”Umaasa ka na paniwalaan ko ang kalokohan na iyan? Lagi kang nahuhumaling sa kanya.” Nakangisi niyang sinabi at suminghal ako bilang tugon.“Ang ngayon mukhang ikaw ang siyang nahuhumaling sa kanya… ngayon kung maaari, kailangan kong umalis. Sapat mo ng sinayang ang oras ko.”“Hindi pa ako tapos kausapin ka, p*ta ka!”Hindi ko siya pinansin pero ang kanynag mga sinabi ay nagpahinto sa akin.“Sinusumpa ko, Ava. kung maglakad ka palayo, hahanapin ko ang bastardong anak mo at pagbabayarin siya para sa lahat. Kung sabagay, siya ay isa sa ibang rason bakit nawala ang lahat sa ”Nakarinig ako ng matalas na buntong hininga, pero hindi ito pumasok sa isipan ko.Hindi ako nagiisp kapag kumikilos ako.Tumalikod ako at tinulak siya. Hinampas siya sa van. Ginamit ko ang aking forearm sa kanyang leeg, tinulak siya sa van at nasasakal sa kahinaan.Ang self-defence class na kinuha ko ay nagbubunga at simula noong isang lingo, may lisensya akong magdala ng baril. Inabisuhan ako ni Ethan na mag
Ako ay medyo naiirita ng dumating ako sa bago kong bahay. Aabutin ng ilang oras para masanay na tawagin ko itong sariling bahay ko.Pinarada ko ang truck at lumabas lang para magulat. Si Rowan sa lahat ng tao ay nakaupo sa labas ng aking bahay. Nilapitan ko siya ng nakatitig sa kanyang mukha.“Kung nandito ka para pagalitan ako tungkol kay Emma, pwede mo na lang hatakin ang iyon sarili pabalik sa iyong sasakyan at umalis.” Sinabi ko sa kanya habang nakaturo sa kanyang magarang itim na Ashton Martian.Sinusumpa ko, kung nandito siya para gumawa ng gulo, gugulpihin ko siya papunta sa space at pabalik.“Anong tinutukoy mo?” Tanong niya tumatayo. May tingin ng kalituhan sa kanyang mukha.“Sigurado ako na ang maliit na p*tang iyon ay tinawagan ka at nagsabi ng ilang kasinungalingan hindi ba?” Umangal ako, inaalala ang sinabi ni Emma.Tinapik ko ang paa ko at nakaabang para sa kanya na kumpirmahin ito. Ibig kong sabihin bakit siya dumating dito sa loob ng ilang minuto matapos ang tapat
Binuksan ko ang kandado, bago ako humarap sa kanila. Mas maganda ang anim na kamay kaysa sa apat. Bukod pa dito, may ilang piraso na mukhang mabigat. Mas madali na buhatin nila ito kaysa sa amin lang ni Ethan.“Pwede bang tumigil kayo sa pagtitig at tumulong kayo sa akin?” Ang tanong ko noong walang kumilos sa kanila.Nainis si Rowan at lumapit siya sa akin. Pagkatapos ay sumunod si Ethan.“So ano ang unang bubuhatin niyo?” Ang sabi ko noong walang kahit sino sa kanila ang kumilos.Naiinis na ako sa kanila. Sigurado ako na walang aalis kapag sinabi ko sa kanila, pero hindi sila tumutulong. Kung alam ko lang na mangyayari ito, nag-hire na lang sana ako ng tao.Sa huli, si Ethan ang unang kumilos at hinawakan niya ang isang dulo ng sofa. Pagkatapos kagabitn ang ngipin niya, si Rowan ang humawak sa kabilang dulo.Tahimik silang kumilos at dinala nila ang sofa sa sala. Pinulot ko ang kung anong madaling buhatin, dinala ko ang mga ito sa loob.Nagtrabaho kami ng tahimik. Sinubukan ko
Rowan:“Ano ang nangyari sayo?” Ang tanong ni Gabe habang nakatingin siya sa ice pack na nasa mukha ko.“Si Ethan.” Ang sabi ko. Wala ako sa mood para harapin ang kapatid ko.P*ta! Hindi pa rin ako makapaniwala na nakipag laban ako sa tanga na yun. Sobrang galit lang ako at hinayaan ko na maapektuhan ako ng mga salita niya.“Yung pulis?” Ang tanong niya. “Ang bagong lalaki ni Ava?”Nainis ako dahil dito. Kinuha ko ang ice pack at hinagis ko ito sa pader.“Hindi siya ang lalaki ni Ava.” Ang galit kong sinabi at tumayo ako.Lumalabas ang mga emosyon ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nakikita ni Ava sa peke na yun.Wala pa akong nakukuha na kahit anong mas malalim na impormasyon tungkol sa kanya. Ang mga report ay nagsasabi na isa siyang mabuting lalaki. Walang kahit anong hindi ordinaryo, pero iba ang kutob ko. May tungkol sa kanya na hindi maayos para sa akin. May itinatago siya. Hindi pa ako nagkakamali sa mga kutob ko noon.“Mula sa narinig ko, lalaki siya ni Ava…
Nababaliw na siguro siya. Hindi bihira para sa mga tao na manatiling kasal kahit na wala silang nararamdaman para sa isa’t isa. Ang siyam na taon ay hindi kayang baguhin na hindi ko gusto si Ava. Lalo na pagkatapos ng ginawa niya para makipagtalik siya sa akin.“Ipaliwanag mo pala kung bakit emosyonal ka sa pagiging mag kasintahan nila ni Ethan?” Ang tanong niya.“Sinabi ko na ito! Wala akong pakialam kung makipag-date siya sa ibang lalaki, may masamang kutob lang ako sa pulis na yun.”Paikot-ikot kami at mas lalo lang akong naiinis. Naisip ko na at least ay maiintindihan niya ito, pero mukhang hindi. Sa halip, akala niya ay galit ako dahil may nararamdaman ako para kay Ava at dahil nagseselos ako.“Ako ang unang aamin na mali ang ginawa ni Ava noong siyam na taon na ang nakalipas. Trinato natin siya ng masama dahil dito, pero paano kung hindi siya nagsisinungaling noong sinabi niya na lasing siya? Paano kong totoo ang sinasabi niya?”“Imposible yun.”“Imposible ba? Lahat tayo ay
Anonymous POV:Naglakad ako sa apartment ko at hindi mapakali. Sinubukan kong tumawag sa walang hiyang yun, peroi ayaw niyang sumagot.Naging tahimik siya simula noong sinunog niya ang bahay ni Ava. Dahil dito, takot ako dahil hindi ko alam kung ano ang binabalak niya.Kung hindi ko alam kung ano ang plano niya, hindi ako makakagawa ng pangontra kung sakali na magkamali siya tulad ni Black Serpent.Sinagot ko ang phone ko, tumawag ako sa isa sa mga tauhan ko.“Boss?” Ang sagot ni Blake sa unang ring.“Nahanap mo ba siya?” Ang tanong ko sa kanya.HIndi ako nag aalala sa mga bagay. Hindi ako balisa sa mga bagay-bagay, pero hindi ngayon. May kutob lang ako na may bagay na mangyayari.Hindi ko maalis ang pakiramdam na matatapos na ako at sumisira ito sa loob ko.“Hindi po… para bang naglaho siya sa radar.” Ang sagot niya, nagmura ako dahil dito. “Wala pa pong nakakahanap sa kanya.”Noong nalaman ko na nahuli si Black Serpent, alam ko na kailangan ko siyang patayin.Hindi na mat
“Wala… kailangan ko lang po marinig ang boses niyo.” Ang simpleng sagot ko, pumiyok ako sa huli.“Ayos ka lang ba, sweetie?” Ang tanong niya ng nag aalala. Nasa boses niya iot.Ngumiti ako sa palayaw na binigay niya sa akin simula pa noong bata ako. “Ayos lang po ako, stressed lang po ako sa trabaho. Yun lang po.”“Masyado kang maraming trabaho. Kailangan mo magbakasyon. Hindi naman sa hindi mo kayang gumastos para dito.” Tumawa siya.Narinig ko ang pagkilos sa kabilang linya, pagkatapos ay narinig ko ang tunog ng mga kawali at kaldero. Malamang ay nagluluto o nagb-bake siya. Sigurado ako na nagb-bake siya. Mahilig siya sa pag-bake kaysa sa anumang bagay.“Magbabakasyon po ako kapag naging maayos ang lahat… masyado lang po maraming nangyayari ngayon.” Nagsinungaling ng konti.Dahil sa kutob na matatapos na ako, nagdududa ako na makakapag bakasyon pa ako. Hindi ako isang mabuting tao. Alam ko ito, pero hindi ako tumigil sa pagdarasal na ang mga bagay ay masunod sa gusto ko.“Sige
Ava:Dalawang buwan na simula noong masunog ang bahay ko. Sa ngayon, wala pang nangyari sa akin sa mga buwan na yun.Wala nang iba pang mga atake. Tahimik at umaasa ako na sumuko na ang walang hiyang yun sa pagpatay sa akin.Sinabi sa akin ng chief na wag akong umasa. Ang payo niya ay mag ingat ako at bantayan ang paligid ko.Ayon sa kanya, hindi sumusuko ng basta-basta ang mga taong ganito. Sinabi niya sa akin na malamang ay naghihintay ang taong yun. Gumagawa ng plano. Naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.Naiintindihan ko ang sinabi niya, pero mahirap na hindi umasa kapag naging tahimik sila. Madali lang mag relax at hindi mag ingat kapag parang wala nang pakialam sa akin ang walang hiyang yun.Ang nakalipas na mga buwan ay ang pinakamagandang parte ng buhay ko. Syempre, hindi ito maikukumpara sa panahon na kasama ko si Noah, pero maganda pa rin ito.Ang pinakamagandang parte nito ay si Ethan. Ang bawat sandali na kasama ko siya ay nagturo sa akin ng bagong bagay tu
Emma.Sumasayaw ako kasama si Molly, pinahihintulutan ang musika na maghugas sa akin. Medyo masakit ang likod ko, pero hindi mahalaga kapag sobrang saya ko.Ang aking damit ay kumikislap sa paligid ko habang sinisigaw namin ang lyrics ng Cruel Summer ni Taylor Swift sa tuktok ng aming mga baga. Sumama sa amin si Ava, na buntis nang husto. Natawa ako dahil iniisip niya na sumasayaw siya, ngunit hindi. Hindi ko rin alam kung anong tawag sa ginagawa niya.Mabibilang ko ang ilang beses kung kailan ako naging pinakamasaya. Ang isa ay noong nakapasa ako sa bar exam. Ang pangalawa ay noong tinawag ako ni Gunner na mom sa unang pagkakataon sa mahabang panahon. At ang pangatlo ay ngayon. Sa araw ng aking kasal.Tama ang narinig mo. Kakakasal ko pa lang at hindi ako magiging mas masaya.Natandaan ang cute lawyer na sinabi ko kay Ava noong birthday ni James? Well, hindi siya sumuko, kahit ilang beses ko siyang tinanggihan. Panay ang tanong niya, at ang ibig kong sabihin, ay halos araw araw s
Kaya dumating na tayo sa dulo ng Ex-Husband’s Regret at sa mga side story. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng pagmamahal at suporta mo sa librong ito. Ito ang pinakamahabang librong naisulat ko at sa ngayon ang pinakamatagumpay kong libro. Hindi ito magiging matagumpay kung hindi dahil sa iyong suporta. Kaya kaysa sa inyo. maraming salamat po. Salamat sa iyong paglalakbay mula sa simula hanggang sa katapusan. Ibig sabihin ang mundo ay nananatili ka sa akin.Ngayon, gusto kong iannounce na susunod na ang kwento ni Noah. Ito ay tinatawag na [The Billionaire's Fight For Redemption] Inaayos ko pa ang plot, pero magiging available ito sa kalagitnaan ng Oktubre, kaya abangan ito. Magkakaroon tayo ng side story tungkol kay Gunner at malamang isa pa tungkol kay Lilly.Narito ang isang sneak peek ng The Billionaire's Fight for Redemption. Ito ay isang magaspang na draft.Sierra.Naglalakad ako sa aisle. Bumibilis ang tibok ng puso ko at mabagal ang mga hakbang ko. Ang mga rosas at putin
Makalipas ang tatlong taon.Emma."Seryoso, Emma, kailan ka magsisimulang makipag date?" Tanong ni Ava, umupo sa tabi ko.Tumingin ako sa likod bahay at hindi ko mapigilan ang ngiti na namumuo sa aking mga labi. Ngayon ang kaarawan ng anak nina Travis at Letty. Si James, na ipinangalan sa dad namin, ay mag iisang taon na ngayon.Nagpakasal sina Letty at Travis mga dalawang taon na ang nakalilipas. Nagpropose agad si Travis. Nagising ako pagkatapos ng aksidenteng iyon na muntik ng kumuha sa buhay ko. Nagtataka siguro kayo kung ano ang nangyari sa driver. Well, siya ay kasalukuyang nagsisilbi ng limang taong sentensiya para sa walang ingat na pagmamaneho. Sana natuto siya ng leksyon.Bumalik kina Travis at Letty. Sa tingin ko nakita niya ako sa ospital napagtanto niya kung gaano kaikli ang buhay. Nag propose siya at sinabi ni Letty na oo. Nagpakasal sila sa isang magandang kasal sa spring.Bilang resulta ng pagiging kaibigan ni Ava, dinala ako sa kulungan. Nagpakasal sina Connie
“Hindi! Kailangan kong itulak,” Ungol ko, hinawakan si Gabriel sa sando.Para akong baliw. Para akong nawalan ng malay. Ang sakit ay talagang nababaliw sa akin.Buti na lang at nakarating kami sa kwarto bago ako manganak sa hallway ng biwist na ospital. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa kwarto at sinimulan na nila akong ihanda.Nasa loob na si Ava. Nagpapasalamat ako na may taong nakakaunawa kung ano ang pakiramdam kapag literal na nahati ang iyong ari sa dalawa upang ang isang maliit na maliit na tao ay makapasok sa mundo."Hindi na ako makapagpigil," Sigaw ko bago umakyat at itinulak ang lahat ng mayroon ako.Sumpa ko nararamdaman kong nahati ang pwetan ko at nakakadagdag lang ito sa sakit ko."Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Sigaw ko kay Gabriel habang nakahawak sa kamay niya na nakakamatay.Nakatitig ako sa kanya. Mabilis na pumapasok ang aking mga hininga at ang aking mga butas ng ilong ay pumutok sa pagsisikap na kumuha ng mas maraming hangin sa aking mga baga
”Ayos lang ito, Lily-Bear. Magkakaroon lang ako ng baby… Natandaan mo ano sinabi ko kapag mangyayari na ito?”Tumango siya. “Opo. Sabi mo na mahihirapan ka, pero hindi dapat ako magalala dahil iyon ay parte ng pagdala ng bata sa mundo.”“Mabuti,” Napangiwi ako habang isa pang contraction ang naganap. “Nangyayari ito sa ngayon, kaya huwag kang magalala.”Kinuha ni Gabriel ang kamay ko at tinulungan ako palabas ng kwarto. Huminga ako sa ilong ko at palabas sa bibig ko, pero maging totoo ma tayo. Hindi talaga iyon nakakatulong. Hindi ba?“Hindi ko lang maintindihan. Bakit kailangan mo mahirapan? Hindi ba pwedeng lumabas ang baby ng hindi ka nahihirapan?”Ang huling bagay na gusto ko ay ang matrauma ang anak kong babae sa pagpapaliwanag sa kanya na ang sakit ay kailangan para itulak palabas ang baby mula sa loob ko. Gusto niya na malaman kung bakit ang baby ay kailangan itulak palabas at ipapaliwanag ko na dahil ang baby ay malaki at ang daanan niya ay maliit, kaya ang mga contraction
Harper.Humiga ako sa kama, naghanap ng komportableng posisyon. Sa totoo lang, mukha akong balyena at parang isa rin ako. Nagtitiklop ako ng labada dahil, kumbaga, iyon lang ang pinapayagan kong gawin.Naging overprotective si Gabriel simula nang malaman niyang buntis ako. Halos wala na akong magagawa kung hindi siya magpa panic. Sa dami ng nakakabaliw sa akin, nakita ko rin itong medyo matamis.Napangiti ako habang naiisip ko ang panahon na buntis ako kay Lilly. Nag aalaga si Liam. Hindi siya masyadong mapagmataas gaya ni Gabriel, ngunit nagmamalasakit siya gayunpaman. Ibig kong sabihin, tumakbo siya sa tindahan upang kunin ang aking pagnanasa sa gabi ng walang anumang reklamo. Isang lalaking nagmamalasakit lang ang gumagawa niyan.Ibang iba ang pagbubuntis na ito kay Lilly sa napakaraming paraan. Halimbawa, kasama si Lilly, halos hindi ako dumanas ng anumang morning sickness. Sa isang ito, nagkasakit din ako sa gabi at tumagal ito ng hanggang kalahati ng aking ikalawang trimester
Nakaupo ako sa tabi ni Gunner at araw araw kaming nandito. Maunawain ang paaralan ni Gunner, kaya hindi siya pumasok sa paaralan. Dumarating si Noah upang tingnan siya araw araw at dinadala ang kanyang takdang aralin.“Nag usap kami at sinabi niya sa akin na alam niya ang pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na kausapin siya tungkol dito. Para kausapin ang tao na nandoon at maintindihan kung gaano ito kahirap,” Huminto siya habang hinuhubad ang buhol sa buhok niya bago nagpatuloy. "Huwag kang mag alala, magkakasundo kayong dalawa kapag nakilala niyo ng mabuti ang isa't isa."Sige na Emma, pakiusap gumising ka na. Gumising para sa kapakanan ni Gunner. Iyan lang ang hinihiling ko. Nagdadasal ako, nagmamakaawa sa kalooban ko para buksan ang kanyang mata."Marami tayong gagawin," Ibinaba ni Gunner ang brush. “Napakaraming hindi namin kailangang gawin. Kailangan pa kitang kilalanin at kailangan mo pa akong kilalanin. Atsaka, nangako ka sa akin ng regalo para sa bawat taon na napalampas mo
Ang lahat ng aking lakas ay umalis sa akin at ako ay natitisod sa kanyang mga salita, hindi lubos na maunawaan ang kanyang sinasabi o ang kahulugan sa likod ng kanyang mga salita.Napuno ng gulat na hinga ang silid habang ang lahat ay nakatingin sa doktor na para bang isa siyang dayuhan mula sa kalawakan.“Gising na ba siya? Maaari ba natin siyang makita?” Galing ito kay Ava.“Hindi siya gising. Siya ay nasa ICU, at tanging mga kapamilya lamang ang pinapayagang makakita sa kanya. Sagot niya. "Aasikasuhin ko ito saglit... Aalis na ako, kailangan kong tingnan siya."Naiwan kaming nakatingin sa likod niya habang papalayo siya. Isang mapangwasak na dagok na marinig na si Emma ay maaaring hindi na makalakad muli.Umayos ako ng upo, hindi na ako makatayo pa dahil nanghihina na ang mga tuhod ko.Hindi ko maintindihan. Siya ay patungo sa paggaling. Naging maayos naman siya. Siya ay nag aayos ng mga bakod at ibinabalik ang kanyang buhay. Bakit nangyari ito sa kanya?***"Kailan siya mag
Hinila ko ang aking sarili tuwid, ang aking likod na ramrod, habang sinusubukan kong bigyan ang aking sarili ng ilang maling bravado. Sinusubukan kong ilabas ang mga salita. Para sabihin sa kanya na okay lang ako, pero mabigat ang dila ko at ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko.Marahan niyang tinapik ang mga balikat ko. “Naiintindihan ko. Pumunta at umupo. Mukhang kailangan ng anak mo ng balikat na masasandalan ngayon. Maaari kayong maging anchor ng isa't isa."Ginagawa ko ang tanging magagawa ko. I nod my head bago umalis. Lumapit ako kay Gunner at umupo sa tabi niya bago siya hinila papunta sa kandungan ko. Nakayakap kami sa isa't isa, nakahawak sa isa't isa.Hindi ko alam kung gaano katagal ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Tinuon ko ang focus ko para lang makita si Ava na nakatitig sa akin. Bumaba ang kanyang mga kilay, bumaba ang kanyang bibig at puno ng pag aalala ang kanyang mga mata."Nandito tayong lahat," Mahina niyang bulong bago umupo sa tabi ko. "Nasa opera