Share

6

Author: 4the_blg3
last update Last Updated: 2021-03-05 14:46:48

Puberty Hits

"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?"

Natawa ako sa kanyang tanong. Hinampas siya ng kapatid nitong nakaupo sa kanyang tabi.

"Sabihin na nating natuto ako sa community service namin noong first year college ako", pagsagot ko ng pag may malalaki sa aking tono.

It was challenging. Iyon bang gigising kami ng maaga ng mga groupmates ko para maipaghanda ng makakain ang mga bata sa lansangan at turuan sila. Hindi naman dapat ganon ang aking community service. Nahuli lamang ako sa pagregister kaya imbis na ka-department ko ang kasama ko. Sa education students ako napabilang. I have no choice that time lalo pa't my cousins are watching every actions and decisions that I made.

It was actually fun teaching street children ng walang halong kaartehan. Hindi ako pwedeng magluto. All I can do is magtadtad ng mga ingredients pero minsan ay hindi na nila iyon pinagagawa sa akin. Pero I insisted na dapat ay maghirap din naman ako paminsan-minsan.  Katulad nga ng aking sinuhestiyon mahirap na trabaho ang binigay nila sa akin.

May mga bata na minsan lang maligo kaya ang iba sa kanila ay ako ang nagpapaligo. Syempre nung una ay may kaartehan pa kong taglay pero ng tumagal at nasanay ay nawala din iyon. Lalo ng masaksihan ko kung gaano kahirap ang buhay nila sa lansangan.

Kaya nga sobrang pasasalamat ko sa Diyos. Dahil ang problema ko lamang ay ang pagsikat ng araw sa umaga upang makabangon samantalang ang mga batang iyon. Pag gising pa lamang sa umaga problema nila ay makakainn maghapon.

"Pasensya na Piper ito lang ang nakayanang iluto ni Kuya. Nagtext naman kasi ako sa kanya na darating ka tapos hindi yata binasa", Letty stared angrily to his brother. How I wish I have brother like him.

Pinagsandok ako ni Letty ng kanin saka nilagyan ng bulanglang na sitaw ang plato ko.

"It's fine with me. Anong akala niyo sa akin hindi ako sanay sa ganitong pagkain?", malaki ang pag ngisi ni Abel sa kanyang kapatid. Nanunuya ang ngising iyon.

Tumayo ako upang maghugas ng kamay saka bumalik sa aking pwesto. Pinagmasdan lamang nila akong kumain.

"Uhmm. Piper, hindi halatang hindi ka maalam magkamay. Saka sinabawan yan", para bang pilit ang ngiti ni Letty dahil sa ginawa ko.

"Oo nga pala. Gagamit na lang ako ng kutsara", muli akong tumayo saka naghugas ng kamay.

"Kumusta pala ang buhay artista? Akala ko malilimutan mo na kami", hindi ko alam kung bakit kapag nasa harap ng hapag kailangan pag usapan ay ang pagiging artista ko.

But I have no choice to answer his question. Kuryoso siya sa buhay ko.

"Hindi kita malilimutan, Abel. Paano ba naman  ang lakas mong mang asar nung bata pa tayo", he laughed out loud.

Nakataas ang isang paa niya habang nakain. Para bang sarap na sarap siya sa pagkain.

"Bakit parang walang alam ako sa ginawa sayo ni Kuya?", pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Abel.

I rolled my eyes. "Inasar niya ko dun sa eww! Batang lalaki na hindi ko naman tipo"

Uminom si Abel sa kanyang baso bago nakuhang magsalita.

"Maka eww ka dyan. May natitira pa palang kaartehan sa katawan mo. Pag nakita mo yun baka mapa aww ka sa sarap", hinampas siya ng kanyang kapatid sa braso nito.

"Aray ko naman, Letty! Miss na miss mo kong hampasin. Ano?", singhal nito sa nakababata niyang kapatid.

"Kung anu-ano kasing sinasabi mo kay Piper", lumabi ito.

"Hindi na batang musmos si Piper sa mga ganong bagay", tama naman siya. Nasa tamang edad na ko saka ilang lalaki na rin ang nahalikan ko sa industriya ng pag a-aartista. Pero hindi naman iyon halik na malalim katulad ng mga may bed scene.

Mapapatay ako ni Mama kapag nagkataon. My mom is conservative and dalagang Pilipina. Sumikat siya sa pag aartista ng kapanahunan niya na wala siyang sexy scene.  Maliban na lamang nung kailangan niyang mag bikini sa isa sa mga movies niya.

Sa gitna ng pag aasaran ng magkapatid ay may nakapagpawala sa sistema ko. I almost had a heart attack.

"Abel. Pwede bang makahingi sa inyo ng dahon ng saging?"

Nang tinignan ko kung sino ang nagsalita ay nalaglag ko ang kutsarang hawak ko. Dali-dali ko namang pinulot iyon sa sahig saka pinaltan ng ibang kutsara.

"Mawalang galang sa pag kain niyo. Pumasok na ko sa loob para kasing walang nakakarinig sa akin sa labas", kumamot sa ulo ang lalaking nasa harap ko.

He's wearing a white fitted sando at naka shorts lamang siya na gutay-gutay. Plus ang hot niya with his hat na pang magsasaka.

Namalayan ko na lamang na pinunasan ni Letty ang mukha ko gamit ang kanyang piece towel.

"Namamawis masyado ang mukha mo", pagganyak ay inagaw ko iyon sa kanya at ngumuso siya ng bumalik sa kanyang pwesto.

Nakangiti siyang abot langit. What's with her?

Binalik ko na lamang ang mga mata ko sa lalaking nakatayo pa rin sa harap ko. Ngayon ay nagpapaypay siya gamit ang kanyang saklob na dala.

"Sige, Pre. Kumuha ka na lang dyan sa may bakuran", tatalikod palang ang binata ng nagsalita muli si Abel.

"Pre, sandali nga muna. Lumapit ka", tinignan ko si Abel tila may binabalak siya.

Sinunod ng binata ang sinabi nito. I can feel his hotness. Para bang sinisilaban ako. Piper! Kumalma ka. It's just him! One of your farmers! Isa sa mga naglilingkod sa pamilya niyo. Wag kang matunaw sa kanya.

"Si Piper alala mo pa?", hindi siya sumagot sa tanong ni Abel. Sandali niya lamang akong tinignan.

Ang itim niyang mga mata ay malamig na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba kong ngumiti o ano. Pero sa huli ay pilit akong ngumiti.

"Marami pa kong gagawin"

Nang mawala siya sa aming mga mata ay para bang nakahinga ako ng maluwag.

"Kuya! Hindi mo manlang pinakilala ng ayos ang ating Senyorita sa kanya", Letty growled at him.

Oo nga! Hindi niya manlang ako pinakilala. Kahit shake hands ay hindi ko manlang nagawa. I wonder kung gaanong katigas ang kamay niya dahil sa gawain niya sa bukid. Ganon din siguro katigas ang defined muscles nito.

"Hindi na kailangan. May past silang dalawa at alam kong kinalimutan na iyon ni Cade kagaya ng ginawa ng ating Senyorita", sumipol-sipol siya bago tuluyang tinapos ang kanyang pagkain. Nilagay niya ang pinggan sa  lababo.

"What do you mean past? Wala pa kong nagiging boyfriend"

Humagalpak sa tawa si Abel na ngayon ay nasa sala. Nakaupo siya sa kawayan na upuan at nagpaypay gamit ang abaniko.

"Siya lang naman yung batang pinandidirahan mo noon. Yung nagbibigay sayo ng palay bilang bouquet ng bulaklak"

Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Si Letty naman ay nag iisip din. Pero nagliwanag ang mukha nito saka humagalpak sa tawa.

"Ah. Naalala ko na!", pumalakpak pa si Letty sa kanyang naisip.

Nag isip pa ko ng maigi habang nakain. Nabitawan ko ang aking kutsara ng naalala ko kung sino iyon.

"Siya si Casimiro? Casimiro Declan Paez?", tumango ng dahan-dahan si Abel ng tinignan ko siya with my eyes widened.

Hindi ko akalain na la-laking matipuno ang isang iyon. With his body na mukhang stick at amoy lansangan?

Puberty totally hits him.

----#ESTA GUERRA----

Related chapters

  • Esta Guerra   7

    Lecio"Paano naman nangyari iyon?", kanina pa ko pabalik-balik sa paglalakad habang hawak ang aking baba at nakapatong ang isa kong kamay sa aking braso.Si Letty na abalang inaayos ang gamit ko sa may cabinet ay nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Kanina niya pa ko hindi iniimik. Marahil ay napagod siya sa paglalakad naming dalawa. Idagdag pang inaayos niya ang gamit ko.Nang makitang nakaupo na siya sa malaking papag na may foam ay tumabi ako sa kanya. Tatlo lang ang kwarto nila at hindi kasing laki ng kwarto. But the space is fine with me. Makakagalaw pa rin naman ako ng ayos. Sabi ni Abel ang pangatlong kwarto ay para sa kanyang mga magulang na minsan lang umuwi lalo na si Mang Ben dahil abala siya sa pagiging driver ko.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   8

    Silip"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan."Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito.Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani."Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.Ano bang nangyari

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   9

    Pissed offAng kanyang mga unan niyang ginamit ay nakasalansan ng maayos sa may pader. Before I finally got up from my bed. I stretched my body.Nang lumapat ang aking paa sa sahig I just realize that I don't have any slippers. Nakalimutan kong magdala ng tsinelas na panloob. Baka magkaroon ng kalyo itong paa ko. Damn! Ang hirap pa namang tanggalin ang isang yon.Nasa may patuto pa lamang ako ng pintuan ay amoy ko na agad ang kape na mula sa kusina. It smells so aromatic na para bang hinahalina akong uminom nito. But I have to refuse dahil alam ko'y nahawa iyon sa balat.Si Abel na nagsasalin ng tubig mula sa takore ay nakangiting tumingin sa akin. Nagmwestra siyang inalok ako ngunit pag iling

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   10

    AbarquezNagpaliwanag si Abel kung bakit hindi siya nakasunod sa akin. Tumawag daw kasi si Manang Eve sa kanya. Napahaba ang kanilang usapan. Humingi din siya ng tawad dahil kung may nangyaring masama sa akin ay dahil sa kapabayaan niya.Ako naman na ngayon na naghihintay sa maliit nilang sala para sa hapunan ay abalang kausap ang aking ina."Yes, Ma? Don't worry about me"Nalaman kasi ni Mama na may armadong lalaki na galing dito kanina kaya agad siyang napatawag ng mabakantehan siya ng oras. Ilang beses niya kong kinukulit na umuwi na lamang sa mansyon at dun aliwin ang sarili ko."Hindi nga. Where's Papa is he okay or busy with our business?"

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   11

    Cade'sPOVApelyido"Anak, sinabi ko naman sayong ayos lang ako", sabi ng aking Ina habang ginagamot ang sugat niya.Nakaupo kaming dalawa sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ko ang nakababata kong kapatid. Mukhang handa na siyang magsaka ngayong araw. Sinabi niyang siya muna ang papalit kay Inay para may tumulong sa akin.Si Cazue kasi ay maagang pumunta ng kabundukan upang kumuha ng kahoy na gagamitin panggatong."Inay, ilang beses ko ng sinabi na wag ka ng sumali sa protesta ng mga magsasaka", muli kong tinignan ang mga sugat niya sa braso at tuhod nito.Kita ko kung paanong pinagtabuyan sila ng mga

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   12

    KasintahanMaaga kaming pinatapos ni Mang Gracio sa bukid dahil dumating ang asawa nito kasama si Don Emilio.Nagkunwari pa siyang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw kaya't tuwang-tuwa naman sa kanya ang gobernardor.Nang makauwi kasama ang aking bunsong kapatid ay agad kong napansin si Cazue. Kitang-kita ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa kanyang buhok pati na rin ang iilang tuyong dahon na dumikit sa kanyang buhok. Halatang bagong dating ang isang ito dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng buhok. Kahit ang suot nitong sira-sirang damit at pantalon pang bundok ay hindi pa napapalitan."Panabay lang tayo, Kuya", sabi niya ng makita akong pumasok sa loob kasama ni Dero.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   13

    Katanggap-tanggapKagagaling ko lamang sa sakahan upang kunin ang naiwang tubigan ni Dero sa kubo. Kinabukasan ko na sana kukunin iyon ngunit nagtotopak aking kapatid. Mahalaga iyon sa kanya dahil bigay yun ng aking Itay bago nangyari ang gabing iyon.Hindi na ko nagtricyle kaya't sa hindi ako sa mismong kalsada dumaan kundi sa likod ng mga bahay. Dapit-hapon na kaya't panay abala ang mga tao sa pagluluto ng kanilang hapunan. Kita ko kasi ang usok mula sa maliliit na bahay pataas sa bubong nito.Habang naglalakad sa madamong daanan ay kita ko kung paanong pumulas ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto. Kanya-kanya silang pasok sa loob ng tahanan. Ang mga bata naman ay sinuway ng isang matandang lalaki na may hawak ng pamatpat. Hindi k

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   14

    Ilang araw simula ng nakita kong muli ang unang dalagang nagpatibok ng puso ko. Nalaman ko kay Abel na nagbabakasyon pala ang isang iyon at gusto munang mamahinga sandali sa industriya ng pag aartista. Pero pansamantala lamang iyon at hindi naman aabutin ng ilang buwan.Mabuti nga't ang lugar namin ang napili niyang pagbakasyunan. Malayo ang aming baryo sa mismong bayan kaya sigurado akong mas kakaunti lamang sa bilang ng aking mga daliri ang makakakilala sa kanya.Sa amin kasi ay iilan lang ang nabiyayaan magkaroon ng telebisyon. Ang iba ay nakikinood lang sa kapitbahay. Imbis kasi na ipangbili ng telebisyon nilalaan na lang ang pera pangbili ng ulam.Ngayong umaga ay sumabay sa akin si Abel papasok ng kanyang eskwelahan. Nagh

    Last Updated : 2021-03-05

Latest chapter

  • Esta Guerra   Wakas

    Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma

  • Esta Guerra   70

    Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r

  • Esta Guerra   69

    Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g

  • Esta Guerra   68

    Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na

  • Esta Guerra   67

    NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T

  • Esta Guerra   66

    Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s

  • Esta Guerra   65

    Sa Muling PagkikitaAng araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon."Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.Ilang segundo bago niya sinagot."Nasaan ka?!""Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag""Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!""Ayokong madamay ka""Matagal na kong damay dito!"Ilang lunok ang laway ang ginawa ko."Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!""Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito""Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko."Magkita tayo sa sakayan ng bus"

  • Esta Guerra   64

    Trahedya"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan."Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag."Hindi naman sa naglih

  • Esta Guerra   63

    Picture Frame"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels."Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F.P Journe watch nito."Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it.While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status