Wala pang karanasan si Dominic sa pagpapatahan ng mga bata. Noong nakaraan, kapag umiiyak si Sky, laging si manang Susan ang nagpapatahan dito dahil ito ang kaniyang tagapangalaga.Nang makita niyang umiiyak ang anak sa harap ni Avegail, medyo naguluhan si Dominic."Huwag ka nang umiyak." Sa huli, inutos niya nang may matigas at malamig na mukha.Akala niya, emotionless lang ang sinabi niyang iyon.Pero sa mga tenga ni Sky, parang isa itong malupit n autos.Pagkatapos ng mga salitang iyon, lalo pang humagulhol si Sky. Halos magkahilera na ang mga patak ng kanyang mga luha at mabilis na bumagsak. Yumuko siya at humikbi, halos hindi makahinga. Sobrang pag-iiyak na ang ginagawa ni Sky at medyo nahihiya na si Dominic sa harap ng babae.Nagkunot ang noo ni Dominic, hindi alam kung paano tatanggapin ang sitwasyon.Nakita ni Avegail na ang reaksyon ni Dominic bilang isang ama ay malamig sa harap ng kanyang anak, kaya’t hindi na niya kayang tiisin pa."Ganito ba ang trato mo sa anak mo? Umiiy
Tiningnan ni Dominic ang mga mata sa dalawang maliliit na bata sa harap niya, bahagyang nakakunot ang kanyang mga kilay.Halatang ang dalawang maliliit na bata ang nagbibintang sa kanya, ngunit hindi niya alam kung bakit. Nakita niyang ganito ang mga bata, at nakaramdam siya ng hindi komportableng pakiramdam, pati na ng hindi maipaliwanag na guilty.Hawak ni Avegail si Sky sa kanyang mga bisig. Nang marinig niya ang mga sinabi ng dalawang bata, sandali siyang napatigil, at pagkatapos ay nakaramdam siya ng sakit sa puso.Buti na lang at hindi nila alam na ang lalaking nasa harap nila ay ang kanilang tunay na ama.Kung alam nila, siguro mas lalo pa silang malulungkot at magagalit..Natahimik si Dominic ng matagal, at humingi ng paumanhin habang umiiwas ang kanyang mga mata mula sa dalawang bata, "Pasensya na, hindi ko inisip na mga masama kayong tao, pero naisip ko lang na... dahil may sarili na kayong buhay, hindi maganda kung makipag-ugnayan kayo sa ex-husband ng mommy niyo. Kung mala
Hanggang sa nawala na sa paningin sina Dominic, saka bumalik sa loob at hinila niya ang dalawang maliit na bata at lumuhod sa harap nila nang seryoso.Alam ng dalawang bata na may sasabihin ang kanilang mommy, kaya’t tumaas ang kanilang mga mata at tumingin nang maayos."Dane, Dalee, makinig kayo mabuti, kahit sino pa man ang makilala ninyo sa hinaharap, huwag na huwag niyong sasabihin sa iba ang tungkol sa sitwasyon natin sa pamilya, lalo na... ang katotohanang wala kayong daddy!" Naalala ni Avegail ang nangyari kanina, kaya't sumasakit ang kaniyang ulo.Kung hindi siya sumingit sa usapan agad, tiyak na magdududa si Dominic, na sobrang talino pa naman ito!Nagkatinginan sina Dale at Dane, at tumaas ang kanilang mga kilay. "Bakit? Wala naman talaga kaming daddy!"Mas lalong sumakit ang ulo ni Avegail.Hindi niya kayang sabihin sa dalawang bata na dahil natatakot siya na baka dumating ang kanilang biological na tatay.Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, nag-isip si Avegail ng isa
“Dad, Mom, bakit kayo nandito?" gulat na tanong ni Dominic habang nakakunot ang noo.Nang marinig ito, nag-alala si Luisa at agad na sinuri kung may sugat ang kanyang apo. "Narinig ko na nawawala ang aking mahal na apo kaninang umaga. Wala ba kayong pakialam? Natakot ako kaya't agad kong isinama ang tatay mo para makita ka. Kayo rin, hindi niyo man lang sinabi sa amin ang ganitong malaking bagay!" sabi ng kaniyang ina sa kaniya.Tahimik lang si Dominic."Princess Skylei, sabihin mo nga kay Lola kung saan ka pumunta?" Tinitiyak ni Luisa na wala itong sugat, niyakap niya ito ng may pagmamahal at nagtanong ng may kababaan ng loob, "Ang bata mo pa, paano ka naman nakalabas mag-isa? Natakot si Lola, huwag mong uulitin ito ha?"Sumang-ayon din si Lera, "Kung may hindi ka gusto, pwede mong kausapin si tita, huwag mong tatakasan na walang sabi-sabi, nag-aalala ang lolo at lola mo, handa pa nga akong lumabas para hanapin ka, buti na lang at nandiyan ka na!"Si Sky na niyayakap ni Lola ay may m
Pagdating ng tanghali, nag-stay si Dominic at ang kanyang mga magulang sa mansyon para mananghalian, at si Lera ay nagbigay din ng dahilan upang manatili.Sa hapag-kainan, si Lera ay naging maalahanin sa harapan ng magulang ni Dominic, palaging naglalagay ng sopas at pagkain sa plato ng mga magulang ni Dominic, at pinagbalatan din niya ng mga hipon si Skylei dahil hindi siya masyadong kumain ng marami."Halika Skylei, pinagbalatan ka ni tita ng hipon. Hindi ba paborito moa ng mga ito?”Itinulak ni Lera ang mga hipon na binilatan niya para kay Skylei.Tumingin lang si Sky at binaba ang ulo upang kumain sa sarili niyang mangkok, na parang hindi nakita ang mga hipon.Nakapako pa rin ang kamay ni Lera sa pinggan na itinulak niya, at ang ngiti sa kanyang mukha ay tila medyo matigas at pilit.Matagal na hindi tinikman ni sky ang mga hipon."Sky, Tita ang nagbalat ng hipon para sa'yo, bakit hindi mo ito kinakain? Hindi ka ba maagpapasalamat kay Tita?" pagalit na sabi ni Luisa, ang lolo ni Sk
Hindi na tinanong pa ni Arnaldo. Kung nais ng kaniyang apo na mag-aral, ituturo niya ito sa kanya.Nagpasya ang maglolo na ipakuha ang panulat at tinta mula sa mga kasambahay at nagpraktis ng kaligrapiya sa dining table sa loob ng bahay.Nakita ni Dominic na inaalagaan ng kanyang ama si Sky, kaya’t nagpaalam siya at pumunta sa study.Si Lera ay labis na galit na halos magngalit ang mga ngipin. Nagngingit-ngit ito at hindi niya mailabas ang gusto niyang sabihin dahil nasa harapan siya ng mga magulang ng kaniyang gustong pakasalan.Paano ba naman, hindi ba’t halata na ang maliit na batang ito ay malinaw na iniiwasan siya sa harap ng pamilya nito ng ilang beses upang lumayo sa kanya!Kung magpapatuloy ito, tiyak na mapapansin ng mga magulang ni Dominic ang kakaibang nangyayari! Baka maiisip nito na huwag na din siyang ipakasal sa anak ng mga ito.Ayaw niyang tanggapin ang bagay na iyon. Kailangang may gawin siya, kailangan niyang maghanap ng pagkakataon upang turuan ang maliit na batang
Hindi pamilyar si Avegail sa mga malalapit na restaurant kaya't tinanong niya si Angel kung may mairerekomenda siya at diretso niyang dinala ang dalawang bata roon.Habang kumakain, nagpadala ng mensahe si Martin sa kanya, "Doktor Suarez, maggagamot ka ba ngayon?"Naalala ni Avegail na hindi niya pa naipaliwanag nang maayos ang proseso ng paggamot kay Martin, kaya't sumagot siya agad, "Medyo mahina pa si Mr. Lee, at hindi pwedeng masyadong madalas ang paggamot. Magkasunod na araw na siyang tini-treatment. Pahingahin muna natin siya ngayon, bukas na ako pupunta. Pasensya na, nakalimutan ko ipaalam sa iyo ng maaga.""Okay, maghihintay ako kahit kailan," mabilis na sagot ni Martin.Nakita ng dalawang bata na abala pa ang kanilang Mommy sa pagpapadala ng mensahe habang kumakain, kaya't nagtanong sila nang curious, "Mommy, may problema ba?"Ngumiti si Avegail at kumuha ng ilang pagkain para sa mga bata, "Wala, tinanong lang ako ng pasyente kung pupunta ako ngayon."Nang marinig ito, tumang
Narinig ni Lera ang mga salita ni May, at makikita ang hindi kaaya-ayang reaksyon sa mukha nito na medyo naguguluhan.Dahil tinanggihan siya ni Dominic dati, at biglang nalaman na ang babaeng ito ay bumalik na sa bansa, hindi na siya naglakas-loob na maghintay pa. Sa panahong ito, patuloy niyang tinatangka ang lahat ng paraan upang magkaroon ng posisyon sa buhay ni Dominic Villafuerte.Kanina lang umaga, espesyal niyang inimbitahan ang dalawang magulang ni Dominic upang maging tagapamagitan, naiisip niyang magbabago ang isipan nito kung mayroong makakarinig sa mga sinasabi at sagot ni Dominic tungkol sa kasal. Ngunit wala pa ding bago, ayaw pa din ni Dominic na ituloy ang kasal sa lalong madaling panahon at dahil nandyan ang dalawang matanda hindi niya maipakita kung ano talaga ang nararamdaman niya. Nagagalit siya sa inaasta ng bata at ng ama nito.Hindi pa tapos ang araw, gusto niyang ilabas ang inis at galit niya kaya naman tinawagan niya si May para makapag-shopping sila.Ngunit