Pagdating ng tanghali, nag-stay si Dominic at ang kanyang mga magulang sa mansyon para mananghalian, at si Lera ay nagbigay din ng dahilan upang manatili.Sa hapag-kainan, si Lera ay naging maalahanin sa harapan ng magulang ni Dominic, palaging naglalagay ng sopas at pagkain sa plato ng mga magulang ni Dominic, at pinagbalatan din niya ng mga hipon si Skylei dahil hindi siya masyadong kumain ng marami."Halika Skylei, pinagbalatan ka ni tita ng hipon. Hindi ba paborito moa ng mga ito?”Itinulak ni Lera ang mga hipon na binilatan niya para kay Skylei.Tumingin lang si Sky at binaba ang ulo upang kumain sa sarili niyang mangkok, na parang hindi nakita ang mga hipon.Nakapako pa rin ang kamay ni Lera sa pinggan na itinulak niya, at ang ngiti sa kanyang mukha ay tila medyo matigas at pilit.Matagal na hindi tinikman ni sky ang mga hipon."Sky, Tita ang nagbalat ng hipon para sa'yo, bakit hindi mo ito kinakain? Hindi ka ba maagpapasalamat kay Tita?" pagalit na sabi ni Luisa, ang lolo ni Sk
Hindi na tinanong pa ni Arnaldo. Kung nais ng kaniyang apo na mag-aral, ituturo niya ito sa kanya.Nagpasya ang maglolo na ipakuha ang panulat at tinta mula sa mga kasambahay at nagpraktis ng kaligrapiya sa dining table sa loob ng bahay.Nakita ni Dominic na inaalagaan ng kanyang ama si Sky, kaya’t nagpaalam siya at pumunta sa study.Si Lera ay labis na galit na halos magngalit ang mga ngipin. Nagngingit-ngit ito at hindi niya mailabas ang gusto niyang sabihin dahil nasa harapan siya ng mga magulang ng kaniyang gustong pakasalan.Paano ba naman, hindi ba’t halata na ang maliit na batang ito ay malinaw na iniiwasan siya sa harap ng pamilya nito ng ilang beses upang lumayo sa kanya!Kung magpapatuloy ito, tiyak na mapapansin ng mga magulang ni Dominic ang kakaibang nangyayari! Baka maiisip nito na huwag na din siyang ipakasal sa anak ng mga ito.Ayaw niyang tanggapin ang bagay na iyon. Kailangang may gawin siya, kailangan niyang maghanap ng pagkakataon upang turuan ang maliit na batang
Hindi pamilyar si Avegail sa mga malalapit na restaurant kaya't tinanong niya si Angel kung may mairerekomenda siya at diretso niyang dinala ang dalawang bata roon.Habang kumakain, nagpadala ng mensahe si Martin sa kanya, "Doktor Suarez, maggagamot ka ba ngayon?"Naalala ni Avegail na hindi niya pa naipaliwanag nang maayos ang proseso ng paggamot kay Martin, kaya't sumagot siya agad, "Medyo mahina pa si Mr. Lee, at hindi pwedeng masyadong madalas ang paggamot. Magkasunod na araw na siyang tini-treatment. Pahingahin muna natin siya ngayon, bukas na ako pupunta. Pasensya na, nakalimutan ko ipaalam sa iyo ng maaga.""Okay, maghihintay ako kahit kailan," mabilis na sagot ni Martin.Nakita ng dalawang bata na abala pa ang kanilang Mommy sa pagpapadala ng mensahe habang kumakain, kaya't nagtanong sila nang curious, "Mommy, may problema ba?"Ngumiti si Avegail at kumuha ng ilang pagkain para sa mga bata, "Wala, tinanong lang ako ng pasyente kung pupunta ako ngayon."Nang marinig ito, tumang
Narinig ni Lera ang mga salita ni May, at makikita ang hindi kaaya-ayang reaksyon sa mukha nito na medyo naguguluhan.Dahil tinanggihan siya ni Dominic dati, at biglang nalaman na ang babaeng ito ay bumalik na sa bansa, hindi na siya naglakas-loob na maghintay pa. Sa panahong ito, patuloy niyang tinatangka ang lahat ng paraan upang magkaroon ng posisyon sa buhay ni Dominic Villafuerte.Kanina lang umaga, espesyal niyang inimbitahan ang dalawang magulang ni Dominic upang maging tagapamagitan, naiisip niyang magbabago ang isipan nito kung mayroong makakarinig sa mga sinasabi at sagot ni Dominic tungkol sa kasal. Ngunit wala pa ding bago, ayaw pa din ni Dominic na ituloy ang kasal sa lalong madaling panahon at dahil nandyan ang dalawang matanda hindi niya maipakita kung ano talaga ang nararamdaman niya. Nagagalit siya sa inaasta ng bata at ng ama nito.Hindi pa tapos ang araw, gusto niyang ilabas ang inis at galit niya kaya naman tinawagan niya si May para makapag-shopping sila.Ngunit
Umalis sa lugar ang mag-iina. Sumakay sila sa kotse at naupo ang dalawang kambal sa tabi ng bintana sa likod ng driver seat kung nasaan ang kanilang Mommy.Sa restaurant,"Ate, anong nangyari sa inyo ng doctor Suarez? Mukhang kilala niyo siya, pero hindi maganda ang relasyon niyo?" tanong ni May nang maingat habang tinitingnan ang kausap.Iginitgit ni Lera ang mga pangil sa galit, "Paano magiging maganda ang relasyon? Si Avegail Suarez ay ex-wife ni Dominic!"Sa isip ni Lera. Kung hindi dahil kay Avegail, tapos na sana ang kasal namin ni Dominic!Nang marinig ito, nagulat si May, "Yung tao na yun... ex-wife pala ni Brother Dom?" tumango si Lera at hindi na sumagot. Nagagalit siya ng sobra sa babaeng iyon.Si Dominic ay ikinasal na anim na taon na ang nakalipas, at hindi ito lihim sa kanilang angkan.Lalo na sa ilang mga tao na lumaki kasama si Dominic.Tulad ng palagi nilang ini-expect at usap-usapan ng buong angkan ay silang dalawa dapat ang ikakasal. Nabigla din sila dahil nag-asawa
Pinagmasdan ng dalawang bata si Lera mula ulo hanggang paa, at sa huli, nakaramdam sila na hindi kayang pantayan ng babae iyon ang kanilang mommy.Iniwan ng kanilang Daddy ang Mommy nila para sa babaing iyon, sa palagay ng dalawang kambal ay napakababaw nitong dahilan!Matapos ang ilang sandali ng pang-iisnab, biglang naalala ni Dale ang kanilang pag-uusap kanina sa restawran, kaya't nilapitan niya si Avegail at nagtanong, "Mommy, sabi mo kanina na may mga kalokohan yung tita, anong nangyari? Na-bully ka na ba niya?"Ayaw sanang idamay ni Avegail ang dalawang bata, kaya't pinigilan niya ang sarili at sumagot ng kalmado, "Wala yun, tungkol lang sa trabaho, nasolusyunan na."Ngunit, agad na sumagot si Dale gamit ang matigas na boses."Ganoon po lang ba?" nakasimangot na tanong ni Dale, ang kanyang noo ay naka-kurba ng matinding pagiisip, "Ano iyon? Mommy, sabihin mo na sa amin!"Sumabay din si Dane, "Mommy, hindi ba't nagkasundo tayo? Hindi tayo dapat magtago ng sikreto sa isa't isa, hi
Tumingin si Lera sa paligid at nakita na ang lahat ng computer screens sa kanyang field of vision ay pare-pareho ng larawan.Nang makita ito, sobrang galit na ni Lera at nanginginig ang buong katawan. Nang makita ng mga empleyado na nakita na niya ang larawan sa screen, naging mas maingat sila at hindi na makapagsalita.May ilang mga tao na nagtatangkang tignan ang reaksyon ni Lera, ngunit nang magtagpo ang kanilang mata, agad nilang iniiwas ang kanilang mga tingin.Ipinadaan ni Lera ang kanyang mga mata sa mukha ng mga empleyado, sabay kagat ng mga ngipin at itinuro ang ilang tao, iniutos kay Leng na agad silang tanggalin sa trabaho, at pagkatapos ay tinalikuran at tinutok ang mga mata sa mga empleyado sa technical department at sinermonan sila."Ano'ng ginagawa niyo! Pwedeng pasukin lang ang sistema ng kumpanya nang ganun-ganun na lang? At ilang oras na ang lumipas, hindi niyo pa rin kayang ayusin? Nagastos ako ng malaki para imbitahan kayo dito, para lang mapahiya ako? Kung hindi n
"Ang pambu-bully niya kay Mommy ay tiyak may kapalit!" pang-aasar ni Dale.Tumaas ang ulo ni Dane at masiglang nagsimula muling mag-type sa keyboard.Nang makita ito, nagtataka si Dale, "Ano ang ginagawa mo?""Walang silbi ang mga teknikal na tao nila. Napakasimple lang ng virus ko, pero hindi pa rin nila na-crack. Kaya naman, gagawin kong mas mahirap para pahirapan pa sila at makagalit ang masamang babaeng iyon!" masiglang sabi ni Dane.Nang marinig ito, tumango si Dale bilang pagsang-ayon, "Mas mabuti kung hindi nila ma-crack. Para mas maraming tao ang tumawa sa kanya at makita kung magtangka pa siyang mang-bully kay Mommy!"Ang dalawang batang lalaki ay nakatutok sa computer.Biglang narinig ang mga hakbang sa pinto.Agad na narinig ni Dale ang ingay mula sa labas at pinayuhan si Dane.Agad na natapos ni Dane ang coding at ipinasa ang computer kay Dale.Nang pumasok si Avegail, nakita niyang hawak ni Dale ang computer at nakahiga si Dane sa gilid, na tinitingnan ito ng may pagkamau