Share

Skylei Speak again

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2024-11-22 19:02:28

Nang ibaba ni Dominic ang tawag ay nakatitig ng ilang sandali si Avigail sa kaniyang cellphone. Sinulyapan niya ang tatlong bata na abala sa paglalaro. Nakaramdam siya ng kaunting kaba, isiping anumang oras mula ngayon ay darating si Dominic at makakasama nila.

Dahil sa naging tanong ni Dominic sa mga bata noong nakaraan. Natatakot siyang pag-usapang muli o magtanong ito tungkol kay Dane at Dale at sa ama nila. Ayaw niyang pag-usapan ito dahil wala siyang makuhang tamang salitang isasagot dito.

Isa pa, ayaw din niyang makita ni Dominic na maayos na ang kalagayan ni Skylei. Natatakot siyang baka kunin na ito sa kaniyang puder dahil maayos na ang lagay nito. Nalulungkot na si Avigail isipin pa lamang ito.

Makalipas ang ilang sandali, muling tumawag si Dominic.

"Nandito na ako. Nasaan kayo ngayon?" tanong nito ng sagutin niya.

Gusto ng tatlong bata na manood ng palabas ng puting balyena.

"Maghihintay kami sa White Whale Pavilion." Sagot ni Avigail kay Dominic.

Ibinaba ni Avigail an
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ex-wife Return: Love Me Again   A beautiful Voice of a Sky

    Sa gitna ng tunog ng pagwisik ng tubig, napansin ng lahat ang inosenteng tinig ni Little Sky. Nabigla si Avigail nang marinig iyon at halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Tinitigan niya ang batang babae na nakaupo sa tabi ng pool, na may kumikislap na mga mata habang nakatingin sa kanya. Pati si Dane ay natigil sa kanyang ginagawa, nagulat at hindi na inalintana ang tubig na tumalsik sa kanya. Samantala, si Little Sky ay tumalikod na upang magpatuloy sa paglalaro kasama ang maliit na white whale, hindi napansin ang mga nagulat na reaksyon ng tatlo. Nang magsimula na ang susunod na bahagi ng palabas, pinabalik ng mga staff ang mga tao sa kani-kanilang upuan. Hindi pa rin makabalik sa kanilang ulirat sina Avigail at ang dalawang bata, pero si Little Sky ay umupo na sa tabi ni Avigail na parang walang nangyari. “Ano’ng nangyari?” tanong ni Dominic habang nakakunot ang noo, napansin ang kanilang parang wala sa sariling hitsura. Nabigla si Avigail at bahagyang sumulyap kay L

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   A gift from Daddy

    Naisip din ni Avigail ang iniisip ng lalaki at hindi niya napigilang makaramdam ng kaunting pananabik.Ngunit nang makita niyang kumuha ang bata ng papel at panulat mula sa bag, nawala ang kaunting pag-asa niya. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ito at kalmado niyang sinabi."Huwag mag-alala, kakabuti lang ng kalagayan ni Sky at hindi pa ito ganap na matatag. Mukhang nagsasalita lang siya kapag sobrang excited siya. Unti-unti lang tayo."Tumango si Dominic, na hindi na nagsalita pa.Tama ang sinabi ni Avigail. Ang pagsisimula ng pagsasalita ni Sky ay isang malaking hakbang na, at hindi siya dapat magmadali. Hinayaan na lamang niya ito sa tamang daloy.Nag-isip muna nang mabuti si Sky habang sumusulat, at kalaunan ay sinagot ang mga tanong nila nang isa-isa.Nagbigay ng maikling tugon sina Dominic at Dane bilang suporta.Natapos ang palabas ng puting balyena, ngunit mukhang hindi pa rin kuntento ang tatlong bata.Tiningnan ni Avigail ang oras at nakita niyang maaga pa, kaya naisipan niy

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • Ex-wife Return: Love Me Again   A gift of apology

    “Hindi ba parang napakarami niyan for Sky?” nag-aalangang tanong ni Avigail kay Dominic. Sa totoo lang sa dalawang box ay sobra sobra na para sa maliit na batang babae. Isa pa ang mga laruang ito ay panay panglalaki.“ Sa totoo lang ang mga ito ay para sa kambal mong anak na sina Dane at Dale. Mali ang nasabi ko noong nakaraang araw. Nang makauwi ako, napag-isip-isip ko na kahit bata pa sila, dapat pa rin akong humingi ng tawad sa kanila. Napansin ko ang ilang dekorasyon sa bahay mo noong huli tayong magkita, at naisip kong magugustuhan nila ito." Alanganing pag-amin ni Dominic. Gusto niyang mapasaya ang mga bata sa munting peace offering niya.Pagkatapos ay tumingin siya sa dalawang bata at iniabot ang kahon sa kanila. "Humihingi si tito ng tawad. Sana magustuhan ninyo ito." Nagningning ang mga mata ng dalawang bata. Natural na mahilig ang mga lalaki sa mga robot at larong karera, at dahil mas mataas ang kanilang IQ kaysa sa mga kaedad nila, mas pabor sila sa mas sopistikadong mg

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Ex-wife Return: Love Me Again   The Big Event is Coming

    Nang pumayag si Avigail, masayang naglakad papuntang parking lot ang mga bata. Si Dominic at Henry ay tumulong na maglagay ng ilang mga kahon sa kotse ni Avigail, at pagkatapos ay nagpaalam nang hindi na nagsabi pa ng iba. Pagkatapos sumakay sa kotse, nagtanong si Henry nang may pag-aalangan. “Sir, hindi ba kayo maglalaan ng mas maraming oras para sa batang babae?” Matagal nang nananatili ang bata sa bahay ni Avigail at kakaunti lang ang nagiging pakikisalamuha niya sa kanyang ama. Natatakot si Henry na baka maging malayo ang loob ng mag-ama sa isa’t isa. Umiling si Dominic at hindi na nagsalita. Ang dalawang bata ay malinaw na hindi pa rin talaga siya napapatawad. Isang araw na siyang sumasama sa kanila. Kung ipipilit niya pang makisama, baka tuluyang mawala ang kaunting kabutihang-loob na nakuha niya mula sa kanyang mga regalo. Habang iniisip pa din ang maaring saloobin ng bata kaya hindi niya maiwasang sumakit ang kaniyang ulo.Biglang nag-ring ang telepono sa loob ng kotse.

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Can't wait to see her reaction

    Kinahapunan, sa starbucks coffee shop.Nagpasyang magkita sina May at Lera. Magkaibigan talaga silang dalawa. Nagkakape silang dalawa habang magkaharap na nagkukwentuhan.Habang nag-uusap, napunta ang usapan nila sa ika-70 kaarawan ng matandang ginoo. “Ate Lera, pupunta ka rin sa ika-70 kaarawan ng lolo ko, hindi ba?” tanong ni May na may halong intensyon. Gumagawa na naman ng katarantaduhan sa kaniyang isip si May.Nabalitaan rin naman ito ni Lera. Malalim ang pagkakaibigan ng pamilya Lee at pamilya Villafuerte, kaya’t natural lang na magpakita siya sa selebrasyon. Tumango siya.“Oo, bakit?” sagot niya nang nakatingin. “Eh di ba… magkasama kayo ni Kuya Dominic na pupunta? Kayo naman ang kinikilalang magkasintahan!” dagdag pang tanong ni May kay Lera.Nang marinig ito ni Lera, biglang siyang napa-isip. Alam niyang pupunta si Dominic, pero kung magkasama ba silang dadalo, hindi siya sigurado. Dahil makalipas ang maraming taon kahit hindi inuring ni Dominic ang kanilang kasunduan ng

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Luisa's plan for Dominic

    Bago magsimula ang salu-salo ng kaarawan, ginamot muna ni Avigail ang matanda. Mas maganda na ang kalagayan ng matanda kumpara sa dati; kaya na niyang bumangon at makagalaw, pero hindi pa rin siya puwedeng maglakad nang matagal.Ipinreskriba ni Avigail ang ilang gamot at pinaalalahanan ang matanda na inumin ito sa tamang oras. Doon natapos ang buong gamutan.Dumating na ang araw ng salu-salo para sa kaarawan.Pagkatapos magtrabaho sa research institute, umuwi si Avigail, nag-ayos nang simple, nagpalit ng damit, itinaas ang kanyang mahabang buhok, at naglagay ng magaan na makeup bago pumunta sa salu-salo.Pagdating sa mansyon ng pamilya Lee, kung saan gaganapin ang selebrasyon, magsisimula na ang salu-salo. Puno ng mga mamahaling sasakyan sa labas mansyon, at mas marami pang mga bisita sa loob, lahat ay mga kilalang tao sa buong bansa.Nanirahan na si Avigail nang kahit sandali lang sa bansa kahalubilo ng mga mayayaman at sikat sa business, kaya marami siyang nakikilalang mukha, pero

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Ex-wife Return: Love Me Again   The Celebration

    Matapos maghintay ng matagal, sa wakas ay lumabas si Lera mula sa compartment."Hindi masama, isuot mo na lang ito." Pinagmasdan ni Luisa ang suot ni Lera at tumango nang may kasiyahan.Ngumiti si Lera ng matamis at tumingin kay Dominic. Kunwari pang nagulat ito. "Dominic, nandito ka na! salamat sa pagsundo sa amin ni Tita."Tumango si Dominic nang walang emosyon.Hindi alintana ang malamig na pakikitungo ni Dominic, ngumiti si Lera bago ito nagsalita sa harap ni Dominic.“Inutusan lang ako ni Tita na pumili ng damit dito. Sa tingin mo okay ba ito? Maganda ba?" hinging opinion niya kay Dominic.Habang nagsasalita, dahan-dahan siyang umiikot.Dahil sa mga inihanda ng kanyang ina, medyo hindi masaya si Dominic. Nang marinig ito, tumingin lang siya kay Lera at tumango nang pabigla. "Okay lang."Nakita na wala pa ring reaksyon si Dominic, nakaramdam ng kaunting hiya si Lera sa sarili, pero pilit pa rin siyang ngumiti.Dahil dito, tumayo na si Luisa "Kahit papaano, pupunta naman si Lera

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • Ex-wife Return: Love Me Again   Caught his Attention

    Nang marinig ang sinabi, lahat ng miyembro ng pamilya Lee ay napatingin sa entrada ng cater, at napatingin din si Avigail nang walang malay. Si Dominic naman ay nakasuot ng itim na custom-made na suit. Ang kasuotan ay perpektong ini-akma, na nagpakita ng matipuno niyang pangangatawan. Ang kanyang buhok ay inayos paatras, na naglantad sa matalim niyang mga facial feature. May ilang hibla ng buhok na nahulog sa kanyang noo, na nagbigay ng malamig na impresyon sa kanyang mga mata at nagbigay sa kanya ng aurang parang may distansya sa lahat. Sandali lang, ang mga mata ng mga panauhin ay napako sa kanya. Ilang hakbang sa likod ni Dominic, makikita si Lera na nakasuot ng eleganteng itim na damit. Ang kanyang buhok ay inayos sa malalaking kulot na nakalugay sa harap ng kanyang dibdib, at ang kanyang mapupulang labi ay kapansin-pansin. Nakahawak siya nang malapit sa braso ni Luisa ang ina ni Dominic at nakasunod sa mga likod ni Dominic.Ang mahabang damit na halos kapareho ng istilo ng sui

    Huling Na-update : 2024-11-24

Pinakabagong kabanata

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Little Disaapointed

    Nang masikaso na ni Angel si Avigail at magkausap na sila ng mga anak, agad ding umalis si Angel sa bahay ng mga ito. Alam niyang kailangan ni Avigail at ng kambal na mag-usap ng maayos, at hindi siya ang tamang tao na maging saksi sa lahat ng ito.Tahimik na lumabas si Angel, at nang makaalis na siya, lalo pang bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay. Ang mga mata ng kambal ay puno ng takot at pangamba. Hindi nila kailanman nakita ang kanilang ina na ganoon — parang hindi nila kilala. Si Avigail na laging matatag at maligaya, ngayon ay tila nawala ang sigla sa mata, at ang pagkabagabag sa bawat galaw nito ay hindi nila maikaila.Habang ang kambal ay tahimik na naghihintay, takot na takot, naglakad si Avigail patungo sa kusina. Lumipas ang ilang saglit bago siya bumuntong hininga, tila umaasa na sana’y magbabalik ang lahat sa normal. Tumayo siya sa harap ng kalan at nagsimula magluto ng tanghalian. Ang tanging ingay na naririnig ay ang tunog ng kawali at mga palayok sa kanyang paligid,

  • Ex-wife Return: Love Me Again   We know already

    “Dominic, pasensya ka na, ha. Nabigla yata sila…” Mahinang sabi ni Avigail, halos pabulong habang tinatanaw sina Angel na inaakay palayo ang kambal.“Kakausapin ko muna sila.” Nilunok niya ang kaba sa lalamunan, dama ang kirot ng eksenang iyon bilang isang ina at isang babae.Tahimik lang si Dominic. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot, at nang magsalita siya, ramdam ang lungkot sa tinig niya.“Naiintindihan ko…” mahinahon niyang simula. “Pasensya na rin. Pero… gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob nila.” Bumuntong-hininga siya bago tumingin kay Avigail, sinserong sinisid ang mga mata nito.“Alam ba nila ang nangyari sa atin?” tanong niya, may halong kaba. “Mukha kasing alam nila… na hindi kita trinato ng tama.”Napalingon si Avigail sa direksyon ng kambal, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.“Matalino ang kambal,” wika niya sa wakas. “Madami silang tanong, Dominic. At mas pinili kong sagutin ‘yon kaysa magsinungaling. Hindi ko kayang itago sa kanila kung bakit w

  • Ex-wife Return: Love Me Again   We can't accept you

    “Mommy!!” sigaw ni Dale habang mabilis na lumapit kay Avigail. “Nakausap na namin si Skylie. Sabi ng doktor kay Ninang, limited time lang daw po kami puwedeng manatili sa loob. Kaya po lumabas na kami.”Nagulat si Avigail nang makita silang lumabas ng ICU. Hindi niya namalayang siya pala’y umiiyak na sa bisig ni Dominic. Agad siyang napahawak sa mukha, tinatago ang luha.“Iuuwi ko na sila. Sasamahan ko na lang—”“Ninang!” putol ni Dane habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ninang. “We want to stay here. Puwede po ba kaming maupo lang dito? Gusto lang po naming panoorin si Skylie.”Lumingon si Angel kay Dominic, saka kay Avigail, ngunit bago pa man siya makasagot, napatingin si Dominic sa kambal—at tila napako ang kaniyang tingin doon.Hindi siya makapaniwala.Ngayon lang niya lubos na pinagmasdan sina Dale at Dane, at parang unti-unting nabura ang mundo sa paligid niya. Para siyang nanonood ng lumang alaala—ng sarili niyang kabataan—nang bigla niyang mapansin: magkakamukha sila. Ang

  • Ex-wife Return: Love Me Again   She is a mother

    Tahimik ang hallway ng ospital. Tanging ang mahihinang tunog mula sa ICU monitor sa loob ng silid ang maririnig, kasabay ng malamig na hum ng aircon. Nakaupo sa bench sina Dominic at Avigail—magkatabing tila magkalayo pa rin. Walang salitang binibitawan, tanging mga mata at buntong-hininga ang nagpapahiwatig ng bigat sa kanilang dibdib.Sa loob ng ICU, si Skylei ay nakaoxygen at bantay-sarado ng doktor. Kasama niya roon sina Dale at Dane, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kapatid. Nasa loob din si Angel, ang ninang nila, taimtim na nagdarasal sa isang sulok.Sa labas, sa isang sandaling may kapayapaan, biglang umalingawngaw ang matalim na sigaw mula sa may elevator.“Dominic Villafuerte! Anong ginagawa ng babae niyan dito?!”Napalingon agad ang mga nurse at bantay sa paligid. Mabilis na tumayo si Dominic habang si Avigail ay napaatras at bahagyang nataranta. Sa harap nila ay ang ina ni Dominic—si Mrs. Luisa Villafuerte, ang reyna ng pamilyang Villafuerte, an

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Co-parenting

    “Sinasabi mo bang nanganak ka mag-isa sa tatlong bata?” tanong ni Dominic, puno ng gulat at lungkot ang boses.Tahimik lamang na tumango si Avigail.“Pero bakit nahiwalay si Skylei sa mga kapatid niya? Kung hindi ikaw ang may kagagawan, sino? Sino ang naghiwalay sa iyo kay Skylei?” Halata sa tono ni Dominic ang pagkalito, ang galit, at ang pagkabigo. “May sakit si Sky noon. Malala. Kung hindi namin naagapan… baka noon pa, wala na siya.”Napaluhod si Avigail sa harap ni Dominic. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol.“Patawarin mo ako...” nanginginig ang tinig niya. “Sinabi sa akin ng doktor na isa sa triplets ang mahina. Kaya nang sinabi nilang hindi na niya kinayang mabuhay pa kahit isang araw, tinanggap ko na lang. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong magpatuloy… kasi may dalawa pa akong anak na umaasa sa akin.”Umiiyak siyang napayuko, nanginginig ang balikat.“Pero kahit kailan… kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang bunso kong babae. Hindi ko siya inalis sa puso’t isip

  • Ex-wife Return: Love Me Again   They are your son

    "Kamusta si Skylei? May improvement na ba ang lagay niya?" tanong ni Avigail.Hindi siya nakatulog kagabi habang iniisip kung paano siya naging pabayang ina—kung paanong naniwala agad siyang patay na ang kanyang bunsong anak. Sa tulong ni Miguel Tan, ni Angel, at ni Dr. Daven Cruz, inalaman nilang lahat ang nangyari sa araw ng panganganak ni Avigail sa ibang bansa. Gustong-gusto ni Avigail na siya mismo ang gumawa ng hakbang, ngunit hindi katulad ng mga taong ito, wala siyang koneksyon—maliban na lang sa pagiging kilala niyang doktor sa traditional medicine."Akala ko hindi ka na babalik. Mabuti naman at nandito ka na," malungkot na sabi ni Dominic habang nakaupo sa bench sa labas ng ICU, at nakatingin sa bintana nito kung saan makikita si Skylei na nakahiga at maraming tubong nakakabit."Mommy! Tito!""Mom! Dad—I mean, Tito, hello po sa inyo.""Pasensya na. Iniwan mo sa akin ang mga bata para dalhin sa kindergarten. Nalaman ng teacher nila ang nangyari kay Sky, kaya binigyan sila ng p

  • Ex-wife Return: Love Me Again   DNA RESULT

    "Avigail!! Heto na, nakakuha ako ng mabilis na proseso ng DNA testing sa hospital namin. Ang galing nga kasi pinadeliver pa nila!" sigaw ni Angel habang mabilis na pumasok sa bahay ni Avigail, hawak ang isang brown envelope na may seal ng ospital.Nagulat ang kambal na sina Dane at Dale sa biglang pagsulpot ng kanilang Ninang. Dahan-dahan pa itong lumapit, nahihiyang ngumiti sa kanila."Ninang! Kumain ka na po ba?" tanong ni Dane na laging concern sa mga bisita nila."Mom, Ninang… para saan po ba ang DNA test na iyan? May problema po ba?" tanong naman ni Dale habang hawak ang laruang robot.Tumingin si Avigail sa dalawang bata. Naisip niyang wala na siyang maitatago pa sa kanila. Limang taon pa lang ang kambal, pero sobrang talino na nila—mga batang marunong magbasa ng damdamin at sitwasyon."Oo… Sorry kung ginawa ito ni Mommy nang hindi kayo sinabihan. Naguguluhan na kasi ako. I can't give birth twice in a row. Alam niyo ‘yung ibig sabihin, di ba?""Opo, Mommy," sagot ni Dale. "Pero d

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Confussion

    "Ano? Sinabi mo talaga 'yon kay Dominic? Gosh, Avigail!" Galit na ang tono ni Angel habang nakaupo sa tapat ng kaibigan. Halos malaglag ang hawak niyang baso sa narinig."Nagpakumbaba na siya. Inamin niya ang pagkukulang niya, halatang sobra na siyang nagsisisi—pero bakit hindi mo man lang binigyan ng kaunting puwang ang salita niya? Kahit hindi mo siya patawarin, sana hindi mo na lang nasabi ‘yon."Napatingin si Avigail, halatang pinipigilan ang luha."Galit ako nun, Angel. Sa tingin mo ba madali ‘yon? Iniisip niyang kaya kong itapon ang sarili kong anak? Anak ko!""Oo, gets ko ‘yon. Tama ang dahilan mo—may point ka, pero hindi pa rin tama ang naging sagot mo. Avigail, kung marinig ‘yon ni Sky, ano’ng mararamdaman niya? Na tinanggihan siya ng sariling ina?"Tumayo si Avigail at naglakad palayo sa sofa. "Pero hindi pa rin sigurado na anak ko siya, Angel! Pinipilit lang nilang paniwalaan ko ‘yon!""Pero paano kung totoo?" balik ni Angel, seryoso na rin ang tono. "Sinabi ng doktor na bu

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Your name

    "Hindi! Pero ang galit mo, maaaring sapat na dahilan para gawin ang bagay na iyon—para iwan si Sky." Diretsong sabi ni Dominic habang nakatitig sa mga mata ni Avigail.Napailing na lang si Avigail. Basa niya sa mga mata ni Dominic na totoo ang sinasabi nito—na kahit gaano kabigat ang sinasabi niya, iyon ang laman ng puso’t isipan nito. Bumuntong-hininga siya, pilit tinatago ang sakit na unti-unting bumabalot sa kaniya. Tumingin siya sa labas ng bintana, sa kalsada sa harap nila."Ihatid mo na lang ako sa labas ng gate. Sasakay na lang ako ng taxi pauwi." Mahina pero matatag ang boses ni Avigail."Ako na ang maghahatid. Pabalik din naman ako ng ospital ngayon," alok ni Dominic, tila umaasang maaayos pa ang pagitan nila kahit papaano."Hindi na. May kailangan pa akong puntahan," malamig niyang tugon, hindi na tumingin kay Dominic.Wala nang nagawa si Dominic kundi paandarin ang sasakyan. Tahimik silang bumaba ng mansyon ng mga Ferrer—parehong puno ng bigat, parehong may mga tanong na w

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status