Share

7

Author: 4the_blg3
last update Last Updated: 2021-03-05 14:47:01

Lecio

"Paano naman nangyari iyon?", kanina pa ko pabalik-balik sa paglalakad habang hawak ang aking baba at nakapatong ang isa kong kamay sa aking braso.

Si Letty na abalang inaayos ang gamit ko sa may cabinet ay nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Kanina niya pa ko hindi iniimik. Marahil ay napagod siya sa paglalakad naming dalawa. Idagdag pang inaayos niya ang gamit ko.

Nang makitang nakaupo na siya sa malaking papag na may foam ay tumabi ako sa kanya.  Tatlo lang ang kwarto nila at hindi kasing laki ng kwarto. But the space is fine with me. Makakagalaw pa rin naman ako ng ayos. Sabi ni Abel ang pangatlong kwarto ay para sa kanyang mga magulang na minsan lang umuwi lalo na si Mang Ben dahil abala siya sa pagiging driver ko.

Bahagyang lumangitngit ang pagpag ng sinubukan kong humiga. "Oww"

"Matibay ito kaya wag kang mag alala. Saka kung hindi ka komportableng may katabi sa pagtulog. Pwede namang sa sala ako matulog mamayang gabi", alam niyang noon pa man ay hindi ako sanay na may katabi sa kama kahit ang mga magulang ko ay ayokong katabi  maliban lang kapag nakulog at kidlat.

Pero sa Laguna ay wala akong katabi kapag may kulog at kidlat kaya ang tanging ginagawa ko na lamang ay intayin ang takot kong mawala bago muling matulog. Swerte na lang ako kapag dumadalaw sina Mama at Papa sa aking mansyon. Parehas nila akong tinatabihan upang mawala ang takot ko.

"Hindi ako mag iinarte. It's part of my vacation!", lalo pa kong naglikot kaya lumangitngit ng mas malakas ang papag.

"Bago ko makalimutan Piper paano kayo nagkakilala ni Cade? Tapos umakto ka pang parang may amnesia. Kaya hanga ako sayo eh artistang-artista ang dating mo. Yun nga lang halatang kinilig ka ng makita siya kanina. Ulam na ulam ba?", gusto ko sanang matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko lang.

"Ulam nga at hindi ko iyon maipagkakaila. He's freaking handsome. Hindi ko alam anong ginamit niyang skin care products para magkaganon siya. I wonder kung ilang beses siya nag gy-gym kada araw. Nagkilala kami dahil kay Abel", tumikhim ako sa sarili kong sinabi habang nakatingin sa bubong nilang walang kisame.

Naramdaman ko ang pag ihip ng hangin. Akala ko'y binuksan niya ang bintana upang maging mapresko ngunit binuksan niya pala ang electric fan na nagbubuga rin ng mainit na hangin. It's really hot in here pero kailangan kong tiisin.

"Hindi siya nag gy-gym at wala siyang oras para sa ganong bagay. Siguro kaya ganon ang katawan niya dahil sa pagsasaka", maybe she's right.

"Tara. Dun tayo sa may terrace. Mas mahangin", sumunod naman ako sa kanya.

Muntik pa kong matalisod sa aking paglabas ng makita kung sino ang kausap ni Abel. Tumigil ang pagtatawanan nila ng makita akong nakatayo sa may hamba ng pintuan.

Matinding pakikipagtitigan ang ginawad naming dalawa sa isa't-isa ng magtama ang mga mata namin. Natigil lang iyon ng kunwaring umubo si Abel.

Umupo ako katabi ni Letty at malayo ang distansya ko sa lalaking nakatitigan ko.

"Hindi ka na ba masyadong binabanas?", tumango ako sa tanong ni Letty. Tama siya mas mahangin dito kaysa sa loob. Ang mapreskong hangin dahil sa mga puno ay masarap sa pakiramdam. Ngayon na lamang ako nakalasap ng sariwang hangin na galing sa kalikasan. Matagal na rin ang huling punta ko sa kakahuyan, iyon pa ay yung huling pagsama ko kay Kuya Wyn.

"Kailan mo pala balak magturo sa public school?", tanong ni Abel sa lalaking ngayon ay  binitawan ang hawak nitong sumbrero.

"Hindi pa ko nakakapag LET. Nagrereview pa lang ako", ibig sabihin ay pagtuturo ang tinapos niya. Ano kayang major ang kinuha niya? O baka naman Elementary ang kanyang tinuturuan?

Kung highschool man ang kanyang tinuturuan I'm sure his students will love to attend his class everyday.

"Kuya lutang ka ba? Fresh graduate palang si Cade paano yan makakapag LET agad", saad ni Letty.

"Dulot siguro yan ng pag inom niya kagabi", dahilan ni Cade.

"Hang over. Oo... Tama", napakamot si Abel sa kanyang ulo tila nag iisip bakit niya iyon naitanong.

Si Letty naman na nasa tabi ko ay bahagyang lumapit sa akin. Bumuwelo pa siya sa kanyang pagbulong upang hindi mahalata.

"Magna cum laude siya ng kanilang batch", nagpigil ako sa pagkagulat dahil baka mapansin nilang nakikinig ako sa usapan.

Nahiya naman ako sa magna cum laude. Samantalang ako'y hindi na nakatapos ng pag aaral. Hanggang unang semestre lang ng third year ang tinapos ko.

"Piper, dala ni Cade. Baka gusto mong tikman", inipod ni Abel ang pinggan na may dahon ng saging papunta sa akin.

Dali-dali namang kumuha ng tinidor si Letty at binigay iyon sa akin. Tinitigan ko pang maigi kung ano iyon.

Kunot-noo kong tinusok iyon ng pauti-uti.

"Saan ito gawa? Bakit parang kulay lupa tapos may kanin?", napakamot si Abel sa kanyang ulo.

"Sinukmani ang tawag dyan", sabi ni Letty.

"Walang lason yan", napatingin ang aking mga mata sa lalaking nagsabi nito. Hindi ko naman iniisip na may lason ito. Nagtataka lang ako kung bakit ganito ang itsura.

"Pre, tabi nga muna", pagkakuwan ay nagpalit sila ng pwesto.

Kinuha niya ang tinidor sa kamay ko saka kumuha ng isang slice. Sinubo niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung paano naging mabilis ang pagkilos niya. Wala akong nagawa kundi kainin iyon.

Ang magkapatid naman ay nanonood sa amin habang natatawa. Kaya't inagaw ko kaagad kay Casimiro ang tinidor. Inayos ko ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

"Kaya ko na to'. Thank you", pilit kong pagsusungit sa kanya. Umusli ang kaunting ngiti sa labi nito.

"Masarap di ba?", tanong ni Letty. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Siguro itong sinukmani.

Napalunok na lamang ako sa sarili kong inisip.

Hindi ko akalain na ang sarap niya magluto.

"Oo. Tikman mo rin", ginawa niya naman ang sinabi ko at nag thumbs up.

"ABEL! CADE!", malakas na sigaw ng lalaki. Nakatayo ito sa may labas ng kahoy na gate nila Abel at unipormado siya.

"Lecio! Pare! Tuloy ka!", maagap na sabi ni Abel at agad namang tumayo si Cade.

Nang makarating sa pwesto namin ang lalaki ay agad niyang sinalubong ng yakap ang dalawa. Tinanggal niya ang sariling saklob at saka nagpaypay gamit nito.

Ngiting-ngiti naman siya sa akin. Wala ang isang ngipin niya sa unahan. Ganon pa rin pala ang isang ito akala ko'y tutubuan pa siya ng ngipin.

Kung si Cade ay patpatin. Noon si Lecio naman ang mataba na mahilig kumain ng suman.

"Umaasenso ka na ah!", tapik ni Abel sa braso nito. Halata naman sa damit niya at init-init ay naka tuxedo siya.

"Buti naman napadalaw ka. Akala namin hindi ka na uuwi matapos ang ilang buwan na wala ka dito", sabi ni Cade na inalok niya ng sinukmani ang lalaki. Subalit umiling lamang ito ng inabot sa kanya ang pinggan.

"Dadalaw pa rin naman ako. Yun nga lang minsan", patawa-tawang sabi nito.

"Bakit naparito ka?", tanong ni Cade. Madaldal naman pala siya pero kapag ako ang kausap niya ay parang wala siyang makuhang salita para kausapin ako.

Ang dami niyang tanong kay Lecio ngunit ako ay hindi manlang tanungin.

"Kinausap ko kasi yung buyer ng lupa at bahay namin. Sa wakas ay bibilhin niya na", mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"Ikaw din Abel iniintay ka na ng America. Dun ka na magtrabaho o kaya sa Singapore. Maganda ang kitaan don ng mga Engineer kaysa naman dito. Gagaya ka pa kay Cade puro pagtatanim ang alam", halakhak nito na akala mo'y hindi naging magsasaka ang mga magulang niya.

"Oo nga eh. Ang hirap magtanim ng palay magkano lang makukuha mo sa pag ani. Isama mo pa yung collateral niyo sa lupa. Saka karamihan sa mga sakahan ngayon ginagawa ng subdivision kaya tiba-tiba talaga ang mga Engineer", sabagay tama nga naman siya. Yung mga nakikisaka sa aming lupa ay may bayad talaga sila. Kung hindi sila nakabayad ay sa amin na ng tuluyan ang kanilang lupa. Kaya hindi ko maintindihan sa mga tao kung bakit nila ginigiit na sa kanila ang lupa.

Matagal ng sa amin iyon. Panahon pa ng grand-grand parents ko.

"Ewan ko ba kay Cade bakit pagiging guro ang nagustuhan at hindi maiwan itong sakahan", dagdag ni Abel sa kanya sinabi.

Tumikhim si Cade at bubuwelo na sa pagsagot.

Siguro kung naging Engineer siya tiyak na mas lalong mahuhumaling ang mga babae sa kanya. Kung sabagay nakukuhamaling din naman ang pagiging guro at the same time ang pagiging magsasaka.

----#ESTA GUERRA----

Related chapters

  • Esta Guerra   8

    Silip"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan."Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito.Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani."Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.Ano bang nangyari

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   9

    Pissed offAng kanyang mga unan niyang ginamit ay nakasalansan ng maayos sa may pader. Before I finally got up from my bed. I stretched my body.Nang lumapat ang aking paa sa sahig I just realize that I don't have any slippers. Nakalimutan kong magdala ng tsinelas na panloob. Baka magkaroon ng kalyo itong paa ko. Damn! Ang hirap pa namang tanggalin ang isang yon.Nasa may patuto pa lamang ako ng pintuan ay amoy ko na agad ang kape na mula sa kusina. It smells so aromatic na para bang hinahalina akong uminom nito. But I have to refuse dahil alam ko'y nahawa iyon sa balat.Si Abel na nagsasalin ng tubig mula sa takore ay nakangiting tumingin sa akin. Nagmwestra siyang inalok ako ngunit pag iling

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   10

    AbarquezNagpaliwanag si Abel kung bakit hindi siya nakasunod sa akin. Tumawag daw kasi si Manang Eve sa kanya. Napahaba ang kanilang usapan. Humingi din siya ng tawad dahil kung may nangyaring masama sa akin ay dahil sa kapabayaan niya.Ako naman na ngayon na naghihintay sa maliit nilang sala para sa hapunan ay abalang kausap ang aking ina."Yes, Ma? Don't worry about me"Nalaman kasi ni Mama na may armadong lalaki na galing dito kanina kaya agad siyang napatawag ng mabakantehan siya ng oras. Ilang beses niya kong kinukulit na umuwi na lamang sa mansyon at dun aliwin ang sarili ko."Hindi nga. Where's Papa is he okay or busy with our business?"

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   11

    Cade'sPOVApelyido"Anak, sinabi ko naman sayong ayos lang ako", sabi ng aking Ina habang ginagamot ang sugat niya.Nakaupo kaming dalawa sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ko ang nakababata kong kapatid. Mukhang handa na siyang magsaka ngayong araw. Sinabi niyang siya muna ang papalit kay Inay para may tumulong sa akin.Si Cazue kasi ay maagang pumunta ng kabundukan upang kumuha ng kahoy na gagamitin panggatong."Inay, ilang beses ko ng sinabi na wag ka ng sumali sa protesta ng mga magsasaka", muli kong tinignan ang mga sugat niya sa braso at tuhod nito.Kita ko kung paanong pinagtabuyan sila ng mga

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   12

    KasintahanMaaga kaming pinatapos ni Mang Gracio sa bukid dahil dumating ang asawa nito kasama si Don Emilio.Nagkunwari pa siyang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw kaya't tuwang-tuwa naman sa kanya ang gobernardor.Nang makauwi kasama ang aking bunsong kapatid ay agad kong napansin si Cazue. Kitang-kita ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa kanyang buhok pati na rin ang iilang tuyong dahon na dumikit sa kanyang buhok. Halatang bagong dating ang isang ito dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng buhok. Kahit ang suot nitong sira-sirang damit at pantalon pang bundok ay hindi pa napapalitan."Panabay lang tayo, Kuya", sabi niya ng makita akong pumasok sa loob kasama ni Dero.

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   13

    Katanggap-tanggapKagagaling ko lamang sa sakahan upang kunin ang naiwang tubigan ni Dero sa kubo. Kinabukasan ko na sana kukunin iyon ngunit nagtotopak aking kapatid. Mahalaga iyon sa kanya dahil bigay yun ng aking Itay bago nangyari ang gabing iyon.Hindi na ko nagtricyle kaya't sa hindi ako sa mismong kalsada dumaan kundi sa likod ng mga bahay. Dapit-hapon na kaya't panay abala ang mga tao sa pagluluto ng kanilang hapunan. Kita ko kasi ang usok mula sa maliliit na bahay pataas sa bubong nito.Habang naglalakad sa madamong daanan ay kita ko kung paanong pumulas ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto. Kanya-kanya silang pasok sa loob ng tahanan. Ang mga bata naman ay sinuway ng isang matandang lalaki na may hawak ng pamatpat. Hindi k

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   14

    Ilang araw simula ng nakita kong muli ang unang dalagang nagpatibok ng puso ko. Nalaman ko kay Abel na nagbabakasyon pala ang isang iyon at gusto munang mamahinga sandali sa industriya ng pag aartista. Pero pansamantala lamang iyon at hindi naman aabutin ng ilang buwan.Mabuti nga't ang lugar namin ang napili niyang pagbakasyunan. Malayo ang aming baryo sa mismong bayan kaya sigurado akong mas kakaunti lamang sa bilang ng aking mga daliri ang makakakilala sa kanya.Sa amin kasi ay iilan lang ang nabiyayaan magkaroon ng telebisyon. Ang iba ay nakikinood lang sa kapitbahay. Imbis kasi na ipangbili ng telebisyon nilalaan na lang ang pera pangbili ng ulam.Ngayong umaga ay sumabay sa akin si Abel papasok ng kanyang eskwelahan. Nagh

    Last Updated : 2021-03-05
  • Esta Guerra   16

    Music"Ang ganda mo!", manghang sinabi ni Letty dahil sa aking suot na bestida. The top of my dress is plain black while the skirt's design is floral that mixed with yellow and white.Si Letty naman ay halos pareho ng suot ko ngunit ang sa kanya ay purong dilaw ang suot nito na may konting touch ng itim at diamonds.Siya ang namili ng aming susuotin. Hindi naman ako umangal dahil maganda ang taste niya.Binagay namin iyon sa tema ng party dilaw na anihan at sayawan ng mga balatkayo kung hindi ako nagkakamali. Pabor sa akin ang tema dahil hindi ako makakaattend kung hindi masquerade ang party'ng iyon."Paano ko kaya makikita ang babaeng para sa akin k

    Last Updated : 2021-03-23

Latest chapter

  • Esta Guerra   Wakas

    Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma

  • Esta Guerra   70

    Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r

  • Esta Guerra   69

    Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g

  • Esta Guerra   68

    Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na

  • Esta Guerra   67

    NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T

  • Esta Guerra   66

    Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s

  • Esta Guerra   65

    Sa Muling PagkikitaAng araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon."Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.Ilang segundo bago niya sinagot."Nasaan ka?!""Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag""Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!""Ayokong madamay ka""Matagal na kong damay dito!"Ilang lunok ang laway ang ginawa ko."Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!""Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito""Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko."Magkita tayo sa sakayan ng bus"

  • Esta Guerra   64

    Trahedya"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan."Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag."Hindi naman sa naglih

  • Esta Guerra   63

    Picture Frame"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels."Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F.P Journe watch nito."Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it.While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status