"Guilty? Eldreed, pakitignan mo nang maigi, hindi ako kailanman magu-guilty. Sa kabaligtaran, ikaw itong halatang malamig at walang puso, pero nagkukunwari ka pa ring magalang at elegante. Hindi ka ba napapagod? Nakakasuka ka tignan."Sa harap ng kanyang lolo, palaging maingat si Shayne sa bawat kilos niya, takot na magkamali o makagawa ng anumang bagay na magagalit ang matanda. Alam niyang hindi siya palalampasin nito, at kahit katiting na pagkakamali ay hindi mapapatawad. Sa sala kanina, malamang na pinigilan lamang ni Benjamin ang sarili dahil naroon si Eldreed. Pero siguradong pag-alis nito, haharapin niya ang galit ng kanyang lolo.Habang binibitawan ni Shayne ang kanyang mga salita, ang gwapong mukha ni Eldreed ay biglang dumilim, seryoso at malamig. "Nasusuka ka? Shayne, hindi pa nga nagsisimula ang lahat, gusto mo nang sumuka? Huwag mong kalimutan, may dalawang taon pa tayo. Panahon na para masanay ka."Sa sobrang kalmado, dahan-dahang nagsalita si Eldreed, bawat salita'y malu
Naiinis si Shayne at pilit na binabawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Michael, ngunit mas lalo pang hinigpitan nito ang hawak sa kanya.Ang mga mata ni Michael ay puno ng pag-aalala at pasensya. "Shayne, sinabi ko na ito sa'yo, bakit hindi mo maintindihan? Sinabi ni Eldreed na ang paraan niya para makaakyat ay hindi malinis, at dahil hindi sapat ang ginagawang imbistigasyon ng gobyerno, nagagawa niyang maging mapalad at makalayo sa pananagutan. Pero kung may mangyari, ikaw ang malalagay sa panganib kapag sinamahan mo siya.""Michael!" sigaw ni Shayne. Ayaw niyang marinig ang paulit-ulit na banggitin ni Michael ang pangalan ni Eldreed. Sa pamilya Morsel, ang tanging halaga niya ay ang koneksyon niya kay Eldreed, kaya’t ayaw na niyang umuwi. Ngunit hindi niya inakala na kahit sa labas, hindi siya makakawala sa anino ni Eldreed.Pilit na pinakawalan ni Shayne ang sarili mula sa pagkakahawak ni Michael. Nang makawala, kalmado niyang tinitigan si Michael habang ang mga mata niya ay mala
Isang makahulugang ngisi ang binigay ni Andeline habang nilalaro ang susi sa kanyang kamay. Hindi siya ngumiti ngunit may kayabangan sa kanyang kilos."Paano napunta ang mga susi ng bahay sa'yo? Hindi ba dapat nasa matanda iyon?" tanong ni Shayne, halatang naguguluhan. Ang mga susi ng bahay ay nasa pangangalaga ng matanda—ang lolo nila. Siya lang ang may karapatang humawak nito, at bawal itong galawin ng iba.Ang villa ng pamilyang Morsel ay may tatlong palapag. Ang unang dalawang palapag ay tirahan ng mga tao. Samantalang ang ikatlong palapag ay tila bawal na lugar, may malaking bakal na pinto na malamig at nakakatakot. Walang sinuman ang pinapayagang umakyat dito. Kahit ang lolo nila, bagamat minsan ay tumitingala sa itaas at napapabuntong-hininga, ay hindi kailanman binubuksan ang pinto ng ikatlong palapag.Kaya’t hindi mawari ni Shayne kung paano napunta kay Andeline ang ganoong kahalagang bagay. Habang binabato-bato ni Andeline ang susi, mayabang siyang ngumiti kay Shayne. "Ano
"Ano'ng gagawin mo? Kung gusto niyang kumain, hayaan mo siya. Kung ayaw niya, magutom siya sa kwarto niya! Sa totoo lang, nakakawalang gana siyang makita kaya naapektuhan ang gana ko!""Andeline, ano bang sinasabi mo?" Inis na sagot ni Jessa, handang sermunan si Andeline, ngunit biglang narinig ang masiglang tunog ng mga yabag pababa ng hagdan."Lolo, Papa, Tita, pasensya na po, late ako."Napatingin si Andeline kay Shayne at halos hindi maisara ang bibig sa gulat.Si Shayne, na karaniwang naka-pambahay lang, ay nakaayos ngayon na parang pupunta sa isang dinner party. Suot niya ang isang light green na one-shoulder gown na bahagyang sumasayaw sa bawat galaw niya. Ang kanyang buhok ay nakaayos nang maluwag, simple pero elegante, at ang makeup niya ay banayad ngunit nagbigay ng impression na mas inosente at kaaya-aya, na talagang hindi malilimutan.Si Jessa, na tila ngayon lang din nakita si Shayne na ganito, ay napangiti matapos ang ilang sandaling pagkagulat. "Shayne, nagiging mas maa
Hindi maiwasan ni Shayne na magulat. "Ano bang gusto mong mangyari?" Hindi lang si Loraine, pati na rin si Shayne, gustong magalit at magsalita ngayon."Shayne, gusto ko na lumayo ka kay Michael, hindi ka niya deserve, kaya layuan mo siya, huwag mo na siyang lapitan!"Napatigil si Shayne nang marinig ito. Maraming tao sa kalsada, at si Loraine ay walang pakialam sa mga tao sa paligid na sumisigaw siya nang malakas. Sa isip ni Shayne, isang araw lang silang hindi nagkita ni Loraine, ganito na ba siya kabaliw?"Layuan?" Hindi na hinintay ni Shayne na magsalita pa, agad na nagsalita si Andeline, "Loraine, akala mo ba kung magmukha kang Shayne, magiging karapat-dapat ka sa pagmamahal ni Michael? Anong kalokohan yon! Tingnan mo ang sarili mo sa salamin, wala kang natural na kagandahan, at ang ginagaya mong hitsura ay malayo pa para maikumpara kay Shayne! Sanang itikom mo na lang ang bibig mo."Pumula ang mukha ni Loraine. "Isa akong normal na babae, bakit ako maikukumpara kay Shayne, na i
Maaga pa lang ng umaga, natutulog si Shayne na nakatakip ang ulo, nang biglang bumukas ang pinto. Akala niya si Andeline na naman, kaya hindi na niya pinansin. Bumalik siya sa pagtulog. Naiisip niya, si Andeline ay mas tamad pa sa kanya, paano siya nagising ng maaga ngayon?Pero kahit na, kung gusto niyang magising ng maaga, bahala na siya. Hindi naman siya aalis sa paborito niyang kama ng ganun-ganun lang."Hanggang kailan ka matutulog?" Biglang umabot sa kanyang pandinig ang malamig na boses ng isang lalaki, at agad na bumangon si Shayne nang parang binangga ng isang aso."Eldreed, anong ginagawa mo dito?" Nakalantad ang mga balikat niya, at naramdaman niya ang medyo malamig na hangin na pumasok sa kanyang balat, kaya narealize niya kung gaano siya kabastos kanina.Tumingin si Eldreed sa kanya ng may pagka-aburido, hindi na sinagot ang tanong na para sa kanya ay walang kwenta. Tumitig siya kay Shayne. Ang suot niyang pantulog kagabi ay nagulo nang bigla siyang tumayo, kaya isang str
Kung ikukumpara sa wedding dress na nasa bintana, mas maganda at mas marangya ang nasa loob. Ang bawat isa ay naka-display sa modelo, at kahit na walang ekspresyon ang mga modelo, tila nabubuhay sila dahil sa kagandahan ng mga wedding dress."Grabe, Shayne, swerte mo naman ngayon. Ang daming wedding dresses, nalilito na ako, ikaw na lang ang pumili, at ako'y matutulog muna."Tila tuluyang nakalimutan ni Andeline kung ano ang ginagawa niya doon. Nahiga siya sa sofa sa tabi, pumikit at natulog.Pagkatapos tingnan ang bawat wedding dress, agad na tinuro ni Shayne ang isang puting wedding dress, "Ito, ito ang gusto ko subukan."Sa dami ng mga wedding dresses, ang puting ito ay kakaiba. Umabot hanggang sa sakong. Lalo na ang snowflake-shaped ice crystal brooch sa dibdib na nagpapaganda at nagpapakita ng kalinisan ng wedding dress.Habang inihahanda ang wedding dress, nagulat ang general manager, "Mrs. Sandronal, talagang magaling kayo mamili! Ang wedding dress na ito ay ang pinaka-high na
"Hey, did I say you two are intimate enough? Tingin niyo ba na invicible kami sa inyo?” agad na tanong ni Adeline nang mapansin na nagtagal ang pagkalapit ng mukha ng dalawa.Para sa mga tao sa labas, magkasama sila, malapit ang kanilang mga mata, at malambing ang kanilang mga boses, parang magkasintahan na puno ng pagmamahal."Shayne, gusto mo ba si Eldreed?" tanong ni Andeline habang kumakain ng ice cream."Ha? Anong sinabi mo? Sino ang gusto ko?" Halos mailuwa ni Shayne ang ice cream sa mukha ni Andeline.Gusto si Eldreed? Puwede bang mangyari iyon? Pagtingin pa lang sa lalaking iyon, gusto niyang magalit. Arrogante, masama, at may plano palagi, paano siya magkakagusto sa ganung tao.Kumain si Shayne ng malalaking kagat ng ice cream, inisip na si Eldreed ang kinakain, at pagkatapos ay nilunok ito."Hindi ko siya gusto.” sagot ni Shayne.“Pero bakit ka namumula?” tanong naman ni Adeline. Huminga siya nang malalaim at tumingin kay Adeline. “Dahil sa tuwing nakikita ko siya, tumataas
Kinabukasan, mataas na ang araw nang magising sina Eldreed at Shayne. Dahil sa sobrang dami ng nainom kagabi, nananatili pa ring hilo si Eldreed. Samantalang si Shayne naman, dahil sa abalang inabot sa pag-aalaga kay Eldreed, napagod nang husto kaya napasarap din ang tulog.Bahagyang gumalaw ang mga pilik-mata ni Eldreed, kumunot ang kanyang noo, at instinctively niyang inabot ang sentido niya para masahihin ito. Ngunit, bago pa man niya maigalaw nang maayos ang kanyang kamay, napansin niyang may mahigpit siyang yakap—hindi unan, kundi isang tao.Ano?! May niyayakap ako?! Gulat niya sa kanyang isipan.Gulat na iminulat ni Eldreed ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay isang maliit na ulo na may mahahabang hibla ng buhok, kasabay ng pamilyar na mabangong amoy. Shayne...Hindi niya maintindihan kung bakit, pero nang marealize niyang si Shayne iyon, bigla siyang nakahinga nang maluwag. Parang may bumagsak na malaking pabigat mula sa kanyang dibdib.Buti na lang… Buti na lang si
Pero si Eldreed, na halos wala nang malay, ay parang isang malaking baka—hindi siya matulak ni Shayne. Sa halip na lumayo, lalo pa itong dumikit sa kanya, at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap. Ang magandang mukha niya ay nakasubsob na ngayon sa dibdib ni Shayne habang mahina itong nagbulong, "Ang init..."Habang nagsasalita, tinanggal niya ang kanyang kurbata at sinimulang hubarin ang kanyang damit.Napanganga si Shayne sa gulat habang nakikita ang lalaking nasa harapan niya na tila nagsasagawa ng isang strip show. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan.Alam niyang walang silbi ang pagsaway sa taong lasing, kaya naisip niyang kailangang gumamit ng puwersa. Sinamantala niya ang sandali habang si Eldreed ay abala sa pagbubukas ng damit at nakarelaks nang bahagya. Bigla siyang pumihit at nakawala sa ilalim nito, pagkatapos ay mabilis na pinigilan ang lalaki sa tubig.Nang lumubog ang katawan ni Eldreed sa malamig na tubig ng bathtub, unti-unti itong kumalma at tumigil sa
Nang marinig ni Eldreed ang sagot ni Shayne, bigla siyang natigilan, ang ngiti niya bahagyang nanigas sa mukha.Napansin ito ni Shayne at sa wakas ay nakahinga siya nang maluwag. Hinila niya si Andeline na nakatayo sa tabi niya at agad na nagsalita,"Hon, hindi pa ako kumakain maghapon. Kakain muna ako kasama si Andeline. Ikaw na bahala sa mga bisita, siguraduhin mong pasalamatan sila sa pagdalo sa ating 100th days."Narinig ito ng mga negosyanteng nasa paligid at ngumiti ang mga ito."Walang problema, Mrs. Sandronal. Kumain na po kayo, huwag kayong mag-alala sa amin."Ngumiti si Shayne at tumango bilang pasasalamat. Bago siya tuluyang lumakad palayo, tinapunan niya si Eldreed ng pilyong sulyap at kumindat pa, saka hinila si Andeline papunta sa food area.Naninigas ang pisngi ni Eldreed, bahagyang kumibot ang kanyang labi, pero pinigilan niyang ipakita ito sa iba. Akala ng lahat, ito ay isang special na paraan ng "paalam" sa pagitan ng mag-asawa, kaya nagtawanan na lang ang mga bisita
Hindi na maipaliwanag ang saya ni Shayne, sa sobrang tuwa ay gumulong-gulong pa siya sa sofa. Kung wala lang sigurong mga tao sa labas, baka napasigaw na siya sa sobrang tuwa. "Ang sarap sa pakiramdam! Sa wakas, natalo rin kita, Eldreed!"Habang abala siya sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay, biglang bumukas ang pinto. Nagulat siya at dali-daling tumayo mula sa sofa, mabilis na inayos ang buhok, hinagod ang palda, at agad na nagpanggap na parang isang mabait at kagalang-galang na dalaga. Isang pormal na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha, handa nang bumati sa bisita—Pero nang makita niya kung sino ang pumasok, nanginginig sa kakatawa si Andeline."Shayne, sa wakas nahuli rin kita sa ganitong ayos! Ang laki ng pinagkaiba ng itsura mo kanina at ngayon!"Bago pa matapos ang tawa ni Andeline, mabilis na dinampot ni Shayne ang unan sa sofa at ibinato ito sa kanya.Dahil si Andeline naman pala ang pumasok, wala na siyang kailangang itago. Umupo siya pabalik sa sofa, nagdekwatro, at nakasim
Medyo nagulat si Jessa nang makita ang dalawa na walang pag-aalinlangang nagpapakita ng pagiging malapit sa publiko, pero nang tumingin siya kay Eldreed, ngumiti lang siya nang bahagya at hindi na nagsalita pa.Sa pamilyang ito, ang paraan para mabuhay ay ang hindi magpakita ng kahit anong emosyon—kahit alam mo sa puso mo ang totoo, kahit gusto mo man o hindi. Kailangang panatilihin ang isang mahinahong ngiti, dahil sa pamilyang Morsel, ang isang ngiti ay parang susi na magbubukas ng pinto sa maayos na pakikitungo.Hindi lang si Shayne ang nakakaunawa ng katotohanang ito, alam din ito ni Jessa.Samantala, labis naman ang tuwa ni Benjamin at Samuel nang makita ang pagiging malapit nina Shayne at Eldreed."Eldreed, Shayne, natutuwa ako na kitang-kita ang pagiging malapit niyo sa isa't isa. Eldreed, bata pa si Shayne, marami pa siyang hindi naiintindihan. Kung sakali mang magkamali siya, pagsabihan mo lang siya. Ang pagdidisiplina—kahit pisikal o salita—ay para rin sa ikabubuti niya, kay
Habang patuloy na nagpapakiramdaman sina Shayne at Cassy, nakangiti ngunit kapwa may itinatagong matatalas na kutsilyo sa kanilang mga titig, biglang lumingon si Eldreed mula sa hindi kalayuan. Abala ito sa pakikisalamuha, ngunit tila hindi sinasadyang napatingin sa direksyon ni Shayne. Nang makita niya ang peke nitong ngiti, may kung anong gumalaw sa kanyang puso.Sa nakalipas na mga araw, unti-unti na niyang nauunawaan ang mga nakasanayan ni Shayne. Alam niyang tuwing may pinagdadaanan ito o hindi masaya, lalo itong nagpapanggap na okay. Kapag mas malungkot ito, mas matamis ang kanyang ngiti—para bang iyon ang tanging sandata niya sa mundo."I’m sorry, please let me excuse myself. May pupuntahan lang ako," paalam ni Eldreed sa kanyang mga kasamang kausap bago siya naglakad papunta kay Shayne.Napansin ng mga kasama niyang negosyante ang direksyon ng kanyang tingin at agad silang nagtawanan. "Aba, kung mapapangasawa ko nga naman ang kagaya ni Miss Shayne Morsel, araw-araw din akong h
Habang lahat ay nakatingin kina Shayne at Eldreed nang may matinding inggit, alam ni Shayne sa sarili niya na kung ibang babae lang ang nasa kanyang lugar, sapat nang tanggapin ang bouquet ng rosas.Ang ingay sa paligid ay lumakas nang lumakas, tila nalunod na siya rito at hindi na makarinig ng iba pa. Tanging ang paulit-ulit na sigaw ng mga tao ang naririnig niya—“Kiss! Kiss!”Hindi na niya narinig ang mga reklamo ni Cassy, at habang ang iba ay tuwang-tuwa, may ilan ding hindi masaya.“Ang gusto ng karamihan, mahirap talagang hindi pagbigyan,” bulong ni Eldreed. Kasabay nito, niyakap na niya ang reyna ng gabing iyon—si Shayne.“Bakit bigla kang nagbigay ng rosas? Hindi naman ‘yan ang estilo mo.” Pabulong na tanong ni Shayne sa tainga ni Eldreed, ramdam niya ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanyang baywang.Hindi naman siya tatakbo, bakit parang hindi siya pakakawalan?Sa paligid, palakpakan at hiyawan ang maririnig. Kahit hindi siya komportable, nagawa pa rin ni Shayne na ipakita
Hindi mahilig si Shayne sa makeup, kaya kakaunti lang ang gamit niyang pampaganda. Bilang anak ng pamilya Morsel, hindi maiiwasan na kailangan niyang dumalo sa ilang mga party. Dahil dito, partikular na kumuha si Jessa ng isang propesyonal na stylist at makeup artist para alagaan ang itsura ni Shayne sa mga okasyon.Ang mga taong nasa harapan niya ngayon ay pawang mga miyembro ng kanyang styling at makeup team."A-Ano'ng ginagawa ninyo rito?" Itinuro ni Shayne ang mga ito, halatang naguguluhan. Wala siyang natatandaang okasyon na kailangang daluhan sa mga darating na araw. Bukod pa rito, simula nang ikasal siya kay Eldreed, hindi na siya dumadalo sa anumang party, maliit man o malaki. Si Eldreed na lang ang humaharap sa mga sosyal na pagtitipon, kaya wala na siyang pakialam sa mga ganitong bagay.Ngumiti si Eldreed at sinabing, "Maaari ka namang pumunta. Gusto kong makita kung paano ka magmukhang elegante sa isang evening dress.""Hindi ba nakita mo na? Nakita mo na noong suot ko ang
Matapos ang isa na namang almusal—tinapay na may palaman at gatas na inihanda ni Eldreed—hindi maiwasan ni Shayne na magkaroon ng kakaibang ekspresyon.Hindi niya talaga maintindihan ang iniisip ni Eldreed. Ilang araw lang ang nakalipas, halos hindi sila magkasundo, pero nitong mga nakaraang araw, biglang naging napakaalagain at malambing niya.Habang nag-iisip nang kung anu-ano si Shayne, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya, nakita niyang si Andeline ang tumatawag.“Ano?” sagot niya, halatang naiinis.“Bakit ang sungit mo? May nang-asar ba sa kapatid kong mabait? Sabihin mo lang, babanatan ko siya!” biro ni Andeline, na agad napansin ang tono ni Shayne.Pumihit ang mga mata ni Shayne. “Ikaw lang naman palagi ang nang-aasar sa akin.” Pagkatapos, idinugtong niya, “Sige, magkita tayo sa dati nating tagpuan sa loob ng sampung minuto.” At agad niyang binaba ang tawag.Nang makarating siya sa Wantai Club, sa parehong pribadong kwarto na palagi nilang ginagamit, naabutan n