“Alhaj is just helping, Von. Don’t sound like you’re making some malicious conclusion again.”Nagtaas ng kilay si Yvonne. Sumimsim ito sa inorder na iced coffee.“Dinala ka sa Palawan. Ilang araw kayo doon?”“Dalawa.” Sagot niya.“Tapos hinanap ka ni Greig. Halos ipahalughog ang bawat sulok ng Manila para lang mahanap ka.” Nagkibit-balikat ito.“That makes sense. Kaya pala muntik nang mabaliw.”Kumunot ang kaniyang noo. Tumuwid siya ng pagkakaupo at tiningnan ng mariin ang babae.Nakita niya ang saglit na pagpanic sa mukha nito nang titigan niya ito ng mariin.“Teka nga, nasa Bohol ka nang mga araw na iyon. Kababalik mo palang hindi ba? Bakit parang sa tono ng pananalita mo parang may alam ka.”Muli itong uminom. Ikiniling nito bahagya ang ulo at nag-iwas ng tingin.“It’s a small world, Ysabela.” Sagot nito.Ngunit hindi siya kumbinsido, may kutob siyang may itinatago si Yvonne.“And obviously, he’d go mad. Iniwan mo ba naman para sumama kay Alhaj.” Dagdag ni Yvonne.“Wait. I’m alread
“I’m with the driver, Von. Hindi mo na ako kailangan ihatid.” Tumayo siya at sumunod naman si Yvonne. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam na. Ngumiti lang sa kaniya ang babae. Naglakad siya paalis ng cafe, malayo palang ay natanaw na niya ang driver na bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto. “Tumawag si Lora, Ma’am. Nakauwi na raw si Sir Greig.” Balita nito sa kaniya. Binuksan niya ang cellphone, walang mensahe o tawag. Hindi na siya inabisuhan ni Patrick. Nagkarera ang kaniyang dibdib. “Umuwi na tayo, Manong.” Aniya. Naniwala siya kay Patrick nang sabihin nito na nawalan ng malay si Greig dahil sa kalasingan. Naniwala din siyang dumudugo ang sugat nito. Nag-alala siya, pero ibinaon niya ang pag-aalala sa pinakailalim ng kaniyang puso. Kung nakauwi na si Greig, ibigsabihin ay maayos na ito, hindi ba? Pero mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang matanaw na niya ang malaking gate ng villa ni Greig. Gusto na niyang bumaba at tingnan kung ano ang kalaga
Tulala si Ysabela nang makapasok sa kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kama at naupo.Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagkahilog ng kaniyang mga luha. Kahit anong pagkukunwari, may epekto pa rin talaga si Greig sa kaniya.Kahit Anong pilit niyang magkunwari na matapang at matatag, kapag mag-isa nalang siya, ramdam niya ang matinding sakit sa kaniyang dibdib.Muli ay pinunasan niya ang mga luha.Stop crying will you?Patuloy sa pagbuhos ang kaniyang mga luha at patuloy naman ang kaniyang pagpunas. Nilulunok niya ang mga hikbing gustong kumawala.Kailangan niyang maging matatag sa desisyong ito. Hindi pwedeng ngayon pa lang ay panghinaan na siya.Tinakpan niya ang bibig nang mas lumakas ang kaniyang pag-iyak.Why are you crying? Reklamo niya.Why am I even crying?Ngayon niya napagtanto na hindi pala talaga madaling ibaon nalang sa limut ang nararamdaman niya.Humiga siya sa kama at hinayaan na ang kaniyang sarili na iyakan ang mga bagay-bagay.Bakit hindi?Paano
Ibinaba ni Natasha ang kaniyang kubyertos. Bumaling siya ng tingin kay Greig. “I have an appointment with Dra. Menso, k-kung hindi ka pupunta ngayong umaga sa trabaho, baka pwede mo ‘kong samahan.” Malumanay nitong saad. Ysabela uncomfortably shifted on her seat. Nakatutok ang kaniyang tingin sa pagkain at ayaw sanang pansinin si Greig at Natasha pero masyadong sensitibo ang kaniyang pandinig. “Where’s Ada?” “I’m scared, Greig. It’s just an appointment, titingnan lang ni Dra. Menso ang kalagayan ko. Please, come with me.” May pagmamakaawa nitong sabi. “I cannot come with you, Nat. Ysabela and I have something to do.” Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ni Greig. Si Natasha ang una niyang nakita, nakakunot ang noo nito at may dumaang sakit sa mga mata nito. Unti-unti niyang nilingon si Greig, nakatingin ito sa kaniya at tila hinihintay lamang na tapunan niya ito ng tingin. “Come on, Nat. Let’s go, ako na ang maghahatid sa iyo kay Dra. Menso.” Ani Patrick. Nagbaba
“Good morning, Sir.” Bati ng staff nang makita nito si Greig.Marahan na nakasunod si Ysabela sa lalaki, at madalas ang pagtingin sa mga muwebles at dekorasyon sa hall.“Is everything ready?” Tanong ni Greig.“Yes, right this way.”Naunang maglakad ang babaeng staff kaya lumingon sa kaniya si Greig, napansin nito ang pagsuyod niya ng tingin sa lugar.“Let’s go?” Mataman nitong tanong.Binalingan niya ng tingin ang lalaki. Hindi niya napansin na masyado na siyang nawiwili sa pagpuna ng mga bulaklak at halaman.“Are those real?” Itinuro niya ang mga naglalakihang dahon sa isang sulok. Mukhang totoo iyon at hindi synthetic.“Of course, Ysabela.” Sagot ni Greig saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakaturo sa halaman.Bago niya pa mabawi ang kamay, nakapaglakad na ito at sumunod sa babaeng staff.Nilingon niya pa saglit ang naglalakihang halaman.Pagkalabas ng reception hall, bumati agad sa kaniyang paningin ang mga baging. Nag-angat siya ng tingin sa mga halaman at bulaklak na nakasabit
“Ysabela!” Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sigaw ni Greig. Muli ay dinampot niya ang rosas at inilagay sa basket. Ininda niya ang mahapding sugat lalo pa't muli niyang narinig ang sigaw ni Greig. Tumayo siya dala ang basket na nangalahati na ang laman. “Ysabela!” “I’m here!” Sigaw niya pabalik. Nasa hilera na ng mga puting bulaklak si Greig. “H*ck, I thought I already lost you!” Sigaw na naman nito, pero medyo natatawa naman. Hindi siya sanay na ganoon ang reaksyon ni Greig kaya nag-iwas siya ng tingin at naglakad patungo sa hilera ng mga puting bulaklak. “Iyan lang ang nakuha mo?” Tanong nito nang makalapit siya. Tiningnan niya ang basket ni Greig at nakitang punong-puno iyon ng mga kulay pula at kulay magentang rosas. “You could get more.” Panghihikayat nito. Kaso mahirap. Mahina niyang daing. Napangiwi siya nang maalala ang dumudugong hintuturo. Nagbaba siya ng tingin at nakitang dumudugo pa rin iyon. Sinundan ni Greig ang kaniyang tingin at napansin ang sugat
Tuluyang bumuhos ang ulan kaya pareho silang nababasa pero dahil sa mahigpit na yakap ni Greig hindi siya makawala.“Greig, umuulan na!”Ngunit nanatili itong nakatayo, ayaw pa rin siyang pakawalan.“I’d treat you better.” Nangangako nitong saad.Muli ay umihip ang malamig na hangin, bahagyang nanginig ang kaniyang katawan pero hindi niya maitatanggi ang init na naramdaman sa kaniyang puso.Hindi dapat siya umaasa.Hindi niya dapat hinahayaan na baguhin ni Greig ang kaniyang desisyon.Pero naroon pa rin ang dating Ysabela, nakasiksik sa dulo ng kaniyang isipan at tila mahinang bumubulong na bigyang pagkakataon ang lalaki.Ipinikit niya ang mga mata. Basang-basa na silang dalawa kaya wala na rin silbi kung sisilong pa.“We’re… just making things complicated, Greig.” Nanghihina niyang saad.“Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag nariyan si Natasha. I felt like someone you’ve only used to satisfy your need. Nanliliit ako, dahil alam kong noong una palang… si Natasha na ang gusto mo.”
Naupo sa tabi ni Ysabela si Greig kaya nilingon niya ito saglit. Nakapagpalit na ang lalaki ng ternong damit kagaya niya. Ang isang staff ay naglapag ng kape sa harap ni Greig. Samantalang tsokolate naman ang sa kaniya.“Inaayos na po ang mga bulaklak, Sir.” Imporma nito.Tumango lang si Greig. Umalis ang babaeng staff kaya naiwan sila sa maliit na silid. Mula rito ay matatanaw naman ang malawak na taniman ng mga daffodils, chrysanthemum, daisies, at dahlia.Hindi niya alam na ekta-ektaryang lupain ang pinagtataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.Pumapatak pa rin ang ulan sa labas at medyo malakas ang ihip ng hangin. Tila nagsasayaw ang mga bulaklak habang naliligo sa ulan.Walang kasingganda ang flower plantation na kaniyang natatanaw.Tahimik silang dalawa ni Greig, pero ramdam niya ang madalas nitong paglingon para tingnan siya.“I already ordered our lunch.” Basag nito sa katahimikan.Ipinalibot niya ang malamig na kamay sa mainit na tasa at nakaramdam ng ginhawa.“Hindi b
Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig.Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin?Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?!Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie.“You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!”Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him.Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito.Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal niya i
Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s
There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room. Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia. Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie. Nakapamulsa ang lalaki. Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura. Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin. If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin. Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin. Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil. “Does it still hurts?” Tanong nito n
Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.
Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n
Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok. Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag. Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto. “What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mg
It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin
Maliban kay Ysabela, si Agatha ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Yvonne. Magpinsang buo sila, ang ina ni Agatha ay kapatid ng ama ni Yvonne. Halos sabay silang lumaki at hindi mapaghiwalay noong elementarya, ngunit dahil sa ibang bansa nagkolehiyo si Agatha, nawalan sila saglit ng koneksyon.Nitong nakaraang taon lamang sila ulit nagkita dahil bumalik ang babae para sa engagement nito. Mabuti at walang nagbago sa kanilang relasyon. Malapit pa rin sila sa isa’t isa.Nang makarating si Agatha sa restaurant ay nalukot agad ang maganda nitong mukha nang makita ang kaniyang buhok.Sinubukan niyang ngumiti.“Did you cut your hair?” Tanong agad ni Agatha.Hinawakan niya ang kaniyang buhok at nagtanong, “Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”“It looks different from before, but it looks good.” Sagot nito at saka naupo sa kaniyang harap.Maganda si Yvonne, ang kaniyang balat ay maputi ngunit hindi maputla. Natural na mapula ang kaniyang maliit na labi at ang magkabilang pisngi, matangos ang i
Hinaplos ni Lindsy ang likod ni Archie. Dahil wala itong suot na pang-itaas, nakikita niya ang mga peklat nito sa likod. Magaspang iyon sa kaniyang palad at halos hindi niya makayanan na hawakan. Naramdaman niyang nanigas si Archie dahil sa kaniyang haplos. Ang likod nito ay punong-puno ng nakakadiring mga peklat at naghilom na sugat. Kumpara sa nakakaakit na mukha ni Archie, ang likod hito’y hindi halos maatim na tingnan ng mga tao. Ang totoo, nandidiri rin si Lindsy sa mga naghilom na sugat ni Archie, ngunit hindi niya iyon ipinapahalata kay Archie. Ayaw niyang isipin nito na kagaya rin siya ng ibang tao. Dahil sa nakaraan nito, nagagawa niyang kontrolin at paamuhin si Archie. Alam niyang walang ibang tatanggap sa lalaki, kung hindi siya at ang kaniyang pamilya. Kaya para kay Archie, isa iyong malaking utang na loob. Archie was very skilled and he treated me very well. What else could I ask for? Bulong ng kaniyang isip. Maayos siyang itrato ni Archie. Maganda ang kanilang pagsa