“I’m with the driver, Von. Hindi mo na ako kailangan ihatid.” Tumayo siya at sumunod naman si Yvonne. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam na. Ngumiti lang sa kaniya ang babae. Naglakad siya paalis ng cafe, malayo palang ay natanaw na niya ang driver na bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. “Tumawag si Lora, Ma’am. Nakauwi na raw si Sir Greig.” Balita nito sa kaniya. Binuksan niya ang cellphone, walang mensahe o tawag. Hindi na siya inabisuhan ni Patrick. Nagkarera ang kaniyang dibdib. “Umuwi na tayo, Manong.” Aniya. Naniwala siya kay Patrick nang sabihin nito na nawalan ng malay si Greig dahil sa kalasingan. Naniwala din siyang dumudugo ang sugat nito. Nag-alala siya, pero ibinaon niya ang pag-aalala sa pinakailalim ng kaniyang puso. Kung nakauwi na si Greig, ibigsabihin ay maayos na ito, hindi ba? Pero mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang matanaw na niya ang malaking gate ng villa ni Greig. Gusto na niyang bumaba at tingnan kung ano ang kalaga
Tulala si Ysabela nang makapasok sa kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo.Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagkahilog ng kaniyang mga luha. Kahit anong pagkukunwari, may epekto pa rin talaga si Greig sa kaniya.Kahit Anong pilit niyang magkunwari na matapang at matatag, kapag mag-isa nalang siya, ramdam niya ang matinding sakit sa kaniyang dibdib.Muli ay pinunasan niya ang mga luha.Stop crying will you?Patuloy sa pagbuhos ang kaniyang mga luha at patuloy naman ang kaniyang pagpunas. Nilulunok niya ang mga hikbing gustong kumawala.Kailangan niyang maging matatag sa desisyong ito. Hindi pwedeng ngayon pa lang ay panghinaan na siya.Tinakpan niya ang bibig nang mas lumakas ang kaniyang pag-iyak.Why are you crying? Reklamo niya.Why am I even crying?Ngayon niya napagtanto na hindi pala talaga madaling ibaon nalang sa limut ang nararamdaman niya.Humiga siya sa kama at hinayaan na ang kaniyang sarili na iyakan ang mga bagay-bagay.Bakit hindi?Paano
Ibinaba ni Natasha ang kaniyang kubyertos. Bumaling siya ng tingin kay Greig. “I have an appointment with Dra. Menso, k-kung hindi ka pupunta ngayong umaga sa trabaho, baka pwede mo ‘kong samahan.” Malumanay nitong saad. Ysabela uncomfortably shifted on her seat. Nakatutok ang kaniyang tingin sa pagkain at ayaw sanang pansinin si Greig at Natasha pero masyadong sensitibo ang kaniyang pandinig. “Where’s Ada?” “I’m scared, Greig. It’s just an appointment, titingnan lang ni Dra. Menso ang kalagayan ko. Please, come with me.” May pagmamakaawa nitong sabi. “I cannot come with you, Nat. Ysabela and I have something to do.” Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ni Greig. Si Natasha ang una niyang nakita, nakakunot ang noo nito at may dumaang sakit sa mga mata nito. Unti-unti niyang nilingon si Greig, nakatingin ito sa kaniya at tila hinihintay lamang na tapunan niya ito ng tingin. “Come on, Nat. Let’s go, ako na ang maghahatid sa iyo kay Dra. Menso.” Ani Patrick. Nagbaba
“Good morning, Sir.” Bati ng staff nang makita nito si Greig.Marahan na nakasunod si Ysabela sa lalaki, at madalas ang pagtingin sa mga muwebles at dekorasyon sa hall.“Is everything ready?” Tanong ni Greig.“Yes, right this way.”Naunang maglakad ang babaeng staff kaya lumingon sa kaniya si Greig, napansin nito ang pagsuyod niya ng tingin sa lugar.“Let’s go?” Mataman nitong tanong.Binalingan niya ng tingin ang lalaki. Hindi niya napansin na masyado na siyang nawiwili sa pagpuna ng mga bulaklak at halaman.“Are those real?” Itinuro niya ang mga naglalakihang dahon sa isang sulok. Mukhang totoo iyon at hindi synthetic.“Of course, Ysabela.” Sagot ni Greig saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakaturo sa halaman.Bago niya pa mabawi ang kamay, nakapaglakad na ito at sumunod sa babaeng staff.Nilingon niya pa saglit ang naglalakihang halaman.Pagkalabas ng reception hall, bumati agad sa kaniyang paningin ang mga baging. Nag-angat siya ng tingin sa mga halaman at bulaklak na nakasabit
“Ysabela!” Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sigaw ni Greig. Muli ay dinampot niya ang rosas at inilagay sa basket. Ininda niya ang mahapding sugat lalo pa't muli niyang narinig ang sigaw ni Greig. Tumayo siya dala ang basket na nangalahati na ang laman. “Ysabela!” “I’m here!” Sigaw niya pabalik. Nasa hilera na ng mga puting bulaklak si Greig. “H*ck, I thought I already lost you!” Sigaw na naman nito, pero medyo natatawa naman. Hindi siya sanay na ganoon ang reaksyon ni Greig kaya nag-iwas siya ng tingin at naglakad patungo sa hilera ng mga puting bulaklak. “Iyan lang ang nakuha mo?” Tanong nito nang makalapit siya. Tiningnan niya ang basket ni Greig at nakitang punong-puno iyon ng mga kulay pula at kulay magentang rosas. “You could get more.” Panghihikayat nito. Kaso mahirap. Mahina niyang daing. Napangiwi siya nang maalala ang dumudugong hintuturo. Nagbaba siya ng tingin at nakitang dumudugo pa rin iyon. Sinundan ni Greig ang kaniyang tingin at napansin ang sugat
Tuluyang bumuhos ang ulan kaya pareho silang nababasa pero dahil sa mahigpit na yakap ni Greig hindi siya makawala.“Greig, umuulan na!”Ngunit nanatili itong nakatayo, ayaw pa rin siyang pakawalan.“I’d treat you better.” Nangangako nitong saad.Muli ay umihip ang malamig na hangin, bahagyang nanginig ang kaniyang katawan pero hindi niya maitatanggi ang init na naramdaman sa kaniyang puso.Hindi dapat siya umaasa.Hindi niya dapat hinahayaan na baguhin ni Greig ang kaniyang desisyon.Pero naroon pa rin ang dating Ysabela, nakasiksik sa dulo ng kaniyang isipan at tila mahinang bumubulong na bigyang pagkakataon ang lalaki.Ipinikit niya ang mga mata. Basang-basa na silang dalawa kaya wala na rin silbi kung sisilong pa.“We’re… just making things complicated, Greig.” Nanghihina niyang saad.“Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag nariyan si Natasha. I felt like someone you’ve only used to satisfy your need. Nanliliit ako, dahil alam kong noong una palang… si Natasha na ang gusto mo.”
Naupo sa tabi ni Ysabela si Greig kaya nilingon niya ito saglit. Nakapagpalit na ang lalaki ng ternong damit kagaya niya. Ang isang staff ay naglapag ng kape sa harap ni Greig. Samantalang tsokolate naman ang sa kaniya.“Inaayos na po ang mga bulaklak, Sir.” Imporma nito.Tumango lang si Greig. Umalis ang babaeng staff kaya naiwan sila sa maliit na silid. Mula rito ay matatanaw naman ang malawak na taniman ng mga daffodils, chrysanthemum, daisies, at dahlia.Hindi niya alam na ekta-ektaryang lupain ang pinagtataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.Pumapatak pa rin ang ulan sa labas at medyo malakas ang ihip ng hangin. Tila nagsasayaw ang mga bulaklak habang naliligo sa ulan.Walang kasingganda ang flower plantation na kaniyang natatanaw.Tahimik silang dalawa ni Greig, pero ramdam niya ang madalas nitong paglingon para tingnan siya.“I already ordered our lunch.” Basag nito sa katahimikan.Ipinalibot niya ang malamig na kamay sa mainit na tasa at nakaramdam ng ginhawa.“Hindi b
Umawang ang kaniyang labi at hindi alam ang sasabihin. Hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman. “Greig.” Parang may nakadagan sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. “I missed you, Ysabela.” Marahan niyang bulong. Hinaplos niyang muli ang pisngi nito at hinalikan ang noo, saka niya niyakap. Ang kaniyang kamay ay pumalibot sa tiyan nito para yakapin ang babae, sumiksik naman sa kaniya si Ysabela na parang naghahanap ng kumot. Ngumiti siya sa kaniyang sarili. Paano niya pakakawalan si Ysabela kung sa mga simple nitong salita’y bumabalik agad ang mga pirasong akala niya’y nadurog na’t tinangay na. “I missed you.” He whispered painfully. Tumitig siya ngayon sa gulat na mukha ni Ysabela. Napaatras ang babae pero huli na, ayaw niyang pakawalan ito at hinding-hindi na niya pakakawalan pa. Hindi siya kailanman natakot na mawalan ng kahit na anong bagay. Pakiramdam niya, palaging nakaayon sa kaniya ang tadhana, at lahat ng gusto niya’y— paghirapan niya s
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila.Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya.Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya.Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya?Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom.T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin.Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw.Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapaan sa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring