Share

Chapter 3

Mabilis akong bumangon sa higaan at pumasok ng banyo. Kailangan kong pumasok ng maaga para hindi malate. Matapos kong maligo ay nagbihis ako ng white off shoulder top, high waist jeans and a white shoes. Bumaba na ako at naabutan ko si mama na naghahandan ng agahan namin. Nandoon na din si Kuya nakaupo habang umiinom ng kape. Nakabihis na rin ito upang pumasok. His wearing his corporate attire and gwapo ito sa suot niya may suot pa itong salamin na bumabagay sa kanya.

" Good morning " bati ko sa kanila at isa-isa silang nilapitan upang bigyan ng halik sa pisnge.

" Good morning anak " bati ni mama.

" Good morning " seryoso namang bati ni kuya habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

" Wow! Ang sarap naman ng ulam natin " saad ko ng makaupo at naglagay ng pagkain sa plato ko.

" Para namang hindi kapa sanay. Palagi namang masarap ang pagkain natin " ani ni mama sa akin.

Ngumiti na lang akong sa kanya at kumain na. Tahimik lang kaming kumakain ng basagin ni kuya iyon.

" Sumabay kana sa amin sa pagpasok love " sabi niya sa akin.

" Ok kuya. Are you going to fetch me later pauwi or not? " tanong ko pa. Busy ito sa trabaho kaya baka hindi ako nito masundo.

" I can't love. Sabay ka na lang mamaya kay Reni pauwi " saad pa niya.

Alam ko namang busy ito kaya mabuti ng sigurado. Might as well sabay na lang ako kay Reni pauwi.

" It's ok kuya. Baka mag aya rin yun na mamasyal or kumain bago umuwi kaya sa kanya na lang ako sasabay. " nakangiting sagot ko sa kanya.

" Inform me and if hindi kayo agad makakauwi " saad pa niya.

" Yes kuya " sagot ko.

Tahimik lang si mama at nakikinig sa amin. Tumatango rin ito sa sinasabi ni kuya. Mabilis namin tinapos ang kinakain dahil baka malate pa kami. Kahit na hindi naman ganun ka layo ang bahay sa school ko ngunit malayo-layo ito sa trabaho ni kuya.

" Bye ma. Alis na kami " paalam ko sabay halik sa pisnge nito.

" Take care ma. If may problema call me " bilin ni kuya rito.

Ganyan talaga siya. Kahit na sa bahay lang si mama palagi niya itong panapa alalahanan na mag- ingat kahit ako.

" Wag kang mag alala anak. Mag- iingat ako. Sige na umalis na kayo at baka malate pa kayong dalawa ng kapatid mo " masuyong sagot ni mama dito habang nakangiti.

Ayaw nitong nag aalala si kuya kahit ako. Humalik muna ito sa pisnge ni mama bago ako pinagbuksan ng pinto. Kumaway muna ako kay mama bago inalalayan ni kuya na makapasok ng sasakyan. Sinarado nito ang pinto bago may sinabi saglit kay mama at umikot na ito papuntang driver seat. Ikinabit ko naman ang seatbelt at hinintay itong makapasok ng sasakyan.

Matapos nitong maisara ang pinto ng sasakyan ay tinignan muna nito kung naikabit ko na ang seatbelt bago nito ikinabit ang sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang focus naman ito sa pagmamaneho. After 20 minutes ay nakarating na ako sa school namin. Inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng school gate. Kinalas ko ang seatbelt bago inayos ang sarili at isinukbit ang bag. Humarap muna ako rito upang magpaalam.

" Thank you sa paghatid kuya. Ingat sa pagmamaneho " pasasalamat ko sa kanya.

" I will love. You take care also. Don't forget what I said. " saad pa niya.

" Of course kuya. Sige na baka ma late ka pa. Take care " saad ko bago humalik sa pisnge niya at lumabas ng sasakyan.

Pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay bumusina muna ito bago pinaandar paalis ang sasakyan. Tinanaw ko muna ito saglit bago napagpasyahang pumasok na. Naglalakad ako sa hallway ng makarinig ako ng boses na tinatawag ako.

" Sissy " hindi ko ito pinansin baka hindi naman ako ang tinatawag. Though kaboses ni Reni iyon.

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad para makarating agad ako sa room at makapagpahinga muna bago sumabak sa Iba't ibang subject namin.

" Facely " malakas ang boses na tawag nito.

Napahinto naman ako dahil doon. Pangalan ko kase ang tinawag nito. Napalingon ako sa likod upang makita kung sino ang tumatawag sa akin. Ang aga-aga isinisigaw na ang pangalan ko. Doon nakita ko si Reni, ang best friend ko na nakatayo hindi malayo sa akin at nakahawak sa bewang niya. Mukha itong istriktong guro or masungit na anak mayaman sa ginagawa niya. Ang lakas pa ng boses akala mo naman hindi nakakarinig yung tinatawag niya.

Humarap naman ako rito at tinaasan pa ng kilay. Akala niya siya lang. Kaya ko ring magtaray kahit na sabihin nilang hindi naman daw bagay sa mukha ko. Mukha daw akong maamo na hindi kayang magsungit at hindi makabasag pinggan sabi ng mga kaklase ko kahit na yung ibang nakakakilala sa akin. Naglakad naman ito papalapit sa akin. Nakatayo lang ako at hinihintay itong makarating kung na saan ako.

" Kanina pa kita tinatawag te. Hindi man lang huminto at lumingon sa akin " nakakunot noong saad nito pagkarating sa harap ko.

Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Sumabay naman ito sa akin, since magkaklase naman kaming dalawa.

" Ikaw yung tumatawag ng Sissy? " tanong ko pa sa kanya. Malay ko ba na siya pala yun.

" Oo kaya. Hindi man lang lumingon " saad pa nito. Tinaas pa ang kilay at lumingon sa akin.

" Sorry. Malay ko ba kung sino ang tinatawag mo. Sissy lang kase ang tawag. Baka lumingon ako tapos hindi naman ako ang tinatawag edi nakakahiya yun" saad ko pa rito. Malapit na kami sa room namin at sigurado akong kaunti pa lang ang tao doon.

" Nasanay kase akong ganun ang tawag sayo eh. Sorry naman " sagot pa niya at nag pout pa. Napailing na lang ako rito. Mukhang bata talaga, mabuti na lang bagay sa kanya yang pagpout niya kung hindi mukha siyang pato.

Huminto muna kami sa harap ng room namin saglit bago nito buksan ang pinto. Hindi ko alam kung anong trip nito at hindi pa pumasok agad. Sumilip muna ito sa loob bago binuksan ng malaki ang pinto at pumasok. Sumunod naman ako sa kanya bago isinarado ang pinto ng room namin. Since Aircon ang loob ng room kaya sarado ang lahat ng bintana at pinto. Hindi mo din makikita ang mga tao sa labas lalo na at natatakpan ng kurtina ang bintana.

Naupo kami sa kanya kanya naming upuan. Nasa gilid ang pwesto ko magkatabi kaming dalawa. Nasa may bintana ako banda at nasa gitnang row kami. Ayoko sa unahan since hindi ko kayang nasa malapit ako at ayoko rin sa likuran kase nahihirapan akong makita agad ang nasa board namin. Maganda yung nasa gitna lang dahil tamang tama lang ang pwesto namin. Lahat ng kaklase namin ay closed namin, kahit ang mga lalaki. Meron din sa ibang course at section. We treat each other as family at alam yun nila mama at kuya. They already meet all my classmates swerte nga at magkaklase parin kaming lahat at walang naiwan sa amin or nalipat.

Another thing is mahilig kaming lahat sa music lalong lalo na kapag ang Str8ight ang pinag uusapan. Paborito kase namin sila at alam nilang crush ko si Zero ng Str8ight kaya minsan tinutukso nila ako. Kaming dalawa talaga ni Reni ang dahilan kung bakit sila naging fan ng Str8ight. Nagsimula yun noong vacant namin at wala kaming ginagawa. Naisipan naming makinig ng music at si Reni ang nagpatugtog ng kanta ng banda. Nagustohan nila ito. Doon na nagsimula na magtanong sila kung sino ang kumanta at hinanap nila ito, kaya ayon naging fan sila. Lahat kaming magkaklase.

" Good morning guys " masayang bati ni Abril, ang masayahin naming kaklase.

" Good morning buwan " bati namang ng mga classmate naming lalaki. Sabay sabay pa ang mga ito.

" Kayo talaga. Mga makukulit na anak ni Mrs. Abrehon " sagot naman ni Kisry.

" Akala mo siya hindi anak eh " sabat naman ni kelan, ang isa sa officer namin.

" Wala naman aking sinabi na hindi niya anak " sagot nito ulit kay kelan.

Kahit kailan ang dalawa talagang ito ang palaging nagsasagutan. Minsan nga iniisip namin na baka may gusto sila sa isa't isa at ganyan ang ginagawa nila para magpapansin. Kaso ilang taon na kaming magkakasama pero ganun parin silang dalawa at magbest friend naman sila kaya hinahayaan na lang namin. May kanya kanyang karelasyon ang mga ito at masaya sa bawat isa at kaklase din namin ang mga ito. Si Alira at Enzo, napapailing na lang ang dalawa sa sagotan ng boyfriend at girlfriend nila. Sanay na din ang mga ito, ganito din naman kami kung magkulitan minsan. Binabara at sinasagot ang isa't isa.

" Nagbabangayan na naman kayong dalawa. Wala yatang araw na naaabotan ko kayong nagbabangayan " saad naman ni Lewan na kararating lang kasabay nito si Kiza at Salem, ang president at secretary namin.

" Good morning Lewan " sabay na bati ng dalawa habang nakangit pa rito. Akala mo hindi nagbabangayan kani-kanina lang. Napailing na lang kami sa kanila.

Ganyan talaga ang mga yan. Kapag nagsalita na si Lewan. Akala mo hindi nagbabangayan kung makangiti at bati eh. Si Lewan or Salem lang talaga ang makakapag patahimik sa dalawang yan. Takot na lang nila sa president at vice-president namin. Baka bigyan sila ng punishment katulad noong nagbabangayan sila at habang natutulog ang dalawa. Ayon nagising dahil sa kanila kaya binigyan sila ng punishment. Pinatakbo lang naman sila sa field habang mainit.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status