulsuhan at malungkot na tumingin sa kaniya.Sa ilang taon

    Last Updated : 2024-12-31
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 140.2: Trust Me

    Bago sumakay ng eroplano, sinubukan muli ni Natasha na tawagan si Alhaj. Isapa ang lalaking ‘yon, napakawalang kwenta!Kung siya ang nasa kalagayan ni Alhaj, at kung si Greig ang nawalan ng alaala, sisiguraduhin niyang hindi na makakaalala si Greig. Kahit sa pinakadulong bahagi ng mundo, itatago niya si Greig para lang hindi ito mahanap ni Ysabela.That st*p*d Alhaj, wala ba siyang isip at hindi na lang kaladkarin paalis ng Sicily ang kaniyang asawa? Galit na bulong ng kaniyang isip.Ilang missed call na ang nagawa niya ngunit bigo pa rin siya. Anong oras na ba ngayon sa Sicily at hindi man lang sumasagot si Alhaj?!Padabog niyang hinila ang mga maleta nang marinig na aalis na ang eroplanong sasakyan.Mabilis siyang nagtipa ng mensahe dahil alam niyang hindi na siya maaaring gumamit ng telepono habang nasa himpapawid ang eroplano.To Alhaj:I’m going to Sicily. Huwag mong hahayaan na makalabas ng bahay niyo si Ysabela. Do something before it’s too late! Magkita tayo pagdating ko diya

    Last Updated : 2025-01-02

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 217.2: Daughter

    There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 217: Daughter

    Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 216.2: Years of Guilt

    Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 216: Years of Guilt

    The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 215.2: Warning

    "It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 215: Warning

    Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 214.4: Shares

    It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 214.3: Shares

    Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 214.2: Shares

    Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status