“Bella!” Sigaw ni Keith nang makita siyang pababa ng hagdan.Tiningnan niya ang babae at saka ngumiti.“May mga bagong machinery sa taas?” Tanong niya sa babae nang maglakad siya palapit.Sinalubong naman siya nito.“Well, yes. Pero hindi pa iyon naaayos kaya baka sa sunod na linggo na ‘yon magagamit ng mga workers.”Madalas ay umaakyat siya para tingnan ang mga natapos nang produkto nang makita niya kung maayos ang pagkakagawa. Dalawang klase ng mga muwebles ang ginagawa ng kanilang kompanya. Una, ay ‘yong mga gawa sa matigas at dekalidad na kahoy. Pangalawa, iyong gawa sa plastic na para naman sa masa.Nakapokus ang kaniyang mga desinyo sa woodworks, kaya kailangan na bisitahin madalas ang produkto para matingnan kung nasunod ng maayos ang kaniyang mga desinyo.“But that’s good. Kung may mga bagong machinery, ibigsabihin magdadagdag tayo ng workers, hindi ba?”Ngumiti sa kaniya si Keith.“Definitely. Nakapagpost na ang office ng job hiring, kaya baka sa sunod na linggo magsimula na
Tumitig sa kaniya ng mariin ang lalaki. Naglakbay ang tingin nito mula sa kaniyang mga mata, patungo sa kaniyang ilong, pababa sa kaniyang labi, hanggang sa kaniyang leeg. “I’m Bella Jimenez, Sir.” Siya na ang naglahad ng kamay sa kliyente at magalang na ngumiti. Nagbaba ito ng tingin sa nakalahad niyang kamay. Hindi agad iyon tinanggap ng lalaki, napatulala pa ito, dahilan para tumikhim ng marahan si Archie sa tabi nito. Tila nahimasmasan naman ito dahil sa simpleng pagtikhim ni Archie. Inabot nito ang kaniyang kamay. He gently shook it. Nang bawiin na niya ang kaniyang kamay, sinundan pa iyon ng tingin ni Mr. Ramos, tila nagtataka kung bakit binawi niya. Samantalang hindi alam ni Greig ang kaniyang mararamdaman. Kamukhang-kamukha ni Ysabela ang babaeng nasa kaniyang harap. Mula sa hubog ng mukha, sa kulay ng mga mata, sa tangos ng ilong, sa korte ng mapupulang labi, at sa maputi at medyo mahabang leeg. Para lamang siyang nakakita ng xerox copy ni Ysabela. Kaya hindi siya
Nakahanda na ang mga desinyong ipapadala ni Bella sa email address ni Mr. Ramos. Kagaya ng kaniyang plano, ngayong hapon niya balak ibigay ang mga dating desinyo para makita at mapag-aralan ng mabuti.Nakatingin siya sa kaniyang laptop habang nirereview pa ang mga design nang makatanggap ng mensahe galing sa telegram. Nang tingnan niya ang pangalang naroon, Greig Ramos ang pangalan ng account. Umayos siya ng upo bago e-click ang mensahe nito. Hindi niya alam kung paano nalaman ng lalaki ang kaniyang telegram samantalang napag-usapan naman nilang sa email na lamang ipapadala ang mga importanteng mensahe.Greig Ramos:I asked my designer team to review your portfolio. Can I ask for more set of designs?Agad siyang nagtipa ng reply. Parang hindi naman masyadong pormal ang pag-approach ni Mr. Ramos kaya hindi na siya naglagay ng mahaba pang introduction.Bella Jimenez:Yes, Mr. Ramos. I will send an older set of designs in your email right away.Agad siyang pumunta sa kaniyang email at h
“The first time I saw her, I remembered Ysabela’s face immediately. But she couldn’t remember me. Pakiramdam ko, may kailangan pa tayong malaman sa pagkatao niya.” “The DNA of the corpse matched Ysabela’s DNA. Si Christoff pa ang inutusan ko na ipacheck iyon para makasigurado na si Ysabela nga ang natagpuang bangkay.” Inabot ni Greig ang inumin at agad na tinungga. Naglakbay ang mapait at malamig na alak sa kaniyang lalamunan at hinagod ang naninikip niyang dibdib. “The result was 99% sure that it was Ysabela. Pangalawang beses na iyong DNA result kaya naniwala ako, pero ngayon na nakita ko ang babaeng ‘yon… I’m starting to doubt everything.” “There’s a lot of things that we should investigate. First, let’s get a DNA test of Bella.” Siya mismo ang maglalakad para makuha ang resulta kung match ang dalawa. “Then, if it matches Ysabela's, we have to find out how was she able to escape from her kidnapper? At paano napeke ang pagkamatay niya? Paano siya nakarating sa Sicily? Bakit ti
Tatlong araw simula nang huling makita ni Bella si Mr. Ramos at Mr. Garcia ay nakatanggap naman siya ng imbitasyon galing kay Keith para sa simpleng brunch. Tinanggap niya ang imbitasyon sa pag-aakalang silang dalawa lamang ng babae, pero pagdating niya sa venue, kasama si Cadmus at Mr. Ramos.Sinalubong pa siya ni Keith nang paakyat siya sa hagdan, at tuwang-tuwa ang babae dahil sa pagpunta niya.“Good thing you came, Bella!” Yumakap ito sa kaniya.Isang tipid na ngiti lamang ang kaniyang naging tugon sa babae. Madalas ay iniimbitahan naman siya ni Keith na kumain sa labas na silang dalawa lang kaya naisip niyang ganoon din ang mangyayari ngayon. Ngunit mali pala siya.Nasa rooftop sila ng isang malaking gusali kaya sumasabog sa hangin ang kaniyang buhok. Pilit niya iyong pinirmi nang maglakad sila palapit sa mesa kung nasaan sila ang asawa ni Keith at si Mr. Ramos.“Buongiorno, Bella.” Bati ni Cadmus nang makalapit sila sa mesa.Their table is good for four people only. Nasa may sul
Limang taon pa lang simula nang mawala si Ysabela. Imposibleng nakasal ito sa loob ng limang taon at nagkaroon agad ng mga anak. Hindi ba? “How old are they?” Diretso niyang tanong. Naglaho ang ngiti ni Bella, kumunot ang noo nito at sumeryoso ang tingin sa kaniya. “They are… still young.” Tanging nasabi nito. “Kambal ang anak ni Bella.” Sabad ni Keith. Binalingan niya ng tingin si Keith dahil sa sinabi nito. Kambal? “Hindi lang halata na kasal at pamilyado na si Bella dahil sobrang ganda pa rin, parang dalaga pa.” Ngiting sabi ni Keith. “Are we really gonna talk about my personal life now?” Sinubukan ni Bella na iwasan ang usapan na iyon, hindi siya komportable kapag pinag-uusapan ang kaniyang asawa at mga anak sa ganitong mga meeting. “How old are they?” Muling tanong ni Greig. Bakit ba napakakuryuso ni Mr. Ramos tungkol sa bagay na iyon? “They’re turning four.” Sagot niya para lang matigil na ang pagtatanong ng lalaki. Samantalang natigilan naman si Greig, saglit siyang
Nakangiting sinalubong si Bella ni Alhaj nang nasa parking lot na siya. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil susunduin naman siya ng lalaki. “Are you done?” Tanong niya kay Alhaj nang lumapit ito sa kaniya. “Yes. Dumaan na rin ako sa paboritong café ni Athalia. She wants to eat blueberry cheesecake.” Sagot nito. Kahit kailan talaga, spoiled na spoiled ang kaniyang mga anak kapag narito si Alhaj. Kumapit siya sa braso ng lalaki at naglakad sila palapit sa sasakyan nito. Pinagbuksan siya ni Alhaj ng pinto at pumasok naman siya. Bukas ay aalis ng France si Alhaj para sa isang importanteng business conference. Dalawang araw ito sa France kaya bumili na ito ng mga bagong damit na dadalhin para hindi na kailangan na humanap ng mga damit sa France. Madalas kasi ay ilang araw din ang business conference at maghapon pa iyon, nasanay na silang kapag may mga ganoong okasyon ay sa Sicily na lamang sila namimili ng mga bagong suit na susuotin nito. Gusto niya sana itong samahan na mamil
Gabi na nang bumalik muli si Archie sa condo unit ni Greig. Dala na niya ang DNA result. Mga eksperto at pribadong doktor ang sumuri sa DNA sample ni Bella Rebato kaya malaki ang tiwala niya na kung anuman ang magiging resulta ng DNA test ay siyang katotohanan na magpapalaya kay Greig at Bella. Tahimik naman na umiinom ng alak si Greig sa kaniyang sofa at kanina pa hinihintay na dumating ang kaibigan. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, agad siyang bumaling ng tingin sa kung sino iyon. Pumasok si Archie, at sa kamay nito ay kapansin-pansin ang dala nitong itim na folder. “We already have the result.” Itinaas nito bahagya ang folder. Tumayo siya at lumapit sa lalaki. Inabot niya ang folder at tiningnan iyon, silyado pa, malinis at maayos ang hitsura. Sabay silang naglakad pabalik sa sofa. Naupo siya at tiningnan pa ng ilang saglit ang folder. Hindi naman siya dapat kabahan, pero kakaiba ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Huminga siya ng malalim bago abutin ang maliit
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring