Share

Chapter 5

Nasa loob na kami ng mall at nag iikot ikot. Sabi ni Reni ay may bibilhin siya. Hindi ko naman alam kung ano yun. Kaya hinahayaan ko na lang siya at sumusunod lang sa kanya mabuti na lang nagsapatos ako. Mahaba habang lakaran pala ang gagawin namin. Nandito lang kami sa labas ng mga store tumitingin tingin ng naka display. Wala yatang plano si Reni na bumili kaya hanggang tingin na lang kami rito sa labas at hindi na pumasok.

" Anong bibilhin mo sissy? " tanong ko sa kanya. Hindi na ako nakatiis dahil kanina pa kami naglilibot rito sa loob ng mall. Nakakaramdam na rin ako ng gutom.

" Libro sana kaso naalala ko may hindi pa pala ako natatapos na basahin at may mga hindi pa ako nababasa kaya sa susunod na lang " sagot nito matapos makapag isip.

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa kanya. Mahilig kase itong magbasa ng mga story noong last Thursday nagmall din kami dahil bibili ito ng libro. Sinamahan ko naman ito, tapos ngayon bibili ulit. Kakabili niya lang ng libro hindi naman matapos tapos basahin lahat lalo na at busy din kami sa school work namin. Naiiling na lang ako sa kanya. Nagsimula na itong maglakad at sinasabayan ko lang ito.

" Kain na lang tayo. Nagutom ako sa kakaikot natin " saad niya.

Mabuti naman kanina pa ako nagugutom dahil sa kanya. Kanina pa kami dito sa mall, dalawang oras na kaming nagiikot at tingin tingin ng mga damit sa kada store na papasokan namin. Kung kanina hanggang sa labas lang kami, ngayon ay pumapasok na at nagtitingin tingin ngunit wala namang bibilhin. Napapa-isip na lang siguro yung mga nagbabantay na wala kaming mga pera dahil hindi naman kami bumibili at hanggang tingin lang. Though may pera kami, wala naman kaming magustohan para bilhin.

" Akala ko wala kapa planong kumain eh " sabi ko sa kanya.

Tumingin lang ito sa akin ng naka ngisi at tinaas pa ang isang kilay bago ibinalik sa harap ang tingin. Napamaang naman ako sa kanya. Anong ibig sabihin nun? Nababaliw na naman siguro ito. Ganyan yan kapag walang plano na sumagot o sasabihin. Hinayaan ko na lang at sumunod sa kanya papuntang Jollibee. Mahilig talaga kami rito lalo na yung manok nila. Masarap kase at yung gravy.

Pumasok na kami sa loob at ang daming tao.

" Hanap ka ng pwesto natin ako na oorder " ani ni Reni.

" Sige " sagot ko naman.

" Ano palang order mo ? " habol na tanong niya bago ako umalis.

" Ganun parin " sagot ko at iniwan na itong pumipila.

Naghanap na ako ng mauupuan at may nakita naman ako sa bandang gilid kung saan pangdalawahang tao lang. Mabilis naman akong nagtungo roon dahil baka maunahan pa ako. Agad kong ibinaba ang bag sa lamesa at na upo nakaharap sa mga tao.

Tumingin ako kung nasaan si Reni at nakita kong nakapila pa ito. Dahil medyo dami ang tao kaya mataas ang pila kahit na apat na counter ang meron sila. Inabala ko muna ang sarili sa pagtingin ng mga post sa I*******m. Mamaya ko na bubuksan ang Twitter ko.

Habang nag iiscroll ako bigla akong napatigil sa bagong post ng Str8ight. All the members have their own account but my account sila for the whole group. Picture nila ito habang nasa practice room nila. Nasa kanya kanya silang pwesto ng instrumento nila at nakaharap rito aside from Real and Zarick na nakasalampak sa sahig. Nakaharap ang mga ito sa kamera at nakangit Maliban kay Zero na seryoso lang. Ang gwapo ng mga ito kahit na nakasimpling damit lang at medyo pawisan pa.

Naibabako naman ang cellphone na hawak ng may maglapag ng tray sa lamesa namin. Tumingala ako at nakita kong si Reni pala iyon. Napatagal yata ang pagtitig ko at hindi ko ito napansing tapos na itong umorder. Inilagay ko sa loob ng bag ang phone ko at itinabi.

" Ano yung tinitingnan mo? " tanong niya sa akin habang inaayos ang pagkain namin.

" Ha? " nagtatakang tanong ko habang nakataas ang kilay.

" Yung tinitingnan mo bago ako dumating. Titig na titig ka eh. Kung hindi ko pa inilapag yung tray hindi mo mararamdaman na nasa harap mo na ako " saad pa niya bago s******p sa inomin niya at kumain.

" Yung post ng Str8ight sa I*******m. Nakita mo na ba yon? " tanong ko sa kanya at uminom kunti ng drinks bago nagsimulang kumain.

" Hindi. Meron ba? " Nagtatakang tanong nito.

" Yeah. Bago lang mga 5 minutes ago yata " sagot ko sa kanya. Ang sarap talaga ng manok nila dito.

" Hindi ko pa nakita. Check ko mamaya pagkarating sa bahay " saad niya at nagpatulog na sa pagkain.

" Oo nga pala. Yung plano nating magbonding with our classmates since wala naman tayong class ng 3 days starting Friday next week. Bakit hindi na lang natin gawin yun " sabi ko ng maalala ang plano naming magbonding.

Since wala kaming pasok next week ng Friday and the next day ay weekends naman. Minsan na lang kami magsama sama lalo na at graduating na kami. Ilang buwan na lang at maghihiwalay na kaming lahat.

" Mabuti na alala mo. Let's tell them tomorrow about that " masayang sabi nito sa akin.

Hindi na kami nagsalit after nun since busy na kami sa pagkain. Tahimik lang kaming dalawa na kumakain. Mabilis naming naubos ang kanin at manok and now we're eating our spaghetti and fries. Tumitingin tingin naman ako sa labas habang kumakain. Gabi na at mas lalong dumami ang mga tao sa mall. May mga pamilya na namamasyal, meron din magkasintahan, or mga nagtatrabaho na kakalabas lang sa work. May mga nag gogrocery, mga magkakaibigan and also mga estudyate.

I am eating my float now, same with Reni. Ganito talaga kaming dalawa, madamj kung kumain. Minsan nga nagtataka na ang mga kaibigan namin at pamilya kung saan namin pinapasok lahat ng kinakain namin dahil hindi naman kami tumataba. Pero habang tumatagal nasanay na rin sila sa amin. Yung mga hindi nakakakilala sa amin or bagong kakilala palang ay siguradong magtataka kapag kasama kami. We don't do workouts or anything, it must be because we have a good metabolism that we doesn't get fat easily.

" Tapos kana? " tanong niya sa akin ng maubos niya ang kanyang inumin.

" Wait. Aalis na tayo? " tanong ko pa rito habang inuubos ang inumin ko.

" Hindi naman. Pahinga muna tayo bago umuwi " ani niya. Tumango naman ako sa kanya bago ipinagpatuloy ang pag inom.

" Ang gwapo talaga nila sissy kahit n pawisan na " saad nito. Napatingin ako sa kanya at nakitang hawak nito ang kanyang phone.

Mukhang binuksan nito ang I*******m niya at tinitingnan yung sinasabi kong post ng banda.

" Sinabi mo pa " sang ayon ko naman sa kanya at itinabi ang lalagyan ng inomin matapos ko itong ubosin.

" Mukha yatang naghahanda na sila para sa performance nila sa isang show. Ang alam ko ang guess sila doon " saad pa niya habang busy sa phone.

" Yun ba yung sa evening show kung saan sila judge? " tanong ko pa sa kanya.

May bali balita kase na magiging guess judge daw sila sa isang show na ipapalabas next week. Bago lang ito pero usap usapan na lalo na noong magpalabas ito ng trailer kung saan may isang sikat na banda ang magiging guess nila. Wala pa namang confirmation kung ang banda ba ng Str8ight iyon pero marami na ang haka haka na sila iyon. Lalo na at sikat na sikat ang grupo. Marami naman ang kilalang banda ngunit hindi ganoon kasikat tulad ng grupo. Having a 20 million fans world wide. Lalo na at mas malaki ang fanbase nila rito sa Pilipina, pumapangalawa ang bansang America. Noong unang dalo ko sa concert nila doon ko lang naisip na sobrang sikat talaga nila. Punong puno ang lugar at sobra sobrang saya ang nararamdaman ko noon para sa kanila.

" Yeah. Though hindi pa naman confirm pero sigurado akong sila yun " sagot siya naman at tumingin sa akin. Ibinaba na nito ang hawak na cellphone at itinabi sa loob ng bag niya.

" Maybe next week pa nila sasabihin kung sino yung band " saad ko pa sa kanya.

" Maybe para mas exciting siguro " nakangiting sabi nito at mukhang excited pa sa sinabi niya.

" Maybe. Excited kana ha " natatawang sabi ko sa kanya.

" Syempre no. Sigurado akong palagi na akong puyat nito mapanuod lang sila " sigunda pa niya. Napaisip naman ako. Siguradong ako rin mapupuyat.

" Ang sabihin mo lahat tayo mapupuyat pag nagkataon. Hindi papatalo yung mga classmates natin na adik din sa banda " saad ko pa sa kanya. Natawa naman ito sa sinabi ko dahil siguradong totoo iyon. Yung mga yun pa hindi papatalo yun.

" Ngayong sinabi mo yan. Ngayon ko lang naalala na hindi ako nag iisa mukhang may mga karamay na ako kung ganun " humagikhik pa ito sa turan niya.

" Bago magmukha na tayong zombie niya sa sobrang puyat mapanuod lang sila " sabi ko habang mahinang natawa.

" Sinabi mo pa " sang ayon naman nito sa sinabi ko

" Tara na. Uwi na tayo at para makapagpahinga ka na rin " aya ko sa kanya at tumayo na.

" Mabuti pa nga. Ihahatid pa kita sa inyo " tumayo na rin ito at sabay na kaming lumabas.

Sumakay kami ng sasakyan niya at inihatid ako sa bahay.

" Thank you sa paghatid sissy. Mag ingat ka, text mo ako kapag nakarating kana sa inyo " paalam ko.

Sumang ayon naman ito sa akin bago ko isinara ang pinto ng sasakyan niya at hinintay siyang paanda rin paalis ang sasakyan. Bumusina muna ito bago umalis. Tinanaw ko pa ito bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob ng bahay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status