Share

Chapter 4

Kakatapos lang klase at lunch break na namin. Nandito kami sa cafeteria with my classmates and dalawang mahahabang table ang occupied namin dahil sa bilang naming lahat.

" Oh ano sa inyo? Kami na ang bibili " tanong ng kaklase naming mga lalaki.

Sila talaga ang taga bili namin. Sa loob ng apat na taong magkakasama kaming lahat ganito na ang ginagawa namin. Minsan naman kami ang bibili kapag may gusto kami at sumasabay na lang sa kanila.

" Alam niyo na yun. " Sagot naman naming mga babae.

Kanya kanyang talikod na ang mga ito upang kumuha ng makakain namin. We don't need to pay for our food since kasama na iyon sa binabayaran naming tuition. Sa laki ng tuition fee namin siguradong yayaman ako kung nagkataon.

" So kamusta yung lakad niyo noong Sabado? " Tanong ni Abril sa amin.

" Ok lang. Masaya tapos ang dami pang tao. Punong puno yung mall. Kayo ba? " tanong namang ni Reni.

" Same. Grabe ang gugwapo talaga nila. Makahulog panty " kinikilig na sagot naman ng iba.

" Saan kayo banda? Hindi namin kayo nakita " tanong naman ni Kezza

" Sa gitna pero nasa bandang gilid kami nakaupo. Kayo? " sagot ko.

" Ay. Nasa bandang likuran kami eh. Hindi namin kayo makita, kaya nagfocus na lang kami sa panunuod sa kanila " sagot ulit nito. Tumango tango na lang kami sa kanya.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga kaklase naming mga lalaki na dala ang mga pagkain namin. May mga nakasunod pa sa kanila. Tumulong sa pagbitbit ng pagkain namin. Nagpasalamat muna kami sa kanila bago kumain. Mabuti na lang may vacant kami after nito kaya hindi kami nagmamadaling kumain. Then we only have one subject at makakauwi na kami agad.

" Sissy, sabay ako sayo mamaya " sabi ko kay Reni.

" Hindi ka susunduin ni kuya Revel? " tanong pa niya habang kumakain.

" Hindi. Busy kase sila ngayon. Madaming costumer " sagot ko sa kanya matapos lunukin yung kinakain ko.

" Sige. Pero daan muna tayo ng mall. May titingnan lang then kain na din tayo " saad pa nito.

" Sige " sagot ko naman.

" Sayang, gusto naming sumama kaso may mga lakad din kami at need umuwi ng maaga " saad naman ni Erin na sinang ayunan ng iba.

" Ok lang yan. May susunod pa naman. Bonding ulit tayo katulad noon pag hindi na busy ang bawat isa " sabat naman ng mga lalaki na nasa kabilang lamesa.

" Oo nga. Hayaan niyo magplano tayo at magset ng araw kung kailan pwede tayong magbonding lahat " saad naman ni Reni na sinang ayunan ng lahat.

Matapos ang dalawang oras na break namin ay bumalik na kami sa room. Kanya kanya ng pwesto ng upo ang lahat at walang nag iingay. Strikto kase ang teacher namin dito sa isang subject. Ayaw nun ng maingay at magulo, dapat pagkarating nito ay start agad ng lesson. Sa sobrang tahimik namin pakiramdam ko naririnig na ng bawat isa ang paghinga namin. Maya-maya pa ay dumating na nva si Mr. Yosenco, inayos nito ang mga gamit niya bago humarap sa amin at nagsimula ng magturo.

" Akala ko hindi na ako makakalabas ng buhay kanina " saad ni kelan.

Magkakasabay kaming lahat na naglalakad papuntang parking lot kung na saan ang sasakyan nila. Wala naman akong dalang sasakyan dahil ipinaayos ito ni kuya at pinalinisan. Kaya sasabay muna ako kay Reni sa pag iwi katulad ng bilin niya sa akin. Nag iwan na din ako ng mensahe rito ganun din kay mama upang hindi sila mag alala.

" Sa sobrang tahimik akala ko kaming dalawa lang ni Sir ang nasa loob ng room " segunda pa ni Enzo.

" Hindi ko nga magawang lumingon man lang dahil pakiramdam ko kunti galaw ko lang palalabasin na ako eh " saad pa ni Kezza.

Tumatawa kaming nag uusap patungong parking tungkol sa nararamdaman namin kaninang lang subject.

" Para tayong mga bibitayin kanina " dagdag pa ni Keran.

" Ang sabihin mo para tayong mga tuod. Akala ko magkaka stiff-necked na ako dahil sa sobrang tuwid ng katawan ko. Hindi ko na magawang igalaw man lang ang ulo o leeg ko " sabat ni Limer habang ginagalaw galaw ang ulo niya at hinihimas ang leeg.

Malakas naman kaming tumawa sa kanya. Sa tagal namin kanina mukhang magkaka stiff-necked pa ito. Ngumingiwi pa ito habang ginagalaw ang ulo niya. Sumakit yata ang leeg. Nang makarating sa parking ay kanya kanya na kaming punta ng sasakyan.

" Paano ba yan, mauna na kami. May kailangan pa kaming gawin " paalam ni Lewan ganun din ang mga lalaki.

" Sige. Mag ingat kayo sa pagmamaneho " saad ko.

" Opo ma'am. Kayo din ni Reni mag ingat. May lakad pa kayo. " sagot nito.

" Sige na. Bye " paalam nila bago pumasok sa kanya kanyang sasakyan at pinaandar. Bumusina muna ang mga ito bago umalis.

" Mauna na din kami, girls. Kita na lang ulit tayo bukas " saad pa ni Erin bago pumasok ng sasakyan niya.

Ganun din ang ginawa namin. Nang makaupo ng maayos ay nagsuot ako ng seatbelt ganun din si Reni.

" Ok ka na? " tanong pa nito sa akin bago ako sinulyapan upang siguradohin.

" Yeah. Saang mall tayo? " tanong ko pa.

Pinaandar na nito ang sasakyan bago bumusina, katulad ng ginawa ng iba. Ganito talaga ang ginagawa namin. Tanda ng pagbibigay alam na aalis na kami.

" Sa mall kung saan tayo nagpunta last Saturday " sagot pa nito bago tumingin sa side mirror ng sasakyan upang tingnan kung nakasunod ba ang iba at ibinalik din agad ang tingin sa harap.

" Ok " sagot ko at kinuha ang phone sa bag upang tingnan kung may reply bansi Kuya sa text ko kanina. Meron nga akong natanggap.

Narinig ko pa ang pagbusina ulit ng sasakyan ng mga kaklase namin bago ang mga ito humiwalay pagkalabas namin ng School. Lumingon pa ako sa kanila bago ibinalik ang tingin sa phone na hawak ko.

" I inform kuya about sa lakad natin. Alam mo naman yun dapat alam niya kung nasaan ako " pagbibigy alam ko kay Reni. Kilala niya si kuya kaya alam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

" Anong sagot niya sayo? " tanong niya ng huminto ang sasakyan dahil sa traffic lights.

" Mag iingat daw tayo. Lalo kana dahil ikaw ang nagmamaneho " sagot ko sa kanya. Nagreply naman ako kay kuya ng OK bago sinara ang phone at nilagay sa bag ko.

" Sana may ganyan din akong kapatid. Bakit kase nag iisang anak lang ako ni mom and dad " nakapout na saad pa nito sa akin habang naka hawak sa manibela ang mga kamay.

" Wag ka nga dyan. Alam mo namang itinuturing ka na ring kapatid non katulad ko. Lalo na ni mama kung ituring ka sariling anak na " saad ko sa kanya.

" Kaya nga. Mabuti na lang nandiyan si Kuya Revel kahit na hindi ko totoong kapatid " nakangiting pagsang ayon pa nito sa akin.

Nagsimula na ulit itong magmaneho ng umandar na ang sasakyan sa harap namin. Nagpatugtog naman kami ng kanta ng Str8ight habang bumabyahe.

" Excited na ako sa susunod na Mall show ng Str8ight and sa concert nila " ani nito.

" Matagal pa naman yun at hindi pa confirm " sagot ko sa sinabi niya habang nakatingin rito.

" Mabuti na yung handa. Pinag iiponan ko na nga yun eh. Ikaw ba? " tanong niya at mabilis na sumulyap sa akin.

Malapit na tin kami sa mall. Kaya hindi naman ganu katagal ang ibiniyahe naming dalawa.

" Ganun din. Also nag iipon na din ako para sa plano natin after grumaduate " sabi ko sa kanya.

We already have a plan before we graduate. We plan to have our own business and business partner kaming dalawa. Alam na rin ito ng mga magulang namin at suportado nila kami. My brother also proposed to help us if we want or we can ask him anything that we need. We are so happy that they're supporting us. Hindi yung pinipilit kami na gawin ang gusto nila. They are not like that though may mga times na strict sila but hindi yung sobrang strict na feeling namin masasakal kami.

" Yeah. I know, I already have mine too. Nakatabi na iyon at excited na ako ilang buwan na lang graduate na tayo " masayang ani nito. Malawak pa ang pagkakangiti niya habang sinasabi iyon.

" Same " sagot ko sa kanya.

Nakarating na kami ng mall at ipinaparada na nito ang sasakyan. Pinatay niya na ang makina, sabay naming kinalas ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Nilock pa niya ito bago kami naglakad papasok ng mall kung saan maraming tao ang namamasyal kahit na may pasok. Madami din ang mga estudyante ang nandito ngayon na naglilibot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status