Share

Kabanata 4 : Part 1 (M)

“SO... how do you like your breakfast done?” magiliw na tanong ni Allison habang hawak ang frying pan gamit ang isang kamay.

Nagpagpasyahan niyang ipagluto ito ng agahan para kahit papaano ay may masuklian niya ang pabor sa pagpapatira sa kanya ngayong araw. Kahit naman pumasok sa isip niya ang pag-salvage sa binata ay minabuti niya na lamang na magbait-baitan dito. Wala na siyang ibang magagawa kundi pairugan muna ito ng panandalian kung hindi ay baka nga matulog talaga siya sa labas ng hubad mamaya. Ayaw niya rin namang manghingi ng tulong sa kambal at abala ito sa pamilyang inuwian sa Albay.

“My breakfast?” nanunudyong tanong nito na may malaking ngisi sa mukha. “Baka hindi mo magawa ang gusto ko kapag nag demand ako, Alli.”

Humigpit ang pagkahawak ni Allison sa frying pan at ngumiti ng pagkatamis dito, pinigilang huwag magharumentado. “Baka gusto mong ibato ko ‘to sa ‘yong frying pan, Jacob?” banta niya dito, hindi tinatanggal ang ngiting pilit sa labi.

“Baka gusto mong ipaalala k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status