Share

Esta Guerra
Esta Guerra
Author: 4the_blg3

Simula

Author: 4the_blg3
last update Last Updated: 2021-03-05 14:44:52

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way. Please obtain permission.

-----

Author's Note: I-eedit ko pa po ito at posibleng mabawasan ng kaunti tapos madagdagan po ng chapters para ma-emphasize 'yung love story.

Dinededicate ko po ito para sa mga magsasaka.

Sociedad Series #1

Bakasyonista

Hindi ako isang ordinaryong tao. Pinipilahan ako ng halos lahat na tao. Masasabi kong nabiyayaan ako ng maraming bagay.

Beauty, fame, and money. Wala na kong ibang hiling. Pero may bagay talaga na bigla na lang makakapagpabago sa pananaw ng isang tao. Siguro gano'n naman talaga kapag naramdaman mo ang bagay na iyon. Hindi lang iyon basta mababaw na kasiyahin na kahit sakit ang kapalit kakayanin mo.

"Ang nag iisang reyna ng mga artistaPilley "Piper" Perouzé Roshan!" aniya ng TV host na nag i-interview sa akin.

Ilang beses kong pinag isipan kung sasalang ba ko sa ganitong interview. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga Q and A dahil sa ganitong show ay puro personal ang mga tanong.

"Matatak ang pangalan mo lalo na sa industriyang ito. May gusto ka pa bang subukan bukod sa pag arte?"

Ilang segundo akong nag-isip bago sumagot.

"Siguro yung sumali sa International pageant. Yun ang gusto ng fans ko na dapat kong subukan." natatawa kong sabi.

Madalas nilang kumento iyon sa instagram post ko lalo na kung naka bikini ako sa picture.

"You're aware that the question is about social issues right? Ngayon, ang isyu ay about sa kakulangan ng suplay ng bigas sa ating bansa. Sa tingin mo paano matutuganan ito?"

I was like 'are you serious?' Bagamat madali lang naman ang tanong.

"Dapat maglatag ng programa tungkol don. Paigtingin ang irigasyon para sa magandang pagpapatubig kasi iyon ang pinaka unang kailangan. Dapat bigyan ng libreng makinarya ang bawat magsasaka sa isang pamilya. We should educate everyone that the backbone of our economy is the agriculture sector." iyon ang turo sa akin ng isa sa mga naging propesor ko nu'ng kolehiyo ako. May malaking epekto iyon sa akin dahil ang pamilya ko ay may malaking lupain na may kinalaman sa ganong bagay.

"Pang pageant nga ang sagot nitong si Piper. Dumako naman tayo sa gustong malaman ng mga fans!" tinuro niya ang mga manonood na halos magwala sa kanilang kinauupuan. Panay silang may hawak na tarpaulin, o hindi kaya naman ay T-shirt na kung saan ay naka balandra ang aking mukha.

"Are you dating someone? Particularly, Latrelle Aurelius." lumakas ang hiyawan at mas lalong nagwala sila parang mga nakawala sa hawla ang mga iyon. But I'm happy that they want to know about what's happening to me. They're here through the ups and downs of my life. Kahit pa minsan masakit dahil ang iba sa kanila ay hindi na ko sinusuportahan.

Si Pixie na aking manager ay nakaupo kahelera ng ilang personalidad na kilala. He's one of those people who's looking forward sa dating issue namin ni Latrelle.

"Actually, Latrelle and I are good friends." not really. Gusto kong matawa sa sinabi ko. But for the sake of the fans ay iyon na lang ang aking sinagot. Pinaka maingat iyon — pang intriga nga raw.

Hindi naman kami magkaibigan. Hindi rin magkaaway. Sapat lang para masabing magkakilala.

"Hindi ba't may upcoming kayo'ng movie? It's Paper Rings?"

"Uhm. Yes. Pero matatagalan pa iyon ng labas may mga bagay kasi na dapat asikasuhin"

Inuna kasi ni Latrelle yung teleserye niya at ayaw niyang isabay sa taping itong bagong pelikula. Dahil do'n nakapagdesisyon ako na magbakasyon muna. Sinabi ko na kay Aria ang tungkol dito pero wala akong balak ipaalam kay Pixie.

"You're still NBSB. A brave woman!" palagi naman silang ganito sa akin. Ang linyang ito ay hindi na bago sa pandinig ko.

"Nagpapayaman pa rin! Kahit mayaman na!" dagdag pa ng host sa sinabi nito. Hindi naman gano'n ang nasa isip ko. Wala lang talaga kong magustuhan.

Marami pa siyang tinanong na mabilis kong sinagot. Nakahinga naman akong maluwag nang natapos iyon. Ito namang si Pixie na kahit nasa van ay hindi matigil sa pagdaldal.

"Dapat sinabi mong dating kayo!"

"I don't want to talk about it. Pwede bang magpahinga muna ako?"

Hindi naman siya umimik. Kaya naging mahimbing ang pagtulog ko. Kinagabihan ay hinanda ko ang mga gamit na dadalhin ko sa El Preve.

Ang mga kasambahay ko ay panandalian muna'ng umuwi sa kanila dahil wala rin naman silang gagawin dito.

Madaling araw palang ay umalis na kami ni Mang Ben. Mahaba-haba kasing biyahe ang tatahakin namin ayoko naman na abutin kami ng gabi. Masyadong delikado lalo na't matanda na itong kasama ko. Nag earphones ako habang dinadama ang magandang tanawin sa bawat dinadaanan. Ilang taon din na hindi ako nakakadalaw doon.

It's time to relax kumbaga.

Nag drive thru na lang kami para sa pananghalian. Tinawagan ko naman si Pixie habang nagpapatunaw ng pagkain.

"Aalis ka without my permission!" ang tulili ko yata sa tenga ay halos matanggal dahil sa pagtaas ng boses nito.

"Nasa biyahe na ko, Pixie. I'm sorry I didn't inform you", sabi ko. Pero 'yun naman talaga ang plano ko dahil alam kong pipigilan niya ko.

"Sorry! Sorry! Ewan ko sayo'ng bata ka!" binaba niyang bigla ang tawag.

Nagkatinginan kami ni Mang Ben na nagsimulang mag maneho.

Hindi ko maiwasan mapangiti kapag nakakakita ako ng billboard ko sa daan. Ang iba naman ay tarpaulin lamang pero minsan ay nadidismaya ako. Nilalagyan kasi nilang drawing na hindi maganda ang mukha ko.

Hindi ko alam kung hater , o kung trip lang nilang gawan ng gano'n ang mukha ko.

Umayos ako nang pagkakaupo dahil alam kong malapit na kami sa mansyon. Ang bungad ng El Preve ay purong palayan pero hindi na iyon kasing lawak katulad ng dati. Ang iba doon ay tinayuan ng building o hindi kaya naman ay bakanteng lote na.

May isang lalaking muntik pang mahagip ng sasakyan namin dahil sa paghaharutan nilang magkaibigan.

Binuksan ni Mang Ben ang bintana ng sandali siyang tumigil.

"Puro kulitan sa daan. Mababangga kayo niyan!" sermon ni Mang Ben sa mga binata. Hindi ko makita ang mukha ng isa sa mga lalaki dahil may saklob itong katulad ng sa magsasaka. Masyadong malaki iyon para masilayan ko ang mukha niya.

"Pasensya na po, Mang Ben!" pamilyar ang lalaking 'yun na nakauniporme.

"Nako! Kayo talaga, Cazue. Sa susunod mag-ingat kayo." ani Mang Ben saka nagsimula ulit mag maneho.

Pinagmasdan ko sa rear view ang dalawang lalaki parang kilala ko ang kasama nito.

Pagkababa ko ng sasakyan ay bumungad si Sandra ang isa sa mga kasambahay namin.

"Ang gandang bakasyonista naman ni Senyorita!" bati niya sa akin bago ako tulungan sa aking mga gamit.

"Salamat, Sandra. Hindi ka pa rin nagba-bago! Mabola ka pa rin." ngumiti ako.

----ESTA GUERRA----

Related chapters

  • Esta Guerra   1

    Probinsya"Ang lupa ng mga magsasaka! Ibalik! Ibalik!" agang-aga ay iyon agad ang bumulabog sa akin. Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa ingay. Maagap kong hinawakan ang aking likod dahil sa pagbagsak ko sa sahig."Kainis! Bakit ang ingay?!" reklamo ko.Bumukas ang pinto at isa sa mga kasambahay namin ang siyang tumulong sa akin upang ako'y tumayo. Sa totoo lang kahit magkaiba kami ng estado sa buhay siya ang tinuturing kong isa sa mga totoong kaibigan ko bukod kay Aria. Natandaan kong nag away kami ng isang ito over petty things at isa na do'n ang hindi niya pagsama sa akin mag aral malayo. Ngunit ng maglaon naman ay naintindihan ko ang kanyang rason ng magkausap kami.Syempre! Sinong hindi ma-to-touch sa k

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   2

    Hapag"Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito, Anak", sabi ni Papa sa kalagitnaan ng aming pagkain.Hiniwa kong dahan-dahan ang beef steak upang malasap ang nanunuot na lasa nito. Si Mama naman na katapat ko ay aking sinulyapan. Namutawi ang ngiti nito at ginantihan ko rin siya ng isang ngiti.Inabot niya ang kamay kong nasa mesa at hinaplos iyon. "Akala ko hindi ka susunod sa akin sa pag uwi mo dito. Sabi kasi ni Pixie ay abala ka sa mga projects mo"Ilang beses niya kong niyayang umuwi rito pero ni-isang beses ay hindi iyon umubra sa akin.Balak ko naman talagang umuwi rito. Pagkatapos sana ng aking teleserye pero nagkaroon ako ng photoshoot sa isang sikat na clo

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   3

    Real DateNang matapos kumain ay pumunta kami sa terrace ng bahay. Malaki iyon kaya kasya ang iilang mesa. Pinaghila ko ng upuan sila Mama at Papa malapit sa round table.Umupo na rin ako sa tabi nila. Si Letty naman ay pinaglagay kami ng meryenda sa mesa. Ilang oras kasi matapos ng umagahan ay nag badminton kami nila Papa. Kaya nakaramdam kami ng gutom. Ito na rin ang nagsilbing tanghalian namin. Alam nilang hilig ko ang badminton noon pa. Ito na rin ang bonding naming pamilya."Piper, about your project na binanggit mo kanina. Sinong leading man mo? This time I want you to date for real", madalas akong kulitin ni Mama sa ganitong bagay. Gusto niyang ayusan niya ko for my 'first real date'. Dahil ang mga nakadates ko noon ay para sa mga fans. Gustong-gusto nila akong

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   4

    CadeHabang naglalakad sa malawak na palayan ng aming pamilya ay ninammam ko ang sariwang simoy ng hangin nitong probinsya. tyPapunta ang daan na ito kina Letty."Pakiramdam ko I will enjoy my vacation." sa sulok ng aking mga mata kita ko kung paanong ngumiti si Letty.Habang hawak ko ang skin care products na hindi ko dapat malimutan. Hawak niya ang iba ko pang gamit."Sana nga. Hindi ko alam kung anong naisip mo, Piper. Mabuti na lamang at pinayagan ka ni Inay. Susunod din si Itay para mabantayan ka"Ilang beses kong kinulit si Manang Evy na payagan akong magbakasyon sa kanila. Unang pangungulit ko ay hindi siya pumayag pero pagkalaon ay pumayag din naman. May isa

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   5

    MatandaNang nasa mismong baryo na kami ni Letty ay para bang nakahinga ako. Ang iilang mga bata doon ay naglalaro ng moro-moro at ang iba naman ay nagtatago sa puno.Ang grupo ng matandang naghanay sa tindahan habang humalakhak sa kanilang pinag uusapan ay napatigil sa kasiyahan. May mangilan-ngilan sa kanilang masama akong tinignan at iba naman ay ngumiti sa akin."Tara na. Baka pati bahay natin angkinin din niya. Anak pa naman siya ni Don Emilio", bulung-bulungan ng ilang kababaihan na may hawak na basket ng mga gulay at kanya-kanyang pumulas sa kanilang mga bahay.Hindi ko sila pinansin bagkus ay tuwid pa rin akong naglakad habang si Letty naman ay patakbong hinabol ako.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   6

    Puberty Hits"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?"Natawa ako sa kanyang tanong. Hinampas siya ng kapatid nitong nakaupo sa kanyang tabi."Sabihin na nating natuto ako sa community service namin noong first year college ako", pagsagot ko ng pag may malalaki sa aking tono.It was challenging. Iyon bang gigising kami ng maaga ng mga groupmates ko para maipaghanda ng makakain ang mga bata sa lansangan at turuan sila. Hindi naman dapat ganon ang aking community service. Nahuli lamang ako sa pagregister kaya imbis na ka-department ko ang kasama ko. Sa education students ako napabilang. I have no choice that time lalo pa't my cousins are watching every actions and decisions that I made.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   7

    Lecio"Paano naman nangyari iyon?", kanina pa ko pabalik-balik sa paglalakad habang hawak ang aking baba at nakapatong ang isa kong kamay sa aking braso.Si Letty na abalang inaayos ang gamit ko sa may cabinet ay nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Kanina niya pa ko hindi iniimik. Marahil ay napagod siya sa paglalakad naming dalawa. Idagdag pang inaayos niya ang gamit ko.Nang makitang nakaupo na siya sa malaking papag na may foam ay tumabi ako sa kanya. Tatlo lang ang kwarto nila at hindi kasing laki ng kwarto. But the space is fine with me. Makakagalaw pa rin naman ako ng ayos. Sabi ni Abel ang pangatlong kwarto ay para sa kanyang mga magulang na minsan lang umuwi lalo na si Mang Ben dahil abala siya sa pagiging driver ko.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   8

    Silip"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan."Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito.Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani."Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.Ano bang nangyari

    Last Updated : 2021-03-05

Latest chapter

  • Esta Guerra   Wakas

    Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma

  • Esta Guerra   70

    Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r

  • Esta Guerra   69

    Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g

  • Esta Guerra   68

    Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na

  • Esta Guerra   67

    NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T

  • Esta Guerra   66

    Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s

  • Esta Guerra   65

    Sa Muling PagkikitaAng araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon."Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.Ilang segundo bago niya sinagot."Nasaan ka?!""Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag""Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!""Ayokong madamay ka""Matagal na kong damay dito!"Ilang lunok ang laway ang ginawa ko."Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!""Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito""Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko."Magkita tayo sa sakayan ng bus"

  • Esta Guerra   64

    Trahedya"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan."Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag."Hindi naman sa naglih

  • Esta Guerra   63

    Picture Frame"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels."Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F.P Journe watch nito."Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it.While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahi

DMCA.com Protection Status