“I’d be off to work the whole day, but since Daddy’s already here,” nilingon niya si Alhaj. “He will look after the two of you. So don’t be naughty, kiddos.” Bilin niya. Madalas kapag galing sa trip si Alhaj, dalawa hanggang tatlong araw ito kung magpahinga sa bahay bago bumalik ulit sa trabaho. Iyon na rin ang panahon para bumawi ang lalaki sa kanilang mga anak. “Nakapag-schedule na ako ng appointment mamayang hapon.” Saad ng lalaki na nagpatigil sa kaniya. Nilingon niya muli si Alhaj at kinunutan ng noo. Nag-tagalog na ito para hindi maintindihan ng mga bata ang kaniyang sinabi. “Hindi ba sinabi ko naman na—” “Kailangan, Bella.” May diin nitong sabi. “Ngayon lang naman, baka kailangan nang palitan ang gamot na inireseta sa iyo.” “Alj…” Nag-iwas ito ng tingin, kaya naman napabuntong-hininga na lamang siya. Mukhang desidido na itong patingnan ang kalagayan niya kaya wala na siyang magagawa kahit hindi naman na dapat. “Fine.” Mahina niyang saad. “Sige na, magpapaalam ako ma
Bago itulak ang pinto ng sasakyan ay binalingan niya ng tingin si Alhaj. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.“Baka ma-late ako sa pag-uwi, but I will send you a message kapag pauwi na ako.” Saad niya.Dahan-dahan na bumaling sa kaniya ang lalaki at tumango.Galing sila kay Dr. Greco, maayos naman ang check up niya at maliban sa ilang painkiller na reseta ay wala nang ibang binigay sa kanila ang doktor, pero kanina niya pa napapansin ang pagiging tahimik ni Alhaj.“Tell Athy and Nics to sleep early. Huwag na nila akong hintayin.”Tumango ang lalaki at lumapit para halikan ang kaniyang pisngi.“Just say hi to Keith for me.” Mahina nitong sabi, tila walang gana at lakas.Hindi niya gustong kwestyunin ang lalaki dahil hahaba lamang ang kanilang usapan, mas lalo lamang siyang mahuhuli sa usapan nila ni Keith kaya pilit niyang binaliwala ang pagtataka sa pananamlay nito.Itinulak niya ang pinto saka lumabas. Hindi na niya muling nilingon ang sasakyan dahil tuloy-tuloy siyang pumaso
Natawa ng marahan si Keith.“Of course, if that’s what you want.”Naglakad ang tatlo palapit sa kanila. Ihinanda naman niya ang sarili, puminta na sa kaniyang labi ang magandang ngiti.Natigilan ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang mapatingin sa kaniya. Nakalapit na si Keith at Cadmus ay nanatili pa rin ang lalaki kung saan ito tumigil.Lumingon si Keith, nagtataka na naiwan si Archie.“Archie?” Tawag ni Cadmus sa kaibigan.Napakurap ang lalaki, pagkaraan ay humakbang ito ng dahan-dahan at sumunod na kayna Keith. Tumigil sa kanilang tapat ang lalaki, ngunit hindi maalis ang tingin nito sa kaniya.“Good evening, Mr. Garcia.” Bati ni Dior.“Good evening, Mr. Garcia.” Sabay nilang bati ni Martha.“By the way, these are my top designers. This is Dior Basquez, Bella Jimenez and Martha Branciforte.” Pakilala ni Keith sa kanila.“This is Archimedes Garcia.” Pakilala naman nito sa lalaki. Naglahad agad ng kamay si Dior para sa lalaki, tinanggap iyon ni Mr. Garcia ngunit sumu
Sandali lamang ang kasiyahan na naganap. Kasabay ng pagdiriwang sa kaniyang birthday, ay ang pagdiriwang na rin dahil sa pagiging investor ni Mr. Garcia.Saglit na inuman, kwentuhan, at group photo na rin, pagkatapos ay nagpaalam na siya kay Keith.“Baka hinihintay pa ako ni Athalia at Niccolò.” Sabi niya.“You already have kids?” Nakakunot-noong tanong ni Mr. Garcia nang marinig ang pagpapaalam niya.“Ah, y-yes, Mr. Garcia.” Sagot niya.Medyo nahihilo na rin siya sa dami ng nainom. Ayaw niyang umuwi na lasing.“Sino ang maghahatid sa iyo? May susundo ba?”“Ah,” nilingon niya si Dior. Kay Dior sana siya sasabay pauwi.“Sasabay ako kay Dior.” Sagot niya.“Let me take you home, instead.” Alok ng lalaki.Kumunot ang kaniyang noo. Nahihiya siyang ngumiti at umiling.“Hindi, hindi na, Mr. Garcia. Thank you for the offer, pero kay Dior nalang ako sasabay.”“Mag-ingat kayo ni Dior.” Ani Keith.Ngumiti siya at agad na lumapit kay Dior na ngayon ay abala sa pagkain ng dessert. Hinawakan niya i
Nagi-guilty din naman siya sa tuwing tinatanggihan niya si Alhaj. Alam niyang may pangangailangan ang lalaki at hindi niya iyon kayang punan dahil sa kaniyang pagdududa sa sarili. Hindi pa siya handa sa bagay na iyon. Hindi niya pa kayang ibigay ang sarili. May tiwala siya kay Alhaj, sa tagal ng pagsasama nila, walang masamang ginawa sa kaniya ang lalaki. Purong kabutihan lamang ang pinakita ni Alhaj. Lately, sinusubukan ng lalaki na halikan siya, pumapayag naman siya, pero kapag nararamdaman niyang patungo na sila sa p********k, lumalayo na siya agad. “I’m sorry.” Mahina niyang sabi bago talikuran ang lalaki. Mabuting tao ang kaniyang asawa, pero bakit ganoon? Kahit anong gawin niya, hindi niya maibigay ng buo ang kaniyang sarili kay Alhaj. Maraming taon nang nagtitiis si Alhaj dahil sa kalagayan niya. Mahaba na ang apat na taon para maghintay na maging handa siya. Kaya mauunawaan niya kung magtatampo sa kaniya ang lalaki. Pagkatapos niyang maligo, nasa kama na si Alhaj. Kagaya
Hindi mapakali si Greig habang tinitingnan ang power point presentation ng kaniyang mga empleyado.Kahit anong pilit niya na makapagpokus, hindi niya magawa. Palagi pa rin sumasagi sa kaniyang isip ang litrato na kaniyang nakita.T*ng*n*ng Archie ‘yan! Sa oras pa talaga ng trabaho sa kaniya ipinadala ang l*nt*k na litrato.Hinilot niya ang kaniyang sintido. Nagtagis ang kaniyang bagang at saglit na pumikit. Tensyunado na ang mga empleyado dahil sa nakikita nilang reaksyon mula sa kaniya.Ang nagre-report sa harap ay pinagpapawisan na ng malamig.Ang lahat ng mga empleyado ay takot na takot kay Greig dahil napakabilis nitong magalit. Isang pagkakamali lang, sinisisante agad ng lalaki ang mga pumapalpak.Parang naging halimaw si Greig sa paningin ng kaniyang mga empleyado. Wala itong puso, walang awa, at lalong walang malasakit sa iba.Huling slide ng power point ay nagbukas ng mga mata si Greig. Ibinalik niya ang atensyon sa nagsasalita.Mamaya na niya iisipin si Ysabela.Nang matapos
“N-no, it’s okay.” Sagot nito. Inalis niya ang kaniyang sapatos at inilagay sa gilid ng hagdan ng silid. Saka siya pumasok at hindi na pinansin si Natasha. May sinabi ito sa manager bago sumunod sa kaniya. Naupo siya sa sahig at tiningnan ang nakahandang mga putahe sa mababang mesa. Lahat iyon Japanese food na siyang paboritong kainin ngayon ni Natasha. “How’s your day?” Maingat nitong tanong bago maupo sa kaniyang kanan. Sinulyapan niya saglit ang babae bago kumuha ang chopstick. “Fine. Yours?” “Ah, maayos naman.” Marahan nitong sagot. Nagsimula na siyang kumain, ngunit matabang ang lasa ng mga pagkain. Hindi niya gusto. O sadyang wala na siyang panlasa? Nabalot ng matinding katahimikan ang buong silid pagkatapos ng simpleng pag-uusap nila. Hindi maitatanggi ang awkward na atmospera. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa kaniya si Natasha, ngunit hindi nito maisatinig ang gustong sabihin. Ilang minuto lang ay bumukas muli ang pinto, pumasok ang manager dala ang isang mamahaling
Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ni Natasha nang lumabas ng silid si Greig. Wala na siyang lakas para habulin pa ito at pigilang umalis. Hindi na kaya ng kaniyang puso na maging manhid nalang sa sakit na ipinaparamdam sa kaniya ni Greig.Magtatatlong taon na silang kasal, pero hindi siya kailanman itinuring bilang kabiyak ng lalaki. Mas madalas pa ito sa opisina kaysa sa kanilang bahay. Mas marami pa ang oras nito sa trabaho kaysa sa kaniya.Ilang beses niyang sinubukan na intindihin ang lalaki, pero nasasaktan pa rin siya sa huli sa tuwing nakikita niya ang pambabaliwala sa kaniya ni Greig.Kaya nang minsan na magrebelde siya, akala niya’y masasaktan niya si Greig. Iyon pala, nandiri lamang lalo sa kaniya ang lalaki.Stupid of me to believe that he would get jealous. Kastigo niya sa sarili.Ngayon ay iyon pa ang naging dahilan ni Greig para iwasan siya, para mas lalong lumayo sa kaniya.Akala niya nagtagumpay na siya na alisin sa landas nila si Ysabela, iyon pala, magiging anino
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila.Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya.Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya.Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya?Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom.T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin.Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw.Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapaan sa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring