4 parts po and Chapter 134, 2 parts lang muna ang mailalapag ngayong gabi dahil ihinabol ko ang 2nd book ko. ps: Please kung hindi kayo openminded, stop judging. Kung ganito sitwasyon ni Ysabela, you cannot judge her. and another thing, don't demand naman na mag-update ako kung kailan niyo gusto at kung paano ang update. Una, ako writer. pangalawa, alam ko ginagawa ko. pangatlo, it's not helping na nakakapressure at nakakasakit mga comments niyo. Kung wala kang magandang sasabihin, don't comment. Lipat ka sa ibang books. magiging grateful pa po ako.
Hindi mapakali si Greig habang tinitingnan ang power point presentation ng kaniyang mga empleyado.Kahit anong pilit niya na makapagpokus, hindi niya magawa. Palagi pa rin sumasagi sa kaniyang isip ang litrato na kaniyang nakita.T*ng*n*ng Archie ‘yan! Sa oras pa talaga ng trabaho sa kaniya ipinadala ang l*nt*k na litrato.Hinilot niya ang kaniyang sintido. Nagtagis ang kaniyang bagang at saglit na pumikit. Tensyunado na ang mga empleyado dahil sa nakikita nilang reaksyon mula sa kaniya.Ang nagre-report sa harap ay pinagpapawisan na ng malamig.Ang lahat ng mga empleyado ay takot na takot kay Greig dahil napakabilis nitong magalit. Isang pagkakamali lang, sinisisante agad ng lalaki ang mga pumapalpak.Parang naging halimaw si Greig sa paningin ng kaniyang mga empleyado. Wala itong puso, walang awa, at lalong walang malasakit sa iba.Huling slide ng power point ay nagbukas ng mga mata si Greig. Ibinalik niya ang atensyon sa nagsasalita.Mamaya na niya iisipin si Ysabela.Nang matapos
“N-no, it’s okay.” Sagot nito. Inalis niya ang kaniyang sapatos at inilagay sa gilid ng hagdan ng silid. Saka siya pumasok at hindi na pinansin si Natasha. May sinabi ito sa manager bago sumunod sa kaniya. Naupo siya sa sahig at tiningnan ang nakahandang mga putahe sa mababang mesa. Lahat iyon Japanese food na siyang paboritong kainin ngayon ni Natasha. “How’s your day?” Maingat nitong tanong bago maupo sa kaniyang kanan. Sinulyapan niya saglit ang babae bago kumuha ang chopstick. “Fine. Yours?” “Ah, maayos naman.” Marahan nitong sagot. Nagsimula na siyang kumain, ngunit matabang ang lasa ng mga pagkain. Hindi niya gusto. O sadyang wala na siyang panlasa? Nabalot ng matinding katahimikan ang buong silid pagkatapos ng simpleng pag-uusap nila. Hindi maitatanggi ang awkward na atmospera. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa kaniya si Natasha, ngunit hindi nito maisatinig ang gustong sabihin. Ilang minuto lang ay bumukas muli ang pinto, pumasok ang manager dala ang isang mamahaling
Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ni Natasha nang lumabas ng silid si Greig. Wala na siyang lakas para habulin pa ito at pigilang umalis. Hindi na kaya ng kaniyang puso na maging manhid nalang sa sakit na ipinaparamdam sa kaniya ni Greig.Magtatatlong taon na silang kasal, pero hindi siya kailanman itinuring bilang kabiyak ng lalaki. Mas madalas pa ito sa opisina kaysa sa kanilang bahay. Mas marami pa ang oras nito sa trabaho kaysa sa kaniya.Ilang beses niyang sinubukan na intindihin ang lalaki, pero nasasaktan pa rin siya sa huli sa tuwing nakikita niya ang pambabaliwala sa kaniya ni Greig.Kaya nang minsan na magrebelde siya, akala niya’y masasaktan niya si Greig. Iyon pala, nandiri lamang lalo sa kaniya ang lalaki.Stupid of me to believe that he would get jealous. Kastigo niya sa sarili.Ngayon ay iyon pa ang naging dahilan ni Greig para iwasan siya, para mas lalong lumayo sa kaniya.Akala niya nagtagumpay na siya na alisin sa landas nila si Ysabela, iyon pala, magiging anino
“Bella!” Sigaw ni Keith nang makita siyang pababa ng hagdan.Tiningnan niya ang babae at saka ngumiti.“May mga bagong machinery sa taas?” Tanong niya sa babae nang maglakad siya palapit.Sinalubong naman siya nito.“Well, yes. Pero hindi pa iyon naaayos kaya baka sa sunod na linggo na ‘yon magagamit ng mga workers.”Madalas ay umaakyat siya para tingnan ang mga natapos nang produkto nang makita niya kung maayos ang pagkakagawa. Dalawang klase ng mga muwebles ang ginagawa ng kanilang kompanya. Una, ay ‘yong mga gawa sa matigas at dekalidad na kahoy. Pangalawa, iyong gawa sa plastic na para naman sa masa.Nakapokus ang kaniyang mga desinyo sa woodworks, kaya kailangan na bisitahin madalas ang produkto para matingnan kung nasunod ng maayos ang kaniyang mga desinyo.“But that’s good. Kung may mga bagong machinery, ibigsabihin magdadagdag tayo ng workers, hindi ba?”Ngumiti sa kaniya si Keith.“Definitely. Nakapagpost na ang office ng job hiring, kaya baka sa sunod na linggo magsimula na
Tumitig sa kaniya ng mariin ang lalaki. Naglakbay ang tingin nito mula sa kaniyang mga mata, patungo sa kaniyang ilong, pababa sa kaniyang labi, hanggang sa kaniyang leeg. “I’m Bella Jimenez, Sir.” Siya na ang naglahad ng kamay sa kliyente at magalang na ngumiti. Nagbaba ito ng tingin sa nakalahad niyang kamay. Hindi agad iyon tinanggap ng lalaki, napatulala pa ito, dahilan para tumikhim ng marahan si Archie sa tabi nito. Tila nahimasmasan naman ito dahil sa simpleng pagtikhim ni Archie. Inabot nito ang kaniyang kamay. He gently shook it. Nang bawiin na niya ang kaniyang kamay, sinundan pa iyon ng tingin ni Mr. Ramos, tila nagtataka kung bakit binawi niya. Samantalang hindi alam ni Greig ang kaniyang mararamdaman. Kamukhang-kamukha ni Ysabela ang babaeng nasa kaniyang harap. Mula sa hubog ng mukha, sa kulay ng mga mata, sa tangos ng ilong, sa korte ng mapupulang labi, at sa maputi at medyo mahabang leeg. Para lamang siyang nakakita ng xerox copy ni Ysabela. Kaya hindi siya
Nakahanda na ang mga desinyong ipapadala ni Bella sa email address ni Mr. Ramos. Kagaya ng kaniyang plano, ngayong hapon niya balak ibigay ang mga dating desinyo para makita at mapag-aralan ng mabuti.Nakatingin siya sa kaniyang laptop habang nirereview pa ang mga design nang makatanggap ng mensahe galing sa telegram. Nang tingnan niya ang pangalang naroon, Greig Ramos ang pangalan ng account. Umayos siya ng upo bago e-click ang mensahe nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ng lalaki ang kaniyang telegram samantalang napag-usapan naman nilang sa email na lamang ipapadala ang mga importanteng mensahe.Greig Ramos:I asked my designer team to review your portfolio. Can I ask for more set of designs?Agad siyang nagtipa ng reply. Parang hindi naman masyadong pormal ang pag-approach ni Mr. Ramos kaya hindi na siya naglagay ng mahaba pang introduction.Bella Jimenez:Yes, Mr. Ramos. I will send an older set of designs in your email right away.Agad siyang pumunta sa kaniyang email at h
“The first time I saw her, I remembered Ysabela’s face immediately. But she couldn’t remember me. Pakiramdam ko, may kailangan pa tayong malaman sa pagkatao niya.” “The DNA of the corpse matched Ysabela’s DNA. Si Christoff pa ang inutusan ko na ipacheck iyon para makasigurado na si Ysabela nga ang natagpuang bangkay.” Inabot ni Greig ang inumin at agad na tinungga. Naglakbay ang mapait at malamig na alak sa kaniyang lalamunan at hinagod ang naninikip niyang dibdib. “The result was 99% sure that it was Ysabela. Pangalawang beses na iyong DNA result kaya naniwala ako, pero ngayon na nakita ko ang babaeng ‘yon… I’m starting to doubt everything.” “There’s a lot of things that we should investigate. First, let’s get a DNA test of Bella.” Siya mismo ang maglalakad para makuha ang resulta kung match ang dalawa. “Then, if it matches Ysabela's, we have to find out how was she able to escape from her kidnapper? At paano napeke ang pagkamatay niya? Paano siya nakarating sa Sicily? Bakit ti
Tatlong araw simula nang huling makita ni Bella si Mr. Ramos at Mr. Garcia ay nakatanggap naman siya ng imbitasyon galing kay Keith para sa simpleng brunch. Tinanggap niya ang imbitasyon sa pag-aakalang silang dalawa lamang ng babae, pero pagdating niya sa venue, kasama si Cadmus at Mr. Ramos.Sinalubong pa siya ni Keith nang paakyat siya sa hagdan, at tuwang-tuwa ang babae dahil sa pagpunta niya.“Good thing you came, Bella!” Yumakap ito sa kaniya.Isang tipid na ngiti lamang ang kaniyang naging tugon sa babae. Madalas ay iniimbitahan naman siya ni Keith na kumain sa labas na silang dalawa lang kaya naisip niyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Ngunit mali pala siya.Nasa rooftop sila ng isang malaking gusali kaya sumasabog sa hangin ang kaniyang buhok. Pilit niya iyong pinirmi nang maglakad sila palapit sa mesa kung nasaan sila ang asawa ni Keith at si Mr. Ramos.“Buongiorno, Bella.” Bati ni Cadmus nang makalapit sila sa mesa.Their table is good for four people only. Nasa may sul
“Yvonne.”“Tama na. Tama na, please.” Sinubukan pumiksi ni Yvonne nang hawakan ito ni Archie.Pumasok si Archie sa kuwarto dahil nawalan ng kuryente.Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niyang nanginginig sa takot si Yvonne. Naupo siya sa kama. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Yvonne para kunin ang atensyon nito.“T-tama na. A-ayaw ko na. H-huwag niyo kong saktan!”“Yvonne.”Umiiling ito habang nakapikit ng mariin. Tinatakpan nito ang magkabilang tainga at tila may nananakit sa babae kahit wala naman.“Yvonne!” Mas malakas niyang tawag sa pangalan nito.Niyugyog niya si Yvonne. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata dahil sa kaniyang ginawa. Natigilan siya nang makitang hilom ng luha ang mga mata at puno ng takot. Kumidlat at lumiwanag sa labas.Nakita nito ang kaniyang mukha sa kaunting liwanag na dala ng kidlat.Humagulhol si Yvonne kasabay nang paglapit nito para yakapin siya ng mahigpit. Nanigas siya nang pumalibot ang dalawang kamay ng babae sa kaniyang bewang. Ibinaon
Lindsy couldn't sleep that night. Pakiramdam niya, may maling nangyayari. Kagabi, sinubukan niyang surpresahin si Archie sa condo nito. Madalas, sa condo ito natutulog kapag hindi sa isang apartment.Ngunit wala si Archie sa condo. Hindi niya rin ito macontact. Palaging out of coverage area ang numero nito nang mga nagdaang gabi.Hindi niya pa nakakalimutan si Yvonne. Ang babaeng ‘yon! May plano pa itong agawin sa kaniya si Archie.Alam niyang may isang salita si Archie. Kagaya ng plano nila, pakakasalan siya nito. Siya ang magiging kabiyak nito sa habang-buhay, ngunit alam niyang hindi sila parehong emotionally invested sa isa't isa. Alam niyang gagawin lamang iyon ni Archie dahil sa mga naitulong niya at ng kaniyang pamilya.Isang babae lamang ang sineryoso at minahal ng totoo ni Archimedes Garcia. Kaya hindi niya gustong malaman na nakikipaglaro si Archie sa dating nobya nito.Why he do that?!Hindi ba't naghihiganti ito sa mga taong nang-api at nagpahirap sa pamilya nito? Hindi m
Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig. Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin? Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?! Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie. “You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!” Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him. Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito. Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal
Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s
There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room. Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia. Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie. Nakapamulsa ang lalaki. Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura. Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin. If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin. Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin. Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil. “Does it still hurts?” Tanong nito n
Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.
Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n
Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok. Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag. Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto. “What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mg
It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin